17
17
Seventeen.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa trabaho. Magaan ang pakiramdam ko ngayon dahil sa nakapag usap na kami ni Eugene. Sa ilang sandali na pagkakakilala namin, ngayon ko lang siya naintindihan. Ewan ko, siguro nakatulong din yung sinabi sa akin ni Diane tungkol sa ugali ko na hindi maganda. At kagabi, pinilit kong maging kalamado habang nag uusap kami ni Eugene habang kumakain. Hindi muna ako nag labas ng salita, nakinig lang ako. Tungkol sa gaano siya ka seryoso sa akin. Mahirap pa rin paniwalaan na may mag kakagusto sa akin na tulad niyang bata at successful, pero sabi nga ni Diane, 'give a chance.' At doon ko naintindihan kung bakit siya ganon sa akin.
At tingin ko naging sobra akong mean sa kanya simula pa lang, pero hindi niya ako pinag salitaan ng hindi maganda. That's one point for him. Palagay ko rin naman ay nadamay lang siya sa init ng ulo ko, nakilala ko kasi siya ng magulo ang utak ko at problemado ako. Well, pinapalayo ko naman kasi siya, sa itong hindi lumayo diba? Siya tuloy itong napag buntungan ko. Basta!
"Ano Dell, inom na tayo," ang demonyo kong kaibigan na si Diane.
Inirapan ko siya ng maupo siya sa table ko. "Tumigil ka, puro ka na lang inom." sabi ko. "Tsaka pwede, umalis ka nga diyan sa lamesa ko, nagtatrabaho ako."
"Ay sus!" aniya at hinila ang upuan sa gilid ko. "If i know namimiss mo na rin ang lasa ng alak."
Ilang type pa ay natapos na ako sa ginagawa ko kahit pa maingay si Diane. Last week ko pa ito tinatapos para maipasa na sa mga editor. Sinara ko ang laptop ko bago siya binalingan. "Bakit ba? May kasama na naman bang iba?"
Nawala ang ngiti niya sa sinabi ko. "Boom! victory ba ako?" pang asar ko pa. Sobrang kilala ko si Diane. Kahit hindi siya mag salita, alam ko kung kailan siya masaya at nagpapanggap lang. At ito ang isa sa mga araw na nagpapanggap siya.
"Hindi ko naman kasi maintindihan sayo Diane, kung anong trip mo."
Alam ko naman ang nangyayari sa kanila, nung isang araw ko pa nga guato sugurin si Julius, pero pinigilan ako ni Diane. At napaisip ako sa sinabi niya. Wala naman silang relasyon, so, para saan ang pang aaway ko?
"Sige na kasi, saglit lang tayo. Tsaka sagot ko naman inumin mo," aniya.
"Dapat lang no! Kung nag iisip ka sana, edi hindi ka sana broken ngayon." niligpit ko na ang mga gamit ko.
Kahit pa pagod ako ngayon at gustong matulog, ay hindi ko naman pwedeng iwanan at pabayaan na lang 'tong isa na 'to. Baka mamaya kung ano na naman ang gawin niya.
Pumunta kami sa isang club sa ortigas. Actually ito pa lang yung pangalawang beses ko n makakapasok sa ganitong lugar. Yung una ay yung sa qc naman, si Diane din ang kasama ko. Papasok na kami ay may nakita akong artista, shit. Crush ko yun! Gustong gusto ko yung kulot niyang buhok at pagka moreno niya.
Umupo kami ni Diane sa pa box na sofa, tinignan ko ang mga taong nag sasayaw, grabe.. Saya nila. Ang mga suot nila ay hindi ko kinaya..parang mga panyo na lang. Tiningala ko ang second floor.. Nanlaki ang ko ng makita ko ang dalawang tao na naghahalikan. I mean..alam ko naman na normal lang makakita ng ganon pero kasi nasa loob na ng palda ng babae yung kamay ng lalaki. At nag uumpisa ng sumayaw sa rythym. Binaling ko na lang ng tingin ko kay Diane.
"Anong gusto mong inumin?" sigaw niya sa tenga ko. Ang lakas kasi ng ugong ng music. Nakakabungog.
"Avocado shake." sagot ko.
Mabilis naman niya akong siniko. Na hindi ko maintindihan. "Bakit?"
"Umupo ka na nga lang! Ako na bahala, bantayan mo bag ko."
Napanguso ako. Bad mood talaga siya. Umupoa ko ulit at sumandal na, wala sa sariling napatingin ako sa itaas. Wala na yung dalawa kanina, nasa sulok na siguro nag jujugjugan. Palagay ko mga estudyante ang karamihan sa tao dito, mukha silang bata. Yolo ba. Nawala ang atensyon ko sa mga tao ng mag vibrate nag phone ko.
Si Eugene. 19 missed calls at 23 texts? Anong problema nito? Bakit siya tumatawag?
Binasa ko isa isa ang texts niya.
Where are you?'
Kumain ka na ba ng dinner?'
Iniisip ko kung sasabihin ko ba na nandito kami sa bar o ano. Malamang kasi ay kailanganin ko rin ng tulong niya, for sure mag lalasing si Diane. Kahit pa maganda ako, sure hindi ko naman kaya mag buhat ng tao.
'Dito ako sa bar sa ortigas.' yun lang at tinago ko na ang cellphone ko.
Nang makabalik si Diane ay may dala siyang bote na pa square at may ka sunod siyang waiter.
"Isang bote talaga!" hiyaw ko para marinig niya. Sa lakas kasi ng tugtog dito ay malabo na marinig niya ako, nag hehead bang na nga siya.
"Dalawa naman tayo, hayaan mo na!" sagot at tumagay na.
"Pero magda-drive ka pa!"
Hindi niya na ako pinansin at inabutan na ako ng alak. Umiling ako. Bigla kong naalala yung first time kong uminom ng red wine, dumiretso ako sa cr. Pero kasi iba naman itong dala niya, pero kasi hindi ko kilala. Nang hindi ko tinanggap iyon ay mabilis niyang tinungga 'yon.
"Diane!" pigil ko sa kanya at inagaw yung baso. "Baka masobrahan ka!"
"Eh, ayaw mo naman uminom! Sayang 'to pag hindi naubos!" aniya at muling nilagyan ang isang baso at hinarap sa akin, "Oh, dali na, tulungan mo akong ubusin, para hindi sayang yung binayad ko!"
Kinuha ko 'yon sa takot na baka nga ubusin niyang mag isa ang isang bote na 'yon. Naghanap ako ng chaser o kahit anong pang banlaw man lang, panigurado kasi na mapait ito. Inabutan niya ako ng isang baso na puti ang laman. Hindi ko na tinanong kung ano 'yon, diniretso ko na alng inumin ang una niyang binigay.
At putangina! Ang pangit nga ng lasa. Halos malukot ang mukha ko doon, mabilis kong ininom ang pangalawang inabot niya. Kahit konti ay nabanlawan naman ang dila ko. Medyo matamis 'yon.
Muli na namang siyang tumagay, at ng turn ko na ay binuksan niya ang gucci bag niya at nilabas doon ang happy mani na kulay green at nilapag iyon sa lamesa. "Pulutan, pulutan," sabi niya. Kumuha ako ng isa nun at binuksan. Natigilan pa nga ako ng may lumapit sa amin, foreigner, si Diane ang nakipag usap. Hindi ko masyadong maintindihan ang ang uuspan nila dahil hindi ko naman marinig ng maayos kaya uminom na lang ako. Maya maya lang ay nakita kong itinaas ni Diane ang kanang kamay niya at may pinakita sa lalaki, tapos nun ay umalis na rin ang lalaki. Hindi ko na lang pinansin 'yon, dahil nag eenjoy na rin ako sa ginagawa namin ni Diane.
Grabe, it's been a while mula ng maranasan ko 'to. Yung feeling na walang iniisip, walang problema at isip dalaga pa. Ako na mismo ang nag salin sa baso ni Diane ng alak.
"Wala man lang ako makita na pwede." bulong sa akin ni Diane habang nakatingin sa dagat ng mga ng sasayaw.
Umiling ako. "Mga bagets."
"Ewan ko sayo!" aniya. "Kakapili mo ng may edad, bata tuloy ang binigay sayo!"
"Sinasabi mo diyan?!" anong batang binigay?
"Si Eugene!"
"Hindi kami!" sagot ko.
"Hindi pa!" balik na sagot niya.
"Tigilan mo ako, ano na naman ba ang nangyari sa inyo ni Julius?"
"Saang part ba ang gusto mo na i kwento ko? Sa rooftop, sa kitchen o parking lot?"
"Putangina mo!"
Humalakhak naman siya sa naging reaksyon ko. Shet. Hindi ko naman akalain na ganon na sila.. Hindi ko inexpect 'yon.
"Nababaliw na ata ako, Dell." sabi niya pagtapos tumawa. Sumandal siya sa sofa at tsaka tinungga yung bote ng alak. "Hindi ko naman kayang huminto, hindi ko pa kaya.."
Nadudurog naman ang puso ko na makitang ganito si Diane. Wala siyang direksyon ngayon bukod kay Julius. Wala ng laman ang utak nito kung hindi yung pang bababe ni Julius, lahat na lang tungkol kay Julius. Ilang linggo pa lang nang mag simula sila, pero ganito na agad siya kahulog sa lalaking 'yon. Parang nakadepende na agad siya don. "Kung kaya ko lang mag mahal ng iba, edi sana matagal ko ng ginawa."
"Kung sana lang hindi siya naging mabait sa akin. Tapos pinaramdam pa niyang mahal niya rin ako, napaka gentleman niya! Naiintindihan niya pa ako, napapatawa niya rin ako, tang ina! Sino ba namang hindi mahuhulog sa katulad niya?!"
Hindi ako nag salita at hinayaan na lang siya mag labas ng sama ng loob. Inangat ko ang kamay ko para punasan ang pisngi niya.
"Sana Dell, nakinig na lang ako sayo nung umpisa pa lang.." dumilat siya at muling uminom.
"Tama na 'yan.." pigil ko sa bote. Binaba naman niya ito.
"Si Eugene." aniya.
Umiling ako. "Huwag natin siyang pag usapan." sabi ko. Hindi naman ako ang topic dito, siya. Mahalaga na mailabas niya lahat ng hinaing niya.
."No. I mean, ayun si Eugene oh!" aniya at may tinuro sa likod ko. Napalingon din ako doon at nanlaki ang mata ko ng magtama ang tingin namin.
"Sweet ni bagets." bulong ni Diane tsaka tumayo at sinalubong ang papalapit na si Eugene. Wearing his dark blue polo at kakhi pants. Ang seryoso pa ng mukha niya. Seryosong nililingon ang paligid.
Mukha siyang teacher.
Pag tapos nilang mag batian ay umupo na siya sa tabi ko. Si Diane naman ay lumipat sa harap na sofa.
"Bakit ka nandito?" agad na tanong ko. May hinawi siya kaunti sa gilid ng mukha ko bago seryosong sumagot.
"Hinahanap kita." simpleng sagot niya.
Shit.
Ilang sandali pa ay lumipat ang mata niya sa bote na iniinom namin ni Diane.
"How many bottles did you have?"
"Isa lang."
Tumango siya at binalingan si Diane na ngayon ay kasalukuyang tinutungga na naman yung bote.
"Are you done?" tanong pa niya.
"Oo.. ata."
Tumango siya at seryosong tumingin sa paligid bago tumingin ulit sa akin. "Gusto mo pa bang uminom?"
Umiling ako dahil nahihilo na rin ako. Isa pa, wala naman talaga kong balak uminom, napainom lang. "Hindi na."
"Alright. Let's go." aniya at hawak ang kamay ko na tumayo. "Diane." tawag niya sa kaibigan ko.
Tumayo naman ito at nagtatakang tumingin sa akin. "Uwi na tayo?"
Tumango ako. "Ubos na rin naman yung iniinom natin." hinawakan ko siya sa kamay. "May pasok pa bukas." nang sinabi ko iyon ay hindi naman na siya nag reklamo pa. Medyo napatid lang siya sa kung saan kaya naoabitaw ako sa kamay ni Eugene para maalalayan ang kaibigan ko.
"You, fine?" si Eugene na inalala rinsi Diane. Nang tumango si Diane at agad niyang hinawakan ulit ang kamay ko.
Sumakay kami sa sasakyan ni Eugene. Bago iyon ay nakita kong nakipag usap siya sa bouncer. Palagay ko ay tungkol sa sasakyan ni Dinae. Ako kasi ay hinahagod na ang likod ng nag susukang si Diane. Napailing ako, oa din naman kasi na tunggain niya yung alak.
"Sa condo ko na lang muna siya." sagot ng tanungin niya ako kung saan Ihahatid si Diane.
Pagdating sa condo ay agad kong inasikaso si Diane. Kahit pa medyo nahihilo na rin ako dahil pakiramdam ko umiikot na ang paligid. Ay kinaya ko naman siyang asikasuhin.
Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si Eugene na seryoso pa rin habang nanonood ng tv. Galit ang mukha? Sa tv, Nagtataka na nga ako e. Galit ba siya? Kanino? Sa akin? Eh, bakit naman, wala naman akong ginagawa sa kanya.
Tumayo ako sa harap niya, nakaharang sa tv. Kaya siya napatingin sa akin. "Kanina pa ganyan ang mukha mo, galit ka ba sa akin?"
Matalim niya akong binalingan. Medyo natakot pa nga ako doon, pero bakit? Mas matanda ako, dapat siya itong matakot no.
Medyo napaatras lang ako ng tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Ang tangkad niya kasi, at laki niyang 'to, pwedeng pwede niya akong ibalibag sa kung saan.
"Yes." aniya. "Galit ako."
Napansin ko rin na nawala na yung ingay ng tv. Hindi pa rin siya tumitigil sa pag hakbang kaya napapaatras din ako.
Napalunok ako habang umaatras. "P..ero bakit? Wala naman akong ginawa!" napalingon pa ako ng tumama ang pwet ko sa maliit na drawer.
Shit. "Umurong ka nga don!" tulak ko sa kanya ng masyado na siyang malapit sa akin.
Pero parang hindi niya ako narinig. Hindi kiya tinatanggala ng titig sa akin.
"Alam mo bang nag alala ako ng sabihin mong nasa bar kayo? really? Kayong dalawa lang? Alam mo ba ang ugali ng mga tao ngayon?"
"Matanda na ako, kaya ko sarili ko!"
"Oh really? Matanda ka na-"
"Oo, kaya huwag mo akong kausapin ng ganyan!"
"Why not? Paano ba kita dapat kausapin? Hindi mo alam na nababaliw ako kakahintay sa reply mo. Halos mabaliw ako sa pag aalala kung kumain ka na ba, o kung nakauwi ka ng ligtas."
"Hindi mo ako responsibilidad." sagot ko at bahagyang tinulak siya. Medyo nahihilo na rinkasi talaga ako. Tapos ganito pa siya kalapit sa akin.
"Hindi ko kailangan ng pag aalala mo." sabi ko . "Wala kang pakielam sa kung a-"
Hindi ko na natuloy ang salita ko nang sugurin ng labi niya ang labi ko. Pakiramdam ko ay nahulog ako sa kung saan at nasalo ng mga labi niya. Ang init.. Bawat hagod ng labi ay kay lambot.. At halos matunaw ako ng hawakan niya ang mukha ko at isunod sa galaw ng halik niya. Gustong gusto ko talaga ang pag hawak niya. Maingat at malambot na hawak.
Shit. Pakiramdam ko nahuhulog na ang mga bituin..
Nang tumigil siya ay halos habulin ko ang hininga ko. Napalunok ako ng wala sa oras. Nang mapatingin ako sa labi niyang mamasa masa ay halos gusto ng kagatin 'yon..shit. bakit siya huminto?
"You. Are. My. Girl. always remember that." bulong niya sa mga labi ko.
May kung anong nag bukas sa akin.
Sinalubong ko ang tingin niya.
"Then kiss me more."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top