2
Two
Kinabukasan ay bumalik na ulit ako sa trabaho ko. Inumpisahan ko na ring i-edit ang manuscript ko, nasa 2nd editing na siya kaya mas dumudugo na yung utak ko.
Sa totoo lang ganito lang naman ang trabaho ko dito, sulat, edit. Hindi naman ganon kataasan yung sahod ko bilang manunulat kaya minsan naiisip ko na pumasok sa ibang trabaho, kaso nga lang ang kalaban ko dito ay yung mga benefits at ksiyahan na nakukuha ko sa pag susulat. Kung kukuha man ako ng ibang trabaho hindi ko maisip kung ano. Wala naman akong tinapos sa pag aaral kung hindi high school. Nakatungtong man ako ng college, isang sem lang ang natapos ko.
Kaya nagtatalo talaga yung kagustuhan at kasuklaman ko na kumita pa ng dagdag na pera. Minsan nga nakakaramdam ako ng inggit sa mga established na na writer, yung kumikita sila kahit pa sa hindi pag susulat.
Pero kahit ganon ay nagpapasalamat pa rin ako na amy trabaho ako.
Pagkagaling sa office ay dumiretso ako ng bahay ni boss, dahil may part 2 na celebration doon, at itong si Diane na nakausap ko na sabay daw kami, ayun natatanaw ko na na kumakain na ng komportable sa mesa.
"Sarap buhay natin a.." siko ko sa kanya. Muntik pa ngang malaglag yung hawak niyang platito na may prutas na green.
Tinignan niya ako ng sa nagso-sosorry na mga mata. "Dell, pasensya pwede? Sumabay kasi sa akin yung pamangkin ni boss. Alangan naman na paghintayin ko yun.." dahilan niya.
Ayos lang naman iyon sa akin, gusto ko lang mag sungit sa kanya ngayon. Kay inirapan ko naman siya at inayos yung tuck-in kong t-shirt sa pantalon. Kung may titingin nga sa drawer ko, walang ibang makikita kung hindi t-shirt, iba iba lang kulay. Kung may dress man ako, bilang lang. Mga apat siguro, tapos nagamit ko pa kagabi yung isa.
"Kumain ka na muna bessy, promise ihahatid kita pauwi."
"Dapat lang! Namasahe ako ngayon no,"
Pagtapos nun ay malas naman na nadaanan ko yung table ng boss ko.
Napapikit ko. Well hindi naman sa iniiwasan ko siya ano, kanya lang kasi, sa tuwing nakikita niya ako, panay ang sermon niya as if hindi ko pa alam na magulo yung buhay ko. Kaya mas lalo akong naririndi sa sinasabi niya. Sa sinasabi niya ako naririndi, hindi sa kanya. Sobrang tatay kasi ang role niya, which is nakakatuwa minsan.
"Salamat ang nakapunta ka ulit, Dell." ani nito. Tumayo ito at lumapit pa sa akin. Ngumiti naman ako sa mga kasama niya.
"Opo. Congrats po ulit."
"Salamat, kumain ka na ba?"
"Pakain pa lang po." sabi ko kaya hinayaan niya akong makaalis.
Buti na lang. At tulad nga ng sinabi ko, kumuha ako ng foods. Isang punong plato 'yon na puro ulam lang. Pagkakuha ko ay dumiretso ako sa likod nitong garden.
Alam ko na itong pasikot sikot sa bahay ni boss dahil madalas kaming nandito kapag may pag uusapan. Maliit lang naman kasi ang kompanya namin kaya madalas kami na narito sa bahay ni boss para dito nang meeting.
Umupo ako sa mahabang upuan na kahoy at doon nilapag ang bag pack ko na kulay itim st ang plato na may pagkain.
Dito na ako puwesto para wala ng kumausap. Iwas tao na rin. Itetext naman ako ni Diane kapag uuwi na siya, sa ngayon dito na lang muna ako tatambay at kakain. Una kong nilantakan ang tatlong piraso na lumpiang dinagit ko kanina.
Tumingala ako sa langit habang ngumunguya.. iniisip ko, kailan kaya ako mag kaka 10 million? Yung tax free sana.
Grabe! Sinawsaw ko sa sarsa ng menudo yung lumpia, kung alam ko lang na ganito pala kahirap yung buhay sana pala naging tocino na lang ako. Minsan nga pag dumadating ang sahod, dumadating lang siya, hindi nagtatagal. Sa 23,000 na kita sa isang buwan ay limang libo na lang ang natitira sa akin. Nabawas na lahat ng bills at ng para kina mama. Minsan naiisip ko rin magtabi, kaya lang dadating naman yung kaialngan na na pang tuition.
Pero kahit pa na ganon, hindi naman ako nag rereklamo, masaya nga ako dahil may naibibigay ako. Minsan talaga ay nakakalungkot lang.
"Solo?"
Napalingon ako sa likod ko para tignan ang nag salita, wala..pero nasa harapan ko pala siya. Si doc. Ganon pa rin ang ayos niya, nakaputing longsleeve at itim na ibaba.
Sinubo ko muna ko yung kutsara ko na may lamang menudo yung atay, kalahati nung lumpia at yung balat ng manok na hinamay ko.
"May i?" turo niya doon sa my harapan ko.
Umiling ako at tinuro yung party. Dapat doon siya umupo dahil nandoon yung totoong party.
Nang malunok ko yung sinubo ko ay tsaka ko hinarap.
"Nasa loob po yung party doc,"
"Yeah i know. Gusto ko lang makausap ka." aniya at hindi nagpatinag, kinuha yung isang monoblock at nilagay iyon malapit sa akin at naupo.
"Lumabas po ako dito dahil ayoko po ng kausap."
Mukha siyang nabigla sa sinabi ko. "Oh, sorry. Hindi ka rin kasi nag reply sa text ko kagabi."
Ow! So siya pala yun. May ngtext kasi ng Hi, dell. ' kagabi, pero hindi ko pinansin. Baka naligaw lang, nagkataon na alam yung name ko.
"Pero diba bawal sa ospital yung gamitin ang information ng mga pasyente?"
"Nagkakamali ka. Galing kay Mr. Ching yung number mo hindi sa hospital. He gave me your number.."
Halos gusto kong puntahan si boss at irapan tapos bumalik ulit dito. Kainis.
"Bakit naman?"
Nagkibit balikat siya. "I just want know you...more."
"Laos na yan. Anyway, para sabihin ko sayo hindi na ako virgin. Kaya hanap ka na lang ng iba, tutal bata ka pa naman." deretsa kong sabi.
Well..madalas kasi yan lang naman ng habol, buti nang habang maaga ay malaman na niyang wala sa akin yung hinahanap niya.
"Bakit mo sinasabi sa akin 'yan?" seryoso na niyang tanong.
"Para alam mo na. Tsaka mag tetrenta na ako bata, iba na lang yung kilalanin mo." sabi ko ulit at kumain na ulit.
Mga bata talaga ngayon, kung anong maisip, gagawin. Jusko!
"Eh paano kung hindi kita tigilan?" aniya at mas lalong lumapit sa akin.
Ginaya ko yung ginawa niyang paglapit. "Edi bobo ka. Hindi ka makaintindi." ani ko at muling umayos ng upo.
Ramdam ko naman ang titig niya. Mukang nagulat sa pagiging bulgar ko.
First time niya siguro masabihan ng bobo. Shock siya e. Sabagay doctor, matalino tapos sasabihan lang ng bobo ng everage na tulad ko. Ay wait, hindi ko nga sure kung nasa average level ako.
Nang maubos ko yung kinakain ko ay tumayo na ako. Muntik pa nga akong matumba nung sumabay siya sa tayo ko.
"Batang to.."
"Manliligaw ako sa'yo whether you like it or not."
" 'Di ako pumapatol sa bata," Sabi ko. Nginitian naman niya ako at yumuko ng bahagya para sa akin. "Let's see miss, let's see.."
---
"Ngayon ka mag kwento malandi ka! Ano yung nakita ko kanina sa may likod?!" si Diane na nagmamaneho, ihahatid ako sa condo. At yung sinasabi niya ay yung naabutan niya kami kanina ni doc na magkalapit ang mukha.
Paano ba naman kasi yung bata talagang nilapit ang mukha sa akin. Tibay ng mukha. Palibhasa alam niya kasi sa sarili niya na pogi siya at mabango..
Actually, nakakabigla nga na dadating na lang siya tapos sasabihin na manliligaw, samantalang hindi ko naman siya kilala. Kakakilala pa lang namin, literal! As in mga two days ganon. Tapos sasabihin niya manliligaw siya? Anong dahilan? Sabog ba yun? Kulang sa tulog kaya kung ano anong naiisip.
"Punyemas ka, mukang bata pa 'yon ah!" dagdag pa niya. "Ano 'yon?"
"Pwede ba? Mali naman 'yang iniisip mo." irap ko sa kanya.
"Eh ano nga?!"
"Pota ka wala yun! Doctor siya ni Mr. Ching, tsaka tulad nga ng sinabi mo bata!"
"Eh ano nga? Bakit magkalapit yung mga mukha ninyo?"
"Eh nilapit niya yung mukha niya e! Alam mo naman yung mga bata ngayon masyadong aggressive! Tsaka nasaan na yung hinihiram ko sa 'yo?"
"Pwede ba mamaya na? Nagkukwentuhan pa tayo e!"
"Nyeta ka naman e, kahapon pa ako nangungutang sayo!"
"Ikaw din! Ikaw na nga nangungutang ikaw pa galit!"
"Ikaw din 'tong inuutangan na mamaya ng mamaya, sabihin mo kung magpapautang ka! Para kung hindi, edi uutang ako sa iba."
"Bwisit ka talagang babae ka! Kakasahod lang natin!"
Napakamot ako sa ulo ko. "Bwisit ka din! Huwag kang matutulog sa condo ko ah!" panakot ko sa kanya.
Mabilis akong naglakad paakyat sa condo ko.
"Hoy Dell, napaka naman neto! I chika mo na kasi!"
Halos sabay kami nakapasok sa loob, nauna pa nga siyang naupo sa sofa. "I chika mo na,"
Umupo rin ako sa sofa ko at tinanggal yung sapatos ko. "Bobo ka, wala nga! Makulit lang yung lalaking 'yon, bobo ka din paliwanagan e,"
"Oo na, maiba ako.. Bakit ka ba nanghihiram? e, kakasahod lang natin a?" tanong niya na ikinatigil ko.
Huminga ako ng malalim. "Wala na e, pinangbayad ko na ng tuition. Hindi nga ako nakapag groceries, simot talaga."
Hindi ko alam. Sobrang bilis ng pera sa akin.. pakiramdam ko nagtatrabaho na lang ako para mapagod. Hindi naman sa nagrereklamo ako na napapagod na pero minsan, gusto ko na lang talaga maging tocino.
"Dell, huwag mo masamain ha? Magtabi ka naman ng pera mo, huwag mo ibigay lahat. Isipin mo, hindi ka na bumabata."
"Alam ko naman." ngiti ko. "Hayaan mo na nga, papautangin mo ba ako?"
"Oo, pero hindi tulad dati ha? Mga 3k lang. Naghuhulog na rin kasi ako sa bahay na kinuha ko."
Napangiti ako. Masaya ako para sa kanya, naumpisahan na pala niya yung plano namin dalawa dati.
"Galing naman.." puri ko sa kanya. "Congrats ha!"
"Thank you naman.." aniya at inabot ang 3k na pagkakasiyahin ko ngayong buwan.
"Alis na 'ko bakla, alam mo naman, marami pang kailangan gawin sa ineedit ko."
Tumayo ako at hinatid na siya sa pinto. "Thank you dito.." sabi ko sa 3k
"Welcome, pagdadasal ko na sana ako naman ang mangutang sayo.." aniya. Sinabunutan ko nga, "Gaga!"
-----
Pagkaalis ni Diane ay pumunta ako ng supermarket. Pinamili ko yung 1,000 pesos ng mga crackers at ilang frozen foods, at ilang kilong bigas. Mas mura sana yung mga noodles kaya lang bawal naman 'yon sa akin.
At para sa unang pagkakataon ngayong buwan ay nag take out ako sa fast food chain ng 1 pc chicken at masayang nilantakan 'yon sa maliit kong lamesa.
Well, dapat nga masaya ako pero bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung okay pa ba ako.
Sinawsaw ko yug manok sa gravy, pakiramdam ko tama naman itong ginagawa ko pero parang hindi tama yung nararanasan ko. Pinunasan ko ang pisngi ko, bakit ba ako umiiyak? Bakit kasi hindi rib part itong manok ko?!
Akala ko dati pag natupad na ang pangarap ko na magkatrabaho ay magiging okay na ang lahat, akala ko pag may trabaho maraming pera, kung alam ko lang na joke lang pala 'yon, sana hindi ako nagmadali tumanda. As if namang may choice ako noh.
Kailsngsn kang lumaban sa buhay.
Sa dami ng iniisip ay mabilis akong nakatulog ng gabi na 'yon, dahil sa sobrang pag iisip.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top