Plan 6
~Do Kyungsoo~
"Baek?!"
Biglang bumukas yung pinto at mabilis na pumasok sina Kim Jongin at ang isang Park Chanyeol. Teka! Anong ginagawa ng taong yan dito?
"C-chanyeol?" gulat na sabi ni Baek at napatingin sakin habang nanlalaki ang mga mata niya.
"Ayaw akong papasukin ni Kim Jongin at hindi ko alam kung bakit!" simula ni Chanyeol habang nakatingin kay Jongin ng masama. "I just want to tell you something and--- Wait. Are you crying?" gulat na tanong nito nang mapatingin kay Baekhyun.
Agad naman na umiling si Baek at tumawa. "Ako?" sabi niya sabay turo sa sarili. "Iiyak? Sira ka ba, Yeol?" sabi pa niya sabay tawa.
Tinignan naman ako ni Baek ng masama kaya tumawa nalang din ako. Pilit nga lang.
Lumapit naman si Chanyeol kay Baek at hinawakan ang pisngi nito. Yung mabilis lang pero namula agad ang mukha ni Baekhyun saka umiwas ng tingin. "You're lying again, Byun Baekhyun." seryosong sabi ni Yeol at umiling-iling. "Una sa lahat, i'm your bestfriend and yet sa iba ka nagku-kwento." sabay tingin sa akin. "Pangalawa, you're crying and you won't tell me. Ano ba naman yan Baekhyun? Akala ko ba ako ang bestfriend mo?"
"Bestfriend." pabulong na pag-uulit ni Baek.
Napakunot noo si Yeol. "Ano?"
"W-wala." sabi ni Baek at pilit na ngumiti. "I was just--"
"Kyungsoo, Jongin, can you please leave?" seryosong sabi ni Chanyeol at wala akong nagawa kundi ang mapatingin kay Jongin. Seryoso ang expression niya sa mukha habang pinapanood ang dalawa niyang kaibigan.
"Pero--"
"Fine." sabat ni Jongin bago pa umangal si Baek. "Come." tawag niya sakin at nagsimulang maglakad palabas ng pinto. Agad naman akong sumunod sakanya.
Pagkalabas ko ay naglalakad na palayo si Jongin kaya hinabol ko siya. Tumabi ako sakanya at nang tignan ko ang mukha niya, seryoso lang ito.
"Bat tayo umalis?" tanong ko sakanya. "Baka... umamin si Baekhyun."
"I trust Baek." sagot niya. "I know he'll do what he thinks is right."
Wala akong nasabi sa sagot niya. Siguro nga, we'll just have to leave everything to the both of them. Mukha din namang gusto talagang makipag usap ni Chanyeol kay Baek.
"Saan na tayo pupunta?" tanong ko kay Jongin habang naglalakad kami palabas ng building.
He shrugged. "Let's go back to our room." sabi niya. "Or not."
Napakunot noo ako. Eh saan kami pupunta?
"It's the first day." sabi niyang nang mapansin yung nagtataka kong mukha. "Teachers don't really attend the first day of classes. Tinatamad pa." then he shook his head while looking at his feet.
"Eh saan--"
"Kai!" sigaw ng isang boses at sabay kaming napalingon ni Jongin sa isang magandang babaeng tumatakbo papunta sa amin. At base sa uniform na suot niya, taga-SM Academy nga siya.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Jongin sa tabi ko. "Ugh." narinig ko pang reklamo niya. Tignan mo to. Siya na nga ang pinapansin, ayaw pa? Saka sa ganda nung babae, ayaw niya? Sira ba siya? Ano kayang katol ang tinitira neto?
"Kai!" masayang sabi nung babae nang tumigil siya sa harapan namin. "Kanina pa kita hinahanap. Bigla kang nawala eh." ngumiti siya ng malaki habang namumula pa.
Ngumiti ng pilit si Jongin. "Naglalakad lakad lang ako, Krystal." malamig na sagot niya. "May kailangan ka ba?" tanong nito at saka itinaas ang isang kilay.
So siya pala si Krystal.
Eh ang ganda naman pala. Bat ayaw sakanya ni Jongin?
"Umm." simula nung si Krystal at mabilis na napatingin sa akin. "I would just like to ask you out... if that's alright? Pero mukhang may kasama ka..." tumingin sakin si Krystal at hindi ko sure pero, parang may ibang sinasabi yung mga mata niya. Para bang sinasabi na kailangan ko nang umalis kasi mag-uusap pa sila.
Agad naman akong umatras. "A-ahh... Jongin, aalis na pala ako. May gagawin pa pala--"
"We're actually walking around." singit bigla ni Kim Jongin habang nakatingin ng seryoso kay Krystal. "He's a new friend of mine and we're spending time together."
Ano raw? Spending time together?
Nanlaki ang mga mata kong napatingin sakanya at pabalik kay Krystal. "P-pero--"
"And we're really enjoying the view." pahabol ni Jongin sabay tingin sakin ng masama.
Tinignan ako ni Krystal at yung kaninang ngiti niya ay napalitan ng parang... inis. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa saka pabalik sa mukha ko. "New friend, huh?" sabi niya at ngumisi.
"Yes." sabi ni Jongin at saka napatingin sa malayo. "Hindi pa ba kayo aalis?" tanong niya na siyang kinagulat ko. Yung totoo! Bat ganito siya makipag usap sa babae? Ang hard naman ata masyado?
"Not yet." sagot ni Krystal. "We're still looking around." tapos bigla siyang ngumiti ng malaki. "What if sumama nalang ako sa inyong dalawa?" masaya niyang sabi saka inabot yung braso ni Jongin.
"Krystal..."
"Come on!" sabi niya. "Wala namang masama diba? And i think, okay lang naman sa kaibigan mo? Right?" tanong niya saka tinignan ako ng masama. Woah. Inano ko to?
Pero tumango nalang ako ng mabilis. "S-sure."
Huminga ng malalim si Jongin saka hinila pabalik ang braso niya na may halong inis. "I told you, we're spending time together and we wouldn't want some company." sabi niya at halatang-halata na talaga ang inis dito.
Napalunok ako. Magagalit na ba talaga si Kim Jongin?
"Ano ba kasing problema mo, Kai?!" inis na sabi ni Krystal at napa-iling. "I've been looking around for you all day! Tapos paaalisin mo lang ako?!"
Jongin sighed. "I told you... i don't---"
"NO!" sigaw niya. "I'll come back, okay?! At hindi ako titigil! And you!" sigaw pa niya sabay turo sakin. "Don't you dare fall in love with Kim Jongin! Kung hindi, pagsisisihan mo!"
Tinignan pa niya ako ng masama bago tuluyang naglakad paalis. Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Ano bang problema ng babaeng yun?
Mukha ba akong magkakagusto kay Jongin?!
Eh mas masungit pa siya sa Daddy ko. Walang hiya naman.
"I told you... she's a brat." bulong ni Jongin sa tabi ko. Nakatingin kaming dalawa sa patakbong si Krystal papunta sa mga kaibigan niya.
Napatingin ako sakanya. "She likes you." sabi ko. "Why not give her a chance?"
"Ayokong magpa-asa, Kyungsoo." seryoso niyang sabi habang umiiling. "I know it would hurt Krystal. Besides, i don't love her."
Napa-shrug naman ako. "Sinasaktan mo naman siya ngayon ah. What's the difference?" i know the question is absurd pero tama naman ako ah. Anong pinagkaiba nun?
"You stupid." sabi niya habang nakatingin sakin at nakataas ang isang kilay. "You don't know anything about these things, do you?"
"What things?" takang tanong ko.
"About love and the likes."
Umiling ako. "Sorry." sagot ko saka umiwas ng tingin. "Never felt such things before."
Jongin sighed saka nilagay ang dalawang kamay sa bulsa niya. "You better know sooner or later." sabi niya habang nakatingin sa malayo. "What if one day... you'll feel it?"
Tumingin siya sakin ng mabilis at tinaas ang isang kilay.
"U-uh... E-ewan." sagot ko. Ewan ko talaga. Ano bang sinasabi niya?
Jongin smiled and shook his head. "What if you'll feel it that one day and then you'll never realize you're inlove already." natatawang sabi niya. "Want me to introduce you to some girls out there?"
Huh. Ayoko sa babae, Kim Jongin.
Umiling ako. "You better not." tipid na sagot ko sakanya.
"Why?" tanong niya. "You're not interested?"
"Hindi naman sa ganon--"
"Eh sa lalake kaya?" mapang-asar na tanong niya.
ANO BANG PROBLEMA NG TAONG TO?
"MUKHA BA AKONG---"
"Eh kung ako nalang kaya?"
Napatahimik ako. Punyeta. Ayan. Napamura tuloy ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top