Chapter 11

Chapter 11: Friends?







Azi's POV

"Aziriel Joaqine Lee. You are excactly 30 minutes late. You are not allowed to enter the room now-"

Napa hinto ang english session ni prof at napa tingin sa likod ko. Kaya lumingon rin ako.

Great. Late din yung pitong kupal. Haha.

"Uhm.. you are saying?"tanong ni Bryan kay prof.

Mukha namang nabighani si prof sa kamandag ng pitong kupal na ito kaya umiling. "Nothing. You may seat now."

Yey!

"Ooops! Not you ms. Lee. Silang pito lang."

Napa face palm ako. Just great. Lumingon ako at nag lakad. Better go to the library nalang. Tss.

***

"Psst."

The heck sino yun? Lumingon lingon ako. Wala naman ah. Tss. Natutulog yung tao eh. Uub-ob na sana ulit ako ng may nag angat ng ulo ko.

"Hi."

"AMP-"

"Shh.."

Tinanggal ko ang kamay ni Kyle na itinaklob sa mukha ko. What the hell are they doing here? Class hour pa ah?

"Anong ginagawa nyo dito?"bulong kong tanong.

Natawa naman si Jinrei. Tss. May nakakatawa ba sa sinabi ko? "We skipped classes."sagot nya.

"What?"tanong ko. "Bakit naman? Diba pinapasok na kayo ni prof maharot?" Dugtong ko.

"Umalis kami."- Timothy.

"Bakit?"

"Kasi wala kang kasma."

Natigilan ako sa sagot ni Calix. Kasi wala akong kasama? Like duh? May librarian kaya dito. Tao rin naman yun. Djk. Pero seryoso sila? Kaya sila nag skip ng classes dahil lang wala akong kasama?

"Seryoso kayo?"tanong ko.

"Mukha ba kaming nag papatawa?"

Ayan. Dumali nanaman si kuyang swag. Batukan kita dyan Bryan eh.

"Mukha eh.."pam-babara ko.

"Kaya kami andito kasi nga wala kang kasama at dahil friends tayo sasamahan ka namin!" Sabi ni Timothy.

Natigilan ako dun.

At dahil friends tayo

At dahil friends tayo

At dahil friends tayo

Parang sirang plaka na paulit-ulit yan sa ulo ko. Friends? I take that word on my vocabulary 2 months ago. Alam nyo namang lahat ang dahilan. Handa na ba akong mag papasok ulit ng tao sa buhay ko?

"Azi.."tawag ni Kyle kaya napatingin ako sa kanila.

"A-ahh.. s-sige.."sabi ko.

Friends na ba kami?

Saglit nga. Tanga lang, Azi? Tinatanong mo pa yan eh may kaybigan ka na ngang tatlong kalog.

"Friends na talaga tayo?" Nagagalak na tanong ni Timothy.

"You eight! Out!"

Halos mapa talon ako ng sumigaw ang librarian. What the hell. Akala ko ba bawal mag ingay ba't sya sumigaw?

Lumabas kaming walo at pumunta sa office ni Daniella.

"Anong ginagawa nyo dito?"nag tatakang salubong ni Daniella.

"Late kami eh. Tapos pinalayas pa kami ng librarian kaya dito nalang kami pumunta." Cool na sagot ni Justine.

Tumango-tango naman si Daniella.

"Bago nyong kaybigan or bagong kuta sa gang?"out of nowhere na tanong ni Daniella.

"Danie, yan? Isasali namin? Baka nga sa takbuhan give up na yan eh."sabi ni Calix na ikinainit ng ulo ko.

Minamaliit ba ako ng vacuum na 'to?

"Excuse me lang ah? Kung give up na ako sa takbuhan pa lang, edi sana nabutan na ako ng mga baliw nyong fangirls."sabi ko at umirap.

"Mabagal lang talaga tumakbo fangirls namin. At saka hindi baliw mga fangirls namin."giit nya.

"Baliw mga fangirls nyo. Kung hindi lang siguro ako maangas tingnan pinatay na ako ng mga fangirls nyo eh."giit ko.

"Maangas? Lakas ng aircon ah."sabi nya.

"Hindi aircon yun! Hangin mo lang yun, vacuum!"

"Aircon!"

"Vacuum!"

"Aircon!"

"Vacuum!"

"Airco-"

"Both of you stop."awat ni Daniella.

Tiningnan ko ng masama si Timothy ng marinig ko syang tumawa kaya siniko sya ni Kyle at natahimik.

"Ano ba? Baka nakakalimutan nyong nasa guidance office kayo at guidance councilor ang nasa harap nyo?"inis na tanong ni Daniella.

Psh. Napaka presko ng vacuum na 'to.

"Tss."sabi ko at hinarap nalang si Timothy at Kyle.

"Bakit ba ang init ng dugo nyo sa isa't-isa?" Tanong ni Kyle.

"Tss. Ewan ko sa vacuum na yan."sabi ko.

"Alam mo bang ikaw lang ang nakaka-tawag ulit sakanya ng vacuum? I mean oo tinatawag namin syang ganun pero nagagalit sya." Paliwanag ni Timothy.

Ako lang?

As if I care. Vacuum naman talaga sya.

"Baka mamaya maging lovers kayo nyan ah?" Sabi ni Kyle at nag patay malisya.

Lovers? Never. As in, N E V E R. NEVER.

"Never say never."sabi ni Timothy at nag patay malisya din.

"Ewan ko sa inyong dalawa. Ang kukulit nyo." Sabi ko.

"Totoo naman kasi ang sinasabi namin! Baka kainin mo lang yang sinasabi mong 'never'." Sabi ni Timothy.

Aish! Ang kulit naman ng dalawang 'to!

Bumaling nalang ako kay Jin kasama si Justine at Tyler. Tahimik naman sigurong kausap ang tatlong 'to. Unlike kay Timothy at Kyle.

"Ayiee.. may spark ah?"

Or not.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi magiging kami ng vacuum na yun?"inis na tanong ko.

"Huh? Pinag sasabi mo, Azi? Nag uusap kaming tatlo dito eh."sabi ni Justine na patay malisya pa.

"Ewan! Babalik na nga ako sa room, tutal tapos na ang time ni prof maharot."sabi ko sabay tayo at lumabas.

Kainis! Bakit ba nila naiisip na magiging kami ng vacuum na yun?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top