31





Thirty one


Magkatulong kami ni Diane na inayos ang mga pinadalang gamit ni Eugene. Yung nga sofa, tv ant computer. Gusto ko sanang tawagan si Eugene tungkol sa mga gamit na ito, pero kasi ng makita ko kung gaano kasaya si Diane, lalo na sa tv. Dahil wala silang tv walang napapanooran at libangan ang mga bata ay hindi ko na lang ginawa. Okay na ito, isa pa, kay Diane niya igo binigay, hindi sa akin.

"Itong computer dito na lang?" tanong ko sa kanya. Nasa gilid na kasi ng tv iyon, at sakto naman ang sukat ng pwesto doon. Palagay ko ay okay na ito dito.

"Oo, diyan na lang 'yan." sabi niya habang iniipon ang mga plastic na tinanggal niya sa sofa at sa upuan ng computer.

"Ako na mag lalabas niyan," sabi ko sabay kuha doon sa hawak niyang karton.

"Diyan mo lang ilagay sa gilid ng gate, para mabilis makita ng mga mag lilinis."

Tulad ng sinabi niya ay 'yon ang ginawa ko. Nilagay ko sa labas sa gilid. Naabutan ko siyang pinagmamasdan ang 90 inch na smart tv. Sa lahat ng dumating na gamit, sa tv talaga natuwa si Diane.

Ang galing nga, sakto yung tv sa size ng pader nila Diane, parang sinukat talaga.

"Hala, mag aala sais na pala," aniya "Hindi pa ako nakakaog luto!"

"Sige na. Ako na bahala mag linis dito." prisinta ko. Konti na lang naman kasi ang lilinisin dahil nagawa na namin kanina.

"Salamat bakla," sabibniya tsaka dumiretso sa kusina.

Habang dinadakot ko ang mga winalis ko ay narinig ang mga pababa ng hagdan.

"May upuan na!"

Napapangiti akong tinignan ang magkakapatid..

"Uy! May tv na!" hiyaw ni Reyna at mabilis na nilaoitan ang tv. Si Raspy naman ay umupo sa sofa at humiga.

Si Never naman ay nilibot ang paningin sa mga bagong dating na gamit. "Saan po galing ang mga 'yan, tita?" tanong niya na inaasahan ko naman.

"Galing kay Tito Eugene." sagot ko. Nakita kong kumunot lalo ang mulhs ni Eugene sa sagot ko. Hindi naman kasi niya kilala si Eugene. "Kaibigan namin 'yon,"

Mukhang nag isip pa siya sa sagot ko, pero kalaunan ay tumango din at nilapitan ang computer.

Dinakot ko na ang huling kalat bago nilabas ang mga gamit pang linis.

"Kuya pwede ako manood?" rinig kong tanong ni Reyna.

"Sandali lang, itatanong ko kay nanay."

Maayos kong sinara ang gate. Siniguro ko na nka lock 'yon bago pumasok sa loob. Naabutan ko naman na nililipat na ni Diane ang tv, at magkakatabing nakaupo ang magkakapatid sa sofa.

Dumiretso ako sa kusina at nag hugas ng kamay. Nakita ko naman na nagluluto pala ng tinola si Diane. Ang akala ko dati ay hindi siya marunong mag luto, joke lang pala 'yon. Umupo sa upuan sa lamesa at pinagpatuloy ang paghihimay ng malunggay. Pero bago iyon ay tinext ko muna si Eugene.

'Salamat sa mga binigay mo kay Diane. Lalo na sa tv, tuwnag tuwa yung mga bata.'

Yun lang at tinago ko na iyon at nag himay na ng malunggay. Ilang sandali pa ay pumasok na si Diane sa kusina, lumuluha.

"Oh? Bakit?" tanong ko kaagad.

Umiling siya at tumingala. Suminghot siya ng ilang beses. "Wala. Masaya lang ako."

"Matagal nang humihinye ng tv sa akin si Reyna, mula nung nasira yung tv namin, pero hindi ko siya mabigyan kasi.. yung mga naiipon ko, nagagamit ko rin sa kanya.. sakitin kasi yan.."

"Bakit hindi ka huminye ng tulong sa ate mo? Tutal sa kanya-"

"Ayoko. Ako ang mag aalaga sa mga bata."

Tumango na lang ako at sumang ayon. "Sorry." sabi ko. Nakalimutan ko saglit na napaka sensitive ni Diane pagdating sa mga bata.

"Sorry din," aniya. "Medyo stress lang ako lately, nga pala.. Kung gusto pumunta dito ni doc, pwede naman. Welcome siya dito."

"Nasa ospital ngayon yun, busy siya."

"Basta. Pag gusto lang naman niya pumunta, napaka nega mo!" natatawa niyang sabi.

Inirapan ko siya.

Natapos ang gabing 'yon ng inaasar ako ni Diane. Hindi niya ako tinigilan at pilit na pinipikon. Kaya nga pagkatapos kumain at mag hugas ng plato ay nagpaalam na ako na aakyat na.

Sakto naman na tumunog ang hawak kong telepono. Si doc, tumatawag. Dumiretso ako sa kutson at naupo.

Bumilang muna ako ng lima bago sinagot 'yon.

"Hello?" unang sabi ko.

"Hi, love." sagot naman niya. "Kumain ka na?"

Tumango ako kahit hindi niya nakikita. "Kakatapos lang. Nasa kwarto na ako. Ikaw?"

"Hindi pa. Im actually here..outside."

Suminghap ako."Saang outside? Dito?"

"Dito, sa house ni Diane."

Mabilis akong lumabas ng kwarto. Nakasalubong ko pa sila Diane at ang mga bata na paakyat.

"Sige na, go to your room, sususnod si Nanay." si Diane na pansamantalang tumigil. Sumunod naman ang mga bata sa kanya at pumasok sa kwarto.

"Sino 'yan?" tanong niya ng walang boses.

Pinatay ko muna yung tawag bago siya sinagot. "Si doc, nasa labas daw siya."

"Oh? Edi papasukin mo." aniya.

"Okay lang?" alangan ko. Nakikitira lang kasi tapos, tatanggap pa ng bisita.

"Oo. Kaysa naman sa lamukin kayo. Sige na, papatulugin ko pa ang mga bata,"

Tumango ako at nag pasalamat sa kanya. Bumaba na rin ako dahil tumatawag ulit si doc. Pagkalabas ko ay nakita ko ang sasakyan niya, siya naman ay nakasandal sa dito at may hawak na phone.

"Doc," tawag ko sa kanya at nilapitan siya.

Sinalubong naman niya ako. "Love," sinlubong niya ako ng halik sa noo.

"How's your day?" tanong niya at hinaplos ang mukha ko. At ang isang kamay naman ay hinawakan ang kamay ko.

"Okay lang. Ikaw? Nga pala, doon na lang tayo sa loob." aya ko sa kanya. Naglakad na ako pero napatigil din ng mag salita siya.

"Wait lang, love." aniya at bumalik ulit sa kotse niya. Binuksan niya ang sasakyan niya habang hawak pa rin ang kamay ko. Nilabas niya doon ang isang paper bag. Tapos sabay na kaming pumasok sa loob.

Umupo kami sa sofa at nilapag naman niya ang dala niyang bag sa table na nasa gitna.

"Hindi ka pa nag dinner?" tanong ko. Napansin ko rin na yung damit niya kaninang umaga ay yun pa rin ang damit niya ngayon.

"Hindi pa." sagot niya at hinalikan ang kamay ko na hawak niya. Nilapit niya ang mukha sa akin at tinitigan ako.

"I miss you." napapaos niyang sabi.

Walang sabi-sabing inabot ko ang labi niya para mahalikan siya. Agad naman niyang hinawakan ang leeg ko. Kanina ko pa gustong gawin ito, pero wala naman siya. Kanina naman sa labas, may guard, at dito ngayon, pwede ko nang gawin ito. Miss na miss ko na rin siya.

Ang balak kong saglit na halik ay hindi nangyari, siya na kasi ang ng kontrol.. dinadala na naman niya ako sa kung saan.. at hindi naman ako nag rereklamo.

Hinihingal ako ng humiwalay sa kanya. kagat ko ang labi ko habang nakatingin sa kanya. Habang nakatingin sa magagandang mata niya.. Ang daming gustong sabihin pero..hindi ko iyon sasabihin. Ayos na sa akin na ganito, na nahahawakan ko siya. Tama na ito.



"Even if you' re not saying anything, i know love, i know. Im feeling it.. i love you so much." napapaos niyang sabi bago ako niyakap ng napakahigpit. Kinulong ko ang mukha ko sa leeg niya at ipinaubuya na ang sarili. Masaya ako na naiintindihan niya ako. At masaya ako na naririnig niya ang mga bagay na hindi ko masabi.

Ilang minuto na kaming ganito, tahimik lang na magkayap at siya naman pinaglalaruan ang kamay ko. Paminsan minsan ay binibigyan ako ng halik sa ulo. Kuntento na akong ganito, yung ganitong nakakulong siya sa mga braso ko, na ganito ko siya nararamdaman at ganito kalapit.

Masaya ako ngayon na kayakap ko siya. Pero naalala ko na hindi pa nga pala siya kumakain. Kaya kahit ayoko ay humiwalay ako sa kanya.

"Hindi ka pa kumakain.." sabi ko at kinuha yung paper bag na dala niya. Tinanggal ko rin ang pagkakahawak niya sa kamay ko at binuksan ang isang box na naroon.

Dalawa ang box doon, ang nakuha ko ay may laman na tempura at kanin, may halo din na kunting salad sa isang side. Kinuha ko ang plastic na kutsara tinodor at tinusok ang tempura tsaka nilapit sa kanya. "Kain ka na,"

"How about you?" tanong niya at kinuha yung hawak kong pag kain at siya na ang kumain mag isa.

"Nagluto si Diane ng tinola kanina, ayun yung dinner namin."

"Marami kang nakain?" tanong niya.

Tumango ako. "Oo, napagod kasi ako kanina. Ay, oo nga pala," sabi ko ng maalala yung mga gamit na binigay niya. "Thank you sa mga ito ha, tuwang tuwa sila Diane. Pinapasabi din ni Diane, thank you."


"You're welcome. How about the kids?"

"Tuwang tuwa din! Lalo sa malaking tv." ani ko. "Kumusta ka naman? Madaming pasiyente?"

Umiling siya at binaba na ang pingkainan sa lamesita at inabot ang baso ng tubig na nilagay ko kanina at uminom. "Not really. Madami pa rin ang tao pero hindi naman ganon ka hectic. usually..saturday and friday ang matrabaho, dahil yun ang araw ng schedule ko for check ups."


Tumango tango. "Edi busy ka pala bukas, friday."

Suminghap siya at niyakap ako mula sa gilid. "That's why, i need to see you. Kailangan ko ng energy."

Nang marinig ko iyo. Ay agad akong napatingin sa labi niya. Energy, means..hahalikan niya ako? Alam kong nakatingin din siya sa akin kaya pumikit ako at hinintay na ang pag dating ng labi niya..nakaka excite iyon..

Mahahlikan ko ulit siya.. ng matagal..

Pero bago pa man mag lapat ang labi namin ay may narinig akong umubo kaya mabilis akong napadilat.


Si Diane.

Nasa may hagdaan at nakatunghay sa amin. Nakangiti pa.

Umayos ako ng upo.

Naramdaman kong hinalikan ako ni Eugene sa pisngi.

"Hi, Diane." si doc na binati ang kaibigan ko.

Bumaba si Diane na may hawak na tumblr.

"Hi, din doc! Kuha lang ako ng tubig," aniya. "Nakaka uhaw kasi." kasabay nun ay tumingin siya sa akin at kinindatan ako.

Natatawang nagsumiksik na lang ako kay Eugene. Sabi na...










Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top