19
19
Hindi ko alam kung paano at kailan pero si Eugene, nakalimutan na atang umuwi sa bahay niya. Naandito siya palagi sa unit ko. Dito na siya kumakain at naliligo. At nung nakaraang araw, nag dala siya ng groceries, ambag daw niya sa pagtira dito sa unit.
Tulad ngayon, linggo imbes na pahinga ko, nandito siya at ginugulo ako.
"Umusog ka kasi doon, nahuhulog na yung laptop!" tulak ko sa kanya ng panay pa rin ang yakap niya sa akin. Nandito ako ngayon sa kwarto ko ng bigla siyang pumasok.
"Im drained love, i need energy." aniya.
"Imagination mo lang 'yang drained, drained na 'yan. Dun ka na!" tinulak ko siya. "Magluto ka na doon!" sabi ko na lang sa kanya. Tutal, medyo bida bida naman siya. Pogi na nga, successful na tapos ang galing pa magluto..
"Date na lang tayo, love." aniya. "Kain tayo sa labas."
Napanguso ako. Napaisip ako.. Tinignan ko siya bago isara ang laptop. "Saan tayo pupunta?"
"Anywhere you want, you're the boss." kibit balikat niya.
"Gusto ko sa seaside." sabi ko. Dahil tuwing napupunta ako doon ay mabilisan lang. Hindi ko masyadong na eenjoy ang view, at madalas umaga ako napupunta doon. Hindi ko pa natry na hapon mag tambay don. Gusto ko rin makita yung paglubog ng araw.
"Alright. I'll take a shower first. Alis tayo pag ready ka na." aniya at hinalikan ako ng mabilis. Smack lang. Hindi na nga ako nagulat, dahil madalas naman na niya 'yong gawin. Hindi ako nag rereklamo, nabibitin lang, charot!
Nag asikaso agad ako. Naligo saglit at nagbihis. Nag suot lang ako ng t-shirt na yellow na may nakasulat na 'Jongdae' at tinernuhan ko lang iyon ng maong shirt at puting sneakers. Nilugay ko lang ang mahaba kong buhay, at naglagay ng konting liptint, then, ready na!
Nalingunan ko ang orasan sa taas ng pinto. Mag aala singko na pala. Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko siyang nakatayo sa tapat ng salamin at inaayos ang Polo shirt niyang hapit sa braso niya. Kulay itim 'yon at naka jeans.
"Baka mabasag ang salamin ko ah.." sabi ko at umupo sa sofa. Nilingon niya ako at natawa. Lumapit siya at tumabi sa akin.
"Ganda naman talaga.." iling niya.
Inirapan ko siya. "Tapos na ak-"
Hindi na ako naka salita dahil hinalikan na niya ako. At parang kabisado na ng katawan ko ang gagawin, agad kong pinulupot ang braso ko sa batok niya at nag focus na sa halikan namin.
Kabobohan ko ma siguro 'to, pero tuwing hinahalikan niya ako ay wala akong nagagawa kung hindi ang sagutin 'yon. Lumaban at magustuhan. There's something about him..his lips..
"Baka ma..ma..traffic tayo.." bulong ko habang sinusugod pa rin niya ang labi ko.
"Walang traffic ngayon love, sunday." aniya at inangat ako at inayos na pinaupo paharap sa kanya, sumandal siya sa sofa. Lahat yun habang hinahalikan ako.
"Hmmm!" daing ko ng biglang nag iba ang paraan ng paghalik niya. Kanina ay mabagal pero madiin, ngayon ay mabilis at nanggigil. Mabilis at may kakaibang hatid.
Umiikot ang tiyan ko, at may tumitibok sa kung saan..
"Eugene..." subok na suway ko pero para pa rin siyang leon na kinakain ang labi ko. Maging ako ay ayaw tumigil pero..alam ko na lumagpas na kami sa hindi dapat..
Mabilis kong tinanggal ang kamay niya sa dibdib ko. Kahit wala na akong lakas ay pilit ko pa rin na tinula siya.
Hinihingal akong napayuko, at agad niya kong niyakap. Napapikit ako habang hinahabol ang hininga. Gosh...
"Sorry love..." aniya. Mahinang sabi niya. "Sorry, i cross my limit."
Hindi ako nag salita. Hindi ko naman pwedeng sabihin na okay lang. Dahil nabigla talaga ako, pero kasi kasalanan ko rin dahil hindi ko naman siya pinigilan at hinayaan lang siya.
Ilang beses na ba itong nangyari simula nung gabing nalasing ako? Pangalawa? Pangatlo? Nag simula lang 'to non. Hindi ko din alam na may magbabago sa loob ko ng dahil lang sa gabing 'yon.
Naramdaman kong tumayo siya at maingat akong ibinaba. Mabilis kong inayos ang t-shirt kong naka tuck in kanina.
"Im sorry.." aniya ulit.
Hinarap ko siya at umiling. "Ahmm..alis na tayo.." sabi ko na lang, ayoko naman dagdagan pa ang awkwardness sa room.
Namumungay ang mga mata niyang ngumiti sa akin. Saglit niyang hinalikan ako sa ulo. And i know, he whispers i love you.
Tama nga siya kanina, walang traffic. Mabilis kaming nakapunta sa MOA. Bumili siya ng dalawang tubig bago kami pumasok sa seaside.
Ang daming tao. As usual, linggo kasi. Nahirapan pa nga kami mag hanap ng pwesto kung saan pwedeng maupo, pero..nakahanap din sa malayo. Kakaunti lang yung tao, kumpara sa unahan, marahil ay medyo malayo na rin kasi itong lugar na 'to sa mga magagandang view ng seaside.
Unang beses kong sinubukan tumalon para makaupo ay halos magasgasan ang tuhod ko ng tumama ito sa semento, nagkamali ako ng talon. Napapikit ako habang iniinda 'yon. Medyo nanunuot ang feeling nun.
"Love, let me." aniya at nagulat ako ng binuhat niya ako paupo doon.
"Ahm..thank you.." sabi ko at umayos na ng upo paharap sa bay.
"Love, tayo ka muna." sabi niya habang hawak ang isang panyo.
"Why?" lito kong tanong.
"Sapinan muna natin 'yan bago ka umupo."
"Tss..arte, hindi na kailangan 'yan." sabi ko at nilabas na ang cellphone ko para mapicturan ang kulay kahel na langit. Ang ganda pala talaga dito kapag hapon, lalo pa kapag makikita mo paglubog ng araw. Lalo pa ngayon na hindi ako nagmamadali at walang iniisip. Mas nakaka relax tumambay dito sa seaside.
"Ano ba 'yon?" iritado kong tanong ng hindi pa rin siya tumigil sa panyo niyang hawak.
"Ilagay muna natin 'tong panyo."
"Ang panyo para sa mukha, hindi sa sahig."
"Love.."
"Itatago mo 'yang panyo na 'yan o uuwi ka na? Kaya ko mag commute pauwi."
Nakataas ang kilay na tinitigan niya ako. Parang gustong gusto niya talaga malagay ang panyo na 'yon sa ilalim ko. Malinis naman kasi ang inuupuan ko, wala naman akong nakikitang dumi. Ewan ko kung bakit niya pa rin ipinag pipilitan 'yan. Tsaka hindi naman ata totoo na pag umupo sa sahig, mag kakabulate ka.
"Fine." ilang saglit pa na sabi niya. "Tigas ng ulo mo, come here." sabi niya sabay hila sa akin palapit at sinandal ako sa kanya habang nakayakap siya mula sa likuran ko. Hinalikan pa ako sa pisngi pagkatapos.
"Ikaw naman maarte." irap ko sa kanya. Muli kong tinapat ang cellphone sa langit. Walang kupas.
"The sunset is up." rinig kong sabi niya. Binaba ko ang cellphone ko at tumitig na lang sa kalangitan.
"Kaya nga e, buti naabutan natin." sagot ko.
"Kung hindi mo sana ako inawat kanina, malamang hindi na natin naabutan.Marami na sana tayong nagawa."
Naalala ko na naman ang nagawa namin kanina. Gosh. Hanggang ngayon nga ramdam ko pa rin ang labi niya. parang nakapatong pa rin sa akin. Parang tinato niya na sa akin 'yon.
"Im so addicted to your lips." aniya. "I really wanna kiss that every millisecond."
Kinurot ko ang kamay niyang nakapatong sa tiyan ko. "Tumigil ka. Huwag mo ng ulitin 'yon." sabi ko. "Mali na ginagawa natin 'yon samantalang wala naman tayong relasyon."
"For me, you're my girlfriend already."
"Oh? So bakit ngayon ko lang nalaman? Nagdedesisyon ka mag isa."
"Coz i know na hindi ka pa ready, but for me girlfriend na kita, im just waiting for you though, to make me your boyfriend."
Napatango ako. "Ow..ganon pala, single ako, so pwede pa ako mag boyfriend? yung mas gwapo sa'yo, tsaka mas matanda."
Biro ko lang iyon, at narinig kong natawa siya, pero naramdaman ko na humigpit ang yakap niya sa akin.
"Maraming mas gwapo sa akin love, may mas matanda, pero ako lang..ako lang ang para sayo."
"Hindi ikaw ang mag dedesisyon." Sabi ko. "Nasa akin yun kung sino ang mamahalin ko."
"You're forgetting something love," bulong niya sa may tapat ng tenga ko. biglang nagsitaasan ang mga balahibo ko.
"You're mine, remember? So IT IS my dessicion also. Sa akin lang, Maybe not forever, but in this lifetime, always."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top