10
10
"Ewan ko sayo, picturan mo na lang ako!" sabi ko binigay ko yung phone ko.
Tinitigan niya muna ako ng mabuti tsaka dahan dahan na tumayo. Ewan ko kung anong problema niya, eh kung magkataon man na matakot ako at may mangyari sa akin ay ako naman ang mapapahamak at hindi siya.
Nilugay ko ang buhok. At tsaka nag pose. "Sabihin mo kung okay na ah?" sabi ko pa at nilagaya na ang kamay ko sa ibaba ng beywang ko. Ewan ko kung anong hitsura ko doon, kung maayos ba yung mukha o ano. Kaya para makasigurado ay lumapit ako sa kanya at hinawakan ang phone ko habang hawak pa niya.
Nang makita ko ang kuha niya ay napatango ako. Okay naman, medyo umitim lang ako kumpara sa kulay ko na morena dahil sa araw siguro.
"Ang ganda mo diyan." bigla akong napatingin sa sinabi niya. "Orange color really suits you."
"Salamat." sabi ko at binigay ulit sa kanya yung phone ko. "Isa pa ulit," bumalik ako sa pwesto ko kanina at hinubad yung shirt ko.
Nakita ko naman na napanganga siya.
Nilingon ko muna ang paligid. Ito yung first time na nag suot ako nito. Wala naman sigurong tao maliban sa aming dalawa no?
"Why?" tanong niya matapos matulala.
Nilaglag ko ang damit ko sa buhanginan. "Wala naman sigurong tao dito no?" tanong ko.
"Wala. Tayong dalawa lang. Bakit?"
"Ah wala. Nakakahiya kasi kung may ibang makakakita. Game na, sabihin mo ulit kung okay na."
Ilang beses niya pa akong pinicturan at ilang beses ko rin siyang nasigawan ng hindi niya ako sinasagot sa mga tanong ko at panay lang ang titig sa akin. Matapos yun ay umupo na ako sa nilatag niyang tela at kinuha ang nasa basket na saging.
"Sinabi mo kanina nahihiya ka?" aniya pagkaupo. Nakahubad n rin siya dahil nga pinilit kos iyang picturan pero hindi ko siya pinilit mag hubad. Muntik ko ng hindi maalala yung tinatanong niya, pero agad ko rin naalala ng makita ko na wala nga pala akong suot maliban sa two piece.
"Oo. Nahihiya lang ako." sagot habang nakatingin sa dagat.
"You really have a low confidence," aniya.
Napatingin ako sa kanya. Umiling ako. "Hindi naman low, i think nasa negative 3 na ako. As in wala, kaya remember, nung sinabi mong gusto mo ako hindi ako makapaniwala."
"Kasi iniisip ko, ano yun? Bakit? Anong kagusto gusto sa akin, feeling ko nga pinagtitripan mo lang ako."
"Really?" si makapaniwalang sabi niya. "But i really really like you. A lot."
"Speaking!" sabi ko at siguro ito na rin yung oras na dapat ko na siyang kausapin at patigilin na sa ginagawa niya. Dahil sa totoo lang, wala siyang futire sa akin.
"Gusto ko sana, after nitong trip natin, ito na rin yung huling beses na magkikita tayo."
"Bakit?" mariing tanong niya.
"Bakit hindi? Alam mo sa totoo lang, wala naman talagang mangyayari sa atin dalawa dahil obviously, hindi tayo pareho. You are successful and young, while ako, may edad ang struggling writer lang-"
"You're a writer." putol niya sa akin.
"Okay! Pero hindi talaga pwede, intindihin mo na lang."
"Hindi ko maintindihan" mas seryosong sabi niya. Sa hitsura niya, parang nakahanda siya sa magaganap na debate.
My gosh! Isa pa 'tong dahilan kung bakit ayoko ng bata, ang hirap kausap!
"Mahirap pag naging tayo. Hindi tayo magkakaintindihan dahil magkaiba tayo ng paniniwala. Isa pa, hindi pa ako ready pumasok sa relationship."
"Hindi naman kita minamadali." sagot niya agad. "And how can you say those things? Hindi pa nga natin nasusubukan,"
"Hindi na kailangan mag try. Obvious naman. Like, ngayon nga hindi mo ma gets ang punto ko, pano pa kaya pag naging tayo?"
"Then sagutin mo ako ngayon, tsaka natin malalaman kung tama ba ang mga hula mo."
"Kasasabi mo lang hindi mo ako minamadali tapos sasabihin mo 'yan?"
"Dahil pinipilit mo na sa akin na itigil na 'to, which is i can't understand. Why? May nagawa ba akong mali sayo?"
"Sinubukan kong lumayo sayo noong una pa lang, pero wala, bumalik pa rin ako sayo. hindi ko nga alam kung bakit, at sa totoo lang ngayon wala na akong planong alamin pa. I like you- no, i already love you. At kahit pa paulit ulit mo akong ipagtabuyan at kausapin para tumigil, hindi ako susunod. Lahat kaya kong gawin para sayo, maliban lang don. "
Nabigla pa ako ng hinawakan niya ang kamay ko.
"Sana lang huwag mo akong palayuin sayo ng dahil lang sa hindi mo maintindihan ang sitwasyon natin," mahinang sabi niya. "Hindi kita minamadali, Dell. Kahit gaano pa kalaki ang insecurities mo sa sarili mo, gaano mo man kwestiyonin ang sarili mo, ibang Dell ang nakikita ko. Dito lang ako hanggang maging ang negative three na confident mo ay maging positive one. Mapapagod ka lang kaktaboy sa akin dahil hindi ako aalis sa paningin mo."
Binawi ko ang kamay ko at nag iwas ng tingin. Kinailangan ko pang huminga ng malalim mapigilan lang ang hikbi ko. Talent ko na ata yun. Ang umiyak sa loob. Yung walang hikbi at luha. Yung iyak na sarili ko lang ang may alam. Yung iyak na kahit masakit, hindi mo pwedeng isigaw.
"Dell.."
Nilingon ko siya. "Maganda si Diane, stablished na at may ipon."
"Mas maganda ka sa kanya." mabilis na sagot niya pero imbes na matuwa ay naasar ako.
"Eugene ano ba?!" di mapigilang hiyaw ko. "Ang bobo mo kausap! Sa iba ka na lang! Kay Diane o sa kahit na sino, huwag langa ako! Ni wala nga akong ipon para sa sarili ko, ni hindi ako makabili ng bagong tshirt man lang! Ni wala akong pangload, nakikikabit lang ako ng wi-fi sa katabing unit ko!"
"Bakit mo ba kinukumpara ang sarili mo sa iba? Magkaiba kayo. Wala kang ipon ngayon dahil may pamilya kang sinusuportahan, kapatid na pinag aaral at bills na binabayaran. Sila may ipon dahil sa sarili lang naman nila napupunta ang mga sweldo nila, Maswerte at wala silang kapatid na pinag aaral at pamilyang sinusuportahan. Magkakaiba tayo. At naiintindihan ko yun, Dell. Naiintindihan ko ang sitwasyon mo at kung paano ka nabubuhay. Sana ikaw din, maintindihan mo yun." lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"Mahal kita at naiintindihan ko ang buhay mo." sa unang pagkakataon hindi ko naitago ang luha ko at pumatak ito.
"Hindi dahilan ang pagkawalan mo ng ipon para hindi kita magustuhan."
"Tutulungan kita sa lahat.. Tutulungan kitang intindihin ang sarili mo, sasamahan kita habang binabawi mo ang kumpiyansa mo, at papanoorin kita kung paano mo gagawin ang mga bagay na sabi mo hindi kayang gawin ngayon. Sasamahan kita sa lahat Dell."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top