Not What It Seems To Be
“Alam mo ba kung bakit ako nakikiusap sa’yo na tigilan na ang relasyon na ‘to?” tanong ni Pauline kay Hiro habang sumasalpak ang mga luha nito bago ito basagin mula sa kanyang boses. “Simple lang. Na-realize ko na palagi na lang ikaw ang nasa isipan ko. At ako?”
Lumapit siya sa nasasaktang dalaga na hirap na hirap at walang mapagbalingan ng sakit kundi siya lang, pero iling ang tanging niyang sinagot.
“Hindi natin maaayos ‘to kung hindi ko uunahin ang sarili ko. Siguro nga, tama sabi ng mga magulang ko. Hindi tayo ang nakatadhana para sa isa’t isa. Sana, mahanap mo ang babaeng magmamahal sa’yo nang buong-buo. Pasensya ka na, ha? Pero hanggang dito na lang ang relasyon natin.”
Tumikhim muna si Pauline habang pinupunasan ang luha gamit ang kanyang kanang kamay, “Good luck sa graduation niyo. Alalahanin mo ako, okay? O siya, aalis na ako.”
***
Mula sa pagronda ng traysikel na sinasakyan ni Hiro ay sumasabay sa ritmo ng daanan ang mga luhang umuusbong papunta sa kanyang pisngi. Klaro mula sa isipan ang binata ang masalimuot na hiwalayan ni Pauline, ang kanyang naging girlfriend simula seventh grade.
Masasabi mula sa mga emosyon ng binata ang saya na kanyang naramdaman nang sagutin siya ng kanyang nobya, at kahit mga bata pa ang dalawa ay ninanais niya na samahan ang dalaga hanggang sa pagtanda. Subalit, kung dati ay pagkatapos ng break-up ay babalik ang dalaga sa kanya, ngayon ay malabo nang mangyari para sa kanila.
Rito niya napagtanto na ang happy endings ay para sa dalawang bida na gustong magkatuluyan, pero may mga bagay na mapupunta sa’yo hindi para maging masaya ka, kundi para may matutunan ka sa pagsasama niyo bilang magkasintahan.
And this is not what is seems to be.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top