14
Fourteen.
"Gusto mo bang kumain muna?" tanong niya.
Binigyan ko siya ng napaka tulis na tingin. Talagang itatanong niya 'yan ngayon kung kailan binuwisit niya ako, gustong gusto ko na nga siyang sakalin ngayon.
Kanina habang nag uusap kami doon sa Moa ay bwusit na bwusit talaga ako. Kapal ng mukha niya. Ang siste pala ay siya itong lugi ganon?! Kapal niya! Hindi siya marunong makinig sa sinasabi sa kanya. Tapos ngayon, tatanungin niya ako ng ganyan? Bwisit!
"Kain muna tayo it's dinner time already. Baka nagugutom ka na-"
"Wala kang pakielam!" sabi ko at kinuha na yung bag ko. "Kung mamatay man ako sa gutom, wala kang pakialam don!"
Kanina pa kasi kami dito pero walang galaw ang mga sasakyan. Sobrang traffic.
Sinubukan kong buksan ang pintuan ng sasakyan at salamat na lang na hindi nakalock 'yon.
"Where are you going?" ramdam ko sa boses niya biglang nag panic. Hinatak ko ang bag ko at hinarap ko siya habang hawak ang pinto ng sasakyan.
"Wala kang pakielam!" hiyaw ko at buong lakas na binalibag ang pinto.
Nako! Naiinis talaga ako! Unti unti akong dumaan sa gitna ng mga sasakyan. Pasalamat na rin dahil wala silang galawan. Ligtas akong nakatawid sa kabilang side. Nilingon ko siya doon pero nagtaka ako ng wala na doon ang sasakyan niya. Nag umpisa na rin gumalaw ang mga sasakyan.
"Nasaan na yun?" nagkibit balikat ako. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.
Natatanaw ko na yung condo, isang stoplight na lang naman ang layo.
Nainis naman ako ng bigla kong maamoy yung inihaw, jusko, ngayon pang gutom ako. Hindi talaga nakakatulong. Kainis talaga. Tapos may utang pa ako sa kanya.
Nilingon ko yung fastfood ng bubuyog, tinatawag ako ng amoy nito. Umiling ako para mawala ang pokus sa pagakain. Patawid na ako sa stoplight ng biglang may humawak sa braso ko. Napatili ako.
"Eugene?!"
"Let's eat." aniya at inangat ang dala niyang plastic na kulay dilaw.
Hinaltak ko ang kamay ko. "Bwisit ka! Di mo ba ako titigilan?!"
Umilng siya. "Never."
Nilingon ang mga ilaw. Mabilis akong tumakbo ng 4 seconds na lang ay mag go, go na ang mga sasakyan.
"Dell!" hiyaw niya at patawid na sana aiya ngunit binusinahan na siya ng mga sasakyan kaya wala siyang nagawa lalo pa at may nakakulay blue na nakabantay sa tawiran.
Inirapan ko lang siya at tumakbo na para makalayo. Mabuti na lang nga at nahinto siya doon. Mas binilisan ko pa ang takbo ko. ilang seconds lang ba yung tawid? Eh sa ikli ng biyas ko at haba ng biyas niya, malamang sa malamang ay maabutan niya ako.
"Magandang gabi kuya!" bati ko kay kuyang guard sa condo.
"Gandang gabi din maam!" balik na bati niya. "Mukhang pagod tayo maam?"
"Sobra po! Pasok na po ako."
"Sige maam!"
Pagkapasok ko doon ay dumiretso ako sa elevator. Pinindot ko ang 9th floor. Hinihingal pa ako habang hinihintay ang pag bukas ng elevator.
Shit. Wala naman sa plano ko ang mag exercise ngayon. Sobra na 'to. Sarap murahin ni Eugene. Kainis.
Pasakay na sana ako ng elevator ng bigla akong napatigil dahil nasa loob non si Eugene. Bitbit pa rin ang supot na dilaw.
Hinila niya ako papasok sa elevator tsaka iyon sinara. Dalawa lang kami.
"Paanong.." taka kong tanong. Samantalang nauna ako..paanong..
"Dumaan ako sa parking lot." Sagot niya sa tanong na hindi ko matanong. Bakas siguro sa mukha ko ang pagtataka.
Bumukas ang eleveator hudyat na nasa 9th floor na kami. Nauna akong lumabas.
Walang salita akong naglakad sa aking unit. Bubuksan ko na sana ang pinto ng iabot niya sa akin ang dala niyang supot.
Hindi ko tinanggap iyon kaya kinuha niya ang kamay ko at pilit na nilagay doon. Tiningala ko siya para sigawan sana,
"Love hindi mo ako kailangang takbuhan." aniya. "Masyadong delikado ang ginawa mo kanina. Paano kung may humarurot na sasakyan kanina?"
Magsasalita sana ako kaso..
"Sorry sa istorbo, love." sabi niya at walang sabi sabing hinalikan ako sa labi. "Kumain ka, Aalis na ako. I love you." tumalikod siya ng nakangiti at tahimik na sumakay sa elevator.
Tinitigan ko ang supot na bigay niya. Napalunok ako. Pagkain.
Ano bang iniisip niya? na wala akong kakainin ngayong gabi? Halos maipit ang paglunok dahil sobrang nanliit ako dahil sa supot na 'to.
Nanginginig ang mga kamay ipinasok ang card. Napaupo agad ako sa sofa. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Ayun ba ang nasa isip niya? O praning lang ako. Masyado lang akong paranoid at binibigyan lahat ng issue ang mga bagay.
Nilingon ko ang cellphone ko ng tumunog ito.
Si Eugene.
Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi. Isa pa, bakit siya tumatawag? Samantalang kakaalis niya lang dito. May nakalimutan pa ba siya.
Wala sa sariling sinagot ko iyon.
"Hello.." bati niya.
Hindi ako nag salita.
"Love,"
Love? Love? Kanina tinawag niya rin akong love..
"Kumakain ka na? Masarap ba yang liempo?" magiliw niyang sabi. Binigyan ko ng tingin ang supot na ipinatong ko sa lamesa. Hindi ko pa iyon binubuksan.
"Luto ni dad 'yan. Binigay niya dahil gusto niyang matikman mo ang new recipe niya. Love? You still there?"
Naipit ang pag lunok ko. Pinatay ko ang tawag.
So ibig sabihin hindi niya ito binili? Hindi niya ako minamaliit? hindi niya iniisip na wala akong kakainin ngayong gabi, hindi siya naaawa sa akin. Nag overthink lang siguro ako.
Kagat ang labing binuksan ko ang supot. May transparent na box iyon sa loob. Kaya nakita ko kaagad ang liempo na sinasabi ni Eugene.
Nagtubig naman agad ang bagang ko ng mabuksan ko 'yon. Ang sarap ng amoy! Kumalam bigla ang tiyan ko. Hindi na ako nag abalang kumuha pa ng utensils at kinamay ko na iyon sa sobrang gutom. Nalaglag ang mata ko sa lasa nun. Nakakabusog.
Kinuha ko ang cellphone ko at mabilis na nagtipa.
Me: Thank you. Pasabi sa dad mo, thank you. At masarap din yung food.
Pagka send nun ay kumain na ulit ako.
Ang daming problema ang pumasok sa isip ko nung gabing 'yon na siyang nag patulog sa akin. Kaya kinaumagahan ay ala singko ako nagising. Masyadong pang maaga para sa trabaho. Para na rin maaga makarating dahil may naiwan pa akong gawain sa office.
Nakita ko ang liempo sa ref ng buksan ko ito. Kinuha ko ang pitchel at umung-ong doon, hindi na gumamit ng baso. Hindi ko kasi naubos iyon kagabi malaking part kasi iyon at kahit gutom ako, hindi ko pa rin mauubos.
Pagdating ko sa office ay sinalubong agad ako mo Diane. Medyo nabigla pa nga ako ng makita siya dahil napakaaga pa. At kailanman hindi siya pumasok ng maaga. At isa pang nakakapagtaka ay galing siya sa 4rth floor samantalang ang office namin ay dito sa 3rd floor. At bakit siya hinihingal?
"Anong meron, Diane?" tanong ko pagkalapag ko ng gamit ko sa table.
Nanlaki ang mata niya kaya mas lalo kong nasiguro na may kakaiba nga.
"Wa..la. anong..ano ba-balik na ako sa cubicle ko." nagmamadali niyang sagot bago kumaripas paalis.
May kakaiba sa kaibigan ko. Alam ko. Napalingon ako ng makita kong bumababa si Julius galing 4rth floor habang inaayos ang collar niya. Mas lalong kumunot ang noo ko. Naglakad ako palapit sa cubicle ni Diane. Tumigil ako sa katabing cubicle kito para hindo ako mapansin. Nakita kong nakaupo siya doon, nakaharap sa computer pero hindi naman ito nakasaksak.
Natigil si Julius sa paglalakad banda sa cubicle ni Diane. Si Diane naman at mabilis na lumingon sa kanya at bahagyang yumuko, at hindi nakaligtas sa mata ang pag ngisi ni Julius sa asal ni Diane.
"Goodmorning, dell!" bati ni Julius ng makita ako. "Ang aga naman nakakunot ng noo mo." natatawa niyang sabi.
"Anong nangyari sa siargao?" diretsahan kong tanong.
At mukhang nagulat siya sa tanong ko. Nawala ang ngisi niya saglit. Pero bumalik din kalaunan. "Okay naman. Masaya."
"I mean, anong nangyari sa inyo ni Diane sa siargao?"
"Sinasabi mo?"
"Sa inyo n-"
"Dell." si Diane na hindi ko namalyan na nasa tabi na pala namin. "Dell, samahan mo ako sa canteen." aniya at mabilis akong hinila paalis don.
Habang nasa elevator kami ay mariin kong tinitigan si Diane at halos gusto na niyang sumuksok sa gilid, samatalang dalawa lang naman kami dito sa elevator.
"Ngayon mo sabihin lahat." sabi ko. Nilongon niya ako.
"Ang al..in?" painosente niya.
"Hindi mo ako maloloko, Diane, alam mo 'yan. Sabihin mo na sa akin ngayon ang lahat ng nangyari sa siargao."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top