39




THIRTY NINE.










Alam mo ba yung feeling ng langaw na napunta sa ibabaw ng kandilang may apoy? Yung hindi niya alam sa sarili niya kung bakit siya napunta doon, samantalang alam naman niyang hindi siya dapata nandodoon. Alam mo yung feeling? Ako kasi alam ko.. Like now..

Nandito ako ngayon nakaupo sa sofa at paulit ulit na minumura ang sarili ko dahil nandito pa rin ako. Nag uusap sila ngayon sa may gilid ko tungkol sa trabaho nila. Ang rinig ko ay may opersayon silang kailangan pag tulungan.

Muli kong tinignan si Christine.. ang ganda pala niya. Binaba ko ang tingin ko sa mga kamay kong nasa ibabaw ng hita ko. Muli kong kinurot ang hinlalaki ko.

Maganda siya. Matangkad, flawless, wala ngang pores sa mukha. Makintab at malusog na mga buhok. Mukha siyang modelo ng mga underwear. Ganon kaganda ang tindig at katawan niya. Kung itatabi ako magmumukha akong p.a.

Bumagay din sa kanya ang suot niyang two piece red suit. Naka bukas lang ang mga butones noong suot niya at tube na red ang panloob. Dumagdag din na ang mahaba niyang buhok nakataas, ponytail. Sobrang bagay sa kanya non. Babae ako at masasabi ko na napakaganda ni Christine sa suot niya. Woman in red suit.

Kaya pala nagustuhan siya ni Eugene..

Hindi man tama pero, medyo nakakainsecure. I mean..tama lang naman, yung mga kagaya niya ang bagay kay Eugene. Young, beautiful at established.

Huminga ako ng malalim at napapikit na lang. Ganito pala ang pakiramdam ng mag selos..

"What's your name?"

Napadilat ako doon. Nakita kong nakatayo na sa harap ko si Christine. Saglit kong hinanap si Eugene..wala na siya doon sa kinauupuan niya.

Binigyan ko siya ng isang mainit na ngiti, handa na sana akong sumagot ng itaas niya ang kanyang hintuturo,

"Never mind. Can you please just leaves us alone? Me and Eugene,"

Nabigla ako sa sinabi niya. Nagustuhan siya ni Eugene, kaya akala ko mabait siya. Iba pala talaga ang mukha sa pag uugali. Siya ang patunay don, si Christine. Handa akong kausapin siya ng maayos tapos, bastos pala ang loka.

Tumayo ako at hinarap siya. "Okay." sabi ko. "Kanina ko pa nga gustong umalis e, kaso ayaw akong paalisin ni Eugene. You know, two weeks kasi kaming hindi nag kita, kaya miss na miss niya ako."

Napangiti ako ng makita kong tumaas ang kilay niya. Cat got her tounge? Yes.

Tumalikod na ako. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot.. Aalis na ako, nakita ko kanina ang password ni Eugene, kaya pwede na akong umuwi. Ka imbyerna ang mga ganitong tao, grabe, ang tagal niyang nag aral tapos bastos ang kinalabasan.

"Oh, you know his password?"

Napairap ako. Basta talaga ex, papansin, ano?

Hinanda ko ang ngiti ko pag harap sa kanya.

Tumango ako. "Yes. I know, his password."

"Oh, so you know my birthday?" nakangiti ring sagot niya.

Oh, birhtday pala niya..

Medyo nabigla ako sa sinabi niya. Birthday? Pero kahit ganoon, hindi ko tinanggal ang ngiti ko.

"143030595?" nangingiti pa ring sabi niya.

Napalunok ako.

"Yup!" tango ko."Sabi pa nga niya, maintenance daw nag bigay ng number na iyon, wala daw kasi siyang maisip na pwedeng ilagay. Medyo close ba kayo ng maintenance dito?"

Nakita kong nalukot ang mukha niya. Hah!

"Anyway! Aalis na ako, babye!" sabi ko at nag flying kiss pa.

Bitch.

Pag sakay ko ng elevator ay nakita kong matalim ang tingin niya sa akin. Eh ano namang paki ko diba? Nakangiti lang ako sa kanya the whole time, hanggang sa nag sara na ang elevator at tsaka lang ako umayos. Ganoon pala siya..

Sa totoo lang, wala namang sinabi sa akin si Eugene tungkol sa password niya. Inimbento ko lang ang sinabi ko sa harap ni Christine. Napailing ako, nasa isip ko pa naman na bagay sila ni Eugene, takte na insecure pa ako kanina!

Dapat lang na nag hiwalay sila ni Eugene, dahil hindi sila bagay! Maldita!

Kalalabas ko lang ng elevator ng tumunog ang cellphone ko.

Si Eugene tumatawag.

Iniisip ko pa kung sasagutin ko o hindi..napipikon kasi ako ngayon! Isa pa, nakakagutom! Sa huli..sinagot ko rin iyon.

"Oh ano?" bungad na sagot ko sa kanya. Huminto ako sandali dahil palabas na ako ng Martillano building.

"Nasaan ka?"

Puwesto muna ako sa gilid, dito na lang ako mag hintay kung mayroon man na dumaan na taxi dito..

"Pauwi na, bakit?" sagot ko.

"Love, bakit ka umalis? Where exactly are you?"

"Nandyan naman na yung ex mo." naiirap na sabi ko. "Gusto ka niyang masolo, magsama kayo.."

"What?" aniya dahil halos binulong ko lang ang humlling sinalita ko. Naiinis ako.

"Wala sabi ko, mag sama kayo ni Christine."

"Love wait! There you are.."

Nagtaka ako, nakita na niya ako? Lumingon lingon ako, saan siya?

"Bye!" sabi ko at binaba na ang tawag. Kasabay nun ay ang pag hawak sa akin ng kung sino.

"Eugene.."

"Everytime we go here, lagi mo akong iniiwan." matigas na sabi niya.

"Eugene nga.." tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Im sorry..hindi ko alam na pupunta siya,"

Hindi ako sumagot.

"Love,"

"Gusto ko ng umuwi Eugene. Please?"

Ayoko na talagang makipag away ngayon. Pagod na ako at nananakit na rin ang paa ko. Gutom at sakit ng paa nag sabay na. At alam komg wala na akong energy sa mga pag uusap na ganito.

"Alright. Ihahatid kita." aniya.

Tumango na lang ako para tapos na.

Hinawaka niya ang kamay ko para sabay kaming maglakad papuntang parking lot.

Wala sa sariling natitigan ko ang kamay niya.

Ang sarap sa pakiramdam na hawak niya ngayon ang kamay ko. Mainit at nakakatuwa. Hindi ko naaappreciate ang mga ganitong gestures niya, pero ngayon ko na realize na ang swerte ko pala. Tinitake for granted ko ang mga ganitong pagkakataon noon..

Ilang sandali pa ay narating na namin ang kotse niya. Inalalayan niya akong makasakay doon.

Tahimik lang siyang nag drive, ako naman ay sa bintana tumingin.

Naalala ko tuloy yung ginagawa namin kanina bago dumating si Christine. Parang bumalik sa kaluluwa ko ang pakiramdam ng pisilin niya ang dibdib ko. Ang mainit niyang mga halik..

"Shit!" suway ko sa sarili ko.

Mukhang nagulat siya sa akin. Bigla bigla na lang akong nag mumura sa gigilid..

"Love, you okay?"

Tumango ako.

Sinubukan kong itakwil iyon sa isip ko..

Tumigil kami sa isang japanese restaurant. Napatingin ako sa kanya.

"I noticed that you also like, japanese food." aniya kahit hindi pa naman ako nagtatanong. "At alam ko na nagugutom ka na, kaya kumain muna tayo bago kita ihatid kay Diane."

Hindi na ako umangal at tumango na lang sa kanya.

Tahimik kaming kuming kumain doon, akala ko nga ioopen niya yung nangyari kanina pero hindi naman. Hindi niya rin binanggit si Christine, basta tahimik lang kaming nag usap tungkol sa pag kain. Pagkatapos nun ay tahimik pa rin kaming sumakay sa kotse niya.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay ni Diane. Inabot na kami ng alas onse.

Medyo nagulat pa nga ako ng makita kong gising pa si Diane, nanonood ng tv.

"Gising ka pa?" tanong ko.

"Hindi kasi ako makatulog, hi, doc!" bati niya sa amy likod ko.

"Hi, diane. Pwede ba akong makitulog dito?"

Mabilis ko siyang binalingan. "Huy, ano ba, tumigil ka!"

"Oo naman doc, mas okay nga e." sagot naman ng kaibigan ko. "Kaso lang wala ng extra room, tabi ba kayo matutulog?"

Inirapan ko siya. Kunwari pang hindi alam ang mangyayari..

"Thank you, Diane." ani Eugene.

"Aakyat na ako," paalam ko sa dalawa. Bahala sila. Dahil sa totoo lang, masakit na talaga ang paa ko.

"Sundan mo na.." rinig ko oang bulong ng kaibigan ko. Napaka suportive naman pala.

Nararamdaman ko na nakasunod siya sa akin. Pero ayos lang, wala na talaga akong energy mang away.

Hanggang sa makapasok sa kwarto ay nandoon siya. Dumiretso ako sa banyo para makapag bihis na. Oversized shirt lanc ulit iyon at short leggings. Hindi ko binasa ang paa ko dahil baka mas sumakit ito bukas. Paglabas ko ng banyo ay nakita kong nakaupo siya sa kama ko, naka tshirt na lang at boxer na itim. Ang laki niya..laking tao, para lang siyang nakaupo sa higaan ng manika.

"Anong hitsura 'yan?" di mapigilang tanong ko.

"What? Alam mo naman na ganito ako matulog, right?"

"Ewan ko sayo, umusog ka don!"

Kinuha ko na ang kumot ko at nahiga na. Tinalikuran ko siya. Sinubukan kong ipikit ang mata ko..lalo pa nang maramdaman kong lumubog ang bahagi sa likuran ko, maya maya lang ay inangat niya ang ulo ko para maihiga iyon sa braso niya. Hindi pa siya nakuntento niyakap pa niya ang kamay niya sa tiyan ko.

"Love, can we talk?" bulong niya may bandang buhok ko.

Hindi ako nag salita at nanatiling nakapikit. Hindi ko alam ang gagawin. Dapat ba aong makipag usap? Kung itatanong ko naman sa kanya ang tungkol kay Christine, baka isipan niya, nag seselos ako. Na, hindi naman dapat dahil hindi naman kami.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang kamay niya balikat ko at pinaharap ako sa kanya.

Nagtama ang mga mata namin.

Hinaplos niya ang baba ko. "Are you tired? I want to hear a word from you,"

"Hindi ka pa ba napapagod?" salitang lumabas sa bibig ko. Palagi ko naman 'yon tinatanong sa kanya at palagi niya rin sinasagot. Pero ngayon na naitanong ko iyon, ay kinakabahan ako sa magiging sagot niya.

Habang nakatingin sa mga mata niya, ramdam ko sa mga mata na mahal niya ako, ang magagaan niyang tingin na dinuduyan ako.. pero alam ko rin na kahit mahal niya ako..lahat ng tao napapagod..

"Pagod na." napapaos na sabi niya.

"Pagod ka na?" nanginig ang boses ko.

"Yeah. Kaya nga kailangan ko na nang energy.."

"Huh? An-"

Hindi na ako naka pag salita ng angatin niya ang baba ko at halikan ako. Napapikit na lang ako..

Biglang uminit ang tiyan ko dahil doon. Dahil ito sa mainit na labi niyang humahagod sa labi ko.. gustong gusto ko talaga ang pakiramdam nang ganito. Mainit at maginhawa sa pakiramdam..bawat haplos ng labi niya ay kay sarap damhin..

Nahihingal ako nang tumigil siya. Halos malaglag ang mata ko ng tignan siya..

"Nakakuha na ako ng energy. Hindi na ako pagod ngayon." aniya at muling hinalikan ako..


Di ko mapigilan mapangiti..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top