13
Thirteen.
Pauwi na kami ngayon sa manila, alas quatro na rin ng hapon. Panay ko siyang sinisilip dahil parang may nagbago talaga sa kanya. Naging aggressive siya, not naman na super aggressive pero yung ginagawa na niya kung anong gusto niya. Nasaan na yung Eugene na sumusunod sa akin? Hindi naman masama pero, naninibago ako. Hindi na siya nakikinig sa akin.
Inayos ko ang brown oversized shirt ko. Nakita ko tuloy ang onting dumi sa white sneakers na suot ko. Natapakan ko yata kanina. Yun kasi ang suot ko at nakalugay lang ng mahaba kong buhok. Siya naman ay naka tshirt na puti at cargo short na itim at rubber shoes din na may check sa gilid.
Kanina nagulat ako. Napaisip tuloy ako kung ano yung narealized niya? Sabi niya kasi kanina may narealize daw siya. Ano kaya yun?
"You hungry? you want snack?"
Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko ng bigla siyang mag salita.
"Ahmm.."
"Nauuhaw ka ba?"
"Hin..di okay lang." sagot ko at bahagyang tumalikod sa kanya. Sa bintana ko na lang itinutok ang tingin ko. Shit. Akala ko lalabas na ang puso ko. Pakiramdam ko kahit pa naka seat belt ako ay nalaglag ako.
Nakakapanibago talaga.
Para siyang...
Para siyang mas naging manly sa paningin ko.
Manly.
Manly naman siya gumalaw ng makilala ko pero ngayon, mas dumoble iyon. At.. At hindi ko mapigilan na nakawan siya mg tingin.
Sobrang attractive niya ngayon. Maganda ata ang tulog niya ngayong umaga at ganito ang resulta sa kanya.
Malapit na kami sa cubao ng maistack kami sa traffic.
"Dell," tawag niya.
"Hmm..bakit?" lingon ko sa kanya. Guminhawa nga yung pakiramdam ko dahil doon dahil sa wakas, nakagalaw yung leeg ko. Kanina pa kasi sumasakit.
"Is it okay, daan muna tayo ng Moa?" tanong niya.
"Pero bakit? Anong gagawin mo?"
"Daanan ko lang si dad."
Bigla akong kinabahan. "Ahm.. pwedeng ihatid mo na lang muna ako?" shit.
"Pwede naman, kaso traffic." aniya. At totoo naman dahil wala ngang galawan ang mga sasakyan.
Wala sa sariling kinagat ko ang labi ko. Pwede naman siguro na bumaba na lang ako dito no? Tapos mag commute na lang, tutal medyo malapit naman na yung condo dito.
"Pwedeng mag com-"
Natabunan ang sinabi ko ng bigla may humarurot na ambulansya sa gilid. At bilang doctor siya, doon napunta ang atensyon niya. "Jesus, guide them." aniya at pumikit saglit bago ulit bumaling sa akin.
"You're saying something?"
Umiling ako. Bigla ay parang gusto ko siyang yakapin ng walang dahilan. Nakatitig lang ako sa kanya. Sa paningin ko ay bigla siyang napaligiran ng maraming bituin.
Mabilis kong tinaktak ang ulo ko at umiwas ng tingin. Nak ng! Nababaliw na ako!
"Dell, can we?" tanong ulit niya. "You okay?"
Tumango ako.
"Can we go to Moa first?"
"Sige."
"Thank you."
Ano pa nga ba? Nilabas ko na lang ang cellphone ko, at nakitang nag missed call si Diane. Tinext ko na lang siya.
Me: Bakit?
Wala pang ilang segundo ay sumagot na siya through text din.
Diane: Kayo na?
Napairap ako.
Me: Bwisit ka. Humanda ka pag nagkita tayo.
Napaka nitong babae na 'to. Humanda lang talaga siya. Hindi niya alam dahil sa kaartehan niya ay nilagay niya ako sa awkward na situation.
Binalik ko sa bag ko ito ng hindi na siya nag reply. Ha! Alam niya kasi na galit na ako. At hindi talaga maganda ang ginawa niya. Alam na niya yan sa sarili niya, alam na rin niya ang mangyayari sa kanya pag nag kita kami.
Nang makarating kami sa MoA ay nag park siya sa loob tsaka kami tumawid sa mall. Ayoko na nga sana sumama kaso hindi naman daw niya ako pwedeng iwanan. At isa pa, baka daw mtagalan siya. Which is nakakabaliw dahil sinabi niya kanina na sandali lang siya. Inirapan ko nga siya dahil doon. Dagdag pa na naiwan ko ang cellphone ko sa kotse niya.
Kaya ngayon magkasama kaming naglalakad papauntang sea side. Ang sabi niya ay nasa seaside daw ang dad niya. Habang naglalakad ay tiningala ko ang malaking ferris wheel. Ingay.
"Saan daw papa mo?" tanong ko habang hinhintay ang ilaw ng stoplight.
"Giligans." sagot niya at hinawakan ang kamay ko habang patawid na. Hindi ko namalayan na green na pala.
Tahimil lang kaming naglalakad at patuloy niyang hawak ang kamay ko. Pang kinder nga lang ang kamay ko kumpara sa kamay niya. Ang laki.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa loob.
"Dad!" tawag niya doon sa lalaking naka polo ng white na kumakain.
Kamukha niya.
Gusto ko sanang hilahin ang kamay ko, pero nakahawak talaga siya. Hindi naman mahigpit pero wala naman akong kawala.
Kumaway lang ang dad niya at ngumiti. Niyakap niya ang dad niya ng makalapit kami.
"Buti may oras ka," sabi ng papa niya. Napailing naman si Eugene sa biro ng papa niya.
"You know my work, dad." sagot niya at nilingon ako tsaka inalalayan makaupo.
"Thank you." sabi ko pero natabunan na yun ng mag salita yung dad niya.
"Hi, what's your name?" yung dad niya. Napatigil din sandli si Eugene.
"Ahm..Dell po." simpleng sagot ko.
Nagpanic ako ng bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. "My name is Alfred. Nice to meet you," sabi niya at kinuha ang kamay ko at hinalikan sa ibabaw. "You're so pretty."
"hehe..thanks po."
"Dad!" si Eugene. "Bakit mo po ba ako pinapunta dito?" kinuha niya ang dalawang kamay ko at ipinatong iyon sa hita niya at kinulong sa palad niya.
"Ewan ko sayo nak." sabi nung papa niya bago bumalik sa upuan.
"Anyway. I just want to check on you. Tatay mo pa rin ako. Isa pa, hindi mo naman sinabi sa akin na may girlfriend ka na pala."
Mabilis akong lumingon kay Eugene. Wala man lang siyang raksiyon. "Hoy.." mahinang tawag ko at sinubukang bawiin ang kamay ko pero hindi naman naging effective.
"Hindi ko pa siya girlfriend dad." aniya. Humarap ako sa dad niya at tumango. Tama.
"We're still dating."
"Hoy!" mabilis kong lingon. "Hindi po sir, hindi po kami nag dedate." mabilis kong paliwanag. Feel ko ako na si flash.
"What do you mean hindi, iha?"
"Ano po.. ahm basta po hindi po. Magkakilala lang po kami."
"Magkakilala?" kunot noong wika ng dad niya. Hindi ko mawari kung nagtataka ba siya o natatawa.
"Opo. Ahm.."
"That's enough." si Eugene na tumayo na. Hawak pa rin ang kamay ko. "Aalis na kami."
Haay.. Buti naman.
"Aalis na p-" natigil ako dahil pag lingon ko ay halos mamula na yung dad niya kakatawa. Anong meron?
"Let's go." aniya at umalis na kami Hindi ko na nga nilingon yung dad niya kahit pa sumisigaw ito.
Hinayaan ko lang siya na dalhin ako, hanggang sa makatawid kami ay hindi ako nag reklamo sa pag hila niya. Kaina pa ako nag titimpi sa kanya. Sa harap pa lang ng dad niya ay grabe na yung timpi ko.
Pero nung nasa harap na ki ng poppeyes ay buong lakas kong hinatak ang kamay ko. Tumingin siya sa akin.
"Sinabi mo sa dad mo na tayo?" tanong ko. "Kakasabi ko lang kagabi sayo na huli na'to diba? Basted ka na."
"Basted ako kagabi. panibagong araw ngayon." sagot niya na nagpakunot ng noo ko.
"Niloloko mo ba ako?" bwisit na tanong ko.
"Hindi. Tulad ng sinabi mo, basted na ako kagabi. Kaya simula ngayon, ako na mag dedecide kung paano tayo mag dedate."
"Anong date sinasabi mo? Tigilan mo na ako, basted ka na nga!" hiyaw ko pa.
bahagyang tumaas ang kilay niya. "Nahalikan mo na ako, tingin mo hahayaan pa kitang iwan ako?"
"Ano?!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top