20
20
Twenty
Hindi inaasahan na umambon habang naka upo kami sa seaside kaya nag desisyon na lang kami na bumalik ulit sa loob ng mall.
"Ano ba 'yan, sayang!" sabi ko habang pinupunasan ang ulo. Mula kasi seaside ay tumakbo kami para makarating dito sa loob. Pinunasan niya ang ulo ko, sa totoo lang ay hindi naman talaga ako masyadong nabasa dahil tinakpan ako ni Eugene habang tumatakbo. At binalot niya rin sa ulo ko yung panyo. Kita palang sa tshirt niya, basa talaga. At bumagsak na rin ang ibang buhok niya dahil sa basa.
"Okay lang ako, ikaw 'tong magpunas." ani ko at pilit na inabot ang ulo niya ng aking panyo. Pinaupo ko siya doon sa pangalawang baitang ng hagdanan sa may tabi ng fastfood tsaka ko pinunasan ang buhok niya.
"Im fine." aniya. "Your shirt is wet, baka mag kasakit ka niyan."
"Hindi naman ako masyadong nabasa. Nilagyan mo nga ng panyo yung ulo ko,"
"Still, nabasa ka pa rin."
"Tahimik." parang nanay na sabi ko. Sa totoo lanh. Mukha kaming mag nanay, na nag papagalit sa anak.
Mabuti na lang at hindi naman kami ganon nabasa, maliban sa shirt niya. Hindi rin ako mapakali dahil doon, basa ang damit niya at nasa aircon pa naman kami. Inaya ko na siyang umalis doon. At nagtingin tingin ako kung may store ba na kaya ko ang presyo.
Nang may nakita ako ay sinabihan ko siya na may titignan lang sandali. Iniwanan ko na siya sa labas na nagpupunas pa rin.
Napapailing na lang ako habang nakataingin sa mga tag price ng mga damit. Parang gustong mag tumbling ng wallet ko sa mga presyo dito.
Tshirt lang 560.00 na agad?! Grabe naman.. Magaganda sana kaso ang mahal, di ko alam kung mahal ba talaga o mahirap lang talaga ako. Nagpunta ako sa sale section, shit. Ganon pa rin.. May nakita akong kulay violet na shirt, plain lang 'yon, v-neck at may nakaprint lang na 'DB' sa loob ng maliit na bilog sa gilid. At sa tingin ko, kakasya naman siguro ito sa kanya no?
249.00 lang 'yon. At iyon na ata ang pinaka murang damit dito, kaya kinuha ko na.
Paglabas ko ay nakita ko siyang hawak niya ang cellphone niya.
"Eugene." tawag ko pagkalapit.
"Love," sabi niya at binalik agad sa bulsa ang cellphone. "Are you done?"
Tumango ako. Inabot ko sa kanya yung plastic na hawak ko. Nalilito naman niyang kinuha 'yon.
"Ano 'to?"
"T shirt. Mag palit ka na, baka sipunin ka pa." sabi ko at nilibot ang paligid kung may rest room ba, "Oh, ayun oh! Dun yung cr." turo ko sa kaya. Hinawakan ko siya sa kamay at inaya na doon pero, hindi siya gumalaw.
"Uy, 'lika na." hila ko sa kanya dahil nakatingin lang siya sa akin at hindi pa kumikilos.
"Baka matuyo na 'yang damit mo." hila ko sa kanya.
Parang wala siya sa sarili niya habang nglalakad kami, panay ang titig niya. Parang tanga. Pumasok siya sa cr ng boys at ako naman sa babae. Medyo naiihi na rin kasi ako.
Pagkalabas ko ay wala pa rin siya. Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang nagtext si Diane. Nagtatanong kung nasaan ako. Nag reply ako sa kanya pagtapos ay tinago na rin ang phone ko. Paglingon ko doon ay sakto naman na lumabas na siya. Medyo natawa pa nga ako ng makitang medyo fit sa kanya 'yon. Pero bagay naman sa shorts niya. Pero kahit pa..
"Mukha kang talong." natatawang sabi ko pagkalapit niya sa akin. Umiling lang siya at hinaplos ako sa ulo.
"Thank you sa shirt, love." aniya.
Tumango ako. "Welcome. Pero... mukha ka pa ring talong!"
"Ayos lang. Pogi pa rin."
"Sus! Yabang!"
Habang nagiikot ikot sa Moa ay hindi ko pa rin maiwasan na matawa sa suot niya, ngayon nga iniisip ko kung wala na ba talagang ibang kulay kanina? Bakit violet pa ang nakuha ko. Pero kasabay nun, napatunayan ko kung gaano siya kagandang lalaki. Kahit pa mukha siyang talong ngayon dahil sa shirt niya, masasabi ko na napaka gwapo niyang talong.
"Gwapong gwapo ka sa akin no?" biglang sabi niya. Napatigil ako sa pag ngiti at di makapaniwalang tinignan siya.
"Sinasabi mo diyan?"
"Kanina pa nakangiti habang tingin ng tingin sa akin, mahal mo na ako, love?"
"Kapal mo!"
"Sure ako. You love me na nga e." sabi niya habang hinalikan ang kamay ko na hawak niya.
"Gutom lang 'yan, Eugene," parang may bolang bumara sa lalamunan ko bigla. Nag iwas ako ng tingin sa kanya.
"Shoot. Sabi mo e."
Pinapili niya ako sa kung saan gustong kumain. Sinabi ko na gusto ko ng chicken, at ang ending, nakaupo na ako ngayon dito sa loob ng mang inasal.
"I ordered barbeque also," sabi niya pagkabalik galing sa pila.
Tumango ako. "Pwede pa kaya tayo bumalik sa seaside?" tanong ko. Medyo nabitin kasi ako sa pagtingin doon, at kung hindi kami babalik ngayon, di ko alam kung kailan ulit pwede.
"Gusto mo ulit?"
Tumango ako ulit. "Kahit saglit lang bago tayo umuwi."
"Okay. We'll go there, after we eat."
Ngitian ko siya.
Pagkatapos namin ay siya nga, nag punta kami sa seaside, at hindi tulad kanina ay kakaunti na lang ang tao, masasabi ko na maluwag na.
"Do you want snack?" si Eugene ng may nakita siyang stall sa gilid na bukas pa.
"Water lang."
Nakahanap kami ng pwesto sa tabi ng post light. Madilim doon at kakaunti na lang din talaga ang tao. May nakita kami na teen ager na mag jowa. Nasa may kalayuan sila.
"Come here," tawag niya sana akin at niyakap muli ako mula sa likod. "Malamig na dito, love."
Napapikit ako ng umihip muli ang malamig na hangin. Gabi na rin kasi, alas nuebe, tapos umulan pa kanina. February pa lang naman.
"Saglit lang naman. Tapos uwi na tayo." sagot ko pa.
Kahit pa sinabi niyang malamig y hindi naman iyon ang nararamdaman ko, lalo pa at yakap nita ako ngayon. Masarap ang pakiramdam ko.
"Today is ne of the best days ever." sabi niya sa mahinang boses. Boses na kaming dalawa lang ang nagkakarinigan. Nilagay niya ang ilang hibla ng buhok sa likod ng aking tenga.
"Ako din."
"Really?"
Tymango ako. "Hmm..dahil nakakita ako ng talong na naglalakad." di ko mapigilan matawa ng maalala kung paano siya tignan ng mga nakasalubong namin kanina.
"Love.." nanggigil at natatawa din niyang suway sa akin. Saglit niya akong hinalikan sa pisngi. Medyo tinagilid niya ako, sa pwestong 'to ay mas kita ko ang mukha niya at mata niyang namumungay habang nakatingin sa akin.
"I love you so much." ani Eugene.
Tinaas ko saglit ang kilay ko, ngumiti siya. At sa palagay ko, alam naniya kung anong ibig sabihin ng gesture ko na 'yon. Napapikit ako ng dumapo ang labi niya sa akin. Agad kong hinawakan ang mukha niya at dinama ang tibok na binibigay niya. Bawat hagod ng labi niya ay para akong dinadala sa kung saan, sa lugar na hindi ko alam kung paano ako nakakapunta, tanging halik lang niya ang daan. Pinapatibok din ang mga kalamnan ko sa hindi masakit na paraan.
Consistent itong pakiramdam na 'to tuwing hahalikan niya ako. Hindi nagbabago ang kilig at kaba. Kung ang tao ay hindi mabubuhay kung wala ang tubig, ako naman sa palagay ko ay ang halik niya. Halik na niya ang nagsisilbing tubig ko.
Tumigil siya sa pag halik.
Now, im hydrated.
"Love.." nakapikit pa rin siya. Nakabukas ang labi.
Kapag ganitong malapitan ay sobra ang tibok ng puso ko, hindi ko inakala na may lalapit sa akin ng ganito kalapit, yung pagtutuunan ka ng oras at panahon. Hindi ko alam na may magmamahal pala sa akin, hindi ko rin malalaman na may halaga pala ako kung hindi siya dumating.
Lunod pa rin galing sa halik niya ay pinilit kong itulak siya. Hindi na maganda 'to, pag nag patuloy ito, baka kung ano na magawa namin dito..
"Uwi na tayo, Eugene."
Tumango siya. "Yeah. We should go home now."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top