41

Forty one.





Mapang asar akong binibigyan ng ngiti ni Diane habang inaayos namin ang pagkain na pina deliver ni Eugene. Wala siya dito ngayon, nasa sala kasama ang mga bata, nanonood ng tv. Well, ang usapan kasi namin, after breakfast na lang namin kakausapin at pupuntahan sina mama. Kanina naman ay nakausap ko na ang kapatid kong si Willi, at sinabing kumpleto sila sa bahay ngayon kahit thursday.

"Kayo na?" hindi na nakatiis na tanong ni Diane.

Tumango ako bilang sagot. Nakita ko naman kung paano nanlaki ang mga mata niya.

Kanina sabi ko kay Eugene, na ayaw ko muna ng maging official mag boyfriend kami dahil nga hindi pa naman namin nakakausap sina mama, pero alam ko naman na sa sarili ko na kahit pumyag man o hindi sila, hindi ko na iiwan si Eugene.

"Finally!" napapatalon pa siyang lumapit sa akin at yumakap. Binitawan ko ang isang tupperware na may lamang pagkain at niyakap din siya.

"Salamat, Diane.." bulong ko sa kanya.

Pinalo niya ng mahina ang balikat ko pagkahiwalay sa akin. Bumalik siya sa kanyang ginagawa. "Ano ka ba? Wala 'yon! So..ano nang balak niyo ngayon?"

"Kakausapin namin si mama, mamaya after lunch."

Napatango tango siya. "Hmm... Hindi naman sa pagiging nega, dell, pero paano kung hindi ulit okay sa mama mo? Hihiwalayan mo ba si doc?"

Naisip ko na rin 'yan kanina. Dahil sa totoo lang, hindi talaga ganon mabilis ang bago ng isip si mama. Pero kung sakaling ayaw pa rin niya na mag asawa ako, oo asawa. Aasawahin ko na si Eugene.

Pero ayaw niya talaga.. Ipapaliwanag ko sa kanya iyon ng maayos. Kakausapin ko siya ulit ng kaming dalawa lang tulad ng ginawa ko kinabukasan nung pumunta kami ni Eugene. Mahal ko si Eugene, at hindi ko siya iiwan. Ayun ang sasabihin ko kay mama. Kung magalit man siya, wala na akong kontrol doon.

Umiling ako kay Diane. "Hindi. Hindi ko siya hihiwalayan." sabi ko. "Hindi ko alam kung paano nag simula pero, mahal ko na siya, mahal na mahal. At sa totoo lang ngayon ay siya na ang nakikita kong makakasama ko sa buong buhay ko. Kaya hindi ko siya hihiwalayan."

#

"Are you nervous?" tanong sa akin ni Eugene. Nasa sasakyan niya na kami at nandito kami ulit sa harap ng bahay namin para kaupin si mama.

Sa totoo lang kinakabahan talaga ako. Paano kung hindi na naman makipag usap ng maayos si mama? Paano kung pag salitaan na naman niya ng hindi maganda si Eugene? Ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon kaya mas lalo akong hindi mapakali.

"Don't be nervous love, im here." aniya at hinalikan ako sa ulo. "Kakausapin natin siya ng maayos. Kung hindi man siya pumayag sa plano natin ngayon, we will talk to her again tommorrow, hindi tayo susuko hanggang sa pumayag na si mama." kumindat pa siya pag katapos.

Kaya imbes na kabahan ay natawa pa ako sa hitsura niya. Tinulak ko ang mukha palayo. "Ewan ko sayo, nag mukha namang kontrabida si mama sa sinabi mo. Lika na nga!" nauna na akong bumaba sa sasakyan. Nakita ko naman na nasa may pintuan na si Willi, nakaabang. Mag kahawak kamay kaming naglakad ni Eugene palapit sa bahay namain.

"Ate.. nasa loob sila papa." sabi agad ni Willi sa akin.

Tumango ako at hinigpitan ang hawak sa kamay ni Eugene. "Ready?" tanong ko sa kanya.

Inangat niya ang kamay ko at hinalikan iyon. "Ready."

Pagkapasok namin sa bahay ay nakaupo si Papa sa sala sa harap ng tv, katabi ang nakasimangot na si Mama at kalalabas lang naman ng kusina ng bunso namin kapatid na babae, si Connie.

"Ate!" tawag niya sa akin. "Ma, sila, Ate.."

Unang lumingon si Papa. Binigyan niya kami ng isang magaan na ngiti. "Nak!"

Mabilis akong lumapit kay Papa at nag mano, nagulat ako ng mag mano rin si Eugene kahit hindi ko sinabi.

"Salamat." si Papa pagkatapos namin mag mano. Nakapasok ang isang kamay niya sa cargo shorts niyang itim. "Ito na ba ang asawa mo?" tingin niya kay Eugene.

Uminit naman ang puso ko sa sinabi ni Papa. Parang ngayon pa lang gusto ko nang yakapin si Papa. Naramdaman kong pinisil ni Eugene ang kamay ko.

"Opo.." pumiyok pa ako sa isang salita na iyon dahil pinipigilan ko maiyak.

"Hi sir, Ako po si Eugene." ani ni Eugene at nakipag kamay pa. Nagagalak naman na tinanggap iyon ni Papa.

"Abay, magandang lalaki anak! Wala ka pa bang ibang nobya maliban sa anak ko?"

"Wala po sir," mabilis na sagot ni Eugene.

"Siguraduhin mo lang bata." ani ni papa at umupo na ulit sa tabi ni Mama. "O, siya sige! Makakaupo ka na, at mag uusap na tayo."

"Salamat sir." si Eugene at sabay kaming umupo sa kahoy na sofa. Inilagay niya ang kamay namin sa ibabaw ng hita niya.

"Kayo ba sigurado na kayo sa pag-aasawa ninyo?" tanong ni papa

Pasagot na sana ako ngunit pasimple akong tinignan ni Eugene. Nangets ko naman ang tingin na iyon. Tingin na ang ibig sabihin ay hayaan ko siya at siya na ang bahala. Tinaguan ko siya bilang sagot.

"Yes sir. Sigurado na po ako." sagot ni Eugene. "Sogurado na po kami sa desisyon namin sir. I really love your daughter, i don't know how or when but one thing is i know sir, that i love her. She's my everything and my morning."

Habang nag sasalita siya ay nakatingin lang ako sa kanya. Naiiyak ako sa mga naririnig ko mula kay Eugene. Hindi ko alam na pwede palang tumagos ang nararamdaman ng isang tao papunta sa puso mo. At ganon ako kay Eugene. Naiiyak na lang ako kapag nararamdaman ko kung gaano niya ako kamahal.

"Hindi pa nakaka pagtapos ng pag aaral ang kapatid niya tapos kukunin mo siya agad sa amin!" sigaw ni mama. Nabigla ako doon at hindi ako nakapag salita agad.

"Ma!" napalingon ako doon sa sumigaw. Si Connie nasa gilid.

"Ma, hayaan niyo na si ate!" sabi pa niya. "Sobra na po ang sakprisiyo at tulong niya sa atin, tsaka isa po, kaya ko na po pag aralin ang sarili ko."

"Tumigil ka Connie!" hiyaw ni mama sa kanya.

"Pero ma-"

"Tumigil kayong dalawa." mahinahon na suway ni papa sa dalawa. Napayuko na lang ako.

"It's alright." rinig kong bulong ni Eugene at hinaplos pa ang pisngi ko pero nalulungkot pa rin ako sa reaksyon ni mama.

"Issa, ano ba ang problema mo kung mag asawa si Dell?" si papa na hinarap na si mama. "Nasa gulang naman na ang anak natin, anong problema mo?"

"Problema ko? Nasa 2nd year pa lang si Connie, nanghihinye lang naman ako ng tulong sa kanya na pagtapusin muna niya ang kapatid niya! At gusto ko man lang na kahit isa sa mga anak ko may makapag tapos ng pag aaral! kahit isa na lang..."

Napaangat ako ng tingin ng nabasag ang boses ni mama. Nakita kong wala ng tigil ang luha niya... Hindi ko na napigilan ang mapaiyak..nasasaktan ako para kay mama..

Naalala ko na naman kung paano umiyak si mama dati ng mabuntis si Ate noong nasa kaalgitnaan ito ng pag aaral niya. 3rd na noon si ate tapos nalaman na lang namin, 6 months na ang tiyan niya.

Ang usapan nila, pag naka graduate na si Ate, ay tutulungan niya si kuya Dindi na makapag aral din, pero lahat yun nag laho ng mag asawa si ate.. Nakita ko kung gaano ka heartbroken si mama noon..kaya ngayon na nakikita ko siyang iniiyakan ang tungkol sa pag aaral ay nadudurog din ako.

"Gusto ko man lang na kahit isa sa mga anak ko magkaroon ng diploma sa kolehiyo! Yun lang naman ang gusto ko..yun lang ang pangarap ko.."

"Maam," napatingin ako kay Eugene. "Hindi ko po kukunin si Dell sa inyo. Hindi ko po siya pagbabawalan sa kahit anong gusto niyang gawin, she can do everything she wants.. Mahal ko po siya at mahal ko rin po ang mga taong mahal niya. Hindi ko po pipigilan si Dell na tumulong sa inyo or kay Connie, sisiguraduhin ko pong makakapag tapos siya ng pag aaral. Magiging isang pamilya po tayo,"

"Eugene..." hindi na tumitigil ang luha ko habang nakatingin sa kanya.

"..at hindi ko po pababayaan ang pamilya natin." sabi niya na lalong nagpaluha sa akin.

Hindi ko alam kung paano niya nasabi ang lahat iyon. Kung gaano siya katapang na sabihin iyon sa harap ng pamilya ko..pagkatapos niyang mag salita ay wala na akong narinig na boses maliban sa masasakit na hikbi ni mama.

Ilang sandali pa ay tumayo si Eugene. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong nilaputan niya si mama na nakayukong umiiyak, umupo siya sa harapan nito.

"Gusto ko pong maging parte ng pamilya niyo maam," sabi ni Eugene.

Nag angat naman ng tingin si Mama.. At niyakap agad siya ni Eugene ng mag umpisa siyang mag salita

"Pasensya ka na.. Hindi ako makapasok ng trabaho dahil sa sakit ko, at ang asawa ko naman kulang ang kita para mapag aral si Connie, si Dell lang ang may kakayahan sa amin kaya siya ang inaasahan ko, hindi naman ako masamang ina, gusto ko rin naman makapag asawa 'yan...pero alam kong siya lang ang makakatulong sa kapatid niya..pasensya na kung tumutol ako." iyak ni mama sa balikat ni Eugene

"Naiintindihan ko po." si Eugene habang hinahagod ang likod ni Mama.

"Salamat anak, salamat.." paulit ulit na sambit ni mama

Nakahinga naman ako ng maluwag.. Masaya ako sa kinalabasan ng usapan namin..

"Ayos na. Kailan ang kasal anak?" tanong ni papa na ikinangiti ko.

#

"What do you want to eat?" tanong ni Eugene sa akin pag kaalis namin kina mama. Madilim na ang umalis kami sa bahay. Nag usap pa kasi sila ni Papa, at ako naman ay kinausap ni mama. Naiyak nga ako habang kausap si mama.. Kanina lang ay hindi ko siya naiintindihan pero ngayon naiintindihan ko na siya.

Maayos ang naging usapan namin at masaya talaga ako sa kinalabasan. Ang buong akala ko kanina, malulungkot na naman ako, ang akala ko hindi ako maiintidindihan ni mama. Pero wala..totoo nga, Mother's knows best. Alam ko na swerte ako kay Eugene dati, pero oagkatapos ng usapan na 'to, napatunayan ko na nakajackpot nga talaga ako! At salamat kay mama dahil mas nakita ko iyon sa kung paano hinandle ni Eugene ang issue naming pamilya. Hindi ko alam kung anong gianwa ko sa past life ko bakit ako binigyan ng isang Eugene, pero salamat, salamat talaga!

"Gusto ko lang ng burger." sabi ko dahil busog pa naman ako, narinig kong tumunog ang cellphone niya pero hindi niya iyon pinansin.

"Okay, daan na lang tayo sa drive thru, bigyan din natin sila Reyna-"

"May tumatawag sayo." sabi ko at kiniha ang phone niyang hindi niya pinapansin. Nakapatong lang kasi iyon sa armrest ng sasakyan. "Baldasarre daw.."

"Mamaya na 'yan love, we're talking." aniya.

"Doc, baka importante 'to.." sinagot ko na agad iyon tapos tinapat na sa tenga niya.

Natawa naman ako ng bumuntomg hininga siya. Talagang wala siyang balak na sagutin yung tawag.

"Hello, kuya?" aniya sa kausap.

Ako naman ay kinuha na lang ang cellphone ko at tinext si Diane. Sasabihin ko sa kanya kung anong nangyari sa pag uusap namin nila mama. Paniguradong matututwa iyon sa balita ko. Nang matext ko siya ay agad kong itinago ang cellphone ko sa bag. Sakto naman na tapos na rin makipag usap si Eugene.

"Sino yun? Ano daw?" tanong ko.

"Si kuya Camillo. He's inviting us for dinner," sagot niya

"Ngayon?"

"Yeah. 8 pm. Sinabi kong busy ako."

Pinalo ko siya sa braso. "Wala ka namang gagawin ngayon?"

"Meron. I'll 'DO' you."

Nanlaki ang mata ko pinalo ko na siya ng malakas ngayon. "Bastos yang bunganga mo ah!"

"Yeah. Malalaman mo later kung paano ako maging bastos." ngisi niya.

"Bwisit ka Eugene! Tumigil ka ah, pumunta na lang tayo doon sa dinner."

"Ayoko. Mag take out na lang tayo ng food at sa unit natin kainin." aniya. Shit. Mga paraan talaga nitong lalaki na 'to.

"Oh tapos? Ako naman papa-pakin mo?"

"Correct!" aniya at ginalaw galaw pa ang kilay niya. Natawa naman ako sa tono ng boses niya, pinaliit pa niya iyon ng parang minions voice.

"No. Pumunta tayo kila Camillo. Baka mas masarap food doon. Kung ayaw mo, uuwi na lang ako kina papa." panakot ko.

Ilang sandali niya akong tinitigan. Ako naman ay tumitig din. Anong akala niya papatalo ako sa kalokohan niya? Panigurado kapag sa unit niya kami kumain ay.. Diyos lang makakaalam kung anong magagawa namin doon magdamag. Kaya ayoko. Isa pa, ikakasal na rin naman kami, so..doon na lang namin i-all out ang performance.

"Fine." nakasimangot na sabi niya. Wala siyang nagawa kung hindi ang magmaneho na lang. Tinext ko na si Diane na baka hindi ako makauwi, at nag reply naman siya 'okay'.

Ilang sandali pa ay pumasok kami sa isang malaking gate. Kita ko dito mula sa loob ng kotse kung gaano kalaki at kaganda ang lugar na ito. Palagay ko ay farm ito..napaka lawak kasi ng lupain at maraming puno pa. Sa duko nun ay matatanaw mo ang malaking bahay na parang palasyo ang disenyo. Ang ganda pagmasdan ng bahay na yun, para bang nabuhay ang mga bahay na napapanood ko lang sa disney. Sayang at madilim na, kahit may mga ilaw ay sa tingin ko mas maganda pagmasdan ito gamit ang ilaw ng araw.

"Nasaan tayo?" tanong ko pagkababa ng kotse. Nililibot pa rin ng mata ko ang paligid. Napaka ganda nga.

"Sa farm ni Kuya Camillo." sagot ni Eugene. "And look at that.." aniya at nginuso ang napakalaking bahay- i mean, palasyo na 'yon! "That's Cecilia's Kastilyo."

"Kastillo talaga..ang ganda, Girlfriend niya yung Cecilia?" tanong ko ng naglalakad na kami papasok sa bahay. Nagulat pa nga ako, farm pala ito ng mga ubas. At binanggit din ni Eugene na winery daw ang negosyo ni Camillo.

"His wife." sagot niya at binuksan ang pinto ng makaakyat kami sa second floor. Natatanaw ko na ang mga taong nandoon. Mga nasa apat yata sila..

"But unfortunately, ate Cecilia passed away."

"What?!" gulat akong napatingin sa kanya. "Biyudo na siya?"

"Yes love." aniya at hinalikan ako sa noo bago pumasok sa loob. "Don't mention it, in front of him alright? He's very sensitive when it comes to that topic."

Napatango ako.

Pagkapasok namin doon ay dumiretso kami agad sa second floor. Inalalayan pa kami ng matandang mayordoma. Agad kong nakita ang apat na lalaki na seryosong nag uusap sa bilog na lamesa.

"Bunso," si Camillo ang unang nakakita sa amin. Tumayo siya at lumapit. "Kailan ang kasal?" nakangiting tanong niya. Hindi naman napigilan na napatingin ako sa kulot niyang buhok. Medyo mahaba na iyon kumpara sa huling kita ko sa kanya.

Hindi na ako nagulat ng tanungin niya iyon. Marahil ay nasabi na nga iyon ni Eugene kanina.

Bumaling si Camillo sa akin ng tignan din ako ni Eugene. "Ahm..hindi pa po namin napag uusapan yung date.." sagot ko na lang. Dahil totoo naman. Kanina pa lang naman kami nagkasundo na magpapakasal na.

"Alright. Hinatyin namin 'yan. Okay, let's eat, let's celebrate your engagement."

Nangiti ako. Inalalayan ako ni Eugene makaupo. Sinalubong naman ako ng pagbati nila Akai, Argon at ng gagong si Reyven. Lahat sila naka longsleeve ng itim, parang uniform na talaga iyon sa mga negosyante, Maliban lang kay Akai na naka white shirt.

Ilang sandali pa ay nag serve na ng pagkain. At hindi ako ang kamali, mas masarap ang pagkain dito. Tinikman ko agad ang umuusok pang steak.

"Where's Loey?" rinig kong tanong ni Camillo habang kumakain na kami.

"I heard he's in boracay right now." si Reyven ang sumagot. "Finding another pussy to fvck."

Nanlaki ang mata ko. Pasmado talaga bibig nitong lalaking 'to, kahit kailan. Napailing ako.

"Bakit ka umiiling?" tanong niya habang nakatingin sa akin.

"Wala kang pakielam." sabi ko at nag patuloy na lang sa pagkain.

"Reyven." si Camillo na nagbabanta ang boses.

Pansin ko nga si Camillo ang pinaka mabait. Tapos si Reyven ang pinaka gago.

Naramdaman ko namang hinaplos ni Eugene ang beywang ko. Hmmp! Eh ano? Kahit kaibigan niya ang gunggong na 'yun, wala akong pake.

"Anong ginagawa ni Loey sa bora?" tanong ni Camillo. Para maiba na yung hangin.

"I think, niloloko niya si Ate Sandra." ani ni Argon. Kaya nakuha niya ang atensyon ko. Parang hindi naman totoo 'yon. Mukha lang badboy si Loey, pero tingin ko naman hindi siya cheater.

"Why?" tanong ni Akai at nilapag ang tissue sa table. "What do you mean?"

"Well.. Hindi na rin naman ako magugulat doon." si Eugene na nakisali na rin sa usapan. "Ate Sandra was the one who cheated first. Im not justifying Loey's doing now, pero wala e, naglolokohan na lang silang dalawa."

"Yeah. They're just staying in their relationship because nanghihinayang sila sa 10 years. Which is bullshit." si Akai. "I know Loey really loves Sandra. And Sandra knows that. That's why palagi niyang iniiwan si Loey, because she knows anytime na gustuhin niyang bumalik kay Loey, tatanggapin at tatanggapin siya nito."

Habang nakikinig ay hindi ko napigilang nadako ang mata ko sa malaking painting doon sa dingding. Hindi ko napansin iyon kanina habang paakyat kami. Ngayon lang. Isa iyong painting ng isang babaeng nakasuot ng puting longsleeve dress at may sombrerong suot. Maganda ang ngiti at nagkalat ang buhok sa hangin.

Napakalaki non, kalahati yata ng dingding ng hagdanan sa baba ay sakop niya. Pero hindi iyon ang dahilan ng pagtitig ko. Naagaw nun ang atensyon ko dahil pamilyar yung mukha niya.. Yung kapal ng kilay niya, at ang pagiging maamo ng ngiti niya ay Parang nakita ko na dati.. Nakita ko na siya dati...Shit. Hindi ko maaalala kung saan! Basta nakita ko na siya..at natatandaan ko, naka tshirt siya ng dilaw nun..shit saan nga yun?

"Love.."

Shit! Saan nga 'yun?!

"Love!"

"Hey!" napatingin ako kay Eugene. Nag aalala ang mukha niya. "Are you okay?"

Napapalunok akong tumango. "Hmmm.."

Napabaling naman ako kay Camillo ng mag salita ito. Malungkot siyang ngumiti. "Ang ganda niya no?"

Salubong pa rin ang kilay ko at pilit na inaalala kung saang lugar ko nakita ang babae sa painting.

"She's my wife." ani Camillo. "She passed away 8 years ago. Car accident."

"8 years ago?" nagtatakang tanong ko. Dahil hindi! Sigurado ako nakita ko siya, this year lang. Hindi naman pwedeng kamuka niya lang iyon. Ay wait! May natatandaan ako. Tumayo ako at lumapit sa painting kahit medyo malayo iyon dahil tanaw ko lang naman siya mula dito sa taas ng hagdan.

"What's wrong, love?" tanong ni Eugene na nakaupo na. Napansin ko rin na ang atensyon ng lahat ay nasa akin na.

"Yung asawa mo po ba May balat sa braso?" tanong ko.

Nakita kong naningkit ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Marahil ay nagtataka siya sa tanong ko. Ang akala ko nga ay hindi na niya ako sasagutin pero nagulat ako ng nag salita siya. "W..wala. Walang balat sa braso ang a..sawa ko."

Napatango ako. Siguro nga kamukha lang yung nakita ko.

Pagkaupo ay sinalubong ako ng matulis na tingin ni Akai.

Kinabahan naman ako. Naalala ko yung una ko siyang na-meet sa condo. Nakakahiya iyon pero mas nakakaba. Hindi ko naman alam na tatawagan siya ni Eugene noon.

"Bakit mo naitanong kung may balat siya?" tanong ni Akai.

Umiling ako at ngumiti. "Wala naman. Para kasing nakita ko na siya somewhere, hindi ko lang matandaan kung saan." sabi ko. Sinilip ko ulit ang painting bago tumingin kay Kuya Camillo. "Kamukha niya talaga e, kaso nga lang, maikli ang buhok nung nakausap ko, tapos may balat siya sa kaliwang braso niya. Per-"

"Fuck! Are you sure?! Saan mo nakita yung sinasabi mong kamukha niya?!" nabigla ako ng napatayo siya at lapitan ako. "Dell, tell me! Saan mo nakita?" naluluha ng sabi ni Camillo. Parang hindi siya ang Camillo na kalmado kanina. Para siyang nag ibang tao.

Mabilis naman siyang nilapitan nila Akai at hinawakan. Ako naman ay itinayo na rin ni Eugene at hinawakan.

"Dell sabihin mo kung saan?" si Camillo.

"Dude, chill. Hindi naman natin sigurado kung si Ate Lia nga yung nakita niya." si Reyven.

"I don't care, Reyven! Kahit hindi sigurado pupuntahan ko!" Ani kuya Camillo. "Dell please..tell me where.."

Napalunok ako. Hindi ko naman inakala na mgiging ganito ang kalalabasan ng pagtatanong ko.

"Camillo, calm down." si Akai at hinarap ako.
"Dell, are you sure, nakita mo si Cecilia?"

"Can you stop asking her like that? Tinatakot niyo na siya." galit na sabi ni Eugene at mas lalo akong niyakap sa kanya.

"Pasensya na Dell, Eugene. It's just that, this is the first time," ani Akai. "Walong taon na nating hinahanap si Lia, at ngayon lang ako nakatagpo ng taong nag sabi na may nakita siyang kamukha ni Lia. Hindi natin pwedeng palag pasin 'yon."

Hinawakan ko sa kamay si Eugene. "Okay lang ako." sabi ko. Binalingan ko naman sila Akai. "Pasensya na pero hindi ko naman po sigurado kung Cecilia nga ang nakita ko. Pero sasagot po ako. Pero ang sagot po sa tanong ninyo, hindi ko na po matandaan kung saan ko siya nakita. Ang naaalala ko nalang po ay ang hitsura niya."

"Alright anong hitsura niya nang nakita mo?"

"Maikli po ang buhok niya. hanggang balikat lang. And..may balat po siya sa kaliwang braso, medyo malaki po iyon, hindi ko sure kung balat iyon or peklat, saglit ko lang po kasing natitigan, dahil tinawag na siya nung lalaki-"

"Sinong lalaki? anong hitsura?" putol ni Camillo sa sinasabi ko.

Napatingin naman ako sa kanya at ilang segundong nag isip. Pilit kong inaalala ang hitsura nung lalaki dahil sandali land din ang pag sulyap ko sa kanya.

"Matangakad po siya. Moreno ang kulay niya katulad po ni Akai," sabi ko at tumingin sa kanila. "Tapos.." natigil ang tingin ko ng madako ako kay Reyven. Pamilyar ang mukha ni Reyven..

"What?" tanong ni Reyven.

"Oh! naalala ko na! kahawig po ni Reyven yung lalaki!" hiyaw ko.

Nakita kong nabigla ang mga lalaking kasama ko.

"Putang ina mo Conrad! papatayin kita!" Malakas nahiyaw ni Camillo. Naramdaman ko ang yakap sa akin ni Eugene..

"Sa tingin mo, kailan mo siya nakita? Last year ba siya?" si Akai na unang nakabawi mula sa pagkabigla. Pero halata pa rin nabigla siya.

Mabilis akong umiling. "Sa tingin ko po, last month lang iyon."

"Putang ina!" malutong ulit namura ni kuya Camillo. At halos matumba na siya sa hitsura niya.

"Last month?" si Akai na para bang hindi rin makapaniwala.

Tumango ulit ako. Hindi ko man alam ang nangyari sa kanila pero nalulungkot ako na hindi ko sila matulungan ngayon.

Hinalikan ni Eugene ang ulo ko habang nakatingin kami kina Akai at Camillo nag uusap.

"Relax, i'm here." bulong niya. Tumango ako. Niyakap ko na lang siya habang tinitgnan ang nakakaawang si Kuya Camillo.

"Sorry, ginulo ko na naman ang dinner.." malungkot na sabi ko. Nakakaramdam tuloy ako ng pag sisi. Dapat pala hindi ko na lang sinabi 'yon. Sa hitsura ni Camillo ngyayon, lugmok na lugmok siya. Parang lumabas lahat ng lungkot sa katawan niya.

Umiling siya. "No, love
Wala kang ginulo, For the first time in 8 years, may nakakita kay Ate Lia. Hindi man sigurado, pero atleast, may titignan na silang mga possibilities, na baka nga buhay pa si Ate Cecilia. Thanks , love."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top