28



Twenty eight



Saan ka na pupunta?" tanong ni Diane ng nagpaalam akong aalis.

"Kay Falco. Pag uusapan na namin ang magiging trabaho ko." sagot ko. Kanina kasi ay nag text na siya na okay na at nakahanda na ang kontrata. Mag kikita lang kami sa restaurant malapit sa office ni Mr.Ching

"Oh. Sige, ingat ka ha! Balitaan mo ako," aniya.

Nang nasa may gate na kami ay may bigla akong naisip. "Pwede na ba akong lumipat dito bukas?"

"Ha?" halatang nagulat siya sa biglaan kong desisyon. "Pwede naman...kaya lang.. agad agad talaga? Bukas?"

"Gusto ko na lang na makaiwas na. Palagay ko, kaya ko naman nang mag isa. Mamaya after ng meeting, hahakutin ko na yung iba kong gamit."

"Pag isipan mo muna 'yan, Dell." bigla ay naging seryoso siya. "Mahal ka ni Eugene."

"Ayoko nga-"

"Dell, matanda ka na. Tama na 'yang pag seself pity mo. Mas bata sayo si Eugene, pero mas mature siya mag isip sa'yo." aniya. "Sa totoo lang, napaka babaw ng rason mo. Sorry kaibigan kita, Dell, pero...ang babaw talaga. Mahal ka nung tao, at alam ko na parehas kayo ng nararamdaman at sa ginagawa mong 'yan, pinapahirapan mo lang kayong dalawa."

"Walang masama sa mag mahal. Nasa tamang edad ka na, dapat isipin mo naman yung sarili mo hindi puro ibang tao."

"Isa ka sa mga babaeng pinagpala na mahal ng taong mahal nila."

"Basta. Aalagaan ko na lang sila Never." sabi ko at umalis na.

Lutang na lutang ako habang nakikipag usap kay Falco. Mayroon siyang sinasabi tungkol sa magiging position ko sa kompanya pero ang isip ko ay na kay Eugene. Ang tanging na absorb ko lang ay ipapublish na niya ang mga gawa ko at ang mga rights na mapapa sa akin. Diniscuss niya rin ang magiging hatian at ang sweldo ko. Pero bukod dun, hindi ko na alam ang iba pa niyang sinabi, lumipad na ang utak ko.

"Dell?"

Iniisip ko yung sinabi ni Diane. Totoo bang mag seself-ppity lang ako? Na totoong wala naman talagang problema, nasa isip ko lang. Minsan iniisip ko rin 'yon, na bakit ganito ako? Bakit ako takot sa relasyon? Dati naman, kung sino ang manligaw basta gusto ko, sinasagot ko rin. Pero bakit pag dating kay Eugene, takot na takot ako mag commit?

"Dell?"

Hindi ko maintindihan, gusto kong subukan pero natatakot ako.

"Dell?!"

"Uy!" gulat na sabi ko. Bigla akong natauhan.

"Nakikinig ka ba?" tanong niya.

"Sorry..ahm.."

"It's fine. Tapos na rin naman," aniya at ibinigay sa akin yung folder na may kontrata na pinirmahan ko kanina. "Keep that. It's your copy."

Tumango ako "Salamat."

"Like what i've said. Hindi mo kailangan pumunta palagi sa office, you can work through laptop. Alam ko kung gaano kahirap mag sulat at mag isip ng mga ideas, kaya hawak mo ang oras mo,i will not give you extra works, you just have to write for us."

"Okay.."

"And one more.. i just want to remind you, that you are our exclusive writer. You know what i mean? Don't mess with me, and we're good."

Tumango ako. "Alam ko.."

"Good. Naipadala na sa bank account mo ang unang sweldo mo."

"Hu? Agad agad? Pero wala pa akong nagagawa.." lito kong tanong. May bayad agad?

"Bayad yun sa pag sign mo sa company." aniya. "And next week, ready to publish na ang 1st novel mo under me."

Naaamaze ako kung gaano kabilis kumilos si Falco, para bang matagal na niyang plinano at pinag handaan ito. Kalkulado na niya ang mga mangyayari.

"That's all for now, thanks for your time." aniya at tumayo na.

Tumayo rin ako at inabot ang kamay niya.
"Thank you din."

"Just always check your email." sabi niya bago umalis.

Ako naman ay naupo ulit. Tinitigan ang mga pagkain na hindi nagalaw. Sayang naman ito, nakita ko rin kasi na binayaran na niya ito kanina. Kaya hindi na ako ang dalawang isip pa na tawagin ang waiter at ipinabalot ito.

Napaka busy kasing tao ni Falco. Kanina nga nagtanong ako kung bakit pwedeng sa emails lang ako mag work, dun ko na lang ipapasa ang mga trabaho, yun pala, sabi kasi niya ginagawa pa ang office nila dito sa pilipinas, ang main office talaga ay nasa new york. At madalas din siyang nasa abroad. Kaya ang magiging kalabasan ko, sumasahod ako ng walang trabaho. Mero naman, bilang manunulat pero pinagaan niya yung trabaho ko. Pero meron akong isang kailangan gawin na every year, dapat may matapos akong novel kahit isa.

Okay naman sa akin yun. Too good to be true, pero..isa siyang De luca kaya naniwala ako.

Nang makuha ang mga pagkain ay nag decude ako ulit na pumunta kay Diane. Doon na lang ako kakain. Namatay na rin ang phone ko dahil na lowbat ito.

"Oh? May nakalimutan ka ba?" bungad sa akin ni Diane pagbukas niya ng gate. Umiling ako at agad na inabot ang paper bag na may lamang pagkain.

"Dito ako kakain." sagot ko at nauna ng pumasok habnag sinasara niya ang gate niya.

"Bakit hindi ka umuwi doon sa condo?"

"Gusto kong makita ang mga bata."

"Sus! Huwag mong gamitin ang mga bata sa pag iwas."

Nilingon ko siya. "Daldal mo."

"Hi, Tita dell!"

Napangiti ako sa bumati sa akin. Si Never na galing sa kusina at may dala dalang pitchel. Naka suot ng stripes na sandong blue at short. Lumapit ako sa kanila. Inabot ko naman ang kamay ko para makapag mano siya.

"Thank you, nak!" sabi ko at hinaplos ang mukha niya. "Ka gwapo!"

"Ayusin ko lang 'tong dala mo." paalam ni Diane. Ako naman ay umupo na rin sa hapag kung saan nag aayos si Never. Pinag mamasdan ko lang siya na lagyan ng tubig ang baso ng mga kapatid niya.

Nakaupo na rin kasi sa hapag ang dalawa pa niyang kapatid. Si Raspy na 4 years old at si Reyna 6 years old. Si Never ang nakagitna sa dalawa at sabay na inaasikaso ang dalawa. 8 years old na si Never at nasa grade 3 na siya, pero matangkad siya kumpara sa mga kaedaran niya. At nakakatuwa dahil napaka responsable niya.

"Tita, kain ka na rin po." aya niya.

"Salamat." sabi ko at kinuha yung extrang plato sa lamesa. "May dala akong fried chicken,"

"Jabi?" tanong ni Raspy.

"Wala namang mukha ng bee yung dala ni tita." sagot naman ni Reyna.

Natawa ako sa kacutan nila.

"Sorry..hindi galing kay jabi yung chicken e," hinaplos ko pa ang mahaba ng buhok ni Raspy.

"Dapat jabi!" sagot ulit niya

Magsasalita na sana ako kasi naunahan ako ni Never.

"Raspy, bad iyan. Dapat mag thank you ka kay Tita dell dahil binigyan niya tayo ng food, say thank you."

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdam ko itong tatlo na ito. Kuyang kiya na talaga si Never.

"Thank you!" si Raspy na ngumuso pa kaya binaba ko ang pisngi ko.

"Ano yang pinag uusapan ninyo?" si Diane na may bitbit na dalawang plato.

"You're welcome. Hayaan mo, next time, dadalhan kita ng jabi mo."

"Sus! Mukhang jabi!" pang asar ni Diane kay Raspy.

Maingay at masaya ang naging pag sasalo salo namin ng gabing 'yon. Ang daldal kasi ni Raspy, at bawat sasabihin niya at nakakatuwa. Alas neube na ng gabi ng makauwi ako sa condo. At naabutan ko na nag luluto si Eugene doon. Napalingon pa nga siya sa akin pag pasok ko.

"Love," salubong niya sa akin. Umiwas ako ng ambang hahalikan niya ako. Medyo nabigla siya sa inasal ko kaya napatigil siya.


Yumuko na lang ako.

"Nag dinner ka na?" Tanong niya.


"Oo tapos na. Matutulog na ako." sabi ko at mabilis na pumasok sa kwarto.


Napabuga ako ng hangin. Shit. Wala naman akong hika, bakit ako naghahabol ng hininga?



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top