3
3
"Dell, may nagpapabigay daw.." malaman na sabi ni Lina, yung ka officemate ko habang inaabot sa akin yung isang bouquet na bulaklak.
Agad na pumasok sa isip ko yung presyo ng bouquet na ito. Magkano ba ngayon yung mga ganito? 2500 ba? Putcha, pang groceries na 'to ah!
"Naks naman! May manliligaw na!"
"Kanino daw galing?" tanong ko habang kinuha na yung card sa my bulaklak.
"Ewan ko e, pinaabot lang ni manong guard."
'Good morning Miss Dell, hope that this flower can brighten up your day.'
-EM
"Hoy, sino yan?" tanong ulit nung ka officemate ko."
Palihim kong nulukot yung card. "Wala tanga. Ganito yung sample ng bouquet na ibebenta ko, bagsak presyo. Reseller ako." sabi ko na lang. Mukha naman siyang naniwala.
"Talaga?"
"Oo, may kakilala ka ba na nanliligaw ngayon? Sabihin mo may bouquet dito, bagsak presyo na. Dalawang libo na lang 'to."
"Oo, si Jomar, nanliligaw ngayon yun dun sa executive ni maam Lyn, bibilhin niya yan, oh ayan pala siya!" turo niya sa kadadaring lang na si Jomar.
"Hoy," harang ko kay Jomar. "Bibili ka ba ng bulaklak?"
"Oo bibili nga ako, pero hindi naman bouqut,Dell." aniya at sinuri yung hawak ko.
"Magkano ba budget mo?"
"2000 lang."
"Oh ito nga, 1,800 na lang." sabi ko at inabot sa kanya yung bouquet. Di na siya talo don no, mukhang mahal kasi talaga yung bouquet. Kulay acquamarine din ang kulay ng mga bulaklak kaya naman mukhang mahal talaga.
"Talaga? Mukhang mamahalin 'to? 1800 na lang? Saan ba galing 'to?"
Napairap ako. "Dami mong tanong. Bibilhin mo ba? Kasi kung hindi, kay Julius ko na lang ibibigay naghahanap din ng bulaklak yun e." sabi ko sabay binawi yung bulaklak
"Wait lang, ito naman masyadong nagmamadali-"
"Malamang! Dami mo pa kasing sinasabi, oh ano? Kukuhanin mo ba? Di ka na talo dito no!"
Napangiti ako ng dumukot siya ng dalawang libo sa wallet. Parang kuminang bigla yung mata ko dahil doon.
Pandagdag din sa budget. Salamat sa kung sino amna ng nag padala ng bulaklak.
"Oh ayan," aniya at ibaot yung pera. Sinuklian ko naman siya ng dalawang daan.
"Yun! Sabihan mo lang ulit ako pag kailangan mo ng bulaklak."
"Oo sige, salamat dito ah? Mukhang mamahalin talaga 'to Dell, saan mo ba nabili 'to?"
"Oh, ayan ka na naman sa mga tanong mo, alis na. Back to work!"
"Ewan ko sayo, paiba iba ka ng mood."
"He!" sabi ko at bumalik sa lamesa.
Napangiti naman ako ng matignan ang dalawang libo na hawak ko. May pang grocery na ulit ako! Pupunuin ko na yung ref ko this time, kahit mga processed food lang keri na.
"Hoy, bruhilda! Ano 'tong nakarating sa akin na reseller ka na raw ng bulaklak ngayon?" si Diane.
Kumakain kasi ako ngayon sa canteen. Nag baon ako pra tipid, ang mahal kasi ng ulam nila dito, isang pirasong manok 45 pesos na.
"Ah, wala yun, my nagpadala kasi ng bulaklak sa akin, eh ano namang gagawin ko doon diba? Edi binenta ko." paliwanag ko kaagad. Kumunot ang noo niya.
"Eh kanina naman galing yung bulaklak?"
Nagkibit balikat ako. "Ewan. Basta nakalagay lang sa card, E.M. hindi ko kilala yun."
"E.M? Gagi si doc yun!" aniya at hinampas pa ako sa braso.
"Paano mo naman nasabi?"
"Tangeks ka ba? Malamang siya yung doctor ni boss, alam mo naman na lahat ng writer dito pinapa check niya! E.M means, Eugene Macaraig."
Inirapan ko siya. "Eh ano naman? Binibig deal mo pa, wala na, nabenta ko na yung bulaklak!"
"Siraulo ka! Pinagkakitaan mo pa si doc," aniya at kinuha yung nuggets sa baunan ko at sinubo 'yon. "May pa dinner si boss mamaya, para daw yun sa success ng libro ni Joan."
"Saan daw? Buffey ba yan? Para naman makapag take out ako pang almusal bukas." sabi ko.
"Ewan ko, basta may libreng foods tayo later, sabay ka ba?"
"Malamang!"
----
Pagkadating namin sa restaurant ay nag uumpisa na silang magkainan. 5 nag start yung kainan, tapos 6:00pm naman ang out namin, galing! Sana may food pa.
Una kong nakita yung mga tao sa malaking lamesa na bilog. Nasa gitna sila, nandoon sila boss, at Joan kasama pa ng mga ibang executives at si...doc.
Nagtataka naman ako bakit kaya palagi siyang nasa gathering namin? Isa ba siya sa mga boss? Tsaka palagi siyang nasa table ng mga boss.
"Nandon ata yung food Dell, tara na!" hila sa akin ni Diane.
Nang makita ko yung mga nakahilerang pagkain ay pinalabas ko na agad sa kanya yung tupperware.
"Punyeta ka talaga Dell, nakakahiya ka!" nanggigil na bulong niya habang nilalagyan yung tupperware. Napilitan siya dahil sinabi ko sa kanya na hindi ko babayaran ang mga utang ko sa kanya kapag hindi niya nilagyan ng food yung tupperware. At! Syempre wala siyang pakielam sa pera, kaya binlockmail ko siya ulit na sasabihin ko kay Julius na gusto niya 'to pag hindi pa niya ginawa, kaya ayun, labag sa loob niyang kinuha ang tupper ware ko, at sinabutan ako after. Pero keri lang!
"Sinong nakakahiya? Ikaw 'tong kumukuha ng food," nilagyan ko ang plato ko ng tempura. "Ito kumuha ka ng marami nito ah," tukoy ko dun sa tempura.
"Sarap mong murahin!"
"Hindi ah," sabay kaming napalingon doon sa ang salita.
"Uy, doc!" ani ni Diane. "Kumusta po!"
Napairap ako. Kinausap pa kasi niya kaya mas lalong lumapit sa amin, napaurong ako kay Diane.
"Ayos naman ako. 'bout you? Tinutuloy mo ba yung vitamins?"
"Oo naman doc! Gusto ko pa pong mabuhay hanggang 93!"
Tinuloy ko lang ang paglagay ng pagkain sa plato ko. Inisip ko yung nasa tupperware, pwede ko na yun kainin bukas ng mag hapon. Tipid na din sa akin 'yon.
"Good."
"Syempre doc, kain po!"
"No. Busog na ako. Hi dell.."
Napalingon ako sa kanya. Tinignan ko lang siya at hindi pinansin.
"Ay doc! Single po 'yan si Dell, baka po gusto nito?" turo sa akin ni Diane.
"Tumahimik ka nga!"
"Yeah. I like her." sagot naman nung isa.
"Ay! Kaso doc medyo matanda na po siya, 29 na po-"
"Well, age doesn't matter for me,"
"Aaaah! Tang ina teh! Patusin mo na-"
Mabilis ko siyang hinarap. "Itatarak ko 'tong tinidor sa lalamunan mo Diane, huwag ka pang tumigil," sabi ko at iniwan na siya doon.
"Ay nagalit doc," rinig ko pa bago ako umalis.
Napakagago talaga ng kaibigan ko na yun! Para bang sinasabi niya na walang nagkakagusto sa akin, apaka bobo talaga! May nanliligaw kaya sa akin! Sinubo ko yung steak, sarap sungalngalin ni Diane!
Napatingin ako sa umupo sa tabi ko.
Yung doctor.
"Hi," aniya.
Binaba ko yung tinidor na hawak ko. "Bobo ka ba? Umalis na nga ako doon diba? Tapos susundan mo pa ako dito? Pwede bang tantanan mo ako?"
"Bakit ka ba galit sa akin?"
"Dahil simula ng makita kita hindi mo na ako tinantanan, palagi ka na lang nangugulo, di pa ba malinaw yung sinabi ko sayo? Na maghanap ka na lang ng ibang magugulo?"
"Hindi naman kita ginugulo, ganito lang talaga ako manligaw.."
Natawa naman ako. Putang ina?
"Manligaw? Nanliligaw ka na ba?"
"Yeah. Well, hindi pa actually. Kanina lang ako nagpadala ng flowers, uumpisahan ko pa lang ngayon." aniya. Pakiramdam ko mata niya yung nag sasalita, kaya pinilit kong umiwas ng tingin. Tanginang mata 'yan! Ang ganda.
"Alam mo bata," tingin ko sa kanya. "Kung bored ka, iba na lang. Kasi alam mo busy ako e, wala akong time sa laro. Hanap ka na lang ng iba, tutal pogi ka naman, successful. Hindi ka mahihirapan maghanap ng iba."
"Ngayon pa nga lang mahirap na. At isa pa, hindi na ako bata."
"Sasabihin mo na hindi ka na bata, eh ang hirap mong kausapin." ngiti ko sa kanya. "Tantanan mo na ako, nakakabuwisit na kasi,"
-_--
Galing sa pag idlip ay inaantok pa akong binuksan ang pinto ng may nag doorbell.
"Pizza?" sabi nung tao at walang sabi sabi na bigla na lang pumasok.
"Ano ba? Bakit nandito?" puna ko kay Eugene.
Ewan ko ba, simula ng makilala ko siya last week hindi na niya ako tinantanan. Manliligaw daw siya. Siguro sampung beses ko na siyang binated, pero parang wala lang sa kanya 'yon.
At ito na rin ang pangalawang beses niya na pumunta sa condo ko.
Umupo ako sa harapan na sopa, habang binubuksan niya yung box ng pizza.
"Makikitulog sana ako ulit," sagot niya.
"Bakit? Wala ka bang bahay?"
"Meron naman, kaso wala ka doon,"
"Alam mo bang pwede kitang idemanda ng tresspassing?"
"If, pumasok ako ng hindi mo alam. Pero kasi ikaw pa mismo ng nagbukas ng pinto sa akin."
Napairap ako. Mautak.
Tumayo ako at babalik na sa kwarto.
"Bahala ka. Matutulog na ako, huwag kang maingay."
"Yes boss!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top