Plan 9
~Do Kyungsoo~
"Bilisan mo!" pagmamadali sakin ng nognog na to. "Anong oras na oh!"
Tinignan ko naman siya ng masama saka tinapos yung sintas ng rubber shoes ko. "5:00 am palang, Jongin!" inis na sabi ko sakanya. "Sobra ka. Excited?"
"Baka nga maubusan tayo ng magandang upuan sa bus." dahilan pa niya. Nang makita niyang kukunin ko yung suklay ko, inagaw niya ito sakin saka hinala yung braso ko.
"Ano bang--"
"Huwag ka nang magalaw!" inis pa na sabi niya saka sinuklay ako. Mabilis yung galaw niya pero hindi masakit. Inayos niya yung buhok ko habang nakakunot noo. Napa-iwas nalang ako ng tingin habang hinahayaan siya sa ginagawa niya.
Matapos nun, hinila niya ng duffel bag na buhat ko. "Oh! Anong gagawin mo diyan?" sita ko sakanya saka ko siya sinundan palabas ng kwarto namin habang buhat yung backpack ko.
"Bilis." sabi lang niya at mabilis na naglakad papunta sa elevator. Sinundan ko naman siya habang pinipilit na kunin yung bag ko sakanya pero ayaw.
Ano bang nakain ng kumag na ito? Nakakainis na ah.
Mahamog pa sa labas ng building nang makalabas kami pero marami nang estudyante sa may bus. Mas minadali naming maglakad at lumapit sa mga tao doon.
"Baek!" tawag ko kay Baekhyun nang makita ko siyang nilalagay sa may compartment yung duffel bag niya. Nilingon naman niya ako saka ngumiti.
"Kyungsoo!" msayang sabi niya. "Dali na! Baka maubusan kayo ng maayos na upuan."
"Saan ka pala nakaupo?" tanong ko. "Okay lang ba kung tabi tayo?"
Magsasalita pa sana si Baek nang naramdaman ko ang hila ni Jongin sa braso ko. "Tabi." sabi niya at inilayo ako sa daanan. Nilagay niya yung duffel bags namin sa compartment ng bus habang hindi binibitawan yung braso ko.
"Halina sa taas." sabi niya sabay hila. Napaatras naman ako at hinila pabalik yung braso ko.
"Kausap ko pa si Baek." daing ko naman at napatingin kay Baekhyun na pinapanood lang kami.
"Baka wala na tayong maupuan," inis na sabi ni Jongin. "Ang isa pa, inaantok pa ako. I woke up at 3:00 am. That wasn't easy."
"Eh tatabi nga kasi ako kay Baek!" dahilan ko sakanya. Napakamot ako ng ulo saka inis na tumingin sakanya. Nakaka inis na kasi tong si Jongin. Ginagawa akong bata eh ang tanda-tanda ko na.
Tinaasan ako ni Jongin ng kilay. "Sinasabi mo?" tanong niya at tinignan ako ng masama. "Sakin ka tatabi." mariin na sabi niya.
"Ano?" inis na tanong ko. "Teka nga! Wala naman akong sinabing--"
"DALIAN NIYO!" sigaw nung teacher namin. "AALIS NA TAYO IN FIVE MINUTES!"
Ngumisi si Jongin saka tinignan ako na parang alam na niya ang mangyayari. Inirapan ko lang siya saka naglakad papunta sa loob ng bus. Naramdaman ko namang nakasunod lang siya at saka ako naghanap ng vacant seats.
Nang nakaupo na ako sa tabi ng bintana, agad naman na sumunod ni Jongin na may hawak pang unan at kumot. Tignan mo to. Kung magmadali kanina eh.
"Matutulog ako ah." pagpapa-alam niya.
Mukhang good mood na siya ah. Kanina lang, sobrang sungit. Bipolar talaga.
"Matulog ka." sabi ko naman at saka nilipat ang tingin ko sa bintana. "Magpapa-alam ka pa."
"Of course." sabi niya saka pumikit. Niyakap niya yung unan saka nag-kumot. "I'll be leaning on you, yes?" saka niya pinatong yung ulo niya sa balikat ko.
Tinulak ko yung ulo niya paalis pero pilit niyang pinapatong parin. "Jongin! Mukha ba akong unan?" inis na sita ko sakanya.
"Huwag kang gumalaw." mahina niyang sabi habang nakapikit parin. "Inaantok talaga ako. I'm warning you." seryoso yung pagkakasabi niya pero hindi ko siya pinansin. Tama ba naman tong ginagawa niya? Asan ang hustisya, ha?
Pero hindi ako tumigil. Tinulak-tulak ko parin yung ulo niya habang inis na inis.
"Kyungsoo," he warned. But still.
Tinulak ko siya ulit gamit yung kamay ko.
"I said stop!" bigla niyang sabi at kasabay nun ang pagyakap niya sakin. Sinama niyang yakapin yung dalawa kong braso dahilan para hindi ako makagalaw. Sobrang higpit ng hawak niya sakin at hindi ako nakasagot agad.
"J-jongin..."
"I warned you." bulong niya at naramdaman kong nasa malapit sa leeg ko yung labi niya. I shivered. Bakit ganito? ARGH! Kim Jongin!
"H-hindi na ako gagalaw." mahina kong sabi sakanya. "P-pwede ba..."
"Hm?" he hummed and snuggled closer. "Naiilang ka ba, Do Kyungsoo?" tanong niya. And i swear! I know he's smirking right now. This jerk!
Pero diba lalake kaming pareho? Bat ako maiilang? HMPH!
HINDI! HINDI AKO PWEDENG MAILANG!
"Hindi ah!" sagot ko sakanya saka umayos ng upo. Hindi niya parin inaalis yung yakap niya sakin pero hindi ko na pinansin. Bahala siya diyan. "Matulog ka na nga." dagdag ko pa at pinilit talaga na pakalmahin yung boses ko.
Natawa naman ng mahina si Jongin at maya-maya pa, naramdaman ko na ang pagluwag ng yakap niya sakin kasabay ng tahimik niyang paghinga. Napangiti nalang ako saka tumingin sa bintana.
Matutulog na din muna siguro ako.
Then i rested my head on his.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top