30



Thirty.




Wala pa si Diane ng makarating kami doon, pero kahapon ay binigyan na niya ako ng susi. Kaya ayun ang ginamit ko pang bukas ng gate at pinto.

"Diyan mo na lang 'yan." turo ko sa kanya sa may tabi ng monoblock. Dun ko na lang pinalagay ang dalawang maleta ko at ang cool man naman ay nasa kusina na. Pati ang jollibee.

Hindi na ganon kakalat ang bahay ni Diane kumpara kahapon. Maayos na ito, though wala pa gaanong gamit.

"Salamat." sabi ko sa kanya.

Matagal niyang nilibot ang paningin sa paligid. At nang tumitig siya sa akin, ay mata ko naman ang hindi mapakali. Parang mas lalo kaming naging awkward sa isa't isa, o ako lang?

Nasiguro ko na ako lang ang nakakaramdam nung hinawakan niya ang kamay ko at lumapit sa akin ng kaunti.

"Later, sunduin kita. Sabay tayo mag dinner." malamyos na sabi niya.

"Pero tutulungan ko pa si Diane dito, at aayusin ko rin yung mga gamit ko." sagot ko.

"Kailan ka pwede?"

"Ahh...siguro bukas na lang?"

"Tommorrow then."

Nginitian ko siya. Magaan na. "Salamat ulit sa pag tulong,"

"You're always welcome, love." niyakap niya ako pag katapos nun. Medyo matagal na yakap.

Niramdam ko 'yon, lalo pa ngayon na hindi ko na siya makikita tuwing umaga. Pero kailangan kong gawin 'to.

Napapikit ako ng bigyan niya ako ng saglit na halik sa labi. "Call me when you need anything, okay?"

Tumango ako sa kanya.

"Eat your breakfast everyday." dagdag pa niya.

"Oo. Sige na, baka maabutan ka pa ni Diane." sabi ko at hinatid na siya sa may gate.

"I love you." sabi niya bago umalis.

Wala akong maisagot kung hindi ang ngiti. Nginitian ko lang siya hanggang sa mawala na sa paningin ko ang sasakyan niya.

Papasok na sana ako sa loob ng mapansin ko si Raspy at Reyna na nakaupo sa gilid ng bakanteng lote. Sinara ko muna ang gate at pinuntahan sila.

"Uy, anong ginagawa ninyo diyan?" tanong ko pag kalapit.

Tumayo naman si Reyna at lumapit sa akin.

"Kumukuha po ng malunggay si Nanay," sagot niya at may tinuro doon sa gitna ng bakanteng lote. At nandoon nga, nakita ko si Diane na kumukuha ng malunggay at inaabot niya ito kay Never. Napailing na lang ako. Inabot ko si Raspy at binuhat hinawakan ko naman si Reyna sa kamay.

"Diane!" tawag ko sa kanya.

Mukhang hindi niya ako narinig pero narinig ako ni Never kaya hinila niya ang damit ng nanay niya, dahilan lara mapatingin sa akin si Diane. Kumaway ito.

"Ipapasok ko na sila sa loob, mainit dito!" sigaw ko.

"Sige! Susunod ako!" balik na hiyaw niya. Napansin ko rin na kinausap niya saglit si Never, at ilang sandali lang, tumatakbo na ito papunta sa akin.

"Raspy, baba ka na diyan." sabinniya agad sa kapatid na karga ko. "Baka nahihirapan na si Tita sayo."

Napangiti ako. Hinaplos ko ang ulo niya. "Napakabait mo talaga, pero okay lang naman. Pasok na tayo?"

Nilingon ulit ni Never ang nanay niya, na ngayon ay tapos na sa ginagawa at pabalik na sa amin.

"Ano 'yan? Bakit nagpakarga kay tita?" si Diane kay Raspy.

"Okay lang." sabi ko at nag lakad na. Hawak na rin kasi ni Never si Reyna. Nauna na silang nag lakad.

"Anong gagawin mo diyan?" tukoy ko sa malunggay.

"Pang ulam mamaya. Pang sabaw." aniya "Kanina ka pa?"

"Hindi. Kakaalis lang din ni doc."

"Ah, hinatid ka pa rin?"

Tumango ako. Nilapag ko na si Raspy sa monoblock na upuan sa tabi ng elektrikpan.

"Nanay may jabi sa kitchen!" hiyaw ni Reyna galing sa kitchen. Nanlalaki pa ang mata niya. Nakakatuwa.

"May jabi?!" si Raspy na agad pinuntahan ang ate niya. Sumunod naman si Never.

"Thank you." sabi ni Diane sa akin.

"Welcome."

Sabay kaming pumunta sa kitchen at nakita namin na nakatingin ang tatlo sa jollibee na paper bag. Inaamoy pa ni Raspy ito.

Si Diane naman ay nilagay ang hawak na malunggay sa plnggana na maliit at nilagay iyon sa lababo.

Inalis ko naman ang coolman sa lamesa at binaba na 'yon.

"Oh, anong sasabihin kay Tita?" si Diane.

"Thank you, tita dell!" sabay na sabi nung tatlo.

"Youre welcome.. Sige na, kain na tayo." sabi ko at inalalayan na makaupo si Raspy.

Inayos naman ni Diane ang pagkain. Kukuha sana ako ng plato, pero nakita ko na lang na Kumukuha na si Never. Napangiti ako.

Nilapitan ko siya. Nakita kong nahihirapan siyang kumuha ng tinidor, dahil nasa dulo kasi iyon ng dispenser. Inabot ko na iyon at binigay sa kanya.

"Thank you, tita."

"Ang bait mong kuya."

"Thank you po."

Nag umpisa na kaming kumain, maingay at masayang masaya ang mga bata, maging si Diane ay masaya rin na pinagmamasdan ito.

"Kuya, akin na lang chicken mo?" si Raspy na lumapit kay Never.

Kukuha sana ako sa bucket pero wala nang laman 'yon. Walong piraso lang kasi ang manok, at naka tatlo na si Raspy, at si Reyna naman ay nakadalawa na.

"Raspy, enough na." si Diane.

Nagulat ako walang sabi sabi na tumayo si Never at nilagay ang manok niya sa plato ni Raspy. Napatingin ako kay Diane.

"Kuya, okay lang mag share, pero paano ka?" sabi niya.

"Okay lang, nay. May burger naman po ako." sagot ng panganay.

Tinitigan ko ang manok sa plato ko. Wala pang bawas iyon, nilagay lang iyon ni Dianw. Dahil burger ang kinakain ko. Sinipa ko si Diane kaya naptingin siya sa akin.

Inilapit ko ang plato ko sa kanya at nginuso si Never. Umiiling pa nga siya, pero sa huli, kinuha niya rin iyon at nilagay sa plato ni Never.

"Nay?"

"Reward 'yan nak. Reward."

"Thank you po."

Pagkatapos kumain ay umakyat na ako para maayos ang mga gamit ko. Si Diane naman ay inasikaso ang tatlo.Itong bahay ni Diane ay hindi naman malaki, hindi rin maliit.

May tatlong kwarto dito. Isa ay ang kwarto ni Diane, yung isa sa mga bata at yung isa naman ang pinahiram niya sa akin.

Alas dos na nung nakatapos ako sa pag aayos. Pababa na ako ng makasabay ko si Diane sa hagdanan.

"San yung mga bata?" tanong ko.

"Kakatapos lang nila gumawa ng assignment, papatulugin na sila ng kuya nila."

"Ikaw, tapos ka na mag ayos? Kailangan mo ng tulong?"

Umiling ako. "Tapos na ako. Salamat."

"Nga pala, yung mga pagkain ko sa condo, dinala ko na lang dito." dumiretso kami sa kusina.

"Papaalala ko lang sayo ha? Hindi kita pinag babayad sa pagtira mo dito."

"Alam ko. Ano ka ba, kaysa naman iwanan ko 'yan sa condo, masasayang."

"Good. Mabuti nang nagkakalinawan tayo." aniya at kinuha na yung malunggay at hinimah himay 'yon. "Oh, balita sa inyo?"

Inirapan ko siya. "Alam mo naman e," sabi ko.

"Ewan ko sayo, dell! Ikaw bahala. Patagalin mo pa 'yang nararamdaman mo. Ikaw din magsa-suffer."

"Ewan ko din sayo! Kaya nga ako pum-"

"Ano yun?" tanong ni Diane ng may sumigaw sa labas.

Nagkibit balikat ako at tumayo. Tinignan ko 'yon at nilabas.

"Sino po sila?" tanong ko doon sa naka uniform ng sikat na mall dito sa pilipinas.

"Magandang hapon po, kay Ms. Madeline Mojico po." sabi nito.

"Ikaw daw." sabi ko kay Diane na galing sa kusina. "Ikaw hinahanap. Nag pa deliver ka ba?"

"Ha? Wala! Anong deliver?" nalilito niyang nilabas ang lalaki. Lumabas din ako. Nakita ko ang malaking truck sa harap.

"Wala po akong pera. Wala po akong pinapadeliver, kuya." ulit ni Diane.

"Pero maam, dito po naka address, at pangalan ninyo po ang nakalagay."

"Kanino daw po ba galing?" tanong ko na. Baka kasi mamaya scam to. Tapos bagong modus ng mga mandurugas, delikado pa naman sa panahon ngayon.

"Wala ka ping babayaran maam. Kay Mr. Eugene Macaraig po galing."

Napatakip ako ng bibig ko. Ano?!

"Kay Eugene?!" gulat na hiyaw ni Diane at napatingin sa akin.

Binuksan ni Diane ang gate niya at nag usap sila saglit nung lalaki. May pinapirmahan din sa kanya. Pagkatapos nun ay nakita kong binaba galing sa truck ang isang kulay itim na sofa..sinundan din iyon ng isa pa.

"Shet.." rinig kong bulong ni Diane sa tabi ko.

Bakit siya mag papadala ng ganito kay Diane?

"San po ilalagay 'to maam?" tanong nung nagbubuhat.

Natatataranta namang pumasok si Diane at tinuro ang tamang lagayan. Paglingon ko sa labas ay nanlaki ang mata ko ng makita kung gaano kalaki ang tv na buhat buhat ng tatlong tao.

Seryoso?!

May kasunod pa itong set ng computer. Na may kasamang nag kakabit ng wifi. Pinapirmahan din 'yon kay Diane. Si Diane naman ay hindi mag kandaugaga sa kakabasa at kakapirma.

Nakatulala lang ako at pinapanood ang mga tao na gawin ang trabaho nila.

Mahigit isang oras rin siguro 'yon ng matapos sila at umalis na.

"Tang ina, dell.." nanghihinang sabi ni Diane pagkatapos niyang ihatid ang mga nag deliver. Napahiga siya sa sofa.

Lito kong tinignan si Diane ng bigla siyang humalakhak. Nilibot ko ang paligid.. Ang kaninang walang laman na bahay ni Diane ay halos mapuno na. Lalo pa yung malaking tv.

"Mautak talaga si doc,"ani ni Diane. "Alam niyang hindi mo tatanggapin ang lahat ng ito kung ibibigay niya sayo, kaya sa akin niya pinangalan lahat. Grabe.. mautak."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top