Chapter 33
Chapter 33 - Her Point Of View
"Wag mo na syang habulin! Pabayaan mo na yung tanga na yon!"sabi ko sa kanya at hinawakan ang braso. Marahas nya yung tinanggal at sinamaan ako ng tingin saka hinabol si Azi.
"Skie!"sigaw ko at sinundan siya.
Lumabas ako ng pinto nya. Hinabol ko si Skie hanggang sa umabot kami sa may kalsada. Nakita ko si Azi na tatawid at si Skie na malapit na sa kanya. Naka tawid na si Azi at sinundan sya ni Skie. Napa lingon ako sa gilid ni Skie ng may nakita akong ilaw ng sasakyan. Saktong nasa gitna na si Skie kaya tumakbo ako sa kanya at tinulak sya.
*BEEP BEEP*
Napa lingon ako sa side ko.. at wala na akong naramdaman. Then Everything went black...
*after week*
"Scarlette?"
Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Sumalubong sakin ang kulay puting paligid. Nilingon ko yung tumawag sakin. "Huh?"
"Who are you? Where am I? Why I am here?" Sunod sunod kong tanong.
Bigla siyang lumingon sa doktor na nasa left side ko.
"Doc, ano pong nangyari sa anak ko? Bakit hindi nya po ako maalala?"paiyak na sya? Sino ba sya? Anak? Nanay ko?
"May amnesia po ang pasyente. Masyado pong napuruhan ang ulo nya kaya po nagkaroon sya nang amnesia." Mahabang paliwanag ng doktor.
Huh? Ako nag ka amnesia? Paano nangyari yun? W-wala akong maalala.
"Uulitin ko sinabi ko. Sino kayo? At sino ako?" Pasigaw kong tanong.
"Ikaw si Scarlette Yook. Ang nag-iisang heiress ng pamilyang Yook. Ako si Camille Yook ang mommy mo. May boyfriend ka, Skie Kwon ang pangalan nya. At si Aziriel Lee ang bestfriend mo. Nasa hospital ka dahil nabanga ka."sabi nang nanay ko daw.
"N-nabangga?"
"Anak, nag away ata kayo ng boyfriend mo non. Walang nakaka alam dahil ayaw mag salita ni Skie."sabi ni Mom(?) at umupo sa tabi ko.
"M-may boyfriend ako? I-ilang years?" Tanong ko.
"2 years anak. 2 years na kayong mag-on."sabi nya.
"Ano po ang itsu—"
"Uhm, maiwan ko po muna kayo mag raround lang po ako. Mrs. Yook dumaan na lang po kayo sa office ko if you want to know other details about her condition." Sabi nang doktor sabay alis
Sinamaan ko ng tingin yung doktor. Tss. Nakikisali.
Nilingon ko ulit si mom. "Ano pong itsura nya? May picture po ba nya kayo?" Sabi ko.
"Pasensya na anak. Wala eh."sabi nya saakin. Nginitian ko lang sya. "Maiwan ka na muna namin anak. Bukas babalik kami. Aasikasuhin lang namin yung mga papeles mo para maka alis ka na dito." sabi nya hindi nalang ako nag salita.
Lumabas si Mom at naiwan akong mag isa sa kwarto. Humiga ako at napa tulala sa kisame. What the heck just happened? Ni wala akong kahit isang maalala, except dun sa scene kanina.
And who the heck is that Skie Kwon? And that Aziriel Lee?
Aish. Ang sakit sa ulo.
***
"Thank you doc."sabi ni mom at nilingon ako saka ako pinasakay ng kotse.
Naayos na ni mom yung mga papeles kaya napa uwi na ako. Pupunta kami ngayon sa bahay. Habang nag dadrive andito kami ni mom sa likod at mag katabi.
"Mom?"tawag ko.
Nilingon nya ako. "Hmm?"
"I want to see Skie."
Nagulat si mom sa sinabi ko. Gusto ko lang makita sya. Kung anong itsura nya at kung anong nangyari bat ako nabangga. Gusto ko din malaman ang tungkol sa buhay ko.
"Gusto ko man na ipakita sayo si Skie anak, pero hindi pwede. Nasa village na sya."sabi nya.
H-huh? Anong Village?
Mag tatanong palang ako pero hindi ko natuloy dahil huminto si Manong Driver sa tapat ng mansyon.
Is this our house? Bumaba kami ng sasakyan at sinundan ko lang si mom papasok ng mansyon. Nilibot ko ang tingin ko. Gosh. Ang yaman ko pala. As in mukhang gawa sa marble lahat ng gamit dito. Pati mukhang mamahalin ang mga gamit.
Umakyat kami at nag stop sa isang kwarto. "This is your room. Maiwan muna kita at pupuntahan ko muna ang dad mo. Bye sweetie."sabi ni mom at hinalikan ako sa cheeks.
Bumaba si mom at pumasok naman ako sa kwarto. It's all, pink. Nag ikot ako. Andami naman ditong teddy bears. Pinuntahan ko yung naka agaw ng pansin ko. "May note?"
Binuksan ko iyon.
Dear Allison,
Hi babes. Happy 2nd anniversary! Gusto sana kitang idate kaso natatakot ako sa daddy mo. Hahaha. Kayq idadaan ko nalang dito ang pag mamahal ko. I want you to know that I love you so much. Kahit na minsan lang tayo mag kita dahil sa bestfriend mo at dahil din sa daddy mo, mahal na mahal kita. Walang segundo na hindi kita naiisip. I love you so fucking much to the point I want you to give my V. But Ofcourse I'll just do that when we are married. May respeto ako sayo at gusto ko pag ginawa natin yun eh, kasal na tayo. Ayun lang po babes. Ingat ka palagi ah? Mamahalin pa kita haha. Iloveyouuuu. Happy 2nd Anniversary.
Yours Truly,
Skie Kwon (Babes)
Allison? Akala ko ba Scarlette ang name ko? Atsaka, Skie? Yung boyfriend ko? Ang sweet ng letter nya pero sino si Allison?
At ano yung ibig nyang sabihin sa part na dahil sa bestfriend ko? Dahil kay Azi?
Napa hawak ako sa ulo ko. Argh. Ang sakit.
—
AUTHOR's NOTE: Balakayojan mag theory 😂
- Jinssstal
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top