42
"Where's Eugene?" napalingon ako sa tumabi sa akin. Nakatayo kasi ako ngayon at pknapanood sila Camillo habang kausap ang ilang lalaking naka itim.
Si Argon.
"Sabi niya may tatawagan lang daw siya saglit." sagot ko. "Kasama niya si Reyven." dagdag ko pa.
Nakita ko naman na napatango siya habang nakatingin din kina Camillo.
"Do you love him?" nilingon ko ulit siya. At hindi ako nag salita hanggat hindi siya lumingon. Hindi ko alam kung ano ba trip nito. Lung tinatanong niya kung mahal ko si Eugene, oo ang sagot ko. Pero baka kasi mamaya may iba siyang ibig sabihin.
"Si Eugene." lingon niya.
Diretso ko siyang tinignan sa mata at sinagot. "Mahal ko si Eugene. Bakit?"
Natawa siya at yumuko saglit bago muling tumingin sa akin. "Nag tatanong lang. Alam mo bang sobrang nakakatakot si Eugene pag galit? Siya 'yung bunso sa amin, pero hindi namin siya ma handle kapag galit. Miski si Akai, nahihirapan sa kanya."
Tumaas ang kilay ko. Nag sheshare lang ba siya o ano? Bakit niya sinasabi ito sa akin?
"Eugene is a Martillano and also a Macaraig. Do you know how powerful his surname is?"
"Bakit mo ba sinasabi sa akin 'yan?" tanong ko na.
Nagkibit balikat siya. "Baka lang gusto mong malaman yung buhay na papasukin mo."
"Alam ko naman ang papasukin ko. Hindi naman sihuro ganon kasama magkaroon ng asawang doktor?"
"Hindi lang siya doktor. Siya rin ang Ceo ng Martillano holdings. At isa rin siya sa Direktor ng Macaraig medical center." sabi ni Argon.
Macaraig medical center. Eugene Macaraig...
Shit!
Ibig sabihin....
"Love," mabilis akong napalingon sa likod ko. Si Eugene. Nakatingin siya sa likod ko, kay Argon. "Anong pina uusapan ninyo?"
Napapalunok akong umiling. "Wal-"
Natigil ako ng sumingit si Argon. Napalingon ako sa kanya.
"Wala naman, nakikipag kwentuhan lang ako kay Future Mrs. Macaraig." ngiti ni Argon. "Oh siya, babalik na ako don." turo niya doon sa mga lalaking mag uusap.
Hindi ko alam kung bakit ako lunok ng lunok.
Napatalon ako ng bigla akong haplusin ni Eugene sa beywang. "Hey, you okay?" tanong agad niya. Hinarap niya ako sa kanya.
"Love, you okay?" ulit pa niya.
Pinilit ko naman ngumiti sa kanya. "O..oo na-man.."
Nakita kong tumaas ang kilay niya kaya alam ko kaagad na hindi siya naniniwala sa sagot ko.
"Anong pinag usapan ninyo ni Argon?" nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Shit. Lalo pa nang lingunin ang direksyon kung nasaan ito.
"Eugene, Eugene!" pigil ko sa kanya ng nag badya na itong pupuntahan si Argon. Salamat na lang din at nahawakan ko siya sa braso.
"What? Did he tell you something? What is it?" galit na tanong niya.
"Hindi wala nga.." iling ko.
"Kilala kita, Dell. Huwag kang mag sinungaling sa akin." kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Napayuko na lang ako. Ganon ata talaga ako kabilis basahin. "What did he tell you?"
Inirapan ko siya. "Napapagod na ako Eugene okay? Uuwi na ako. Bahala ka sa buhay." sabi ko na lang at tinalikuran na siya. Dahil sa totoo lang hindi ko alam kung ano pa ang pwede kong sabihin sa kanya para tumigil siya. Nauubusan na ako ng mga salita, eh hindi naman siya naniniwala. Kaya ito na ang last card, ang uuwi mag isa. kung hindi pa ito tumalab, mag tumbling na lang ako pauwi.
"Love wait," habol niya sa braso ko. Shit. Nakahinga na rin ako ng maluwag.
Buti na lang tumalab.
"Magpapaalam lang ko kina Kuya Camillo," aniya pagkaharap ko.
"Okay." tango ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming pumunta kina Camillo.
"I told you, nakita ko si Arturo sa ospital!" rinig kong sinasabi ni Camillo pagkalapit namin.
"Saang hospital?" tanong agad ni Eugene pagkalapit namin. Agad akong tumutok sa kanya. Agad na bumalik sa utak ko ang sinabi ni Argon kanina, na hindi lamg basta doktor si Eugene.
"I saw him on Makati med Last month! Fuck! Hindi ko dapat hinayaan na mawala siya sa paningin ko!" si Camillo na sinuntok ang lamesa. "Kapag nalaman kong may kinalaman siya sa pagkawala ni Cecilia, putang ina lang!"
"Alright. Tatawag ako pag may nalaman ako sa makati med." ani Eugene. "Uuwi muna kami ni Dell, Kuya."
"Salamat." sabi ni Camillo bago ako binalingan.
Nabigla pa ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit.
"Thank you so much, Dell.." ani Camillo sa balikat ko. Umangat ng kusa ang kamay ko para haplusin ang likod niya..
"Thank you so much..thanks for coming to our life...you're really such a blessing in disguise. Thank you, thank you.." hindi ko mapigilan maawa sa kanya lalo pa na yakap niya ako at nababasag ang boses niyang habang nag sasalita. Hinayaan ko lang siya umiyak sa balikat ko. Nadako ang mata ko kay Eugene at nakita ko ang titig niya sa amin ni Camillo, sumilay ang ngiti sa labi niya. Nginitian ko rin siya.
Ilang sandali pa ay bumitiw na si Camillo. Nakayuko siya, hindi niya pinapakita ang mukha niya. "Im going to my room now, tell manang if you need anything." aniya at dumiretso sa isang mataas na pinto.
Naiwan kaming lahat doon na nakatingin lang sa pagpasok niya ng pinto.
####
"Nasaan tayo?" tanong ko kay Eugene ng tumigil kami sa isang simbahan. Kanina kasi pag kaalis namin sa farm ay wala ng nag salita sa amin, masyado akong naapektuhan ni Camillo. Naawa ako sa kanya. At masaya dahil alam ko na malapit na niyang makasama si Cecilia.
Nang makalabas kami sa sasakyan ay agad noyang hinawakan ang kamay ko. Hinalikan niya iyon saglit. "We're getting married." aniya.
Nanlaki ang mata ko. "Hoy!"
"Let's go." aniya na parang maglalaro lang kami habang papalapit sa simbahan. At mas lalo akong nabigla ng sinalubong kami ng dalawang sakristan. Sinamahan kaming pumasok sa loob.
"Seryoso ka ba?" naluluha na tanong ko sa kanya habang palakad kami at makita ko yung Father na nag hihintay na sa altar.
Tumigil siya saglit at kinulong ang mukha ko sa dalawa niyang palad. "I love you. So much. At hindi na ako makakapag hintay pa ng bukas para maging asawa mo, mahal na mahal kita. Papakasalan kita ngayon, bukas at sa lahat ng simabahan dito sa pilipinas at sa abroad para mahirapan ka ng makawala pa sa akin."
Sinuntok ko sa braso niya. "Eugene.."
"I mean it, love. Mahal na mahal kita." ani niya. Isa isa niyang pinunasan ang mga basa sa pisngi ko. "Now, be my bride tonight, and walk beautifully on the aisle. And me, as your husband, will be waiting on the altar, ready to say 'yes' to you." saglit niya akong hinalikan sa labi. "I love you so much.." sabi niya bago tumakbo papunta sa altar.
Hindi ko naman mapigilan ang umiyak dahil ngayong gabi na pala ako ikakasal hindi man lang ako nakapag ayos. Ni hindi ako nakapag pa manicure.. Napahawak ako sa ulo ng may naramdaman akong nilagay doon.
Nakita ko ang dalawang sakristan sa likod ko. May sinuot silang tela sa akin na nakasabit sa korona na nilagay nila sa ulo ko.
"Kung kailan po kayo ready," ani nung isa na tinutukoy marahil ang pag lalakad sa aisle.
Tumango ako at mabilis na inayos ang mukha ko. Pinunasan ko ang mukha ko. At nag lakad na..
Handa na ako..
Habang nag lalakad sa aisle ay nakikita kong napapayuko si Eugene.. Pero agad ding binabalik ang tingin sa akin kaya alam ko at nakikita kong umiiyak na siya. Ang mga luha sa mga niya ay alam kong resulta lang ng lubos na kasiyahan at pagmamahal sa akin..
Siya yung lalaking makulit..
Lalaking successful na bata at inakala kong pinagtitripan lang ako..
Yung lalaking inintindi ako,
Yung lalaking inunawa ang mga issues ko sa buhay..
Yung lalaking tanggap ako kahit napaka komplikado ko..at yung lalaking binubusog ako..
Yung lalaking mahal ako.. Na kahit hindi niya sabihin, nababasa ko na sa mga mata niya..
At higit sa lahat yung lalaking hindi napagod sa akin, kahit na ako mismo ay napapagod ng intindihin ang sarili ko..
At ngayon..
Siya ang lalaking hinihintay ako sa dulo ng altar..
Ang lalaking papakasalan ako at sasabihin ko ng 'Oo'
Ang lalaking makakasama ko sa habang buhay..
Si Eugene..
"I love you.." naluluhang sabi niya ng makarating na ako sa kanya.
Ngitian ko siya at pinunasan ang kanyang pisngi na puno na ng luha..
"Mas mahal kita, bata."
+ / E N D / +
09/23/21
Hi, this is Denchbluies! Gusto ko lang sabihin na sobrang thank you sa pagbabasa nitong "Nothing" first installment of "Nothing series." pasensya kung medyo simple ang storya ni dell at Eugene. Ayoko kasi silang saktan ng todo! charr! Shout out sa mga breadwinner diyan! keep going, Im proud of you, Deebeez! peace!
Sobrang naaappreciate ko talaga ang pagbabasa ninyo. Sana lang suportahan niyo rin si Loey! Bagatelle #2 na tayo!!!!! Waaaah!!
Update: Posted na po si Loey. Bagatelle. kung may time ka, basahin mo rin po!?
Thank you ulit!
-Db.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top