12
Twelve.
Walang salita na sabay kaming naglakad papasok ng loob. Nakabalot sa akin ang isang tuwalyang kulay puti habang siya ay basang basa. Tumutulo pa ang tubig sa kanyang short, maging ang kanyang buhok ay may tubig din.
Dumiretso na ako sa itaas. Hindi ko alam sa kanya kung sumunod ba siya o ano. Ayokong lumingon.
Kanina akala ko gusto ko lang matikman ang halik niya, kahit isang beses lang. Hindi ko inakala na ako pa pala mismo ang mg iinitiate ng pangalawang halik. Gosh! Bakit hindi ako ng pigil! Really, Dell? Uhaw na uhaw ba? Napaghahalataan ka masyado.
Pagkapasok ko sa banyo ay naupo ako sa bath tub.
"Ano ba?!" hiyaw ko sa aking sarili. "Papasa ka ng cougar, Dell!"
Napatigil ako, well.. Hindi naman masyadong cougar dahil hindi naman ganon kalaki yung agwat ng edad namin, pero kasi mas bata pa rin siya sa akin!
Wala sa sariling hinawakan ko ang labi ko.
Yung kanina..yung..halik niya. Napaka teritorial ng feeling. Pakiramdam ko pinirmahan ng labi niya ang akin at inangkin 'yon na sa kanya niya na mula ngayon. Kahit gusto ko man itanggi na ayaw ko at hindi dapat nangyari ang halik na iyon, ay alam ng sarili ko ang totoo. Alam ng puso ko kung ano man ang naramdaman ko. Alam niyang hindi ko gusto, pero hindi ko rin naman mapigilan.
Dapat bang hayaan ko na lang siya? Bigyan ko ng chance at tignan ko kung hanggang saan aabot ito.
Kaso lang naisip ko rin, napakarami ko pang responsibilidad sa buhay, kung mag boboyfriend pa ako, magiging kawawa lang siya. Hindi ko siya mabibigyan ng atensyon. At hindi siya makakasali sa mga priorities ko sa buhay. Kawawa lang, sayang. At sa huli baka masaktan ko pa siya.
Hindi ko alam kung ilang minuto pero wala siya ng bumaba ako. Wala siya sa kusina.
"Baka nagbibihis pa.." wala sa sariling bulong ko.
Nakita ko ang beef steak na niluto niya kanina. Medyo lumamig na. Kaya naisipan kong initin na lang 'yon. Sinilip ko rin saglit ang rice cooker at napatango na lang ng makitang may kanin na doon.
Nagbukas ako ng ref dahil nakaramdam ako ng uhaw.. Ngubit ng makita ko ang itlog sa may pintuan nito ay para akong natakam. Lalo na yung itlog na sunny side-up. Tapos medyo maalat. Gosh!
"Dell."
"Uy!" gulat kong sabi at mabilis na sinara ang ref.
Nakatayo na pala siya sa harap ko ng hindi ko namamalayan. Sumuot na rin sa aking ilong ang mabango niyang amoy. Amoy aftershave na matamis. Wearing only his short at itim na sando ay napaka- i mean.. Maayos siyang tignan. Maayos naman.
Ang kanyang tingin na napaka lalim at magaan at the same time..
"Kumuha lang ako ng tubig." sabi ko at pinakita pa sa kanya yung basong may tubig. Mabilis akong kumilos para makalayo sa kanya. Umupo ako don sa medyo malayo sa kanya. "Ininit ko na pala yung niluto mo kanina, lumamig kasi."
Nilingon niya yung oven at may pinindot na doon. Marahil ay tapos na ito.
"Kain na tayo." aniya at naglapag na ng plato sa harap. Siya na lahat ang kumilos. Ako na lang ang nag lagay ng tubig sa baso niya.
Habang tahimik kaming kumakain ay hindi naman lingid sa akin na palihim niya akong tinititigan, well.. Bulgar nga dahil kahit nakikita ko na siya ay hindi naman niya inaalis ang tingin sa akin. Panay kasi ang tingin ko doon sa ref. Hindi pa rin kasi mawala yung takam ko doon sa naiimagine kong sunny side up.
Sumubo ako ulit ng kanin at sinabayan iyon ng pag inom ng tubig. Hindi naman siguro masama kung, magluluto ako ng isa lang? O kaya kung gusto niya lulutuan ko rin siya.
Pakiramdam ko hindi ako matatahimik pag hindi ako nakakain ng sunny side up.
"Ahm.." panimula ko dahil sa totoo lang hindi ko alam kung paano sabihin yung gusto ko. "Pwede...ba akong mag luto ng itlog? Kahit isa lang.."
Mukha naman siyang natauhan sa pagtitig niya sa akin. "Oo naman." aniya at tumayo. "Hindi mo gusto yung ulam?"
"Ay hindi.. gusto ko. Yun nga lang, natakam lang talaga ako sa sunny side-up." tumayo rin ako ng naglagay siya ng pan sa lutuan. "Ako na magluluto, kumain ka na lang."
"Okay." binigay naman niya ito ng walang argumentong nangyayari.
"Gusto mo rin bang itlog?" tanong ko at kumuha na ng dalawamg itlog sa ref.
"Sige."
Pagkatapos naming kumain ay nag paiwan siya, ako ang naghugas ng plato namin at pinanood niya ako. Ngayon, nandito ako ngayon sa labas, nakaupo sa duyan. Ang dapat ko sanang gawin ngayon ay umakyat na sa kwarto at matulog na. Pero alam ko naman sa sarili ko na hindi ako makakatulog. Sobrang daming bagay ang nasa isip ko.
Kanina, nag text sa akin ang bunso namin at hinihinye na yung pang tuition niya, sa isang university kasi siya nag aaral, laking pasalamat ko nga n kahit papaano ay naka avail siya ng scholarship, yun nga lang kalahati lang. Pero kahit ganon ay pasalamat pa rin nakabawas iyon sa para sa amin. Kailangan na daw niya magbayad kung hindi ay hindi siya pakukuhanin ng exams.
Sa hwebes pa ang sahod ko. Linggo pa lang ngayon. Pumikit ako ng hindi na kinaya ang pag iisip. Sa totoo lang, may naitabi naman akong pera, katabi tabi. At hindi ko talaga siya ginagalaw, pang emergency kasi talaga 'yon. Pero ngayon, kailangan ko na ata siyang galawin para sa bunso namin.
Huminga ako ng malalim. Tama. Yun na lamg muna ang ibibigay ko. Ibabalik ko na lang pag nakasahod na.
"Dell.."
Si Eugene. Kalalabas lang galing sa loob. Kinuha niya ang isang single na upuan at inilapit iyon sa pwesto ko.
Umayos naman ako ng upo patagalid.
"I just want us to talk about-"
"Huwag na." putol ko sa sasabihin niya. "Ang dami ng gumugulo sa isip ko ngayon, huwag ka na lang munang dumagdag."
Mukha naman siyang natauhan sa sinabi ko. Umayos siya ng upo. Tumayo ako. "Sige na, matutulog na ako. Goodnight."
Last day na namin bukas, at sa hapon y bibiyahe na kami pabalik ng manila. Siguro dapat iwasan ko na siya ng tuluyan dahil kawawa lang siya paga ko yung ginusto niya. Wala akong maibibigay.
Sa sobramg pag iisip ay hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog, at maaga ako ulit nagising. Naligo muna ako at dumiretso sa kusina para mag luto ng almusal. Itlog at ilang pirasong hotdog.
Ala siyete na ngunit hindi pa rin siya bumababa kaya nagpasiya na ako na kumain mag isa. Siguro umalis siya? Baka nag punta ng palengke.
Pagtapos kumain ay naisipan kong lumabas sa may tabing dagat. Last day na ngayon kaya sulitin ko na. Mag kukuha ako ng maraming pictures.
Wala pa man din ako sa labas, ay natanaw ko na agad si Eugene na nakahiga sa duyan.
Nak nang, so nandito lang pala siya mula pa kanina? Hindi ko siya nakitang bumaba. Bigla akong nagdalawang isip kumg lalabas pa ba ko o hindi na.
Pero kasi.. well.. Bakit ba ako nag dadalawang isip?
Napaatras ako ng dalawang hakbang ng pumasok sa isip ko yung halikan namin kahapon.
Shete. Ang harot ko sa part na yun. Nanliligaw pa lang siya and yet hinayaan ko siyang halikan ako.
"Dell.."
Nanlaki ang mata ko.
"Hehe..morning." napaatras ako ng humakbang siya papasok.
Ngumiti siya at hindi pinansin ang pag atras ko. Mas lumapit siya sa akin at hindi ako nakgalaw ng halikan niya ako sa noo. "Goodmorning. Kumain ka na?"
Umatras ako ulit. Nabigla ako sa kilos niya. Bakit siya ganito? Bigla bigla na lang nag iba. Yung aura niya. Parang hindi siya si Eugene.. "Anong gi..nagawa mo?"
Umiling siya. "I just realized something." aniya at hinila ako para yakapin ng napaka higpit. Kahit pa malayo ang height namin ay nagawa niyang ipatong ang baba niya sa aking balikat. "You are my morning."
Nanigas at hindi makagalaw. Ano ulit ang sinabi niya? Napailag pa ako ng bigla niyang amuyin ang aking buhok. Nakakakiliti kasi sa akin iyon.
Tapos nun ay bumitaw na siya. Hindi niya tinanggal ang titig sa akin.
"I really love, morning."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top