35


THIRTY FIVE





TUESDAY na at pangalawang araw ko na itong tinataguan si Eugene. Nahihiya kasi ako. Hindi mawala sa utak ko yung nangyari sa amin, nag lilinger pa rin hanggang ngayon. Para bang kanina lang nangyari iyon. Narito ako ngayon sa Falco building 4rth floor. Nag pasa kasi ako manuscript ko ngayon. Tapos ko na siyang iedit.


At ngayon, kalalabas ko lang sa building. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Ala singko na ng hapon at medyo gutom na rin ako, pero ayoko naman kumain. Iniisip ko kung saan pwedeng tumambay muna. Busy kasi si Diane ngayon, kumukuha siya ng permit. Yung mga bata naman, iniwan niya sa mama niya. Kaya kung uuwi ako, wala rin akong makakausap.

Huminga ako ng malalim ng muling tumunog ang cellphone ko. Paniguradong si doc 'yon. Kanina pa 'yon tumatawag sa akin e. Hindi ko kasi siya sinasagot at kinakausap. Tumayo muna ako sa harap ng stalls na sarado, tsaka ko kinuha ang phone at tinignan 'yon.

Siya nga. Iniisip ko kung sasagutin ko pa ba 'yon? Ang unfair ko naman kasi kung hindi, sa totoo lang wala naman siyang ginagawang mali sa akin. Lahat ng mga iniisip ko, nabuo ko lang mag isa. Wala naman siyang naidulot na masama o lungkot sa akin bukod sa kilig at kaba. Napaka unfair ko, ayoko sa bata pero kung makaasta ako para akong high school kung mag pahabol.

Sasagutin ko na sana ang tawag niya pero biglang namatay 'yon. Napanguso ako. Pero agad din nasiyahan ng tumawag ulit siya. Kaya mabilis ko na 'yong sinagot.

"Love?" bungad niya. Medyo gulat pa nga ang boses niya.

"Bakit?" sabi ko at pinaglaruan ang ibabang labi ko.

"Where are you? Pumunta ako kina Diane, pero walang tao. San ka, love?"


"Nandito ako sa tapat ng Falco building."

"Alright. I'll be there."

"Doc!" pahabol ko. Mukhang papatayin na niya kasi yung tawag.

"Love?"


"Huwag kang mabilis mag drive- mag hihintay ako dito."

"Sige. I love you."

Ako na mismo ang nag patay ng tawag. Tumingala ako sandali ng makita medyo dumidilim na nga. 5:26 pm na. Siguro nasa bahay na ngayon ang mag iina. Naalala ko pa yung request ni Raspy na Jabi. Natutuwa talaga ako sa mga batang 'yon. Lalo na kay Never. Mabait siya. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Tapos si Reyna naman tahimik lang, sakitin kasi, nagkakapag alala nga. Si Raspy ay kaugali ni Diane. Makulit at madaldal.


Ilang sandali pa ay nakita ko ng bumaba galing sa grey na kotse si Eugene. Naglakad na ako at sinalubong siya.

"Hi," ani ko.

Saglit niya akong hinalikan sa ulo pagtapos ay inalalayan ako papasok sa kotse. Hinawakan niya ang kamay ko at kaagad na nag drive.

Walang salita. Pero agad kong naintindihan ang mukha niya.

Seryoso at malalim ang iniisip.

Naintindihan ko na agad iyon.

Tumigil kami sa isang bakanteng lote. Mataas iyon, at tanaw ko metro. Kapantay ko na rin ang mga naglalakihang building.

Ang mga ilaw na ang sasayaw ay kay gandang titigan. Malaya sila.

May nakikita akong iilan na tao, ngunit nasa malayo naman sila. Naupo kami sa isang tago na lugar ngunit tanaw ang lahat.

"How are you?" nagulat ako sa pagtatanong niya. Sobrang nag aalala yung boses niya.

"Okay lang ako. Ikaw?" nginitian ko siya.

"I missed you."

Hindi ako nakapag salita. Lalo pa nang hawakan niya ang kamay ko dinala iyon sa labi niya. "Are you mad at me? Love, im so sorry..." nakapikit pa siya habang hinahalikan ang kamay ko. "Sorry..nadala lang ako ng nararamdaman ko, im so sorry..alam kong hindi ka handa, sorry.."


Napangiti ako. Kahit pa malungkot dahil sa totoo lang wala naman siyang dapat ihinye ng sorry. Ako itong nagbibigay ng problema at sakit sa kanya. Ako itong pahirap. Wala siyang ginawa kung hindi ang mahalin ako. Ako itong may problema, hindi siya. Siguro dapat ko na talaga itong tapusin. Yung tapos talaga. Hindi yung bukas, hahayaan ko na naman siyang halikan ako. Nasasaktan ko na siya, at parang wala lang sa kanya iyon, ako ang nasasktan para sa kanya.

Hinaplos ko ang mukha niya. "Huy, ano ka ba?" nang mag angat siya ng tingin sa akin ay nginitian ko siya. "Wala ka namang kasalanan. Alam naman nating dalawa na ako yung may problema diba? Ako yung hindi kayang kumilos. Sa totoo niyan...sobra sobra na yung binibigay mo sa akin, doc." di ko mapigilang mapa hikbi. Makirot na..

"..sinabi ko naman sayong hindi talaga ako pwede diba? Yung love na binibigay mo sa akin sayang lang, alam mo doc... sabi ko sayo dati bata ka pa at pakboy? Pero ngayon, nakilala kita.. i can say na you're really a good catch. Swerte ng babaeng mapapangasawa mo-"

"At ikaw iyon."

Umiling ako. "Hindi nga..tignan mo oh, hindi pa tayo magkarelasyon pero sobra na yung sakit na naibibigay ko sayo. Puro problema at stress ang dulot ko sayo, sinasabi ko ito dahil gusto kong malaman mo na kahit hindi man naging tayo..napasaya mo ako ng husto. Nagkaroon ng kulay ang buhay ko, sa loob ng 2 months and three days naging sobrang saya ko..thank you doc Eugene. Salamat sa experience.. Hanggang dito na lang talaga tayo,"

"Love, anong sinasabi mo.."

"Na hindi ako yung taong makikipag relasyon. Walang ganon. Marami akong kailangang gawin, at hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito gagawin at ayoko na hintayin ako. Hindi ako worth it hintayin. Masasayang ang mga araw at oras mo. Find another girl.. Hwag na ako, sayang lang.." nakangiting pinunasan ko ang pisngi ko. Napansin ko rin na namumula ang mata siya habang nakikinig sa akin.

"Gusto ko lang sabihin na ito na ang huli nating pag kikita. End na talaga. Totoo na ito, hindi na tayo magkikita bukas. Tama na. Salamat sa lahat."

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. At nilapit ang mukha ko para mahalikan siya sa huling pagkakataon.

Ang labi niyang pag mamay ari ko....

..noon.

Lumabas ang hikbi ko sa gitna ng halik namin. Pero hindi ako tumigil. Kailangan ko ito. Kailangan kong may baunin sa pag alis ko..

Alaala na babaunin ko kung sakali man na mabuhay na akong mag isa.. na kada ipipikit ako ng mata ko, itong halik ang maalala ko. Kung paano niya ako hinawakan at halikan..

Halik na minsan kong naranasan..

Halik na sa akin lang..

Naramdaman kong bumulis at dumiin ang mga halik niya kay bumitiw na ako.

Hindi na pwede.

Tapos na ako sa page na ito.

Tumayo at naglakad na paalis. Hindi na ako nag abalang lingunin pa siya.

Tinatawag niya ang pangalan ko pero hindi ako pwedeng lumingon. Hindi na. Paniguradong kapag lumingon ako, hahalikan ko ulit siya. This time, alam ko na hindi na ako titigil.

Kailangan ko naulit mag patuloy at bumalik sa dati kong buhay.

Mag isa at focus sa trabaho. Panibangong page naman ang haharapin ko, yung walang Eugene.

Tulad ng sinabi ko kanina..

Tapos na ako sa page na ito.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top