34
Thirty four
Hindi ko na alam kung anong oras ako nagising. Nang gumalaw ako ay bigla akong nakaramdam ng sakit ng mga hita ko. Shit. Nangangalay sila at hindi ko masyadong maigalaw iyon. Napansin ko rin na may nakapatong na braso sa tiyan ko. Bumaling ako sa kabilang banda at nakita ko ang nakapikit na si Eugene. Napapikit ako. Pumasok sa akin ang lahat ng nanyari kagabi.
Nanumbalik lahat ng pakiramdam ko kagabi habang hinahalikan niya ako, yung mga haplos niya sa balat ko at yung halik niya sa kung saang saang parte ng katawan. Lahat na ata sa akin nahalikan niya. Nasapo ko ang noo ko na masigurong may nangyari sa amin. Hindi lang isa, apat na beses ata. Putik, siguro ang unang beses na may nangyari sa amin ay kasalanan niya, inakit niya ako. Pero putik, yung pangalawa pangatlo, kasalanan ko na iyon! Tapos yung pang apat? Ako yung..basta!
Kahit masakit ang mga hita ko ay pinilit kong bumangon. Nahagip din ng mata ko ang maliit na wooden clock sa ibabaw ng lamp table niya. 5:32 am na. Nang makatayo ako ay nakita kong may nakasuot naman pala sa akin na panty. Mahina kong tinapik ang hita ko. Naninigas kasi iyon. Para bang napakatagal na nabatak kaya hindi maayos.
Masakit ang hita ko pero kaya ko naman maglakad. Mabilis kong kinuha ang kulay itim na longleeve na nakasabit sa may closet niya. Para bang hinanda ito kasama ang itim din na slacks. Pero yung longsleeve lang ang kinuha ko. Mabilis kong sinuot iyon sa akin at inayos ang sarili. Umabot iyon sa taas ng tuhod ko. Dahan dahan ko namang dinampot ang bag ko at sinuot ang sandals ko. Matapos ko ayusin kaunti ang sarili ko ay lumabas na ako sa kwartong 'yon. Dahan dahan lang ang lakad ko. Hindi pa nakakapag adjust sa puking inang sakit ng hita ko.
Nakakaramdam ako ng uhaw pero kaya ko naman tiisin iyon. Nakarating ako ng sala at may nakita ako doon na naglilinis ng sofa. Mukhang nagulat nga siya sa akin dahil napatigil siya sa pag pagpag ng sofa.
"Matagal na rin noong huli." wala sa sariling sabi niya. "Anong pangalan?" tanong niya.
"Dell, po." sagot ko naman.
"Uuwi ka na?" tanong niya na para bang normal lang na makakita ng ibang tao dito, at gawain na niya ang magtanong ng ganoon.
Tumango ako.
"Sumunod ka sa akin."
Walang salita na sumunod ako sa kanya. Narinig ko pa ngang tumunog ang cellphone ko pero hindi ko na 'yon pinansin, basta gsuto ko nang makauwi.
Nang nasa tapat na kami ng elevator ay may kinuha siya sa bulsa niya puting envelope 'yon. May pinindot siya doon ng kung ano sa elevator tsaka iyon nag bukas. Siguro yung password. Pinapasok niya ako doon tsaka niya inabot ang puting sobra. Nagtataka ko siyang tinignan.
"Binibigay 'yan ni sir, sa mga babaeng dinadala niya rito. Salamat." aniya.
Napalunok ako.
Anong ibig niyang sabihin?
Mga babae?
Nang mag sara ang elevator ay tsaka ko lang natitigan ang hawak kong sobre. Hindi ako makahinga.. May nabubuo na sa utak ko kung anong laman nun.
Kahit nadudurog na ako ay pinilit kong buksan 'yon. At nang makita ang laman nun ay mabilis ko 'yong nabitawan.
Mabilis na pumatak ang luha sa mata ko.
Pera.. pera ang laman nun..madaming pera.
Ilang hikbi pa ang pinakawalan ko bago ako nag desisyon na ayusin ang sarili ko. Ngumiti ako. Nakita ko ang repleksyon ko sa elevator. Ngumiti ako at hinaplos pa ng kaunti ang buhok ko.
"Game." sabi ko sa sarili ko.
Game na. Kung ano man ang nangyari dito ay mananatili lang dito. May problema ako sa labas na kailangan harapin. Hindi ko na dadagdagan 'yon. Ang nangyari dito ay nangyari na. Okay na 'yon.
Nakarating ako ng maayos sa bahay ni Diane. Naabutan ko pa nga silang nag lilinis ni Never sa labas.
"Oh, Dell, anong nangyari?" salubong agad na tanong niya.
Umiling ako at hinaplos ang ulo ni Never na nag bless sa akin. "Nag overnight ako kina doc," sagot ko. "Sige na. Papasok na ako. "
Iniwan ko sila doon mag ina. Nakita ko rin na nanonood ng blues clues. Dinownload ata ni Diane.
Nang makapasok sa kwarto ay inihagis ko lang ang sarili ko sa kutson at tsaka umiyak.
Akala ko tapos na yung iyak ko kanina. May kasunod pa pala.
Tama kaya si mama? Na paglalaruan lang ako ni Eugene?
Pero hindi. Alam ko sa sarili ko na hindi. Pero..para saan yung sobre? Bakit may ganoon?
Binigay ko yung sarili ko sa kanya ng kusang loob. Hindi naman ako nagpapabayad.
"Dell..nasa labas si doc, hinahanap ka." napatingin ako doon sa pinto. Mabilis kong pinunasan ang mukha ko.
"Dell?" hiyaw niya ulit mula sa labas.
"Naliligo ako!" hiyaw ko rin. "Baba ako saglit."
"Okay sige, sabihin ko."
Kahit ayoko ay napilitan akong tumayo at mag punta sa cr. Naligo ako habang tulala.
Nang matapos ako ay nag bihis ako ng itim oversized na shirt at pajama na bunny.
Pagkababa ko ay sumalubong agad sa akin ang mukha ni Eugene na hindi mapakali. Agad siyang napatayo ng makita ako.
Wala akong nakitang bata doon, maging si Diane ay wala rin.
"Love.."
Lumapit ako sa kanya. Saglit pa akong lumingon sa labas kyng naroon sila Diane, pero wala.
"Love.."
"Doc..good morning." nakangiting bati ko. "Pasensya at hindi na ako nakapg paalam na aalis, well..nandon naman yung kasama mo sa bahay. Siguro nasabi na niya."
"Love, tungkol don sa envelope trust me- college pa ako nung huli ko-"
"Uy, ano ka ba? Wala yun. Naiintindihan ko. Isa pa, hindi mo naman kailangan mag explain. Upo ka," ani ko at nauna nang maupo.
Sa halip na umupo ay lumuhod siya sa harap ko. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan 'yon. Mariin siyang nakipag titigan sa akin.
Nangungusap ang mata niya. Nababasa ko at sinasabing pakinggan ko ang mga paliwanag niya.
"Love..believe me, hindi ko akalain na bibigyan ka ng ganoon ni manang. Matagal ko ng hindi ginagawa 'yon, well..kasalanan ko rin siguro dahil ko nasabi kay manang-"
Bigla kong naalala yung unang salita nung babae kanina.
"Matagal na rin noong huli".
Para akong nabunutan ng tinik.
Pero hindi ko alam sa sarili ko kung ayos na ba ako o ano..papakinggan ko ang paliwanag niya.
"Love, say something.." ani Eugene. "Galit ka sa akin?" hinaplos niya ang mukha ko.
Umiling ako. Totoo naman 'yon..hindi ako galit sa kanya.. Hindi galit ang naramdaman ko, kung hindi pag dududa.
Pagdududa kung maniniwala pa ba ako sa mga sinasabi niya at sasabihin pa lang.
"Hindi ako galit.." sabi ko.
"Love.."
"Hindi ako galit. Ayos lang. Wala naman sa akin 'yon."
"I love you so much, love.. Please, believe me. I love you."
Ngumiti ako at pinatakan siya ng halik sa labi. "I know. Gusto ko sanang mag pahinga na, doc."
"I want to be with you.."
Umiling ako. "Hindi pwede. Baka magalit si Diane."
"Nag paalam ako sa kanya kanina bago sila umalis."
Kumunot ang noo ko. "Saan sila nag punta?"
"PTA meeting daw." sagot niya.
Umiling ako. "Hindi ko bahay ito."
"Kahit sandali lang, love..aalis din ako kapag tulog ka na."
Umiling ako. Paninindigan ko ito. Masyado na akong nahihiya kay Diane. Hindi tama na magpapasok pa ako ng ibang tao dito sa bahay niya.
"Umuwi ka na lang muna. Magpapahinga ako. Isa pa, marami akong trabaho ngayon. Next time na lang ulit tayo magkita." tumayo na ako. Alam kong hindi matatapos ang usapan na 'to pag hindi ko pa siya tinaboy. Kahit gustuhin ko man siyang makasama rin, hindi pwede. Hindi ko bahay 'to.
"I love you.." sabi niya pag katapos ng mahabang halik.
Tumango ako. "Ingat sa pag drive."
"I love you so much."
Nginitian ko siya.
Bahala na.. hindi ko man alam ang gagawin ko, pero...bahala na..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top