21
Twenty one.
Iba ang ang ineexpect kong magiging aksyon niya pag katapos ng ginagawa namin sa seaside. Sa sasakyan ay tahimik lang siya, walang salita at seryoso lang siyang nag mamaneho. Ni hindi niya ako tinignan man lang o kinausap. Ang buong akala ko nga ay aasarin niya ako tungkol sa naging kilos ko. Pero wala.
Hanggang sa maakuwi kami dito unit ay hindi siya nag salita. Hindi ko alam kung bakit, o kung may nasabi ba akong hindi niya nagustuhan, hindi ko talaga alam. Wala naman kasi akong sinabi sa kanya, inaya ko lang naman siya umuwi. Yun lang. Ayaw pa ba niyang umuwi?
Habang naliligo ay natutulala ako. I mean..kasi diba..para sa akin kasi ang sweet ng nangyari sa amin kanina sa seaside, kahit pa na PDA 'yon at hindi maganda. Para sa akin, special yun. O para sa akin lang? Nagbago na ba agad ang feelings niya? Napansin ba niyang napka easy to get ko? Pero sa totoo lang hindi naman talaga ako ganito. Yung last boyfriend ko, three na kamkng mag boyfriend bago niya ako nahalikan sa labi. Dahil natatakot nga ako noon. Pero ngayon, hindi ko maintindohan kung bakit wala pa naman kaming relasyon ni Eugene ay hinahayaan ko na siyang halikan akp. Kahit na gusto ko siyang pigilan ay hindi ko naman magawa, nawawalan ako ng lakas pag hinahalikan na niya ako.
Kung... siguro narealize niya na hindi na niya ako mahal, i mean..okay lang naman. Basta sabihin niya lang sa akin.
Nagbihis lang ako pagkatapos ng Oversized shirt. Hindi na ako nag abala mag short at bra dahil naiirita ako at hindi ako nakakatulog pag meron noon. Pinapagpagan ko ang higaan ko ng dahil matutulog na sana ako ngunit bigla siyang kumatok. Alam ko naman na si Eugene yun, dahil wala naman akong ibang kasama dito sa bahay.
"Bakit?" tanong ko pag bukas ko ng pinto.
Nakatayo siya doon sa harap ng pinto. Nakapag bihis na rin siya. Nakasando siya ngayon ng kulay puti at nakaboxer ng stripes ang design. Inalis ko ang tingin ko doon at tumingin na lng sa mukha niya. Dapat lang naman talaga diba.
Mariin lang siyang nakatitig sa akin at hindi naman nag sasalita. Nakakabwisit yung ganiyan, mang iistorbo tapos hindi naman mag sasalita.
"Ano 'yon?" iritado kong tanong. "Matutulog na ako."
"Alright. Let's sleep." sabi niya at binuksan ng malaki ang pinto. Dumiretso siya sa kama ko. Nauna pa siya. Nakatunghay lang ako sa kanya sa may pintuan. Seryoso? Hindi niya ako papansin tapos, bigla siyang magiging ganito?
Nakangiti pa siya habang nakatagilid akong hinihintay. Nakapatong ang ulo sa braso.
Lumapit ako at nameywang sa harapan niya. "Oh talaga?" mataray na sabi ko. "Kanina mo pa ako hidni pinapansin tapos pupunta ka dito ngayon, na parang walang nangyari?"
Mabilis siyang naupo at tinignan ako ng seryoso. Pilit niyang inaabot ang kamay ko pero lumayo ako ng isang hakbang. "Don't touch me!"
"Love naman.."
"Huwa mo akong ma- love, love diyan, baka matuktukan kita ngayon!"
Tumayo siya at dahan dahang lumapit sa akin,
"Putik! Sabi nang huwag kang lalapit e!" hiyaw ko ng walang humapay siyang lumapit at na korner na ako at nasandal sa pintuan.
"Love.." marahan na sabi niya at hinaplos pa ang mukha ko.
Na mas lalo kong kinainis dahil sino siya para hawakan ang mukha ko, hindi ba niya nakikita na galit ako? Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko, sinipa ko siya sa bayag niya.
Malakas siyang dumaing doon at napaatras pa, napahiga siya sa kama ko. Oh diba? Effective, napaalis ko siya sa harapan ko.
"Nabwibwisit ako sayo'ng lalaki ka. Ang sabi ko, don't touch me diba!"
"Love.." nadadaing na tawag niya paikot ikot siya doon sa kama. "Bakit naman dun pa?"
"Dun na talaga tinarget ko! Para hindi ka na makapag padami pa ng species! Manyak!" hiyaw ko at mabilis na kinuha ang dalawang unan ko at tsaka lumabas ng kwartong 'yon.
Ni lock ko ang pintuan para hindi siya makalabas don. Naiinis talaga ako! Bwisit siya. Hindi ko alam kung bakit ako ganito naiinis, pero naiinis talaga ako.
Love, love... lablabin niya mukha niya!
Pinatay ko na ang ikaw sa sala at binuksan ang laptop ko. Napahinga ako ng malalim...haay... Peace.
Nilingon ko ang pintuan ng kwarto ko, nag iingay na siya doon. Hmm..bilis maka recover.
"Love... can you please open the door? May kukunin lang ako." aniya.
Anong akala niya, maniniwala ako?
"Utot mo, doc! Lokohin mo mga unan diyan!"
"Love naman!"
Inirapan ko yung pintuan ko. Bahala siya. Sinuot ko na ang earphone ko para hindi ko na siya marinig pa. Nag focus na lang ako sa pag susulat ko. Sa totoo lang, bata pa talaga ako ng mag umpisa mag sulat. Siguro mga nine years old ako nun. Mahilig na akong mag imbento ng mga kowts. Sinusulat ko iyon sa likod ng math notebook ko. Ayoko kasi ng math subject, kaya kapag oras na nun ay, tsaka ako nag iimbento ng mga tula at kowts. Hanggang sa nung nag high school ako ay nag umpisa ako gumawa ng kwento. Tingin ko ay jejemon, pero pinapabasa ko pa rin sa mga kaklase ko. Nakakahoya nga kapag naalala ko 'yon, hinihinyian ko pa sila ng feedback. At hanggang ngayon ay nag susulat pa rin ako, muntik ko na ngang itigil dahil hindi naman ako nag kakapera sa pag susulat. Pakiramdam ko noon, nag aaksaya lang ako ng oras, na dapat ay nag trabaho na lang ako. Pero kasi, hindi rin ako nakakapasok ng trabaho dahil high school lang ang natapos ko. At nalibot ko na rin ata yung mga pabrika na tumatanggap ng mga high school grad. Naubusan ako. Minsan iniisip ko kung bakit ganito sa pilipinas, palaging diploma ng kolehiyo ang hinahanap, dapat ganito dapat ganiyan ang pinag aralan, ang daming requirements at ang taas ng standards nila, ang baba naman magpa sweldo. Siguro nga kasi, ganito na talaga ang nakasanayan, at diploma na ang batayan. Pero hayaan na nga, binigyan naman ako ni Lord ng higit pa doon. Nag papasalamat na lang ako ng may nakapansin sa mga sinusulat ko at pinublish pa.
Mabilis kong tinanggal ang earphone ko ng maulanigan kong ang ingay ng doorbell ko.
Tumayo ako at bigla ko na lang nakita na pumasok sa loob ng unit ko ang isang lalaking hindi ko kilala, nakaputing longsleeve at black pants at isang security guard.
"Ano pong ginagawa niyo dito?" malakas na tanong ko. Hindi makapaniwala na pinasok nila ako ng wala man lang sabi sabi at pahintulot.
"Maam, may tumawag po kasi sa amin, at sinabing nakulong daw po kayo sa kwarto ninyo." sagot nung security guard.
"Ano po? Sino? Eh hi-"
"Akai, im in here!" sigaw ni Eugene sa kwarto.
May laman akong tinitigan ng dalawa sa harap ko.
Shit.
"Sino ho 'yon maam?" tanong ni manong guard. Na nangingilatis na ang mga mata.
"Ahm.." naipit bigla ang paglunok ko. Pakiramdam ko isa akong kriminal dito na ginigisa. "Ano po si.." nahinto ako ng pumunta na doon ang lalaking naka longsleeve at walang sabi sabing binuksan ang kwarto ko.
"What the fuck dude?" yung naka longsleeve. Taas na ang kilay at patang gustong manapak ng makita si Eugene.
"Thank brod." si Eugene. "Thanks for saving. Anyway, we're okay, you can go now. Thank you guys."
"That's all?!" yung naka longsleeve ulit. "Inistorbo mo ako, just because of this? Bro, im in the middle of-"
"I know brod, i know." si Eugene na pinigilan ang sasabihin nung lalaki. "Bawi ako sayo." aniya at tinulak niya pa ito palapit sa pinto.
"Thank you sir," aniya sa security.
"Thanks brod!" sa naka longsleeve naman. Na halos lukot pa rin ang mukha, mukhang wala pa rin ka ide ideya kung ano ang nangyayari.
"I owe you one, brod."
"Dude, Fvck you."
"i know."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top