36
thirty six
Kahit na nasaktan ko siya ay hindi niya pa rin ako hinayaan umuwi na mag isa. Inalala pa rin niya ako.
Ayoko sana pero naisip ko na ito na lang ang magagawa ko para sa kanya, ang masiguro niya na ligtas akong makakauwi. Ibibigay ko na sa kanya para sa peace of mind niya iyon.Walan nag sasalita sa amin. Ibinaba niya ako sa isang fastfood tulad ng sinabi ko. Walang salita na lumabas ako at hindi na siya nilingon pa, pumasok na ako doon sa fast food para bumili ng pagakain.
Naiiyak nga ako habang nakapila at naghihintay. Ang sakit ng puso ko. Wala naman akong sugat doon, pero, kumikirot ito. Para bang natapyasan ito, nalaglag at alam kong hindi ko na ulit makikita. Pinunasan ko ang pisngi kong may luha. Ang hirap pa lang i let go ang taong nagpapasaya sayo. Kahit pa sabihin kong magiging okay ako, alam kong malabo mangyari iyon. Mahirap kalimutan ang tulad niya.
"Hello po goodevening, maam! what's your or...der..po.." mabilis kong pinunasan ang mukha ko. Alam kong natigilan siya dahil sa mga luha ko.
Binigyan ko siya ng isang ngiti bago sinabi ang order ko. Panay pa nga niya akong tinitignan habang kaharap ang computer. Okay lang. Alam ko naman na mukha talaga akong tanga, iniisip siguro niya, oorder lang sa jolliibee, kailangan umiiyak? pero hindi ko na iniisip 'yon.
Wala sa sariling sinilip ko ang cellphone ko. Parang baliw, pero, umaasa ako na makitang nag text siya o may missed calls man lang. Magtanong kung naakuwi ba ako ng ligtas o ano. Kung kumain na ba ako? Kung marami ba akong nakain.
Umiling ako at inalis iyon sa isipan ko. Muli kong binalik 'yon ng ibigay na sa akin ang dalawang paper na order ko. Pagkalabas ko ay hindi ko na nakita ang sasakyan niya doon.
Napahikbi ako. Well..
Tumawid ako upang makasakay ng trisikel para makuwi na kay Diane. Sa loob ng trisikel ay pinilit kong ayusin ang sarili ko, para pag nakaharap naman ako sa kanila wala na yung dala dala ko bukod sa paper bag na hawak ko.
"Tita dell, jabi?!" napapatalon na hiyaw ni Raspy ng salubungin ako sa gate. Si Never kasi ang nagbukas sa akin. Una namang nag mano si Never, at si Raspy naman, pinaliligiran na ang hawak ko. Kinuha ni Never ang isa kong hawak para tulungan ako.
"Salamat, Never." sabi ko sa bata at ako na mismo ang nag lock ng gate.
Pag angat ko ay hindi ko sigurado kung namamalikmata ba ako o ano, pero parang nahagip ng mata ko ang sasakyan ni Eugene.. pero..baka nga... umiling ako at inalis sa utak ko iyon. Baka nga namamalikmata lang ako.
"Wow! Nanay may jabi!" rinig kong sabi ni Reyna pagpasok ko. Saglit kong inilapag ang bag ko sa sofa at dumiretso sa kusina kung nasaan ang mag iina.
Naabutan kong pinipigilan ni Diane si Raspy na buksan ang dala ko. "Wait natin si tita, dahil kanya ito." ani ni Diane sa anak.
"Sige na ipakain mo na," sabat ko sa likod niya. Umupo ako sa tabi ni Diane.
Nang lingunin niya ako ay kumunot ang noo niya. Napanguso ako. Alam na niya.
"Mag usap tayo mamaya." ani niya lang at inasikaso na ang mga bata.
"Tita, may happy meal po?" si Reyna. "Tsaka po, may chicken ba? Yung may flag po!"
"Maanghang 'yon, be?" tanong ko.
"Opo. Gusto ko spicy. Nikokolect ko po yung flag." aniya at sinubo yung fried chicken. Nakita ko rin na adobo ang ulam nila.
"Okay. Next time." sabi ko.
"Dell, huwag mong sanayin. Isa pa, baka wala ka ng budget." si Diane na seryoso pa rin.
Ngumiti na lang ako at kumain na rin.
Matapos kumain ay ako na ang nag prisentang mag hugas. Habang si Diane. Inakyat na sa taas ang tatlo at paniguradong lilinisan na niya ang mga iyon.
Umakyat ako sa kwarto at nag linis na rin. Pagkatapos ay nahiga na ako, ngunit hindi pa nagtatagal ay sumugod na si Diane. Agad siyang naupo sa paanan ko. Naupo naman ako.
"Anong nangyari?" mariin at seryoso niyang sabi. Tingin ko sa hitsura niya, hindi siya tatanggap ng maling sagot.
Pero wala naman akong balak mag sinungaling pa sa kanya. Alam naman niya lahat ng nangyayari sa akin, walang parte sa akin ang hindi niya alam.
"Wala na. Tapos na kami." simpleng sagot ko.
Tumaas ang kilay niya sa sagot ko. "Anong ibig mong sabihin na wala na?"
"Tapos na kami, Diane. Yun ang ibig kong sabihin."
"Ayaw mo talaga maging masaya ano?" natatawang sabi niya. Napayuko ako.
Sino bang ayaw ang maging masaya? Lahat naman ng tao sa mundo ayun ang pangarap nila, maging masaya. Pero sa lahat, maging masaya yata ang pinaka mahirap ma achieve.
"Alam mong napaka swerte mo dahil may Eugene ka, tapos papakawalan mo lang?"
Tinignan ko siyang na iistress sa akin. "Diane, alam mo naman na ang dami kong k-"
"Tang ina naman Dell, huwag nga tayong parang tanga dito." aniya. "Mag boboyfriend ka lang naman hindi ka aalis sa mundo. Kayang kaya mo naman gawin parehas iyon. Jusko, ka simpleng problema, pinapalaki mo."
Nginitian ko lang siya.
Hindi niya ako naiintindihan.
Para sa akin pinapapili niya ako kung hangin ba o tubig. Hangin ang pamilya ko at tubig naman si Eugene. Parehas importante sa akin ang dalawa pero kung kailangan kong pumili, hindi ko kayang mabuhay ng walang hangin.
Sigurado naman akong may makikilala pa akong iba bukod sa kanya. Hindi lang naman siya ang lalaki... Hindi.
"Huwag mong isipin na hindi kita naiinitindihan, dell. Alam ko ang pakiramdam mo. Pero hindi mo ba naisip na, this time isipin mo naman ang sarili mo?"
"...okay! Let's say mapagtapos mo ng pag aaral ang kapatid mo. After nun, ano namang next? Pag aaralin mo naman ang mga pamangkin mo? Tapos anong mangyayari sayo? Mag isa ka lang habang sila nabubuhay, ikaw humihinga lang."
Umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Di mo naisip na baka ito na yun? Chance mo naman 'to para sumaya? Hindi mo naman iiwanan ang pamilya mo.. pasasayahin mo lang ang puso mo, hindi mo sila iiwan."
Hinilamos ko ang palad ko sa mukha ko. Nginitian ko siya pagtapos. "Hayaan mo na." sabi ko. "Hindi lang naman siya ang lalaki, sigurado akong may dadating pa-"
"Eh paano kung wala na?"
Napalunok ako. "Edi, wala na. Masaya naman ako na ako lang. Twenty nine years, kinaya ko mag isa,"
Napailing siya habang nakatingin sa akin. Stress na stress na siya. "Ayaw mo talagang maging masaya ano?"
"Matutulog na ako, diane..goodnight." sabi ko at nahiga na. Hindi ko na siya pinansin.
Alam kong nakatingin pa rin siya sa akin ngayon pero, wala naman na akong sasabihin.
Buo na ang desisyon ko. Ako na lang mag isa mula ngayon. Hindi man iyon maiinitidihan ni Diane, pero hindi na mag babago ang desisyon ko.
"Bahala ka nga!" rinig kong sabi niya bago lumabas ng ng kwarto.
Nagtalukbong ako at hinayaan na ang mga luhang kanina pa gusto lumabas.
Iniisip ko pa lang na hindi ko mahahalikan ang labi niya bukas ay natatakot na ako. Pero kailangan ko naman itong gawin para sa kanya at sa akin na rin.
Ayoko ng gulo sa isip. Ayaw ko ng komplikasyon. Peace of mind lang ang kailangan ko ngayon, ito muna ang ibibigay ko sa sarili ko. Tsaka na ang happiness.
Isang linggo na ang lumipas mula noong huli ko siyang makita. Sobrang tinatamad ako sa buhay ko.
Ngayon nga, umaga, kahit ayaw kong bumangon ay tumayo ako. Alas dose na kasi ng tanghali at wala na sila Diane. Nandoon sila ngayon sa parentd niya. Birthday kasi ng mama niya. Nakakaramdam na ako ng gutom kaya bumaba na ako.
Panay kong sinsilip ang cellphone ko, ewan ko ba. Siraulo na yata ako. Kagabi ay hindi ko alam kunga anong oras na ako nakatulog. Ang daming bagay na puamapasok sa utak na hindi naman dapat. Tapos na ako don, pero ayaw pa rin mawala sa utak ko.
Habang nagkakape ay naringgan ko na may nagtatawag sa gate. Nilapag ko ang tasa ko sa gitna ng maliit na lamesa sa sala bago lumabas. Nakita ko ang isang medyo may katandaan na na lalaki naka kulay blue at sumbrero. May malaki rin na bag na nakasabit sa balikat niya.
"Magandang tangahali po," aniya.
"Sino po sila?" tanong ko at huminto malayo sa gate. Hindi ko kasi alam kung sino siya.
"May delivery maam," aniya. "Kay Ms. Dell Samonte, galing sa Falco incorporated."
Nang marinig ko ang pinagtatrabahuhan ko ay tsaka ako nakalma. Saglit kong binuksan ang gate.
Inabot naman niya sa akin ang isang itim na box. May nakalagay doon na FDL sa ibabaw.
"Pirma na lang maam." ani kuya. Mabilis ko naman ginawa ang sinabi niya. Pagkatapos nun ay umalis na rin siya at pumasok na ako. Siniguro ko na nalock ko ang pintuan bago pumasok.
Nilapag ko iyon sa ibabaw ng hita ko para mabuksan. Nabigla nga ako, dahil wala naman silang sinabi na bibigyan ako ng ganito, well, hindi ko pa naman alam ang laman. Pero wala naman akong natatanggap na emails.
Dahan dahan kong inalis ang gold na ribbon doon. Una kong nakita ang card. Mukhang invitation.
At hindi nga ako nag kamali. Invitation nga, mula sa Falco Incorp. Sinasabi na ako ay imbitado sa gaganaping party sa Wednesday, June 8, at 8 pm. For the success of Falco incorporated. May pangalan ko iyon sa dulo.
Napanguso ako. Hindi naman nabangit ni Falco sa akin na may ganito pala siya. Ayaw na ayaw ko pa naman ng mga ganitong sosyal na party.
Sunod ko naman tinignan ang nasa ilalim.
Dress..well..hindi ko alam kung anong tawag sa dress na ito pero, madalas ko siyang nakikita na suot ng mga modelo. Plagay ko ay halter neck long dress iyon. Inangat ko at nakitang mahaba ang likod at hanggang tuhod ko naman sa harap. Kulay wine iyon, mapula.
"Ang ganda naman.." bulong ko. Ipinatong ko iyon sa suot ko at nakita ang repleksyon ko sa tv. Tama lang sa akin ang sukat at palagay ko bagay siya sa akin.
Lunes pa lang naman, makakapag handa pa ako. Itatanong ko kay Diane, kung anong bagay na iterno sa dress na ito.
Pupunta ako.
Sayang ang dress na bigay nila kung hindi.
Kinahapunan ay nakatanggap ako ng tawag mula sa kapatid kong bunso. Nabigla nga ako doon dahil alam ko naman na busy siya, kaya hindi ko ini-expect na tatawag siya ngayon.
Tiniklop ko ang laptop sa harap ng sagutin ko ang tawag.
"Be, napatawag ka?"
"Kukumustahin lang kita, nai kwento kasi sa akin ni Kuya Willie ang nangyari, ate ano? ayos ka lang ba?" aniya. Maririnig mo talaga sa boses niyang nag aalala siya.
"Oo naman. Okay lang, huwag mo na lang isipin yung sinabi sayo ng kuya mo, mag focus ka lang di-"
"Ate hindi. Tama naman si Kuya e, hindi tama ang ginawa ni mama sa inyo nung boyfriend mo,"
"Hindi ko siya boyfriend." pagtatama ko.
"Sabi ni Kuya e. Pero ate, hindi mo ba naiisip na mg asawa na?"
Napalunok ako. "Ano ka ba, hindi ako mag aasawa, nag aaral ka pa oh-"
"Ate kaya ko na. Dalawang taon na lang graduate na ako. Naisip ko rin na hindi ka na bata ate,"
"Bunso ano ba yang sinasabi mo?"
"Gusto ko lang sabihin 'te na, ayos na ako, kaya ko na. Marami ka ng naitulong ate, i think , oras mo naman para tulungan ang sarili mo.. i mean..ate huwag mo na kaming isipin, kami ng bahala kina Mama, asikasuhin mo naman ang sarili mo. Gusto ko sana sabihin ito sayo ng personal ate, kaya lang baka umiyak ako. Kaya huwag mo ng isipin si mama, kami ng bahala sa kanya, kung gusto ng mag asawa te, ayos lang sa akin.."
May kung anong humaplos sa puso ko.. Di ko mapigilang mapa hikbi dahil sa mga sinasabi ng kapatid ko.. hindi ko inaakala na sa kanya manggagaling ang mga salitang 'to..
"Bunso.."
"Kapag nag asawa ka naman, diba hindi mo naman ako iiwan? ate pa rin kita?"
"Oo naman! bunsoy naman!" nanginginig na ang boses ko.
"I love you ate, oras na para ikaw naman.. isipin mo yung happiness mo. Gusto ko lang maging masaya ka, deserve mo iyon."
"Salamat bunso..."
"Mas salamat sayo ate." aniya. "Oh, sige, baba ko na, start na ng shift ko."
"Okay..kumain ka muna bago mag work." paalala ko.
"Tapos na po. Bye!"
"Okay.. salamat.."
Nakangiti kong tinignan ang sarili sa salamin. Happiness..
Kailangan ko na sigurong isipin ang sarili ko..
ako naman..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top