24




twenty four



Magkatabi kaming natulog ni Eugene ng araw na 'yon. Nagising ako ng tumunog ang alarm clock. Mahigpit siyang nakayakap sa akin habang tulog na tulog.

Nagkaroon ako ng chance na matitigan ang mukha niya.

Nasabi ko na ba 'to? Nakaka inggit ang lashes niya. Ang hahaba. At ang ilong niya na maliit. Palagay ko mas makinis pa ang mukha nito kaysa sa akin. Wala man lang siyang ka pores-pores. At lastly..yung labi niya.

Ang labi niyang may kakaibang kakayahan.. Hindi ko maintindihan ang dulot nito, pero.. madalas akong kinikilig kapag dumidikit ito sa akin. May tumitibok sa kung saan.

Sa totoo lang kaya ko siyang titigan ng ilang oras, kaya lang..nag iingay na kasi ang alarm clock ko, iniingatan ko naman na hindi siya magising, dahil alam kong pagod siya galing trabaho.

Pagkatapos kong maligo at makapag bihis ng pangpasok ay nagluto naman ako ng ulam. Cornbeef lang iyon na may sabaw at isang pack ng tocino. Nakapag saing na rin ako kanina bago naligo.

Habang nag aantay na maluto ang cornbeef ay inasikaso ko na ang resignation letter ko. Buo na kasi ang desisyon ko. Sasabihin ko na kay Falco mamaya. Nang matapos iyon ay tsaka naman sakto na naluto ang ulam.

Gusto ko nga sanang gisingin si Eugene para kumain, pero iniisip ko naman, alas quatro na kami natulog kanina, seven am pa lang ngayon. Kailangan niyang magbawi ng tulog.

Habang kumakain ako mag isa ay nabigla ako ng may humalik sa ulo ko. Nang tingalain ko iyon ay si Eugene.

Bagong ligo at halatang paalis na. Nakasuot siya ng white tshirt at nasa balikat ang coat niya. Medyo gulo gulo ang buhok dahil sa medyo basa ito.

"Naligo ka?" tanong ko kaagad. "Bawal maligo pag walang tulog."

"Good morning, love." sabi niya lang at sandali akong hinalikan sa labi. "I love you."

"Pupunta ka ng hospital?"

"Yes. Kailangan na kasi, malapit ng magising ang pasyente ko." aniya.

"Breakfast ka muna." sabi ko at kumuha agad ng plato at sinandukan siya.

Umupo naman siya sa may tabi ko at saglit na tumayo para kunin ang gatas niya. Nag stock na ksi siya dito ng gatas niya. Dahil hindi naman ako mahilig sa milk, at tuwing nandito siya ay hinahanap hanap niya 'yon

"Anong gagawin mo ngayong araw, love?" tanong niya ng mag umpisa kumain.

Lumunok muna ako bago sumagot. "Sa office. Nakagawa na rin ako ng resignation letter ko. Ipapasa ko na lang sa h.r mamaya."

"Goodluck, love."

Ngumiti ako. "Kinakabahan ako sa gagawin ko, pero at the same time, excited."

"Im happy for you." sabi niya at hinalikan ako sa kamay. "Remember that."

Nakangiti akong tumango. "Thank you."

"I love you."

Pagkatapos kumain ay hinatid niya ulit ako sa office. Gusto pa nga sana niyang mag tagal dahil gusto niyang makausap si Falco pero hindi na rin kinaya ng oras, isa pa tumawag na sa kanya ang sekretarya niya na nagising na daw ang pasiyente niya.

Dumiretso ako sa H.r para ipasa ang resignation letter ko. Medyo nabigla pa nga si maam, dahil matagal na daw ako dito sa company, at isa daw ako sa paborito niyang writer. Natawa na lang ako at nag pasalamat. Dahil sa totoo lang, isa pa lang naman ang naipapublish na sinulat ko. Lahat rejected. Lahat hanggang manus lang, hindi umaabot sa printing. Pagtapos ng pag uusap ay sinabi niya na effective daw iyon after 3 days. Dahil magaan lang naman ang pwestong maiiwanan ko. Madali silang makakakuha ng bagong office staff.

"Anong ginawa mo sa h.r?" salubong ni Diane sa akin habang may hawak na kape.

Natitigan ko naman ang tattoo niya sa balikat na heart shape at may R sa loob. Naka off shoulder dress kasi siya ngayon na kulay pink. Ngayon alam ko na meaning ng R. Madalas niya kasi akong lokohin na Ramil daw ang meaning nun, pero wala naman akong kilalang Ramil. Gago talaga.

"Nag pasa ng resignation letter." sabi ko at binuksan na ang computer pag kaupo ko.

"Pokpok ka!" hiyaw niya bigla kaya napatingin ang ilan naming kasama sa office. Inirapan ko na lang siya at nag log in na.

"Bakit hindi mo sinabi?!" hiyaw ulit niya.

Binalingan ko siya. "Isa pang hiyaw mo, susungalngalin na kita."

Lumapit siya konti sa akin. "Bakit di mo sinabi?" bulong niya.

"Biglaan lang kasi. Tatanggapin ko na yung offer ni Falco."

"Wow! Congrats! Good for you! Pero bakit hindi mo sinabi sa akin?Napakasama ng ugali mo, edi sana sabay tayo nagpasa."

"Alis ka din dito?"

"Oo. Ikaw lang naman yung rason bakit hindi pa ako nag reresign no,"

Medyo nabigla ako sa sinabi niyang 'yon. "May back up ka na? Mahirap mawalan ng trabaho ngayon, Diane."

Umiling siya at humigip sa kapeng hawak. "Wala. Pero.. remember yung hinuhulugan kong house ngayon, balak ko siyang gawin na bakery."

Nanlaki ang mata ko. "Oh my gosh? Mag bebake ka na ulit?!"

"Oo. Gusto kong subukan ulit.."

Napangiti ako. Masaya ako para sa kanya. Pagbebake kasi talaga ang passion niya, mula ng makilala ko siya ay natatandaan ko, may bakery siyang sarili, malago nga 'yon. Pero ilang months lang after, sinabi niya na nawala na daw yung buissness niya dahil nalugi. Kaya nag focus na lang siya sa work. Pero ngayon, na naririnig ko na subuabukan niya ulit, masaya ako para sa kaibigan ko.

"Support kita diyan!" sabi ko.

"Dapat lang! Okay na rin siguro iyon para ibang environment naman." aniya. "Gusto mo tayong dalawa? Bussiness partners?"

"Oo naman!" bigla akong naphinto ng marealize ko na wala nga pala akong pera pang invest. "Ay..kaso wala pa akong pera pang invest."

"Hindi naman ngayon agad no, syempre marami pa akong aasikasuhin. Sabihan kita kapag okay na. Tsaka may malilipatan ka na ba?"

Laglag ang balikat na sumandal ako. "Yun nga, sasabihin ko sana na, pwede sayo muna ako makituloy." ngayon kasi na aalis na ako sa company, meaning..kailangan ko an rin umalis sa unit na tinutuluyan. Pahiram lang kasi nila 'yon.

Umirap siya. "Pwede no! Okay nga na magkakasama na tayo. Pero paano si doc? Diba kasama mo siya ngayon sa condo."

"Huwag mo siyang isipin, may sariling condo 'yon."

"Sabi mo e." aniya at tumayo na. "Balik na ako sa pwesto ko, gagawa na din ako ng letter."

Bumalik na si Diane sa lamesa niya. Napansin ko naman na nakatingin sa amin ang ibang kasama namin dito. Marahil narinig nila ang sinabi ni Diane. Nagkibit balikat na lang ako at nag patuloy sa trabaho. Kung marinig nila, ano naman diba.

Nang pauwi na ako ay pinatawag ako sa office ni Mr. Ching. May kutob na ako na siguro nasabi na sa kanya ng h.r ang tungkol sa resignation ko. Mabuti na rin na pinatawag niya ako oara makapag paalam ako ng mas maayos.

"Sir." bati ko pag pasok sa office.

Ngumiti naman siya sa akin habang nakaupo sa swivel chair niya. Pinaupo niya ako. "I heard, nag pasa ka daw ng resignation letter mo."

"Ahm..opo." sagot ko.

"Why? Dahil ba ito kahapon? Tungkol sa pag reject sa-"

"No sir." mabilis kong sagot. "Hindi po ito dahil doon. Gusto ko lang po talaga sumubok ng bago."

"Nag papasalamat po ako sir, dahil kinuha ninyo akong mag trabaho dito sa kumpanya ninyo. Salamat po sa pagtitiwala sir, but.. sir, ginawa ko po ang lahat para sa company. Napamahal na po ito sa akin, at tingin ko po ay naging comfort zone ko na siya. At ngayon dumating po ako sa point na, gusto ko na pong lumabas ng confort zone ko. Gusto ko na pong makakita ng ibang mundo. Sana sir.. maintindihan po ninyo ako."

Habang nakikinig ay huminga na lang siya ng malalim at tumigil sa pag lalaro ng ballpen niya. "I understand. Maybe it's my fault also."

"Sir hindi po.."

"No. You are a very talented girl. Your novel is quite different, minsan nakakalito at hindi ko maintindihan, pero pag natatapos kong basahin ay tumatatak ito sa akin. Hindi pangkaraniwan kumbaga."

"Kakaiba ang mga sinusulat mong novela, but the company neglected you. Kaya naiintindihan ko kung aalis ka na."

"Sir.."

"Sasama ka kay Falco?"

"Po?" nagulat ako. Paano niya nalaman ang tungkol don? May nag sumbong ba?

"Well, yesterday after our meeting he personally give me his resignation letter. And with that, sinabi niya rin na kukunin ka niya dito sa akin at isasama sa kompanya nya." napailing siya at napatawa. "Hindi ako makapniwala na may naging empleyado ako na De Luca."

"And now, him being a De Luca, sobrang galing. Alam niya kung sino ang tao na dapat kunin, at ikaw yun. Congrats, nak."

Pagtapos ng pag uusap namin, ay sinabi niyang, last day ko na daw ito sa company. Pinayagan na niya ako umalis. At hindi ko daw kailangan umalis sa condo, pwede daw akong tumira doon hanggat kailan ko gusto.

At naisip ko rin na kaya pala hindi ko nakita sa paligid si Falco, ay dahil nag resign na siya kahapon. Iniisip ko tuloy, kung tawagan ko na lang siya.

"Love!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin, kalalabas ko lang ng building. Nakita kong tumatakbo palapit sa akin si Eugene, naka longsleeve siya na kulay blue at kulay puting pants. May lakad siya?

"Saan ka galing?aalis ka?" bungad ko pagkalapit niya.

Saglit niya akong hinalikan sa ulo. "Yeah, birthday kasi ng kaibigan ko. Gusto mo bang sumama?"

Nag isip ako saglit. Gusto ko sana.. Para makilala ko na ang mga kaibigan niya. Isa pa, wala naman na akong trabaho bukas.

"Okay lang ba ako doon?"

Medyo nagulat nga ang reaksyon niya sa sinabi ko. Parang hindi siya makapaniwala na sinabi ko 'yon. "For real? i mean..ofcourse! Pwede ka doon love,"

"Sure ka? Baka nakakahiya na may ibang tao."

"No. Ipapakilala na rin kita sa kanila, love. They also want to meet you."

"Ahm.." tinignan ko ang sarili ko na nakapantalon at tshirt na black. "Anong oras ba 'yon? Pwede bang magbihis muna ako? Ano bang dapat suotin don?"

"The dinner starts at 8:00 pm. Anything you're comfortable. My love can wear anything she wants."

Ngumiti ako at tumango. "Okay.."

Pagkatapos doon ay umuwi muna kami sa condo para makapag bihis ako. Medyo nataranta nga ako dahil puro t-shirt lang talaga ang damit ko. Iniisip ko naman kung mag dedress ako, baka mag over dress naman ako. Hindi naman ako nahihiya na mag suot ng dress, sadyang hindi ko lang talaga type ang ganoong style. Bahala na! Sabi naman ni Eugene anything na komportable ako.

Pinili ko na lang ang isang t-shirt na kulay itim na may nakapaint ng mukha ng babae. At tinernuhan ko na lang 'yon ng white jeans at two inch sandals. Kinulot ko rin ang dulo ng buhok ko at hinayaan na nakalugay iyon. Naglagay din ako ng kaunting make up para mas presntable. Nang matapos ako ay nanibago ako bigla sa hitsura ko. Nasiyahan ako sa resulta. At lastly, sinabit ko ang sling bag na may lamang cellphone at liptint.

Paglabas ko ng kwarto ay nakita kong nanunuod siya ng replay ng football.

"Eugene.." tawag ko.

Nang lumingon siya ay bigla siyang napatayo. Umiling at ngumiti sa akin.

"Ang pretty naman." pambobola niya.

Pero imbes na matuwa ay di ako mapakali. "Sure ka okay lang 'tong ganito? Pasensya na di kasi talaga ako komportable mag suot ng dress."

Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa leeg. Napatingala naman ako sa kanya.

"Like what i've said, you can wear anything. No pressure love, mga kaibigan ko lang naman ang imimeet mo."

"Kahit pa. Mabuti pa rin kung magiging okay ba yung impression nila sa akin."

"You already meet my dad, hindi ka naman ganiyan sa kanya."

"Iba naman 'yon dahil hin-"

Shit. Nakagat ko ang dila ko. May muntik na akong masabi.

"Paanong iba?" naghihintay na tanong niya.

Umiling ako. "Wala. Let's go?"

Habang nasa sasakyan kami ay kahit papaano ay nakapag relax ako. Nag kukwento kasi siya tungkol sa naging araw niya at ako naman ay nakikinig lang at paminsan minsan ay nagtatanong din. Hinahayaan ko lang siya mag kwento dahil kanina ay ako ang pinakinggan niya, turn ko naman ngayon.

Tumigil kami sa isang napakalaking building sa Taguig. Kung hindi ako nag kakamali ito ay ang Martillano building. Ang isa sa pinakasikat at pinakamahal na condominum sa buong Asya. May cassino sa loob nito at kung ano ano pa na pwedeng pag aksayahan ng pera ng mga mayayaman. Grabe, first time kong makakapasok dito. Parang nanliit tuloy ako sa suot ko, lalo pa ng makita ko ang mga suot ng pamasok. Ang sososyal at ang gaganda ng suot nila, mukhang mamahalin.

Biglang pumasok sa isip ko si Diane.

Palagi niyang nababanggit ito sa akin ang Martillano building. Sabi niya, nakapasok na daw siya dito dati nung college siya. Pero hindi ako masyadong naniwala dahil hindi naman sila basta bastang nagpapapasok ng walang unit sa building o kaya naman walang membership.


May lumapit sa aming vallet at inabot ni Eugene doon ang susi niya bago kami pumasok. Hinawakan niya ang kamay ko, nang harangin kami ng isa sa tatlong guard na naroon. Medyo nahuli kasi ako maglakad sa kanya.

"Sir Eugene." ani nung guard.


"Girlfriend ko sir." sabi niya lang doon sa guard at pinapasok na kami ng walang tanong tanong.

Gusto ko sanang mag tanong kung may unit din ba siya dito at bakit kilala siya nung guard. Dahil kahit naman isipin ko na doctor siya, ay tingin ko hindi kaya ng sweldo niya bilang doctor ang bumili ng unit dito. Barya lang ang kita ng doctor kung ikukumpara mo sa halaga ng mga unit dito. Pero tinikom ko na lang ang bibig ko. Hindi ata magandang tanungin ko iyon sa kanya.

Napanganga ako ng makapasok kami sa loob. Para akong nasa palasiyo. Kulay gold at silver ang buong paligid. At ang tinatapakan ko ay ang napaka kinis na sahig, pwede ng mag salamin, nakikita ko ang sarili ko. Napakataas na ceiling at naglalakihan na mga chandelier, letter M ang hugis ng mga 'yon. Napaka ganda.. Totoo kayang mga ginto ang mga yun?

"If you are wondering, yes. Mga tunay na ginto ang mga 'yan." si Eugene na naaaliw sa reaksyon. "You're so cute." pinisil pa niya ang pisngi ko. Tumigil kami sa tapat ng elevator. Naamaze din ako ng makitang napakaraming elevator ang nakahilera.. kung tatiyantahin ko iyon mga nasa 10 iyon bawat hilera, left and right.

"Talaga? Di ba sila natatakot na baka may magnakaw niyan?"

"Naisip at napaghandaan na nila 'yon, and besides, may insurance ito."

"May tumanggap?!"

"Yeah. Somewhere in Europe." aniya "And besides sino b-"

"Boy." tawag ng kung sino. Nilingon ko iyon, at nakitang si Falco. Naka suot ng t-shirt na itim at itim din na jeans, namumukadkad lang ang kwintas niyang mala kadena at makinang. Patakbong lumapit kay Eugene. Nag fistbomb sila.

"Long time no see boy," aniya kay Eugene.

"Kayo lang naman 'tong hinihintay ko." sabi naman ni Eugene. "Anyway, si Dell, girlfriend ko."

Ngumiti ako ng may kaba. Kaharap ko na yung future boss ko. Shit.

Nabaling naman sa akin si Falco at tinaas ang kilay. Inabot niya ang kamay sa akin. "Hi, Dell." aniya. "How are you?"

"Okay lang po.." sagot ko. Bumukas na ang elevator at pumasok na kaming tatlo.

"Nakapag decide ka na?"

"Huwag mong i-pressure, boy." si Eugene na nilipat ang kamay sa aking beywang.

Nasa kabilang banda si Falco at nakasandal sa dingding din na silver.

"Sorry boy." nangingiting sabi ni Falco. "Pero i really want her in my company, your girl is a really great asset."

"I know. But it is her to decide."

"Nakapag paalam na ako kanina, at pumayag naman si Mr.Ching." sabi ko. Nakita ko ngang medyo nagulat si Eugene. Dahil hindi ko naman ito nasabi sa kanya, ang alam niya lang nagpasa ako ng resignation letter.

"Really?" si Falco na composed pa rin. "Welcome to Falcon incorporated, Dell." ianbot niya ang kamay niya sa akin at nag hand shake kami.

"Thank you."

Sinabihan niya ako na pumunta sa office nila bukas para sa kontrata at iba pang bagay.

Bumukas ang elevator at nauna ng lumabas si Falco.

Nakangiti akong palabas ng elevator ng bulungana ko ni Eugene.

"You did'nt tell me that." seryosong bulong niya. Tungkol sa pag alis ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top