AUTHOR's NOTE: Madami pa pong errors dito. Kapag po may nakita kayong Jungkook si Calix po yun at pag Hoseok naman si Tyler. Ayun lang. Enjoy reading!
***
PROLOUGE...
Badass girl. Sa sobrang troublemaker ni Aziriel Joaqine Lee or Azi ay inilipat sya ng mga magulang nya sa..
BANGTAN VILLAGE.
They said na lahat ng troublemaker na dinadala dun ay nagtitino but they thought wrong for Azi.
Nakilala ni Azi ang tatlong babae'ng kapit bahay nya na patay na patay sa Bangtan dahil sa isang babae na kinalaban nya.
"Ano ba yang Bangtan na yan?"- Azi
Ano nga ba ang Bangtan?
Bangtan - A Gang. Binubuo ito ng pitong nag-gwa-gwapuhang lalaki na anak ng may-ari ng BANGTAN VILLAGE. Jinre, Justine, Tyler, Bryan, Kyle, Timothy, Calix. Yan sila.
Diba ang sabi nila pag GANG or GANGSTER ka kinatatakutan ka at ayaw ka nilang maka salubong manlang?
Well, ibahin nyo na agad ang Bangtan dyan. Ang gang na ito ay, well... syempre kinatatakutan. Kaso ngalang, gustong-gusto nila ito'ng laging nakikita or nakakasalubong.
Mostly to girls.
Pero mas ibahin nyo si Azi.
Ano ba ang Bangtan para kay Azi?
Well... Basagulero, walang alam, bakla, manyak, pangit at walang ibang alam kundi ang mag pasikat. Wala na tayong magagawa kung ayan ang tingin nya. Kung naiinis kayo, syempre naman mas naiinis si author.
Aba! Idol ko rin kaya yan'ng bina-bash nya!
Okay let's go back. Eh ano naman ang BANGTAN VILLAGE?
BANGTAN VILLAGE - Syempre pangalan palang alam mo ng Village yan. BANGTAN VILLAGE is a private Village where troublemakers go. Sabi nila pag dinala dito ang mga troublemakers at tumitino. Yes- but mostly NO for Azi. May wake up schedule. Sleeping schedule. At iba't iba pa. Syempre binabayaran sila ng mga magulang para lang tumino ang anak nila kaya naman pinatitino talaga nila.
But for Azi?
That's a NO, NO. She doesn't take orders. She sleeps whenever she wanted. She wakes whenever she wanted. Pero pag dating sa GOLDEN RULE. Bumabait sya.
What's the GOLDEN RULE?
GOLDEN RULE: YOU CAN NEVER GO OUT.
That's the GOLDEN RULE.
Bawal kang lumabas. That's why nasa BANGTAN VILLAGE na ang lahat.
One tine she tried to escape. And that's the time when she met the BTS for the first time.
At dun din nila nalaman ang famous line ni Azi sa kanila...
"I am NOT YOUR FANGIRL."
****
Chapter 1: BANGTAN VILLAGE
"Haha! Ano?! Hanggang dyan nalang ba kaya nyo?! Mga weak! Hahahahaha!"pagtawa ko habang nag pe-pedal ng mabilis.
Ano ba naman 'tong mga pulis na 'to. Ang babagal. Huhuli na nga lang. Mas mabilis pa bisekleta ko sa kotse nila!
"AZIRIEL JOAQINE!"napa-tigil ako sa pag pedal ng bisekleta ko ng marinig ko ang boses ni mommy.
Oh no... sinsabi nya ang ang full name ko kapag galit sya.
"Aha! Nahuli ka rin naming bata ka! Alam mo bang ilegal ang pag pipintura sa ding-ding! At sa bahay pa ng mayor! Your in big trouble miss!"dada ng pulis ng mahuli nila ako.
Tss! Kasalanan 'to ni mom!
"Azi, how many time's do I have to tell you, stop making troubles!"sabi ni mom.
Tsk. Duh? Edi kung titigil ako hindi na troublemaker ang ganap ko sa storyang 'to. Tss.
"Hayaan mo na. Last na 'to ni Azi. Right Azi?"
Buti pa si dad naiintindihan ako.
Mom looked at him and me annoyingly. "Ay ewan! Lagi mo nalang kinukunsinti 'yang si Aziriel! Kaya hindi natutu-to!"bulalas ni mommy.
Hay mommy di kapa nasanay samin ni daddy.
"Officer, kami nalang po ang bahalang kumausap kay mr. Mayor."sabi ni daddy.
Alam nyo ba kung nasaan kami? Syempre hindi, nasa tabing daanan parin kami pero dahil nga maimpluwensya ang mga Lee dito, hinayaan na ako ng mga pulis. WAHAHAHA.
Sa bahay..
"Ano? Ano ng gagawin natin dyan sa anak mong puro gulo ang dinadala sa pamilya natin?" Ouch ha.
Grabe. Tss!
"We'll sent her to BANGTAN VILLAGE."
At dahil sa sagot ni daddy agad akong napa tayo sa sofa. "WHAT?!"
"Lower your voice! Your talking to your father!"saway ni mom. I mentally rolled my eyes.
"Yes anak, ililipat ka namin sa BANGTAN VILLAGE."pag uulit ni dad.
WHAT THE?! AYOKO DON! NO! NO!
"But that place is where troublemakers go dad! Gusto mo ba yung princess mo nasa ganoong lugar?"pag papaawa ko kay daddy.
Hopefully hindi gumana. Tss.
"Sorry Azi. But you need to learn a lesson. Your almost 18 and your still acting like 12 yrs old. You need to grow up, princess. And your leaving tomorrow." sabi ni dad.
Hays. I understand daddy, pero, ayoko dun. Di ko makikita friends- ay wala pala ako nun. Basta ayoko dun! Period! Wala ng kasunod!
Padabog akong nag punta sa kwarto ko. Ano pang magagawa ko? Eh aalis na daw ako bukas. Better packed up.
-
Mga 11:47 pm na ako natapos kaya naman natulog na ako.
Welcome me to BANGTAN VILLAGE tomorrow. Tss.
****
"AZIRIEL JOAQINE LEE! WAKE UP!"tsk.
Ano ba yan agang aga nag ra-rap na agad si Mommy.
"Nak. Azi, get up. Aalis ka na mamaya." Sabi ni daddy ng makapasok sa kwarto ko.
Buti pa si daddy hindi nag ra-rap. Haha.
Pero teka,
AALIS NA AKO? Hays.
Pero wait lang ah. May iki-clear lang ako. Naisip ko kagabi, living alone in BANGTAN VILLAGE will be fun. Except sa wala pa akong alam dun, hindi ako ma-aawardan ni mommy. I can live indipendently!
***
"We're here!"masiglang sabi ni daddy.
Ako? Excited din syempre but I need to show them I'm sad.
"WELCOME BANGTAN VILLAGE." Naka lagay sa entrance ng village.
Oh.. malaki ah.
"Azi, please remember we're just doing this for your sake. Okay?"paalala ni daddy na para bang isa akong musmus.
Umirap ako. "Yeah, yeah.. thank you dad." Sabi ko sabay kiss sa cheeks nya.
"How about mommy? Wala bang kiss and goodbye?"sabi ni mom.
Syempre kahit international rapper ang mommy ko, mahal ko pa rin 'to 'no!
I kiss mom's cheeks and then waved them goodbye. Hinintay ko munang umalis sila bago ako pumasok. When they were gone, pumasok na ako.
"KYAAAA! Omg! Ang po-pogi talaga nilaaa!"
Paulit-ulit na sigawan sa isang tabi. At dahil di naman ako chismosa, dumiretso nalang ako sa assigned house. House #231.
**
"Uyy Gella at Milah may bago tayong kapit bahay!"sigaw ng ewan ko kung sino sya pero halatang babae.
Dire-diretso lang ako papasok sa bahay ko ng may humigit ng braso ko.
"And where are you going?"mataray nyang tanong with matching taas kilay pose.
"Tanga lang? Malamang sa bahay na yun. Tanga-tanga."sabi ko.
"Hoy! I'm Recole Tan and you shouldn't talk to me that way! Such a- argh!"sabi nya sabay walk out.
Tss! Walk out-walk out pang nalalaman. Di naman sya si Leila de Lima. Tss!
"Wow girl! First time kong nakita'ng may kumalaban kay Recole!"approach ng isang babae saakin.
Well, tatlo talaga sila.
"By the way, I'm Juliane Park! July for short." Sabi nito.
"Kamilah Young! Milah for short!"
"Angella Yoo! Gella for short!"
Tiningnan ko sila isa-isa. Their attitude doesn't fit to my friendship. Gusto ko yung palaban-
"ANO BA?! TANGA LANG?! GAGO 'TO AH!" Sigaw ni July daw ng may maka bangga sa kanya.
"Bunganga mo ingay! Tangina!"- Gella.
"Ta-tanga-tanga kasi 'tong lalaking 'to! Lumayas ka na nga kung gusto mo pang mabuhay!"- Milah.
Oohh.. may attitude.
Napa smirk ako.
I'm starting to like this Village.
-
AUTHOR's NOTE: Gayseuu! Mianhae sa mga maling grammar ㅋㅋㅋㅋㅋ eon lang kamsahamnida for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top