23
"Goodluck friend!" hiyaw ni Diane habang pabalik kami sa office.
Breaktime kasi at naisipan namin sa labas na lang kumain, para mas makapag usap ng maayos tungkol sa nangyari kanina. Hindi ko nga inakala na may ganoon palang past si Diane. Isang beses na niyang naikwento 'yon, pero hindi ako naniwala dahil sobrang nakakabigla 'yon. Isa pa, madalas nagloloko rin ito sa mga kwento niya. Tsaka si Reyven, namukhaan ko na siya.
Pero ngayon na nakita ko na talaga na ganoon ang nangyari sa kanila, parang gusto kong ilagay sa bulsa ko para lang wag ng masaktan ang kaibigan ko.
"Salamat." sabi ko at hinagod pa ang dibdib ko oag sakay namin sa elevator. "Kinakabahan nga ako, dahil kasabay ko na naman nagpasa ng manus si Julia. Alam mo naman na sikat na 'yon, marami ng fans."
"Naku! Aminin na natin no, hindi naman ganon kaganda ang mga istorya niya. Mas gusto ko pa nga basahin ang mga sinulat ni Falco at sayo." aniya at inirapan pa ako na para bang ako ang kaaway niya. "Swerte lang siya at nag boom yung first novel niya, pero..ay nako. Ayoko na lang mag talk ano."
"Tumigil ka nga Diane. Pinaghirapan niya yun. Wala tayong karapatan i judge siya."
"Sus! If i know, baka nga totoo yung sabi sabi na may ghost writer daw iyon."
"Diane tigil na." awat ko.
Hindi naman kasi tama na mag salita ng ganoon sa isang tao. Kahit pa sabihin natin na totoo man 'yon. Minsan kasi itong kaibigan ko, aawayin lahat maipagtanggol lang ako. Pero kahit ano pa man 'yon, mali pa rin ang sinabi niya.
"At isa pa, pansin ko..palagi ka niyang sinasabayan magpasa ng manus, nagkataon lang ba yun o sinasadya niya?"
"Nagkataon lang siguro." sagot ko kahit sa loob loob ko, alam kong may punto siya. Matagal ko na rin napapansin 'yon. Sa ilang taon kong pumapasok sa publishing, dalawang beses ko pa lang ata siya hindi nakasabay sa pagpapasa. Yun yung time na nakatapos ako ng isang novel sa loob ng isang linggo at yung isa naman ay yung nahuli ako sa deadline ko. Pero hindi ko na inisip. Tapos ngayon na lang ulit na pinaalala ni Diane.
"Oh sige na. Goodluck ah?" aniya ng nasa tapat na kami ng office ni boss. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at pinisil pisil 'yon. "Mapublish man ang storya mo o hindi, avid fan pa rin ako ng mga sulat mo."
Para naman akong nanlamabot sa sinabi niyang 'yon. Tumagos iyon sa puso ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Thank you, Diane."
Malaking bagay yun sa akin. Malaman na kahit hindi man mai-publish ang mga works ko, kahit isa may nagbabasa naman. Solve na ako sa isang mambabasa.
"Dito lang ako always." aniya habang hinahagod ng likod ko. "Oh, sige na pasok ka na."
"Salamat Madeline!"
"Hoy!"
Natawa naman ako sa reaksyon niya. Mahina niyang hinila ang dulo ng buhok ko. "Pasok na!"
Tumango ako. Pero bago pumasok ay huminga muna ako ng malalim.
"I'll pray harder this time." bulong ni Diane sa akin bago siya na ang nagbukas ng pinto at mahina akong tinulak papasok.
Pagpasok doon ay nakita ko ng masayang nag kukwentuhan sina Mr. Ching at Julia. Nakita ko rin doon ang isang publisher na nakaharap sa laptop niya, nakaupo sila sa mahabang lamesa na kasya ang walo.
"Dell, nandiyan ka na pala. Upo ka," si Julia na unang nakapansin ng pagpasok ko. Ang ganda ng ngiti niya. Naka dress siya ng kulay grey at nakalugay ang buhok.
Ngumiti rin ako sa kanya. Umupo ako sa kabilang side. Si Mr. Ching kasi ang nasa dulo na nakaupo sa harap at mag katabi naman si Lillo, publisher namin at si Julia.
"Actually nagulat ako sa response ng tao sa bago mong sinulat. You are really a gem, Julia. Thank you for choosing us." si Mr. Ching.
Napayuko ako.
"Naku sir, ako po dapat ang mag pasalamat. Dahil nagtiwala po kayo sa akin."
"Oh, ayan na si Falco." pahayag ng publisher namin kaya napatingin ako sa may pintuan.
Nakasuot ng kulay puting itum na tshirt at jeans, simple lang pero malakas talaga ang dating niya. Inaasar ko pa nga ito dati kay Diane. Na si Falco na lang ang gustuhin niya kaysa kay Julius. Pero palagi niyang sinasabi na kaibigan daw ito ng ex niya, kaya bawal. Pero na realize ko, hindi naman pala niya talaga gsuto si Julius.
Umupo ito sa may tabi ko. Ngumiti ako sa kanya, tumango naman siya.
"Alright. We can start." si Mr. Ching. "You can now start lillo."
"Okay. Alam niyo naman na ang rules ang regulations ng company, hindi ko na sasabihin." paunang sabi ni Lillo.
Habang nag sasalita siya ay parang gusto ng lumabas ng puso ko dahil sa kaba. May pakiramdam na ako kung ano ang desisyon pero, umaasa pa rin ang puso ko..
"Your works are really amazing guys, that's why it is in the final stage of discussion. And after the discussion, we.. i and Mr. Ching and other editors have decided that, it is Julia's work, we're going to publish."
Ilang sandali akong hindi makahinga ng marinig ko ang desisyon. Expected ko na rin naman ito, pero..nakakabigla pa rin pala.
"Oh my gosh!" Tili ni Julia. "Hindi ko pa ineexpect ito, thank you sir!" tumayo siya at niyakap si Mr. Ching.
Nginitian ko siya. "Congrats!" matagumpay na sabi ko. Dahil sa totoo lang, ipit na ang laway sa lalamunan ko.
"Thank you, Dell!"
"As expected."
Napalingon ako si Falco. Tumayo ito.
"Falco," tumayo rin ang publisher namin. "You know that Julia's work is good right? May dahilan kami kung bakit siya ang napili."
Nilingon niya si Julia bago bumalik sa publisher namin. "Yeah right. Her work is good, but not as good as Dell's."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nakakabigla naman..
"At huwag na tayong mag lokohan dito, alam ko naman na gusto niyong ipublish ang work ni Dell pero wala kasi siyang fanbase tulad ni Julia. Money, money e?"
"Falco.." tumayo na rin ako.
Nagpapasalamat ako na pinupuri niya ako, kaya lang kasi..parang hindi naman tama na marinig pa 'to ni Julia. She's good at writing too. Maybe hindi lang forte ni Falco ang works ni Julia.
Binalingan niya ako. "Let's talk outside, wala kang mapapala rito." sabi niya bago walang sabi na lumabas.
Napalunok ako. "Ahmm..thank you po," sabi ko sa kanila. "Congrats ulit, Julia." nakasimangot na si Julia. Kahit sino naman siguro papangit ang mood kapag nakarinig ng ganon.
"Walang modo!" rinig kong sabi ni Mr.Ching bago ako lumabas.
Paglabas ko ay nakita kong nakaabang at nakatayo na doon si Falco.
"Hey," aniya. "Hindi na ako magpapaligoy pa, i really like your works, Dell. At gusto ko na kunin kang pioneer sa company ko."
"Company?" lito kong tanong.
Tumango siya. "Publishing company. We do magazines, books, adds, and so on. I really like your works, at nanghihinayang ako sa talent mo na nasasayang lang dito. The way you write and talk through your book, dapat maraming tao na ang makabasa niyan, hindi lang ang kaibigan mo."
Si Diane ang sinasabi niya. Madalas kasi, si Diane lang talaga ang nagbabasa ng mga gawa ko, pag narereject manus ko, hinihiram niya ang manuscript ko at binabasa niya. Nakatambak na nga iyon sa condo ko.
"Kung may company kayo bakit ka nandito?" tanong ko.
"My dad wants me to experience the works in other publishing company. Through this, i can gain experience and lesson that i'll use once he retire. And luckily, i found you."
"Heres my calling card. Call me kapag nakapag decide ka na." aniya sabay abot ng blue na card. Tinanggap ko iyon.
"Don't waste your talents here."
Tumalikod na siya at hindi na ako hinintay mag salita.
Napalunok ako. Tinignan ko ang binigay niyang card.
Falco Incorporated.
Based in Europe?
-
Sumakay ako sa elevator na tulala pa din. Nakatitig pa rin sa maliit na card na binigay ni Falco. Napapaisip pa rin talaga ako. May sarili pala siyang company, bakit siya nag tiyaga dito? Yung sinabing niyang experience? 3 years na siya dito e.
"Uy, ano 'yan?"
Nagulat ako ng may biglang kumuha ng card sa kamay ko. Si Diane pala, kakalabas ko lang ng elevator. Inantay ba niya ako?
"Oh my gosh.. Dell! Sino nag bigay nito sayo?!" nagulat ako sa hiyaw niya. Inirapan ko siya at kinuha sa kamay niya ang card tsaka dumiretso sa cubicle ko.
"Huy babae! Sino nga?" habol niya.
"Bakit ba nakasigaw ka?" ako ng makaupo na. Hinaltak niya rin yung monoblock na napapatungan ng mga coupon band tsaka doon umupo.
"Sino nga nag bigay sa'yo niyan?" bulong na niya.
Napailing ako hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kalokohan niya e.
"Si Falco. Binigay niya after ng meeting." sagot ko para tapos na.
Nanlaki ang mata niya. "Alam mo ba kung ano 'yan, Dell?"
"Calling card?"
"Stupid! Alam kong calling card 'yan, ibig kong sabihin, alam mo ba kung gaano ka importante 'yang calling card na 'yan?"
Nilapag ko sa ibabaw ng keyboard 'yon at tinitigan. "Sa totoo lang, nag offer sa akin si Falco na, kukunin daw niya akong pioneer sa pub.com niya."
"Putik! Grabe mo na bestie!" tili niya. "Chance mo na 'to! Alam mo bang bilyonaryo ang pamilya ni Falco? At siya naman milyonaryo. Pumasok lang yun dito dahil gusto niya malaman pasikot sikot sa pub.com."
Nagtaka naman ako sa sinabi niya. At paano niya nalaman lahat 'yon?
"Paano mo nalaman 'yan?"
"Huh? Sinabi ko na nga dati diba, friend siya ng ex ko."
"Si Reyven?"
Tumango siya. "Oo. Tsaka based sa Europe ang buissiness nila kaya Euro, ang kitaan. Grab mo na teh! Deserves mo ma publish!"
"Pag iisipan ko." nagkibit balikat ako. "Iniisip ko si Mr. Ching."
"Nak nang tokwa ka, huwag mong isipin 'yon. Oo naging mabait siya sayo, pero sa totoo lang hindi ka naman niya pinagtutuunan ng atensyon dahil hindi ka sikat."
"Isipin mo yung pamilya mo. Ito na oh, chance mo na 'to magawa yung passion mo sa pag susulat at the same time mababayaran ka ng tama. Dell...accept mo na 'to."
"Pag iisipan ko, Diane. " sabi ko. Dahil sa totoo lang, kahit pa nakaka tempt yung offer, hindi naman ako pwedeng sugod lang ng sugod. Baka mamaya pag sisihan ko.
Tulad ng nangyari dati, dati kasi ay may dalawang pubcom na nag ooffer sa akin, at ito ang napili ko, kay mr.ching. Sabi nga ni Diane, mahirap daw talaga dahil libra ako. Ang impulsive ng mga desisyon ko, kaya bumagsak ako dito. Pero hindi naman ako nag sisisi, dahil naging mabait si Mr. Ching sa akin.
Kaya ngayon, ayoko mag desisyon ng basta basta. Kailangan kong pag isipan.
Pag uwi galing sa trabaho ay nakatulog agad ako. Ni hindi na nga ako nakapag palit ng damit, nagising na lang ako alas neube na ng gabi.
Nang makapag bihis ay lumabas na ako ng kwarto. Hindi ko nakita si Eugene. Wala siya sa sofa, hindi pa ba siya umuuwi?
Oo nga pala. Walang oras ang trabaho niya.
Nang makapag luto ng pagkain ay umupo ako sa sofa at biniuksan ang tv.
Sandwich lang ang ginawa kong dinner. Egg sandwich. Kinuha ko ang cellphone ko at doon ko nakitang nag text siya.
'Eat your dinner love. Can't go home tonight, maraming patients ang dumadating. Take care, iloveyou.'
-Eugene.
Napa smile naman ako dahil sa text niya. kahit pa akala ko makikita ko siya ngayon, gsuto ko sanang sabihin sa kanya yung nangyari sa office kanina. At gusto ko rin marinig yung magiging opinyon niya.
Nag tipa ako ng reply.
'Okay. Ikaw din, eat your dinner. You doing great today.'
Gusto ko lang malaman niya na, kung ano man ang nangyari sa isa niyang pasyente ay hindi 'yun ang mag dedefine sa kanya bilang doctor.
Pagkatapos kong kumain ay natulog na rin ako. Hindi ko alam kung anong oras 'yon, pero nagising na lang ako na may nakayap sa akin.
Nang lingunin ko ang oras, alas tres na ng madaling araw.
"Tulog ka pa love, 3 am pa lang.." bulong niya sa tengahan ko.
Hinawakan ko ang braso niyang nakayakap sa tiyan ko. Umupo ako at nagpupungas pyngas pa. "Kumain ka na?"
Umupo rin siya at pinigilan ang kamay ko sa pag pungas sa mata ko. "Shh.. Love, huwag mong kamutin mata mo."
"Kumain ka na nga?" tanong ko ulit.
"Kumain na ako, love. Ikaw?"
"Tapos na rin. Tapos na ba work mo?"
"Hindi naman natatapos ang work ko, love. Papahinga lang ako saglit, babalik din ako ulit dun." sabi niya. Ngumiti siya sa akin at mabilis akong hinalikan sa labi. "Ang ganda mo love, pag bagong gising."
Inirapan ko naman siya. Umpisa na naman ang pang bobola niya.
Sumandal siya sa head ng kama tsaka ako niyakap pasandal sa kanya. Naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko. "Ilove you. How's your day?"
Nakagat ko ang labi ko sa tanong niya. Gusto kong sabihin sa kanya. Gusto ko kasing malaman ang ipinyon niya.
"Love..." aniya na nag hihintay.
Hinawakan ko ang kamay niyang nakayakap sa akin, tumagilid ako para makaharap sa kanya at pinag siklop naman niya ang isa naming kamay.
"Ahm...kanina kasi, nag meeting kami, regarding sa kung sino ang ipa-publish this month..."
Napalunok ako kaya napahinto ako sandali.
"And?"
"And..hindi ako ang napili nila. Si Julia...ulit."
Tinignan ko siya at nakita ko kung paano niya ako tignan. Hindi naman tingin na nakakaawa 'yon, hindi rin masaya..pero hindi ko mabasa.
Parang tingin na proud..
"How do you feel about it?" tanong niya.
Nagkibit balikat ako. "Ewan ko. Syempre masaya ako para sa kanya, pero.. Nanghihinayang din. Iniisip ko na sana ako na lang. Nakarami naman na siyang books,"
Para akong bata na nag susumbong sa tatay. Gosh!
"Love.." aniya at hinawakan ang mukha ko. "Every person has their own timeline. Maybe it is really Julia's time now. You're a great writer love. And i know, your time will come.. In God's perfect timing. Basta, continue writing. Dito lang ako lagi sa tabi mo, i' ll support you."
"Rejections are good motivation." sabi pa niya. "Take that as a stone, you can step on it, and try again."
Ngumiti ako sa mga sinabi niya. "Meron pa.." sabi ko. "May nag offer sa akin," mabilis kong kinuha ang wallet ko at pinakita sa kanya yung calling car.
"Binigay sa akin 'yan kanin- kahapon pala nung kapwa ko writer. And..sinasabi niya na gagawin daw niya akong pioneer sa company niya. Ano sa tingin mo?"
"Falco. He's my friend love, kababata ko siya." sabi niya kahit hindi ko naman tinatanong. Pero nakakagulat pa rin.
"Talaga?"
"Yeah. His dad and my dad are cousins." dagdag pa niya. "About his offer, what do you think?"
Bumagsak ulit ang balikat ko. "Sa totoo lang hindi ko alam. Ewan ko. Iniisip ko yung pinag samahan namin ni Mr.ching, pero gusto ko din subukan yung offer ni Falco."
"It's your decission, love. Hindi kita sasabihan kung ano ang dapat mong gawin pero, i just want to say na, piliin mo kung saan ka mag go-grow as a person and as a writer. If you think that staying with Mr.ching would give you that, i'll support you and same as going to Falco."
"Falco is a good company, love. It's just starting pero it's doing good already."
"Starting? Sabi ni Diane, family buisiness daw nila Falco yun?"
"Falco Inc. is Falco's company only, while their family buiseness is called De Luca Corporation. It is based in Europe and around asia."
Napatango ako. Huminga ako ng malalim. May nabuo na kasing desisyon sa utak ko. Pero hindi ko lang sigurado kung tama ba.
"Gusto ko kasing subukan, Eugene." pag amin ko sa kanya. "Na realize ko rin kasi na, siguro oras na rin na sumubok naman ako ng bago."
"If that's what you think love." aniya at hinalikan ako sa noo. "I told you, kahit ano pa ang desisyon mo, di kita iiwan dito lang ako."
Nakahinga ako ng maluwag. Nginitian ko siya.
Napapikit na lang ako ng halikan niya ako. Sinuklian ko iyon ng walang pag aalinlangan. Hindi ko alam na ang pagbabahagi pala ng problema sa isang tao ay ganito nakakapag pagaan ng kalooban. Masaya ako dahil nakinig siya sa mga sinabi ko.
Hiniga niya ako at naramdaman ko na lang ang malambot na unan sa uluhan ko.
Hinihingal ako ng humiwalay siya sa akin. Halos maduling nga ako sa lapit ng mukha niya. Hiwalay na ang mga labi namin pero naka dikit pa rin ng labi niya sa akin.
"I finally got my energy today. Full tank." bulong niya mismo sa ibabaw ng labi ko. Napapapikit na lang ako tuwing nag sasalita siya.
"I love you so much."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top