22
Twenty two.
"Ano 'yon?!" nanggigil na tanong ko sa kanya pagkasara ng pinto. Kanina pa ako nag pipigil sa kanya peronpinipigilan ko lang ang sarili ko dahil may ibang tao.
"Love," sabi niya at adyang hahawakan ako pero sinampal ko ang kamay niya. "Love naman.."
"Bwisit ka! Akala ko kung anong nangyari sayo! Kailangan mo ba talaga mag tawag pa ng ganon? Gumawa ka ng eksena!"
"I know, im really sorry love. Kaya lang kasi, tawag na ako ng tawag sayo pero Hindi ka sumasagot. Kailangan ko kasing uminom ng vitamins ko, It's already past ten o'clock, sapaw na sa oras."
Nakagat ko ata dila ko ng madiin. Ang galit kong mukha ay parang naging marshmallow. Shit. Yun ata yung sinasabi niyang kukunin niya.
"Vitamins?" tanong ko ulit kahit alam ko naman na.
Tumango siya at muling sinubukan na hawakan ako. This time hindi na ako umilag at hinayaan na siya.
"Oo vitamins. Pero ayos lang naman. Kailangan ko lang ng alternatives." sabi niya.
"Ano 'yon?"
"Milk. Iinom lang ako ng gatas, at okay na."
"Bakit gatas?"
"Don't know, nakasanayan ko na yun mula bata ako. Everytime na mai-skip ako ng vitamins, binibigyan lang ako ni dad ng milk. Pang tapal daw sa nutrients."
Napanguso ako. Hindi ko ma gets sinasabi niya pero, nakakaguilty. Wala sa sariling napatingin ako sa orasan. 10:29 pm na. Dumiretso nanlang ako sa kusina tsaka siya tinimplahan ng gatas.
"Tulog na tayo, love." aniya pagtapos mainom yung gatas. "Inaantok na ako."
"Doon ka sa sofa matulog." turo ko sa kanya. Kahit pa nagiguilty ako, di naman ako papa sagad no. Di siya hahayaan gamitin ang pagiging guilty ko para abusuhin ako. "Tumigil ka na!"
"Alright." mabilis na sabi niya. Medyo nagulat pa nga ako sa bilis niya sumagot. Nakakapag taka na pumayag na lang siya without any objections.
"Sa sofa tayo matulog." pagkasabi niya non ay mabilis akong napatili ng bigla niya akong buhutin ng walang sabi sabi.
"Eugene, putik ka! Ibaba mo nga ako!" hiyaw ko at pilit gumagalaw para makawala. "Gagi ka, ano ba?!"
Nang makarating sa sofa ay sabi niya kaming inihiga at nilagay ako sa side ng sandalan at siya naman ay sa wala.
"Eugene ano ba?!" nasuntok ko pa siya sa dibdib ng idinantay niya ang ulo ko sa braso niya para makaunan ako doon, medyo naipit kasi ang buhok ko dahil doon, kaya medyo nasabunatan ako.
"Soryy, love.." malambing niyang sabi sa may noo ko habang dahan dahan niyang hinahaplos ang buhok ko. Nakahalik kasi siya sa noo ko at ako naman ay nasa tapat ng dibdib niya. Mabuti na lang din, para hindi niya makita na kahit naiinis ako sa kakulitan niya ay nagugustuhan ko ang bawat haplos niya.
"Gusto lang talaga kita makatabing matulog," sabi pa niya. "Sobrang stressed lang talaga ako these past few days. One of my patients just died last week."
Nanlaki ang mata ko. Natigil ang kamay ko sa paglalaro sa tela ng sando niya. Shit. Tiningala ko siya. "Bakit hindi mo kinuwento sa akin?"
"Im telling you now, love." ani Eugene.
Pinilt kong makaupo kahit pa nakasanday sa akin ang mabibigat at mahaba niyang legs. Umupo din siya at sumandal sa sofa.
"Anong nangyari?"
"Stage 4 brain cancer."
"Inoperahan mo ba siya? Di niya kinaya?"
"Hindi. Nakapag pa-opera na siya bago pa mapunta sa akin. Hindi ko alam ang records niya, i really don't have any idea kung ano ang kalagayan niya, nung dinala siya sa hospital, sobrang kritikal na ng condition niya, he's brain dead already, nearly breathing. Nakailang seizure n rin siya sabi ng asawa niya."
"Love, trust me, i did everything to him para lang ma revive siya, but it's too late."
Hinawakan ko siya sa kamay at hinarap ko siya sa akin. Hinaplos ko ang mukha niya at patagilid na kumandong sa kanya para mas makita niya ako.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo. Ginawa mo naman ang lahat, and im sure, alam ng Diyos 'yon." sabi ko.
"I really don't have any idea how to handle this. I'ts my first time. Kahit pa sabihin na normal lang ito sa trabaho namin, di ko mapigilan malungkot, love." aniya. "I could've done something for him."
"Eugene, huwag mong sisihin ang sarili mo. Isa pa, hindi ko naman ginusto 'yon. Kailangan mong mag on sa pangyayari. Marami pang darating na pasiyente sa 'yo, doon ka bumawi."
Huminga siya ng napakalalim at sabay ngumiti sa akin. "Tama ka." sabi niya. "Kasama na 'to sa trabaho 'to. I just..kailangan ko lang din sigurong mailabas 'to. I love my job and i know kung ano 'tong pinasok ko. Nabigla lang ako sa nangyari hindi inaasahan. Sa daminng naging pasiyente ko, nakalimutan ko na kasama pala ito sa mga pwedeng mangyari."
Ngumiti ako. Malaki siya at mahusay sa trabaho niya, pero hindi mo naman maiaalis sa kanya na kahit mahusay siya, ay baguhan pa rin siya sa paggagamot. 27 pa lang siya at dalawang taon pa lang na doctor. Sa husay niya ay lahat naililigtas niya. Pero may mga pangyayari talaga na hindi mo maasahan.
"Smile ka na, doc!" sabi ko.
Ngumiti naman siya at kinuha ang kamay ko at hinalikan."Thanks, love."
"You're welcome, doc!" sabi ko. "Tulog na tayo, may pasok oko bukas e."
Kinabukasan ay hinatid niya ako sa office bago siya pumunta sa ospital.
Masaya akong pumasok ng office dahil maaga akong naihatid ni Eugene, ay panigurado ay maaga rin ako makakapg umpisa ng trabaho. At ibig sabihin maaga rin ako makakatapos.
Pag akyat ko sa second floor ay halos humiwalay ang kaluluwa ko sa tumambad sa akin.
Si Diane ay may kahalikan sa ibabaw ng table niya.
Potah. Wild.
With touching tounge.
Putik! Hindi ko malaman kung anong dapat kong gawin. Sisigaw ba ako o aawatin na lang sil-
Putangina! Hindi naman si Julius ang kahalikan niya! Sino 'yon!?
"Reyven..." ungol ni Diane ng mapunta sa mt. Mayon ang kamay nung lalaki.
Reyven?!
Tumigil saglit ang lalaki pero gumagalaw pa rin kamay. "I told you. Huwag mo akong sinusubukan, Madeline."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng lalaki.
Alam niya ang pangalan ni Diane?
Sa buong office maliban sa h.r , ay ako lang ang nakakaalam ng pangalan ng kaibigan ko.
Madeline talaga ang pangalan niya, binuo niya lang ang Diane mula sa letters ng Madeline.
"Reyven, this is not the right place!" si Diane na nabawi na ang katinuan. Sa wakas! Nagawa na niyang itulak yung lalaki at mabilis niyang inayos ang damit niya
"And where is the right place, Madeline? Sa pipitsuging condo ng uhuging Julius na 'yun?!"
Napatalon ako sa sobrang lakas ng boses ng lalaki.
"Huy! Ano ba?! huwag ka ngang sumigaw, baka marinig ka ni manong guard!"
"The hell i care! Gusto mo sisantahin ko na?"
"Reyven ano ba? Napakasama talaga ng ugali mo!"
"And you love me still."
"Hindi na kita mahal ngayon!"
"Diane!" hiyaw ko at pumasok na sa eksena.
Siraulo kas kausap yung lalaki! Napaka gago pakinggan ng pag uusap nila.
"Dell.." si Diane. Na halatang nagulat sa pag pasok ko.
"Ano nangyayari?" tanong ko.
"Dell..wala."
Nagulat ako ng harapin ako ng lalaking kausap niya. "I remember you miss,"
"Ikaw ang kasama niya sa club last time. Oh, yes! You're with Eugene."
Nabigla naman ako ng banggitin niya si Eugene.
"Anyway, may meeting pa ako. I have to go." aniya. "Meet at 6pm, sa dati." huling sinabi niya kay Diane bago umalis.
"Sino yun?" tanong ko sa kaibigan ko na napaupo na lang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top