11


Eleven.




Umakyat ako sa kwarto pagkatapos niyang mag salita. Hindi ko alam kung bakit pero, bigla akong nahiya sa kanya. bigla akong nanliit sa harap niya.

Hindi ko rin alam kung paanong lumabas sa akin lahat ng insecurities ko, hindi ko gustong malaman niya yun. Ilang taon kong sinarili lahat ng 'yon tapos bigla na lang sa harapan niya naibuga ko lahat?!

Nalingon ako sa pinto ng may kumatok.

Siya.

"Take your time. I will cook our dinner." aniya mula sa labas. "Im just here, everytime."

Inirapan ko ang pintuan na wala namang kamalay-malay. Nakakainis! Naiinis ako sa kanya, naiinis ako sa sarili ko! Hindi ko maintindihan kung bakit ko ito nararamdaman!

Nababaliw na ata ako.. Masyado na ata akong nag seself pity. Hindi na maganda 'to.

Iniisip ko rin... masyado ba akong naging bastos kanina? Nabastos ko ba siya?

Mabilis kong sinuot ang tshirt na suot ko kanina. Sa pagmamadali kasi ay naka two piece ako nung nag walk out ako.

Bumaba ako at nakita ko sa maliit na bintana medyo dumilim na pala. Hindinko na kasi alam kung ilang oras akong nag muni at nag isip sa itaas.

"I'm on a vacation dad, yes, aasikasuhin ko po 'yan agad when i get back in manila. No.. hindi pa. Dad, stop. Hindi ko gagawin 'yon. Ibaba ko na po nagluluto ako. Dad.. bye."

Sa kusina 'yon. At nakita ko siyang binaba na ang cellphone niya at hinalo ulit yung nasa harap niya. Natatanaw kong parang beef steak 'yon.

Ibig sabihin maraming sibuyas.

"Dell.." tawag niya.

"Anong ulam natin?" tanong ko at lumapit sa pwesto niya.

Tama nga ako, beef steak nga. Pero kumunot ang noo ko ng wala akong maaninag na sibuyas.

"Beef steak- without onions." sagot niya. "I know you hate onions. "

Tumango ako. Lumayo ako sa kanya at umupo sa katabing upuan.

"Eugene." tawag ko sa kanya. Humarap siya at pinatay na ang apoy ng niluluto.

Tumingin siya sa akin.

"Gusto ko lang mag sorry sa nangyari kanina." sabi ko. "Hindi mo dapat nalaman yung mga 'yon, sorry rin kung medyo naging rude ako sayo."

"No. It's fine. Gusto ko nga na nasabi mo lahat sa akin 'yon. Atleast nalaman ko ang iniisip mo." bahagya pa siyang ngumiti pagkatapos. "Alam mo, ang saya ko nga dahil unti unti na kitang nakikilala."

Eto na naman siya. Nag iwas ako ng tingin tsaka bumlikbg sa kanya. "Pwede pa bang mag swimming?"

Kumunot ang noo niya sa naging tanong ko. Well.. Bakit hindi, samantalang kanina kakasabi ko lang na takot ako sa dagat diba. Tapos ngayon gusto ko lumusong.

"Bakit?"

Nagkibit balikat ako. "Gusto ko lang. Tsaka, sasamahan mo naman ako e."

"Are you sure?" tanong pa niya. Tumayo ako.

"Hintayin kita sa labas." sabi ko na lang.

Bahala na. Basta gusto kong subukan kung hanggang saan 'tong kabaliwan ko. Kung ano man ang mangyari, akin na yun, kasalanan ko.

Pagkalabas ko ay sinalubong ako ng malamig na hangin.

"Dell.. are you sure?"

Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala siya.

Hindi ko siya sinagot at lumapit na lang sa dagat. Naririnig ko pa rin ang ng aalalang boses ni Eugene sa likod ko. Pero nakafocus lang ako sa paglakad. Unti..unti.. hanggang sa umabaot na sa paa ko ang alon. Napahinto ako.

Naramdaman ko agad ang hawak niya sa aking beywang ay kamay. Nasa gilid ko siya nakabantay sa laht ng galaw ko.

"Dell..." Aniya. "Why are you doing this?"

Tiningala ko siya. "Diba sabi mo sasamahan mo ako sa lahat?"

Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. "Gusto ko ng mawala ang takot ko sa dagat."

"Oo. Pero you should consult you-"

"Doctor ka naman diba?" napatigil siya sa sinabi ko. Magsasalita sana siya kaso tinikom niya yung bibig niya. Kaya nag patuloy na ako sa paglalakad. Huminga ako ng malalim ng nasa hanggang tuhod ko na 'yon. At ng umalon at natumba ako. Hindi ako nakahinga, mabuti na lang at may nagtayo sa akin. Pakiramdam ko ay nanginig ang buong kalamnan ko dahil don..

Paano kung wala siya.. paano kung hindi niya ako tinayo, edi inanod na ako ng dagat.. Bigla akong nanginig sa naisip ko.

"Shh...breath.."

Napatingin ako sa kanya habang hinahaplos ang likod ko.

"Breath babe, count with me."

Tumango ako.

"One.." aniya at naramdaman kong naglakad kami paabante.

"O..one."

"Two."

Huninga ako ng malalim ng naramadaman ko ng tubig sa aking hita.. Pumikit ako..okay lang Dell.. "Two.."

"Open your eyes, love.." bulong niya.

Kahit nahihirapan akong huminga ay pinilit ko siyang sundin, kahit pa parang tinatangay na ako ng kung ano. Taas baba ako dahil sa tubig..

Unti-unti akong dumilat at nakita ko siyang nakabantay ang tingin sa akin. Hahawakan ko sana ang mukha niya ngunit bigla na lang umalon at humampas iyon sa amin kaya nabasa ang aking mukha.

Hinaplos ko ang mukha ko at huminga ulit ng paulit-ulit.

"Are you okay?" tanong niya.

Basa na rin ang ulo niya tulad sa akin. Bagsak na ang buhok.

Umiling ako.

"It's normal." aniya.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko bibitawan niya ako..lumuluwag ang kapit niya sa akin..

"You can-"

"Huwag mo akong bibitawan!" hiyaw ko at mbilis na yumakap sa kanya. " Please huwag! Huwag mo akong bitawan!"

"Shhh.. Love calm down. I will never do that. Hinding hindi kita bibitawan."

Humigpit ang hawak niya sa beywang ko.

Natanaw ko ang nakakakilabot na dagat.. Ang daming tubig..

Mabilis kong inalis ang tingin ko doon at tumingin na lang sa kanya.

"Love.."  tingin din niya. Nagtataka siguro kung ano na naman ang nangyari sa akin.

Kinagat ko ang labi ko. Para akong bata sa harapan niya! Takot na takot!

Hinawakan niya ang labi ko ng magaan at marahang hinaplos iyon. Dahan dahan at sobrang rahan ay pakiramdam ko hinihele ako..

"The search is over." bulong niya.

"I finnaly found the lips that i want to kiss forever."

Sa tingin pa lang niya ay alam ko na ang kasunod ng sinabi niya, pero wala akong ginawa.

Imbes na umiwas, ay ipinikit ko ang mga mata ko at ninamnam ang kanyang halik.

Halik na hindi dapat.

Halik na dapat iwasan pero akin pang nilasahan.

Tulad ng sinabi ko kanina.

Bahala na..



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top