15
Fifteen
"Eh bakit ka naman pumayag?!" nanggagalaiting hiyaw ko kay Diane ng matapos siyang mag kwento. Nandito pa rin kami sa canteen at kaming dalawa lang ang nandito, nakapwesto kami sa pinaka gilid. Pasalamat na lang din at maaga pa. Kaya walang makakarinig sa sigaw ko.
Putik! Nakakagigil ang gagong 'yon! Sa mga kinuwento ni Diane, ngayon pa langa y gusto ko ng sakalin ang gagong yun!
"Hindi naman ako..ahm.. Pumayag.. bigla na lang nangyari." nakayukong sagot niya.
"Pakiexplain yung 'biglang nangyari', nakakagago naman ng dahilan mo."
"Pero Dell, totoo nga! Nalasing kasi ako, kaya..hindi..basta, ayun, mali pala ako ng napasukan ng kwarto."
"Ganon? Kaya mo siya hinayaan makapasok sayo?"
"Hin-" hindi na niya tinuloy ang sasabihin niya at yumuko na lang lalo.
"Kaya pala ganon na lang ang ngisi nung gago." sabi ko. "Pag kinausap ka, deadmahin mo. Huwag kang parang nagpa-5'6, bigay lang ng bigay."
Tumayo siya ng nakayuko pa rin.
"Tumingin ka nga sa akin, Naiintindihan mo ba ako, Diane?"
Sumunod naman siya. "O..oo. pipigilan ko na.."
Umiling ako. "Kilala kita. Alam kong hindi mo gagawin" bumuntong hininga na lang ako. "Ang mapapayo ko na lang, sana mag ingat ka. Alam kong imposible itong hihilingin ko sayo, pero sana, kahit one percent man lang mag tira ka para sa sarili mo."
Ngumiti siya sa akin at mabilis akong niyakap. Hinaplos ko siya sa ulo. Ilang beses ko ng nakitang nagka boyfriend si Diane, at ayos lang sa akin iyon dahil doon siya masaya, ilang bese ko na rin siyang nakitang nakipag break. Pero kasi, ibang usapan na 'to. Mahal na mahal niya ang lalaki, at walang kasiguraduhan na mahal siya pabalik. May mahal na iba ang lalaki kaya bialng ate at kaibigan ni Diane ay kinakabahan ako sa kakahantungan ng nangyayari sa kanila.
"Back to work." sabi ko at bahagyang hinila ang buhok niya sa likod.
"Aray!" daing niya.
Pinandilatan ko siya. "Landi mo,"
Sabay kaming natawa na lang. Masaya ako para sa kanya. Finally, napansin na siya.
Alas sais ay nag pasiya na akong umuwi. Tinapos ko na lahat ng mga naiwan kong trabaho. Nang makauwi ako ay ininit ko na ang liempo kagabi.
Wala sa sariling napatingin ako sa cellphone ko. Parang hindi niya ako ginulo ngayon.. Nagtext lang siya kaninang umaga ng Good morning.
Busy siguro. O kaya naman, finally, nakinig na siya sa akin na layuan na ako. O baka naman, may surgery ulit siya?
I mean.. ano naman kung hindi mag text? Hindi ko naman siya hinahanap or something. Nagtataka lang ako pero hindi ko naman siya hinahanap, right.
Mabuti nga na hindi na niya ako ginugulo, babalik na sa dati ang buhay ko.
Mabilis kong dinampot ang cellphone na nasa sofa ng tumunog ito. Nang makita ang nag text ay para akong nadismaya.
Yung kapatid ko pala.
Maaga akong naktulog ng gabing 'yon. Kaya kinabukasan ay maaga rin akong nagising. Una kong siniilip ang cellphone ko na hindi ko naman gawain kada umaga. Hindi ko alam sa sarili ko kung ano ba ang hianhanap ko.
Dumating ako sa office ng sakto lang ang oras. Pag upo ko sa lamesa ko ay may napansin akong box doon na itim.
"Uy, kayo na?" si Diane na sumulpot mula sa likod ko.
"Sinasabi mo?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa box. "Kanino 'to?"
"Malamang sayo, nasa table mo e." aniya. "May card 'yan."
Nilingon ko siya. Sa pananalita pa lang niya..
"Oo na, binasa ko! curious lang kasi ako." paliwanag niya tsaka siya na rin ang nagbukas ng box.
"Wow!" si Diane. "May masarap na almusal mula sa manliligaw!"
Inirapan ko siya.
May hinablot siya mula doon sa box. Nakita ko na lang na binabasa na niya.
"Goodmorning love! I was so busy yesterday, but i swear every minute you're still in my mind. I love you, eat a lot! see you later.
-Your Eugene."
Napapikit pa siya pagtapos niyang basahin iyon.
"Naknang, napaka sweet naman ni doc!"
"Hind ba mas sweet pag editor?" tanong ko na nagpatigil sa kanya.
Agad siyang nsg iwas ng tingin sa akin. "Ahm..sige.. Kain ka na..hehe balik na ako sa lamesa ko." aniya.
Buti naman. Ang aga aga manggulo. Napailing na lang ako.
Tinitigan ko ang itim na box. Inabot ko ang maliit na card na hawak kanina ni Diane.
"Goodmorning love! I was so busy yesterday, but every minute you're still in my mind. I love you, eat a lot! see you later.
-Your Eugene."
Sumandal ako sa swivel chair tsaka humiNHga ng malalim. Bakit siya nagpadala ng ganito? Isa pa, hindi ko naman siya hinahanap kaya hindi niya kailangan sabihin na busy siya, wala naman akong pakielam.
Tinakpan ko ulit iyong box at itinabi sa gilid. Nag breakfast na kasi ako habang naglalakad, at nabusog ako sa hotcake na nakiain ko.
Marami akong gagawin ngayon. Marami rin akong ipapasa na manuscript, sana maswertihan na magustuhan ng mga editor 'yon para makapag publish din. Dagdag kita din 'yon kung sakali.
Dati iniisip kong mag sulat dahil iyon ang passion ko at don ako masaya. Pero ngayon, mas nangingibabaw na kailangan ko ng pera kaya ako nagsusulat. Ewan ko kung hanggang kailan 'ko to mararamdaman pero..
Bahala na lang si Batman.
Paglabas ko ng building ay agad na sumalubong sa akin ang nakangiting si Eugene. Nakasuot ng kulay itim na tshirt at puting pantalon, nakasalamin din siya ngayon. Nakikipag usap siya kay manong guard. Mukhang friends na nga sila e. Tumigil lang siya ng makita na akong palabas.
"Hi love, how's your day?" salubong niya. Hindi ko siya pinansin at dumiretso na lang sa paglalakad. Hinahanap ng mata ko yung sasakyan niyng gray pero hindi ko malita sa paligid. Lumipat siya sa may kanan ko at may sinasabi pero hindi ko pa rin pinapansin.
"Kaka out ko lang sa work, at kakatapos lang din ng isang surgery kaninang lunch. God, nakakapagod 'tong araw na 'to." patuloy.
Tumigil ako. "Nakakapagod pala bakit hindi ka pa umuwi?" taas na kilay na sabi ko. "Ba't nandito ka pa?"
Tumigil din siya at ngumiti sa akin. "Because i missed you." sagot niya. "Nag dinner ka na ba?"
"Ano pa bang kailangan mo?" tanong ko. "Diba nag usap na tayo sa L.U Last time na huling pagkikita na natin yun, basted ka na. At kahit ano pang kulit mo sa akin, wala kang mahihita!"
"I told you, i love you. Hin-"
"Hindi na ako virgin." direktang sabi ko. "Wala kang mapapala kung pinagpatuloy mo pa 'to. Humanap ka na lang ng iba." wika ko at mabilis na naglakad.
There! Ang dami ko ng nasabi, sana naman tantanan na niya ako. Ginugulo niya ang isip ko! Hindi ko naman dapat siya iniisip pero palagi siyang pumapasok sa isip ko. At ayoko ng panggulo! Mas mabuting layuan na lang niya ako, mas mabuti 'yon. Mas mabuti sa akin.
Ang buong akala ko ay hindi na siya hahabol dahil tahimik na at walang nag sasalita ngunit nagulat na lang ako ng hawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Natigilan ko sa paglalakad at tiningala siya.
"Ano ba? Hindi ka pa ba titigil? Uuwi na ako!"
"I'll come with you." aniya at parang wala lang ang naging pag amin ko sa kanya at nagpatuloy siyang naglakad kasama ako. Ang higpit ng hawak niya sa kamay ko, wala siyang balak bitawan.
"Eugene!" naiiritang tawag ko sa kanya. Baliw ba siya?! Hindi nakakainitindi! Hindi ba niya naintindihan ang sinabi ko?! Ayoko nga sa kanya.
Nilingon niya ako saglit at marahang hinaplos ang kamay ko. "Kahit ano pa ang gawin at sabihin mo, hindi pa rin mababawasan ang pagmamahal ko sayo. So, stop trying."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top