27
Twenty seven
Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog kagabi, basta pagkasabi ni Eugene ng 'I love you' ay nakuntento na ako at mabilis nakatulog.
Ngayon ay umaga na, hindi ko alam kung anong oras .. tulad ng palagi kong gingawa kapag kagising ay kinapa ko ang cellphone ko sa ibabaw ng lamp table habang naksubsob pa ang mukha ko sa kama. Nang makuha ko iyon ay mabilis kong tinignan ang oras at nakitang six thirty eight na pala ng umaga.
Bumangon ako at dumiretso na sa banyo para maligo, maaga akong papasok ngayon para maaga din makauwi mamaya, kakausapin ko rin si Diane.
Nang matapos ako ay nag bihis lang ako ng tshirt na dilaw na may nakasulat na 'Kyungsoo' at tinernuhan 'yon ng itim na pants. Hindi muna ako nag suot ng shoes at naupo muna sa kama tsaka doon tumulala habang nag susuklay.
Naghikab ako sa pang siyam na pagkakataon, dapat pala nagtimpla muna ako ng kape bago umupo dito. Pakiramdam ko pagod na pagod ako.
Wala sa sariling napabaling ako sa pintuan ng bigalng bumukas iyon, si Eugene.
Nakahubad siya at tanging shorts lang ang suot.
Biglang bumalik lahat ng nangyari at ginawa niya sa akin kagabi nung makita ko siya.
"Good morning," bati niya ng makita ako.
Napalunok ako.
Hinalikan niya ko sa labi saglit ng makalapit siya. "Aalis ka?"
Bakit ba hindi ako umiiwas sa halik niya?
.
Tumango ako. "Oo, maram-" natigil ako. Naalala ko nga pala na wala na akong trabaho ngayon!
Nag resign na nga pala ako!
"Nakalimutan mo?" natatawa niyang tanong.
Dahan dahan akong tumango.
"Balik ka ulit sa pag tulog love,"
"Hindi naman na ako inaantok,"
"Well, ako inaantok." sabi niya at niyakap ako para makasama sa kanya sa pag higa.
"Eugene ano ba?! Bitaw nga!" pinalo ko siya sa tiyan niya pero wala namang naging epekto sa kanya 'yon at mas lalo pa akong niyakap. Pinatong pa niya ang isang hita niya sa akin.
"Shhh.. Sleep lang ako, love mga 5 minutes." aniya. "Did'nt sleep last night."
Tumigil ako sa pag tulak sa kanya. "Bakit naman?"
"I keep thinking of you." mabilis na sagot niya. "Di mawala sa utak ko kung gaano ka kaganda kagabi."
Nag init naman ang pisngi ko. Ang tinutukoy ba niya ay yung hitsura ko habang..
Shit. Ano ba?! Bakit 'yon? Nag make up ako kagabi, marahil 'yun yon. Yun!
"The way you stood out for Diane, mas lalo akong nahulog sayo. You're really a great friend, love. Kaya hindi ko napigilan ang sarili ko kagabi, masyado akong na turn-on."
Kagat kagat ang labi ay nakikinig lang ako sa kanya.
"Im sorry, do you want to say something?"
Umiling ako. Pero bigla kong naalala na dahil nga sa nag resign ako, ibig sabihin dapat ay umalis na ako dito. Kahit pa sabihin ni sir na okay lang manatili dito, nakakahiya pa rin.
Tinanggal ko ang binti niya sa akin at pinilit kong bumangon. Hinayaan naman niya ako. At nang makaupo ako ay humarap ako sa kanya.
"Doc..." tawag ko sa kanya dahil nakapikit siya. Nakapatong ang kanang braso sa ulo niya.
"Love," sagot niya. Binaba niya ang braso niya at tinukod ang kabilang kamay sa ulo niya paharap sa akin.
"Itong condo kasi, pinahiram lang sa akin ito ni Mr. Ching.." umpisa ko. Nakita ko naman na tumango siya at nakikinig ng mabuti.
"Diba nga nag resign na ako. Ibig sabihin kailangan ko na rin umalis dito."
"You can live with me." mabilis na sagot niya at umayos ng upo. "Kailan ka mag hahakot ng gamit?"
"Doc, hindi." pigil ko. Dahil handang handa na siya mag buhat ng gamit ngayon pa lang. "Nakausap ko na si Diane. At doon muna ako makikituloy habang nag iipon."
"Love, pwede ka namang tumira sa akin."
"Doc, sinabi ko sa'yo 'to kasi gusto kong malaman mo yung napag usapan namin kahapon. Tsaka hindi naman ata tama na makitira ako sa 'yo."
"Why?"
"Dahil hindi naman tayo magkaano-ano-"
"Girlfriend kita." seryosong sabi niya.
Umiling ako. "Hindi.."
Dahil..yun naman ang totoo. Hindi niya ako girlfriend..
"Really?" nakangisi siya pero ramdam mo yung galit at lito sa boses niya. "Then give us label then. Ano tayo?"
"Ewan ko." naiirita na rin na sagot ko. "Umpisa pa lang malinaw naman na sinabi ko sa'yong iba ang priority ko diba?"
"And i understand that."
"Eh bakit ngayon minamadali mo ako?"
"Hindi kita minamadali, nagtatanong lang ako." aniya. "Im sorry. Hindi ako dapat nag tanong."
Niyakap niya ako at hinalikan sa ulo. "Im sorry, hindi ako dapat nag tanong."
Natauhan din ako sa mga nasabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung kaya ko ba na bang bumigay sa kanya. Natatakot ako na baka sa umpisa niya lang ako mahalin, baka sa umpisa lang siya nandiyan, baka iwan niya lang ako sa huli.
Pero..
"Im sorry din." sabi ko at tumayo na Hinabol niya ang kamay ko at hinawakan 'yon.
"Im sorry, love.."
"Aalis na ako." sabi ko kahit pa wala naman talaga akong balak na umalis ngayong araw. Pero aalis na lang ako.
"Where are you going?"
"Bibisitahin ko si Diane."
"Gusto mo samahan kita?"
"Hindi, kaya ko mag isa." sagot ko. "Isa pa, wala ka bang trabaho ngayon?" isinukbit ko na ang sling bag ko at hindi ko na hinintay ang sagot niya, lumabas na ako ng kwarto. Natigil pa ako ng makita na may pagkain sa lamesa. Mukhang nag luto siya. Isang beses ko pa ulit na tinitigan iyon tsaka nag pasiyang umalis.
Habang nasa elevator ay tinext ko si Diane kung nasaan siya at sinabi niya na nasa pinapatayong bahay siya kaya doon ako pupunta ngayon.
Biglang pumasok sa isip ko yung mukha ni Eugene kanina. Kung gaano nalukot sa sakit ang mukha niya dahil sa sinabi ko.
Ang sama ko ba?
Ayokong saktan siya. Dahil alam ko kung sakali man na magiging kami, mamumublema lang siya dahil sa akin. Puro stress lang ang maibibigay ko sa kanya. Madadamay pa siya sa stress ng pamilya ko.
Ayoko na mangyari sa kanya yun. Bata pa siya, at sa tingin ko, may makikilala pa siya na 'mas' sa akin. Yung bata at successful na tulad niya. Yung walang sabit. Magulo ako at magugulo rin siya kapag naging kami.
Kaya hangga't kaya ko, pipigilan ko.
Sakay ako ng trisikel ng makapasok ako sa subdivision kung saan si Diane. Ang sabi niya kasi ay inuumpisahan na daw niyang pinturahan ang paligid. Nakakatuwa nga siya dahil napaka tibay ng puso niya. Siya ang tao na maihahalintulad sa great wall of china. Kasing tatag siya ng pader. Kaya tuwing namumublema ako, iniisip ko na lang si Diane, minsan problema siya, pero madalas inspirasyon siya.
Sumilip ako sa kulay green na gate. Sabi kasi sa text ay kulay green daw ang gate niya.
"Diane?" tawag ko doon.
May lumabas na babae na maikli ang buhok at nakadilaw. Nakangiti itong lumabas ng pinto.
"Yes?" ani nito.
Ngumiti naman ako. "Hi, im Dell. Dito ba nakatira si Dia-"
"Maria," tawag naman nung lalaking lumabas din galing sa pinto.
Hindi ko alam.. pamilyar yung lalaki.
Nilingon ng babae yung lalaki kaya nakita ko yung balat niya sa braso. "Ahm.. may hinahanap yata siya.."
Tumango naman ang lalaki at pinapasok sa loob ang babae. Hinarap ako nung lalaki.
"Hinaha-"
"Uy!" hiyaw ng kung sino. Nilingon ko iyon at nakitang nasa kabilang banda pala siya.
"Ba't nandiyan ka naman? Dito bahay ko, bruha ka!" si Diane na naka sando lang siya habang nakahawak sa gate niyang kulay blue green.
Nilingon ko yung lalaki ngunit wala na iyon. Pumasok na yata.
Napailing akong tumawid.
"Bakit ka nandoon?" tanong agad niya pagkakuha ng dala kong donut.
"Sabi mo kasi green na gate!" sagot ko. "Para sa mga bata 'yan."
"Nasa school sila." sagot niya nang nasa loob na kami.
Ang saya naman ng puso ko ng makitang maayos naman pala ang lugar na nabili ng kaibigan ko. Maayos naman pala ang tinitirahan ng pamilya niya.
"Wala pa akong sofa kaya sa sahig ka muna maupo." sabi niya habang nag susuklay.
Umupo ako sa gilid ng pinto kung nasaan ang outlet. Nanghiram din ako ng charger sa kanya dahil nalolowbat na pala ako.
"Ay, Diane.." sabi ko ng may mapansin ako. "Nasaan yung sasakyan ng papa mo? Bakit hindi ko na nakikita."
Nagkibit balikat siya nang nilapag sa harap ko ang isang piraso ng donut. "Kinuwento ko na sayo diba? Alam mo kung ano ang mga kaya niyang gawin diba?"
Napairap ako. "Ano oras uwi ng mga bata? Gusto ko na silang makita."
"Mamaya pa yun mga 11:30." aniya. "Sige na, mag kwento ka na."
"Ha?" lito kong tanong. Hindi ko kasi alam ibig niyang sabihin.
"Mas matanda ka sa akin, pero hindi mo aka maloloko, Dell. Tell me, si doc na 'yan?"
"Nang...nanghihinye na kasi siya ng label." nanghihina n sagot ko dahil bumalik na naman sa akin kung paano siya nagtanong kanina.
"Oh, anong sinabi mo?"
Umiling ako.
"Huwag mo akong ilingan lang. Ano nga? Ayaw mo ba sa kanya?"
"Tingin ko lang...hindi kami bagay. I mean..alam mo naman kung anong takbo ng buhay ko diba? Kung idadagdag ko pa siya-"
"Edi matutulungan ka niya." patapos niya sa sinabi ko.
"At ayoko ng nun!"
"Iba naman kasing tulong ang nasa isip mo, Dell." sabi niya. "Hindi kapag sinabing tulong ay pera n a agad. Mautulungan ka niya emotinally, may makakausap ka at may masasandalan ka. Huwag ka kasing matakot sumubok!"
"Sinasabi ko sayo, mabait 'yan si Eugene."
"Kaya nga mas lalo akong ang aalangan."
"Alangan, alangan..pustahan tayo nag make out na kayo!" walang preno na sabi niya.
Binato ko sa kanya yung nakahawakan kong karton ng bumbilya.
"Tumigil ka!"
"Asus! Arte mo." irap niya. "Isa pa, bakit kasi dinadown mo sarili mo? Napaka hirap ng ginagawa mo sa sarili mo, Dell. Sobrang daming tao na nag mamahal sayo, pwera lang ikaw. Love yourself! Wala kang hindi deserve, lahat deserve mo. Deserve mo maging masaya, at deserve mo mahalin. Bigay mo na sa sarili mo 'yan!"
"Maging madamot ka na sa lahat, huwag lang sa sarili mo. Lesson learned. Been there, done that." sabi niya at nag pat pa siya sa sarili niyang balikat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top