Chapter 29

Chapter 29 - Out Again






Aziriel's POV



"At laaaaaast!"sabi ni Krystal habang pinapanood akong mag pack ng gamit ko.

Konti lang yung dinala namin. Yung mag mumukhang normal school bag lang yung tingin sa bag. Dito sila nag palipas ng araw. Habang nanonood kami ng romance chuchu na request ni Milah eh biglang nag si datingan mga lalaki.

"Okay na ba gamit nyo?"tanong ni Justine. Tumango naman kami bilang sagot.

"Hintayin natin mag 7 pm para wala na masyadong tao ang naka kalat."sabi ni Jinrei.

"Omg excited na akoooo~"- Krystal.

Habang nag sasaya sila nag salita ako. "Pano pag hinanap tayo ni Daniella? Lalo na si Calix."

Napa tingin silang lahat kay Calix na kanina pa nag ce-cellphone. Siniko sya ni Timothy.

"Uhm, sinabi ko na aalis tayo. Okay lang naman daw basta wag kayong pababayaan."sabi nya at bumalik ulit ang atensyon sa cellphone nya.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Ibig sabihin hindi kami takas? Omo! "Kaya pala kayo kanina pa naka ngisi."puna ko.

"Syempre! Hahaha."sabi ni Tyler at tinabihan ako.

"E, bat kaylangan pa mamaya tayo umalis? Nag paalam naman pala kayo kay Daniella."sabi ni July habang nanonood pa din.

"Baka makita tayo ng ibang students at gumaya. Tayo lang naman ang pinayagan."sabi ni Timothy.

"Ahh."

Nag kwentuhan nalang kami ng nag kwentuhan hanggang sa sumapit ang 7 pm. Nag simula na kaming mag ayos at lumabas na. Pumunta kami sa main gate. Lalapitan ko na sana yung guards ng may humila sakin.

"Tanga ka ba?"inis nyang tanong.

"Bakit ba?!"bulong ko kay Calix.

"Hindi alam ng guards na may pinayagan si Danie lumabas ng Village. Kapag lumabas tayo at nalaman ng guards isusumbong nila si Danie kanila Dad at maaring mawalan ng trabaho si Danie."inis nyang bulong sakin.

Tss. Hindi kasi agad nilinaw kanina.

Umikot kami sa gilid. Isa isa kaming umakyat sa pader hanggang sa maka labas kaming lahat. Pag labas namin hinawakan ni Tyler yung kamay ko sabay tumakbo kaya sumunod yung iba. Ng makalayo na kami,

"Yeyyyy!!"sabi ni Krystal.

"We're here again. Ang tagal nating di naka punta dito."- Gella.

Nasa labas na kami. Ako.





We're out again. Sana maging masaya 'to.

-

AUTHOR's NOTE: Krystal (Irene) and Kamilah (Seulgi) on the multimedia.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top