Chapter 18

Chapter 18 - Officially Mine



Aziriel's Point Of View

"Yah!"sigaw ko kay Tyler.

Nandito kami ngayon sa cafeteria at pinapanood ko syang kumain sa harap ko. Bakit nga ba ako sumama dito?

"Bat di ka kumakain?"pa inosente nyang tanong.

"Yah! How can I eat if you already ate my foods? Gusto mo sapak? Niloloko mo 'ko eh!"sabi ko.

Natawa sya. As in tawa. "Ganon ba hahaha." Sabi nya sabay himas sa batok nya.

Kinurot ko sya sa pisnge. "Ang cute mo palaaa."sabi ko.

Nabigla sya sa ginawa ko.. shet. Kinurot ko sya sa pisnge?! Parehas kaming nagulat kaya nag karoon ng awkwardness, na binasag din nya.

"Uy ikaw ah! Naku-cute-an ka sakin 'no? Sabi na nga ba matagal ka ng may gusto sakin eh!"sabi nya.

Binatukan ko nga. "Ulol ka. Wag kang assumero, baba."

"Aray ah! Inaano ka ng baba ko?!"

Natawa nalang ako. Nabigla kaming dalawa nung biglang bumukas yung pinto at bumungad samin ang CaNie. CaNie-N hahahahahaha. De joke.

Nag tama yung tingin namin ni Calix at aba, isnobon ba naman ako. Tusukin ko yang mata mo ng tinidor eh. Nilingon ko si Tyler at mag sasalita sana ng may nag salita na iba.

"Wah Azi-yah!"- Timothy.

Aba kasama pala sila. Si Jinrei lang wala?

Nilingon ko si Timothy. Nubayan. Mamaya mabali na tong leeg ko kaka lingon eh. "O?" Sagot ko.

"Woah! Galit ka ata ah. Inaway ka ba ni Tyler-hyung!?"sabi ni Kyle.

"Hoy wala akong ginagawa dyan ah!"depensa naman ni Tyler.

Napa irap nalang ako at tumayo. Aalis na sana ako ng may tumawag sakin.

"Aziriel!"- Daniella.

Oh shit. Gusto ko na ngang umalis diba? Tss. Nilingon ko si Daniella at nginitian. "Hmm?"

"Samahan mo kami kumain." Naka ngiti nyang sabi.

I don't know pero naiinis ako sa kanya. Umiling ako. "Nah I'm full. Kumain na kami ni Hoseok. Diba Tyler?"sabi ko sabay baling kay Tyler.

Ngumiti naman sya at tumango. "Oo."

"Sige una na ako ah."

"Sama na ako sayo!"- Tyler.

Hinayaan ko si Hoseok at sinundan nya ako hanggang sa hall way. Lahat ng nadadaanan namin pinag bubulungan kami kasi biglang hinawakan ni Tyler yung kamay ko.

"Uy ano yan! TyRiel na ba 'to!?"nabigla ako nung sumulpot sa harap namin si Jinrei.

"Tangina mo hyung sagad! Nakaka gulat ka!"- Tyler.

"Omg TyRieeeeeeeeel!"biglang sulpot nung Krystal sa tabi ni Jinrei.

Napa hawak ako sa dibdib ko. Tangina nyo sarap nyong pag papatayin. Tinaasan ko sila ng kilay. Close tayo mga par!? Ha!? Close tayo!? Nilingon ko si Tyler.

"Bitawan mo kamay ko."sabi ko.

Nginisian lang ako ni Tyler at mas lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ko at bigla akong hinila sa gitna ng field. Sinundan naman kami ni Jin at Krystal. Nag tinginan ang mga estudyante samin.

"Yah! You know this girl beside me!? She is Aziriel Joaqine Lee.." sigaw nya. Dahek ofcourse they know me. Wanted ako dati e. ".. AND SHE IS OFFICIALLY MINE!!"

Nanlaki ang mata ko sa sinigaw ni Tyler at napa tingin sa kanya. Akmang mag sasalita ako ng biglang may humila sakin palayo kay Tyler.

"OMG!!!!!!!! Kaya pala hindi ka samin nasama ha!! Kayo na pala ni Tylerrrrr!"kinikig na sabi ni Kamilah.

"Oo nga! Ss sa inyo ah?!"- Gella.

"Ss sa inyo pero lampo pa din."- July at nabatukan naman sya ni Gella.

What the fucking heck just happen?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top