Chapter 27
Chapter 27 - Jealous
Azi's PoV
Hinalikan ko ang pisnge ni Tyler at umupo na sa upuan ko. Wala pa yung mga katabi ko. Konti palang kami dito kasi maaga pa. Si Tyler at yung iba umalis dahil nag punta ng court.
Bale kami lang ni Scarlette mag kakilala dito. Nabigla ako ng biglang lumingon sakin si Scarlette.
"Ang galing mo ah."napa 'huh?' ako sa sinabi nya. "Drop the act. Pano mo sya naakit?"
"Anong pinag sasabi mo?"sabi ko at inayos nalang yung bag ko.
Nabigla ako ng hinarap nya ako at pinanlisikan ng mata. "Kita'ng kita ko kayo. Anong ginagawa ni Calix sa kwarto mo?"mahina ngunit may diin nyang saad.
Tinaasan ko sya ng kilay. "Unang una, walang ginawa si Calix dun. Pangalawa, kung iniisip mo na may ginawa kami, think again. Hindi mo ako kasing landi. Pangatlo, ano namang pake mo? Ex ka na nga diba? EX. PAST." naka ngiti kong sabi.
Napa tulala sya sa sinabi ko. Tumayo ako at lalabas na pero bago ako maka layo bumaling muna ako sa kanya at kinindatan sya. "Bye Scarlette the EX." Sabi ko at umalis na habang naka ngiti.
Banggain mo na lahat wag lang ako.
Calix's POV
"Hoy!"nagising ako ng may tumapon sakin na bag.
"Aish-"
"Sige."
Napa tayo ako. Andito si Tyler Hyung. At naka tingin sya sakin ng masama. "Alam mo ba kung anong oras na? Ha? Baka gusto mong tumayo at maligo na."
Tiningnan ko ang relo sa may pinto ng kwarto ko. Fuck. Late na.
"Alis na ako."sabi nya. Hindi ako nag salita. Palabas na sya ng kwarto ko ng mag salita ulit sya. "Sana hindi maulit yung dati."
Scarlette's POV
Punyeta yunh babaeng yun. Oo alam kong ex ako pero, argh.
"Anyare sayo?" tanong sakin ni Melo.
"Wala. Nanggi-gigil lang ako dun sa Azi na yun. Masyadong pasikat akala mo naman maganda."sabi ko at umirap.
Natawa lang sya kaya tinaasan ko sya ng kilay. "Sorry. Masyado ka kasing nag papainis sa bruhang yun."sabi nya.
Inirapan ko lang ulit sya. "O kamusta pinapagawa ko?"
"Easy ka nga. Hindi moko utusan. Katusan kita e. Mag hintay ka."sabi nya sakin.
"Tss. Sige na lumayas ka na. Baka mahuli ka pa, sayag yung plano."sabi ko.
Tinawanan nya ako at umalis na sya.
Pakasaya ka na Azi. Dahil pag ako na ang gumalaw. Babalik sakin ang attention ng Bangtan. At hindi sayo.
-
AUTHOR's NOTE: Iloveyouuuuu gais. Hehe. ♥️
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top