37
THIRTY SEVEN
Kauuwi ko lang galing sa shop ni Diane. Tinulungan ko siyang ayusin ang magiging baksehop niya, tumulong ako mag linis at mag design na rin, nakakatuwa nga dahil sobrang excited ni Diane habang gumagawa. Malapit lang iyon dito sa bahay nila, walking distance lang. At isa pa, ayos na rin ito dahil nalilingat siya sa utak ko. Hindi ko na siya ganon inaalala. Minsan hinahanap hanap ko siya, yung mga texts at tawag niya, pero agad ko namang sinasaway ang sarili ko.
Kahapon naman ay namili na kami ng mga ingridients na gagamitin niya para sa pag bake. Nakapg ambag na rin ako dahil nga malaki naman yung nakuha sa pag sign sa Falco, ayos na ako this month, wala na rin bayarin, at fully paid na rin ang sa school ng kapatid ko. Marami kaming pinamili kahapon, yung mga gagamitin like, yung mga stands, chairs ang table. Bakeshop kasi iyon na may coffee on the side. Napag usapan namin na mag lagay na lang din ng coffee dahil malaki naman ang space ng naupahan ni Diane, sayang kung hindi magagamit. Marami kasing aasikasuhin, Ako kasi kahit gustuhin ko tumulong sa kanya, makakatulong ako, pero hindi araw araw. Hindi na kaya dahil nabibusy na rin ako sa work na meron ako. Sinabi ko naman iyon kay Diane, at okay lang sa kanya. Kaya nag decide kami na kumuha ng makakasama niya. Yung pinsan niya.
Kaya ngayon ala singko na ng hapon ay napag pasiyahan namin ni Diane na umuwi na. Wala rin kasing makakasama ang mga bata. At isa pa, kailangan ko n rin talaga umuwi dahil mamaya na iyong party ng Falco. Kailangan kong umattend doon dahil sabi ng boss ko. Ewan ko ba, habang tumatagal, nakukulitan ako kay Falco. Hindi pala siya yung seryosong tao na nakilala ko sa kina Mr.Ching.
"Gusto mong tulungan kita?" tanong ni Diane pag kaupo namin sa sofa. Napatingin ako sa mga batang nagkukulay sa coloring book nila, habang si Reyna ay tulala sa tv.
"Okay lang?" baling ko sa kanya. Sa totoo lang kasi, kung simpleng party lang iyon, ay kaya ko namang ayusan ang sarili ko. Kaya ko mag kilay at make up. Pero yung alam ko ay hindi aabot sa klase ng party ni Falco. Class at expensive kasi.
"Oo naman!" masayang sagot niya. Kikay kasi si Diane, mahilig siyang mag dress up at mag make up. Laging nakapustura ito, siguradong matutulungan niya talaga ako. Pero pansin ko nitong araw ay medyo hindi siya nakakapag ayos. Dahil siguro nabusy siya sa shop.
"Okay. Magpapahinga lang ko kaunti, tapos maliligo na ako." paalam ko sa kanya at umakyat na sa kwarto. Sinabi ko na rin sa kanya na hindi na ako kakain, sa party na lang para mahaba yung pahinga ko. Inalarm ko ang cellphone ng six thirty pm, ayos na iyon para sa pag hahanda ko.
Hindi ko alam kung anong oras na pero may narinig na lang akong tumatawag sa akin. Maliit na boses iyon. Pikit pa ang isang mata na sinilip ko 'yon, si Reyna, nakatayo sa gilid ko at nakatingin sa akin.
"Hello.." bati ko sa bata. Ang ganda talaga ng batang ito. Hindi siya kamukha ni Diane, pero pamilyar ang mukha nito. Parang nakita ko na kung saan. Sa tv yata.. Umupo ako.
Napangiti ako sa suot niya, spaghetti dress 'yon na kulay pula at makinang. Naka pigtails pa ang mahaba niyang buhok.
"Tita, sabi ni nanay, gising ka na daw.." nakangusong sabi niya.
Hinaplos ko naman ang maliit niyang mga braso. Bigla ay nakaramdam ako ng awa sa batang ito. Sakitin kasi ito at madalas tahimik. Parang laging malalim ang iniisip, gingaya niya yata si kuya niya.
"Gising na ako." sagot ko. "Ang pretty naman ng dress mo.."
Nakanguso siyang yumuko para tignan ang sariling dress. "I like dress po," aniya at nanlalaki ang mga matang tinignan ako. "Kaso pow..two lang iyong dress ko.."
"Bakit two lang?"
"Kasi pow..mahal e. Walang money si nanay. Sabi ni kuya sa akin bibilhan niya daw ako pag may work na siya pero tita 8 pa lang si kuya, pwede na siya mag work? ako din want ko na mag work pero kasi lagi akong may sakit hindi alam kung bakit.."
Nahabag naman ang loob ko. Hinaplos ko ang pisngi niya. "Nak, hindi pa kayo pwede mag work ni kuya.."
"Pero sabi ni kuya nag wowork na siya, tas tutulong na siya kay nanay.. tsaka tita may may jar po si kuya sa drawe niya maraming bente at one hundred sa loob."
"Mga bata pa kayo e, kung gusto niyamong tulungan si nanay niyo, mag aral kayong mabuti."
"Masakit po sa head yung mga numbers tita.." lukot na ang mukha niya. Napahalakhak ako.
"Same beh, same."
"Oh, gising ka na pala.." si diane na bagong pasok.
Ngumiti ako sa kanya.
"Umpisahan na natin, nakaligo ka na?" tanong niya at nilapag ang bag na pink na hawak niya. Tingin ko pampaganda ang laman nun.
Inuna kong suotin ang dress. Sabi kasi ni Diane, para daw maibagay niya yung make up ko sa dress ko.
"Tita, mukha kang princess sa castle!" si Reyna na pumunta sa gilid ko. Naupo na ako sa harap ng bilog na salamin.
"Nak, behave lang ah.." si Diane na nginitian ang anak.
"Nanay, pwede din ako niyan?" tanong niya ng nakitang nilalagyan ako ng lipstick.
"Pag eighteen ka na nak."
Napangiti ako ng makitang nag umpisang magbilang ang bata gamit ang maliliit niyang daliri.
"Sigurado akong nandon siya, handa ka?" tanong niya habang inaayos ang buhok ko.
Hindi ako nakasagot kaagad. Dahil hindi ko naman naisip iyon.
"Alam mo naman sigurong mag kaibigan sila ni Falco hindi ba?"
Napapalunok akong tumango.
"Mag ready kana.."
"Nag usap na kami, tapos na yun. Isa pa..okay lang na mag kita kami.."
"Miss mo na?"
Oo
"Ewan ko sayo." tumayo na ako. Nilagay ko sa likod ang buhok kong naipon sa balikat. Kung papansinin ko ang pang aasar ni Diane ay hindi na ako makakaalis.
Tinignan ko ang sarili sa salamin.
Light lang ang make up na ginawa ni Diane. Nagustuhan ko ang medyo orange na lipstick. Hindi ko alam kung anong shade ito, pero malapit na siya sa orange. Kinuha ko ang lipstick na ginamit niya, scarlet ang nakalagay na shade.
Ang buhok ko naman at tinali nita into ponytail. Malinis ang mukha ko ngayon, hindi yung usual face na maraming baby hair.
"Ang ganda mo tita!" ani Reyna na tapos na ata mag bilang.
"Thank you. Ikaw din." sabi ko.
Pinasuot sa akin ni Diane ang kanyang stilleto na nude ang kulay. Pasalamat na lang dahil 3 inches lang ang taas nun, kundi baka umuwi akong gumagapang mamaya.
Bitbit ang maliit na bag ay handa na akong umalis. Hindi ko nga namalayan na alas otso na pala. Putik, paniguradong nag uumpisa na yung party. Hinatid ako ni Diane sa may gate dahil hihintayin namin ang uber ko, pero nagulat ako na naroon ang isa sa mga driver ni Falco. Si kuya lino.
Kilala ko iyon dahil driver niya rin iyon nung na kila Mr.ching palang siya.
Naka tuxedo si Kuya lino.
"Bakit po kayo nandito?" tanong ko kaagad.
"Pinapasundo po kayo ni sir, maam." sagot naman niya.
"Huh?"
"Taray may pa service.." bulong ni Diane sa gilid ko.
"Lahat po ng apat na writer niya pinasundo po, nandoon na po sila sa venue, si Ms. Liya po nasa loob ng sasakyan, ikaw na lang po ang wala."
Bahagya akong sumilip sa kotse at may nakita nga akong nag cecellphone na babae. Hindi ko kilala iyon dahil bukod kay Falco at kuya lino wala na akong kilalang iba na angtatrabahao sa kanya.
Napatango ako. Nagpaalam na lang ako kay Diane at tahimik na sumakay sa kotse.
Naupo ako sa pasenger seat. Sinilip ko sa salamin yung Liya. Busy pa rin siya sa pag cecellphone.
Kinuha ko rin ang cellphone ko ng mag vibrate iyon. Si Diane, nag text.
'Nag lagay na ako ng tissue sa room mo.'
Napataas ang kilay ko. Ano namang gagawin ko sa tissue?
'Para saan?' reply ko.
Aanhin ko naman 'yon? Nababaliw na naman ata si Diane.
Yung sinabi niya na makikita ko doon si doc, alam ko naman iyon. Hindi ko naman nakakalimutan na mag kakilala sila ni Falco. Pero okay na din ito. Kailangan kong gawin ito para masabi na okay na ako.
Sinalubong ako ng mga magagarang sasakyan pagbaba ko. Masasabi mo talaga na hindi basta basta ang mga taong nasa party.
"Maam, ipakita lang po ninyo ang invitation at papasukin na kayo." si lino.
Tumango naman si Liya at sandali pang inayos ang clevage niya. Naglakad na siya papunta sa loob. Ang sexy niya.. Naka off shoulder kasi siyang dress..at ipit na ipit ang mga babies.
Tinignan ko ang bag ko para kunin ang invitation pero..puta. Yung bag ko, kasing liit lang ng cellphone ko.
Nasaan ang invitation ko?
Napapikit ako nang maalala na hawak iyon ni Reyna kanina habang inaayusan ako ni Diane. Aayy!!!
"May problema maam?"
Tumingin ako sa kanya. "Kuya lino...naiwan ko po yung invitation card ko.."
"Maam?" gulat niyang sabi. Talagang nabigla siya.
Laglag naman ang balikat na napatingin ako sa loob ng party, pero wala naman akong makita dahil puro naka puting guard lang ang nandon..
"Kuya uwi na lang po ako," sabi ko. Dahil alam ko naman na hindi makakapsok sa oarty kapag wala ang papel na iyon.
"Sayang naman maam," aniya. "Itatanong ko lang po sa security, sandali po.."
Pinagmasdan ko si Kuya lino na tumakbo papunta sa mga security. Nagsasalita si Kuya lino at ilang sandali lang, nakita kong napatingin sa akin ang isang security at umiling kay kuya lino.
That's it! Ayun na. Hindi ako makakapasok. Shit. Di man lang ako nakapag selfie.
Tumabi ako ng kaunti ng may dumating na sasakyan.
Nakita ko naman na palakad na bumalik na si Kuya lino. "Maam, hindi daw pwede talaga e.."
Nginitian ko siya. "Okay lang po kuya, kasalanan ko naman. Uuwi na lang po ako.."
"Pasensya na maam.." nangangamot na sabi niya.
"Oka-"
"Dell?"
Napalingon ako doon sa nag sabi ng pangalan ko.
Si Loey..
"Hi.." alangan na ngiti niya.
Ang gwapo niya. Naka dark blue siya na tuxedo at white na leather shoes.. Mukha siyang kagalang galang. Ang tangkad pa niya.. Maayos at malinis ang buhok kumapara sa huli ko siyang nakita. Apaka tangos ng ilong, yung parang sa mga Indians. Nakakagulat naman na kilala pa niya ako..
"What are you doing here? ba't di ka pa pumasok?" tanong niya.
Mag sasalita na sana ako ng unahan ako ni kuya lino. Napatingin ako sa kanya.
"Naiwan niya yung invitation card niya ser." kuya lino.
"Really? Sumabay ka na sa akin, pasok na tayo." sabi ni Loey at tinaas pa niya ang siko niya. Parang sinasabi na isabit ko doon ang braso ko.
"Pwede? Pero..wala nga akong invitation card.."
"Im Loey Aundrez Ressurection, kaya lahat pwede." aniya at kumindat pa.
Sinukbit ko ang braso ko sa kanya. Di ko pa nga napigilan ang matignan siya. Ang bango kasi at ang tangkad. Nasa may leeg niya lang ako, samantalang may suot na akomg 3 inch heels.
"Pogi ba?" nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko inaasahan iyon.
Napataas ang kilay ko sa tanong niya. "Ang tangkad mo." sagot ko.
"Pero mas matangkad siya."
Alam ko kung ano ang o sino ang sinasabi niya. Nag kibit balikat ako. "Ewan ko. Hindi ko naman alam kung anong height niya."
"Pero alam mong mahal ka niya?"
Hindi ko na siya sinagot at naglakad na lang. Nang nasa may scurity na kami ay, hindi na kami huminto doon at walang tanong ang mga security na pinapasok kami.
Tama nga siya, basta siya, lahat pwede.
Napabuga ako ng hangin ng makapasok kami sa loob mismo ng party. Makinang.
"This way.." ani ni Loey at naglahad pa ng kamay. Inaya niya ako sa isang mini table na color violet at may malaking ribbon sa gitna na puti. May mga wine glass doon. "Here you go.." inabutan niya ako ng isang glass. Nagpasalamat ako at nilibot na ang paningin sa party.
Nakakapanibago naman ito. Ang akala kong madadatnan kong party ay iyong mga katulad ng party nila Mr.Ching, pero iba ito. Karamihan sa mga tao dito ay mga banyaga ang hitsura. Palagay ko nga hindi sila marunong mag tagalog.
"Looking for someone?" rinig kong sabi sa tagiliran ko. Binalingan ko siya at nakita kong nakalapit na siya sa akin.
"Wala naman." sagot ko at tumikim sa wine.
"What happened to you and Macaraig?" tanong niya. Napakunot ang noo ko..
"Sinong Macaraig?" tanong ko at muntik na siyang mabuwal habang umuinom.
"Are you serious?!"
Napaisip ako saglit. Macaraig? Naalala ko na nasabi na nga iyon ni Diane.. Oh shit!
"Ah! Si Eugene." napapatango ako. Nakalimutan ko na Macaraig nga pala ang apelyido nun.
Nang tignan ko siya ay parang may hindi siya maintindihan. Uminom na lang ulit ako ng wine. Masarap pala ito. Medyo matamis.
"You know what, you're so cute." aniya at pinisil pa niya ng mahina ang pisngi ko.
Inirapan ko siya at hinawakan ko ang kamay niya oara tanggalin ng may nag salita malapit sa amin.
"Ressurection." sabi ng kung sino.
Sabay kaming napatingin sa taong 'yon.
Si Eugene.
Seryosong nakatingin sa amin ni Loey habang ang mga kamay ay nasa bulsa. Tulad ni Loey, ay naka tuxedo din siya. Pero itim ang suot niya at royal blue ang tie. Napansin ko rin ang makinang niyang relos na silver.
Kumabog ang puso ko. Gusto nitong lumabas. Hindi ata niya maitanggi ang pagka miss kay Eugene.. May nabuo muli sa akin. Gusto kong hawakan ang kamay niya. Gusto ko siyang kumustahin, itanong kung okay lang ba siya, pero... lumalayo nga pala ako.
Nang magtama ang mata namin ay nabaling sa iba ang tingin niya ag hindi siya sa akin nakatingin, kundi sa kamay ko na nakahawak sa kamay ni Loey. Mabilis kong binitawan iyon at tumalikod na. Wala sa sariling tinungga ko ang wine glass. Simot.
Shit. Bakit bigla akong kinabahan? Mahigit dalawang linggo rin kaming hindi nag kita..bakit ganito ako? Bakit ako kinakabahan?! Wala siyang pinagbago..
"Bunsoy!" rinig kong sabi ni Loey sa may likod ko. "Musta?"
"Mind your own bussiness." madiin na sagot ng kausap.
Shit. Napapikit ako. Naiimagine ko kung gaano na kadilim ang mukha niya ngayon. Yung tono ng boses niya, alam na alam ko 'yon... Mali pala talaga ang desisyon kong mag punta pa dito. Dapat nag stay na lang ako sa bahay at natulog ng maaga.
Pinakiramdaman ko sila. Matagal akong walang narinig na salita. Hanggang sa..
"She's all yours, Eugene.." ani Loey, naringgan ko pa iyon ng pagtawa pero.. Hindi ko sure kung totoo.
Hindi ko na kinakaya. Gusto kong umalis. Sakto naman na nakita ko si Falco na naglalakad papunta sa kung saan kaya walang salita na umalis ako doon para lapitan si Falco.
Mas okay nang pumunta kay Falco, magulo man siya at weird pero hindi ako kinakabahan sa kanya.
"Falco!" hiyaw ko. Salamat sa Diyos dahil nilingon niya ako kahit medyo maingay.
"Dell.." aniya at tumigil sa paglalakad. "Wow, you look great."
Ngumiti ako pilit na tinatanggal ang kaba dulot kanina.
"Ano.." putik! Ano bang sasabihin ko?
Wala naman talaga. Gusto ko lang makaalis kina Loey..hindi ako makahinga doon.
"You need anything?" tanong niya at lumapit pa sa akin.
Napaatras ako kaunti dahil doon. Naaamoy ko na kasi ang bango niya sa sobrang lapit. Nakita ko rin ang makinang niyang cufflinks sa itim niyang tuxedo.
"Ano..ahm..saan yung food?" biglang sabi ko.
Pinagtawanan niya ako sandali bago ituro yung mga pagkain. May mga waiter naman na nag seserve sabi niya, pero ayoko nga kasi lumabas diba, kaya sinabi ko sa kanya na sa kitchen na lang ako kakain at pumayag naman si Falcon. Medyo busy rin kasi siya sa party kaya siguro pumayag na lang, para tapos na agad ang usapan.
"Maam, bakit po kayo dito kumakain?" tanong sa akin nung isa sa mga manager habang kumakain ako. Ewan ko kung paano niya ako nakita pa, nasa sulok na nga ako, nag lamesa lang ako sa isang maliit na table at nakaupo sa monoblock sa gilid. Nasa harap ko ang mga pagkain na hindi ko kilala. Pero may isa dito, lasang menudo.
"Okay lang po ako maam, huwag niyo na lang po akong intindihin." sabi ko sa kanya. Umokay naman siya at umalis. Buti naman.
Hindi ko nga namalayan ang oras, 9:30 na pala ng gabi. Ginutom talaga ako. Buti na lang mabait ang mga staff ng hotel na 'to kaya mabilis akong nakakain.
At isa pa, pagkatapos kong kumain, uuwi na ako. Hindi na ako mag papaalam sa boss ko, itext ko na lang siya pag uwi ko.
Mabilis akong napalingon sa likod ng may narinig akong bumuntong hininga.
Si Eugene..
"Are you done eating?" tanong niya.
Napalunok ako.
At ayun na ata ang sagot para sa kanya. Walang sabi sabing kinuha niya ang kamay ko at sinama palabas ng hotel.
Hindi ako pumalag..
Namiss ko ang hawak niya..
Alam kong galit siya sa akin pero, wala akong pakielam kung saan man niya ako dalhin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top