25
"Happy birthday, boy!" bati ni Eugene ng makapasok kami malaking hall. Hindi tulad sa baba kulay itim ang hitsura ng hall na ito. Nagsusumigaw ng pagka matigas. Itim at puti lamang ang makikitang kulay ng paligid, maliban sa iilang halaman na naka display.
May nakita rin akong catering na gilid na abala sa pag aayos sa napakahabang table.
Meron naman sa gitna na malaking bilog na lamesa, kasya doon ang sampo na uupo. Sa paligid naman ay iilang mga tao na masayang nag uusap at may hawak na baso ng alak at isa lang ang kilala ko doon, si Falco lang, na ngayon ay nakikipag usap sa isang lalaking naka tshirt na may nakasulat na gucci na kulay itim at naka pants.
"Tell me everything when we get home later." ani ni Eugene at seryoso na hindi pa rin pala tapos sa issue kanina.
Tumango na lang ako. Nakatingin pa rin siya sa akin.
"Eugene!" hiyaw ng kung sino kaya
"Tawag ka.." sabi ko sa kanya ng sa akin pa rin nakatuon ang atensyon niya at hindi doon sa nagtawag.
"Boy," nakalapit na sa amin yung lalaking naka longsleeve na itim. Mukhang kakagaling lang sa office.
"Huy," tawag ko sa kanya dahil hindi pa rin niya tmtinitignan yung lalaki sa harap namin. "Eugene.."
"Hello po.." sabi ko na lang at ngumiti doon sa lalaki.
"Hi, Argon." pakilala niya at inabot ang kamay. Tinanggap ko naman 'yon.
"Dell, po."
"Nice name." aniya at ngumingising sinulyapan si Eugene na nakatingin na sa kanya ngayon. "L.Q?"
Mabilis akong umiling.
"Happy birthday." walang emosyon na sabi ni Eugene.
"Thanks, boy." nangingiti pa rin na sabi ni Argon bago umalis pero agad ding natigil ng may sumigaw.
"Happy birthday!" sigaw ng kung sino. Nang makita ko kung sino 'yon ay nanlaki ang mata ko.
Si Diane!
"Madeline!" si Argon na bumalik at sinalubong ang kaibigan ko. Kinuha niya ang bitbit nitong box, na tingin ko ay cake.
"Happy birthday!" si Diane ulit at niyakap si Argon.
"Thanks, akala ko talaga hindi ka makakapunta."
"Let's go." ani ni Eugene at naglakad na palapit sa iba pang bisita kaya hindi ko na narinig ang isasagot ni Diane. Pinakilala niya ako kay Reyven at Loey. Pati sa isang babae na naroon na girlfriend ni Loey na si Sandra.
Umupo na kami sa may lamesa pagkatapos. Nakilala ko rin si Reyven na nakaupo ngayon sa harapan ng pwesto namin ni Eugene. At malayo ang tingin. Maliban sa kanya at kay Falco, Loey ay may dalawa pang lalaki doon na hindi kilala at seryosong nag uusap na kanina pa pala nakaupo sa lamesa. Pero parang pamilyar sa akin yung Naka white shirt na may dogtag...
Shit! Oo! Siya yung pumasok sa condo ko numg nakaraan!
Sa pag kakaalala ko..Akai yung name niya.
"He's a soldier. Huwag mong titigan, baka hulihin ka niyan." napalingon ako doon sa bumulong.
Si Falco na seryoso ang mukha habang nataas ang makapal na kilay.
"Sorry.." bulong ko din. Sa pag aakala na baka nga hulihin ako. Sa hitsura kasi nung Akai, parang lahat sasaktan niya.
"Kidding." balik na bulong ni Falco kayadi ko mapigilan matawa dahil sa hitsura ng mukha niyang nag memake face pa.
Hindi ko akalain na may side pa lang ganito si Falco. Nakilala ko kasi siya na palaging seryoso. Publisher at Writer kasi siya kaya hindi naman siya nakakausap madalas sa office. Minsan lang pag may meeting. Tapos nun tapos na.
"What's funny?" sulpot ni Eugene kaya natigil ako sa pagtawa.
"Si Falco kasi.." sabi ko at ngumiti sa kanya. Napansin ko na masungit pa rin siya. "Galit ka pa rin sa akin?"
"No.." iling niya pero nakairap siya.
Nanliit ang mata ko. Kinurot ko siya sa may tagiliran. "Sungit mo ah!" bulong ko.
Pero hindi niya ako tinignan at blanko lang ang mukha niya. Natawa ako.. so ganito pala mag tampo si doc?
Naiinitindihan ko naman kung bakit siya ganito. Kanina pa kami magkasama pero hindi ko nasabi sa kanya na wala na ako sa trabaho. Tapos nalaman niya pa nang sabihin ko sa kaibigan niya, sa harap pa niya mismo. So..nakakatampo naman talaga.
"Uy, sorry na.." sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Effective naman 'yon dahil tumingin na siya sa akin. Nilapit ko pa lalo yung mukha ko sa kanya kahit pa medyo mataas siya ay inangat ko kaunti ang sarili ko para maabot ang labi niya. Pinatakan ko iyon ng mabilis na halik.
Nginitian ko siya pagkatapos. "Sorry..mamaya, ikukwento ko sayo lahat."
Hindi siya sumagot at pumikit lang saglit. Pag dilat niya ay namumungay na ang mga mata niyang nakatingin sa labi ko.
"Huwag ka ng magalit.."
"I love you." malamyos na sabi niya at hinalikan ako sa noo.
Kinurot ko siya sa tagiliran. Nang ngumisi siya ay napairap ako.
"Arte.." sabi ko at umayos na ng upo.
Nabigla nga ako ng makitang lahat sila ay nakatingin sa amin. Shit. Nakita ba nila?
Nakalimutan ko, may ibang tao nga pala! ngumiti na lang ako at yumuko.
"What's with that look?" si Eugene sa tabi ko, naramdaman ko rin ang kamay niya sa beywang ko. "Stop it."
"Pakilala mo naman kami sa girlfriend mo, bunso." sabi nung naka lalaking longsleeve na puti na kausap kanina ni Akai.
"Im pretty sure nasabi na sa inyo ni Falco ang lahat." matulis niyang sinulyapan si Falco sa gilid ko.
"She's my girlfriend. Her name is Dell." si Eugene.
Nag dalawang isip ako kung tatayo ba ako o hindi. Pero sa huli tumayo na lang ako. Medyo nagulat nga sila sa pagtayo ko.
"Hello po.." bati ko sa kanila.
Naramdaman ko ang hawak ni Eugene sa kamay ko at pinaupo ako. "Love, you don't have to do that."
"Yeah. relax, kami kami lang 'to." nakangiting sabi ni Sandra sa akin.
Wala naman akong ginawa kung hindi ang ngumiti lang sa kanilang siyam, kasama si Diane na ngayon ay pinandidilatan ako ng mata. Katabi niya si Eugene at sa kabila ay si Loey na katabi naman ang girlfriend niya.
"The girl who locked Eugene inside her room." si Akai.
"What?"
"What?
Sabay sabay na react nila.
Shit. Naalala pa niya yun?
"Ahmm..hindi, misunderstanding lang 'yon." sagot ko kaagad. Dahil baka mamaya kung anong isipin nila sa akin. Sabihin..
"Can we not talk about us?" si Eugene na iniba na alng amg usapa. Gosh. Hindi ko inakala na sasabihin niya 'yon. "Happy birthday, Camilo!" aniya at tumayo at lumapit doon sa kausap ni Akai kanina, tumayo rin ito at niyakap si Eugene.
"Thank you, bunso." sabi nung Camillo.
Mabilis akong napaaray ng may pumalo sa kamay ko. "Huy, bruhilda!" si Diane na mapanakit.
"Namamalo ka?" hinaplos ko ang kamay ko. Itong babae na 'to kahit saan talaga.
"Lumapit ka na dito, palit na kayo ng seat ni doc para may makausap ako."
Inirapan ko siya at umupo nga sa inupuan ni Eugene. Saglit kong nilingon iyon at nakita kong nag uusap silang anim na lalaki.
"Bakit?" tanong ko.
"Hindi mo sinabi na pupunta ka dito,"
"Biglaan lang akong inaya ni Eugene dito," sagot ko. "Eh ikaw, paano mo sila nakilala? Mukhang close kayo ni Argon."
"Oo, medyo lang. Alam mo na," nilakihan pa niya ang mata niya. Na gets ko naman agad ang gusto niyang iparating.
Ex boyfriend nga pala niya si Reyven, dahil siguro doon kaya niya nakilala ang mga tao dito. Naalala ko, sinabi niya rin dati na pamilyar si Eugene sa kanya at kilala niya si Falco.
"Oh bakit ka pa pumunta dito? Akala ko ba iniiwasan mo na?" tanong ko. Di naman sinasadyang napalingon ako kay Sandra na ngayon ay nakangiti habang may ginagawa sa cellphone.
"Hindi ko kasi matiis si Kuya Camilo." aniya. "Isa pa, nag order din sila ng keyk. Sayang naman kung tanggihan ko."
"Mga dahilan mo bulok."
"Totoo!"
"Love," si Eugene ng makabalik na.
"Palit tayo ng pwesto, okay lang?" tanong ko.
"Syempre naman." sagot niya.
"Thanks!" binalingan ko ulit si Diane na nakayuko. Kumunot ang noo ko, hindi ko maintindihan kung bakit, samantalang kanina, magiliw naman siya.
Hindi naman sinasadyang naligaw ang mata ko sa direksyon nila Reyven. At doon nakita ko kung gaano niya katalim tignan ang kaibigan ko.
"Iangat mo nga 'yang mukha mo, huwag kang papatalo sa gagong 'yan." madiing bulong ko sa kay Diane.
Unti unti naman niyang inangat ang ulo niya at umiling sa akin. Na parang nag mamakaawa na huwag ko na siyang pakielamanan dahil baka mag kagulo pa.
"Iangat mo 'yan. Umupo ka ng tuwid." hinawakan ko ang likod niya. "Taas mo yang noo mo. Ex mo lang 'yan hindi 'yan Diyos, para yukuan mo."
Ilang saglit lang ay umayos na siya ng upo niya at maayos niyang tinaas ang noo niya. Na dapat lang naman talaga! Bwisit! Sa mga kinuwento s akin ni Diane, ay talagang nakakagigil si Reyven! Gwapo lang siya pero gago.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top