Plan 50





September 1 na! :D 




Ang chapter na ito ay dedicated SAKIN! hahaha. 




Happy Birthday to me~ Happy Birthday to me~ Happy Birthday, Happy Birthday, HAPPY BIRTHDAY TO ME!~





* * * * *





Napahawak si Kim Jongin sa singsing na suot niya. Yun yung singsing na galing sa wedding booth. Singsing nilang dalawa ni Kyungsoo. 




Nakaupo siya ngayon sa isang sofa sa loob ng study room ni Madam Kim, naghihintay kasi pinatawag siya nito bigla-bigla. Alam na niya yung balak ng Mommy niyang ipakasal siya sa ibang babae. Kung sino? Wala siyang pakialam kung sino. Ang alam lang niya, wala siyang balak pakasalan kung sino man yun. 




Pinikit ni Jongin ang mga mata niya saka tinanggal yung singsing. Tapos ay dahan-dahan niya itong binalik sa daliri niya. Pilit niyang inaalala yung pakiramdam na nilalagay ni Kyungsoo sakanya yun. Gusto niyang bumalik sa pagkakataon na yun. Silang dalawa sa wedding booth. 




Yung sila ang kinakasal. 




Maya-maya ay biglang bumukas yung pinto at pumasok si Madam Kim at si Taeyeon. Napatingin sakanila si Jongin saka napabuntong hininga. Mukhang nagtatalo nanaman sila. 




"We couldn't fix the mess as fast as you think." sinasabi ni Taeyeon. "Let's face the first problem first, Mom, which is the academy. Let's postpone Jongin's wedding."



Tinignan siya ng masama ni Madam Kim bago bumalik sa table niya. Tinignan siya saglit si Jongin bago galit na umiling. "I am not postposing anything!" sigaw niya kay Taeyeon. "Jongin ang Krystal's wedding would be next week and it will happen, Taeyeon."



Umiling si Jongin saka umiwas ng tingin. Kahit na gusto niyang umangal, ano bang magagawa niya diba? Wala siyang laban. Para siyang kriminal na nakatira sa sarili niyang bahay.



"Fine." bulong ni Taeyeon. "I'll fix the dresses and Jongin's suit. I'll be in-charge of the preparations."



Ngumisi si Madam Kim at tumango ng isang beses. "Good." sabi niya. "You can start today. Take Jongin with you."



Tumingin si Taeyeon kay Jongin saka siya tinawag. Dahan-dahan naman na naglakad si Jongin papunta sa ate niya. Hindi niya magawang tignan ang Mommy niya dahil alam niyang mas magagalit lang siya dito. Naglakad sila papunta sa pinto pero bago pa nakalabas si Jongin, tinawag siya ulit ni Madam Kim.



"Jongin."



Hindi lumingon si Jongin pero tumigil siya sa paglalakad.



"About Do Kyungsoo..." simula niya.



Nanlaki ang mga mata ni Jongin at pilit na pinigilan ang sarili sa pagtakbo sa Mommy niya at pagpilit na sabihin kung anong meron. Si Kyungsoo. May alam siya tungkol kay Kyungsoo.



"He's leaving the country." may halong pang-aasar na sabi ni Madam Kim. "And it's for good."



Hindi sapat yung salita para sabihin kung gaano nasaktan si Jongin. Nanginginig na naglakad siya palabas sa pinto at sinara ito. Napatingin siya kay Taeyeon at saka umiling ng isang beses. Hindi niya inakala na aalis na yung taong mahal niya.



Iiwan ba talaga siya ni Kyungsoo?



"Let's go." sabi ni Taeyeon kay Jongin saka naglakad na paalis. Wala manlang halong lungkot yung boses niya. Sinundan siya ni Jongin, pilit na pinipigilan ang sarili sa pag-iyak.



Aalis na ba talaga si Kyungsoo?



"Here." sabi ni Taeyeon saka inabot kay Jongin yung cellphone niyang kinuha nila noon. "Krystal might call later." inabot ni Jongin yung cellphone niya. Fully charged na ito ulit at parang walang nagbago.



Naglakad siya palabas ng bahay saka sumakay sa kotse ni Taeyeon. Ang Ate na niya ang nag-drive at mabilis niyang pinaharurot yung kotse paalis sa garahe ng mansyon. Hindi nagsasalita si Jongin. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana, iniisip yung nag-iisang tao.



Bakit ba kailangan pang mangyari lahat ng ito sakanila?



Nang medyo malayo na sila, umalis si Taeyeon sa highway na siyang pinagtaka ni Jongin. Napatingin siya sa rearview mirror ng kotse.



"Soon." bulong niya sa sarili. "I think we've lost them."



Nagtatakang tumingin si Jongin sa Ate niya. "What?"



Binilisan ni Taeyeon ang pagpapatakbo sa kotse at saka sila dumating sa isang malaking park. Sobrang daming tao at halos hindi na makita ang daan sa sobrang kapal ng populasyon sa park na yun. Tinigil ni Taeyeon ang kotse niya sa tapat ng entrance.



"Get off." utos niya kay Jongin. "Get out of this car!"



Gulat na tinignan siya ni Jongin. "Ate, what the--"



"Just get out, Jongin!" sigaw ni Taeyeon. "They'll catch up later! I'll call you."



Mabilis na binuksan ni Jongin yung pinto ng kotse. Tumakbo siya papasok sa park kung saan natatakpan siya ng maraming tao. Lumingon siya ulit pero wala na yung kotse ng Ate niya. Maya-maya pa, isang itim na kotse ang sumunod. Agad niyang nakilala yung kotse. Yun yung sasakyan ng mga guards nila.






* * *






"Passport and some papers." nakangiting sabi ni Fiona sa asawa niya. "Yun nalang ang kailangan ni Kyungsoo, Richard."




Tumango si President Do. "Do you want me to call a driver?" tanong niya kay Fiona. "Kyungsoo might run. We can't let him escape."



"If you wish." tango ni Fiona. Ngumiti siya ulit bago nagpaalam at lumabas sa study room ni President Do. Napabuntong hininga siya saka pumunta sa kwarto ni Kyungsoo. Nakahiga ang anak niya sa kama habang tahimik na umiiyak.



Lumapit si Fiona saka hinaplos ang buhok ni Kyungsoo. "Baby... please change into some clean clothes." bulong niya sa anak. "We're going somewhere."



Dahan-dahan na lumingon sakanya si Kyungsoo. Namumugto pa ang mga mata niya dahil sa kakaiyak. "Saan, Ma?" hikbi niya dito.



"You... you wouldn't like it." malungkot na sabi ni Fiona.



Tumango naman si Kyungsoo ng isang beses bago umupo at nagpunas ng luha. Naglakad siya papunta sa closet ng kwarto niya at mabilis na nagpalit. Pinalitan lang niya ang suot niyang t-shirt at pants.



Maya-maya pa, nasa kotse na silang tatlo. Sina Fiona, Kyungsoo at yung driver. Nakadungaw lang si Kyungsoo sa bintana habang iniisip kung kumusta na kaya si Jongin at kung talaga bang ikakasal na ito sa iba.



"I heard about the wedding." mahinang sabi ni Fiona saka inabot ang kamay ni Kyungsoo.



Saglit lang siyang tinignan ni Kyungsoo bago binalik ang tingin sa bintana. Tumango ito ng isang beses.



"I hope it's not true." bulong ni Fiona.



"I don't know how to hope anymore." malamig na sabi ni Kyungsoo. "I don't know how to wish or dream. I feel dead."



Halos maiyak naman si Fiona sa sinabi ni Kyungsoo. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ng anak, ayaw niyang mawala si Kyungsoo. Ayaw niyang mawala yung anak niya. Pero kung ito lang ang tanging paraan...



"He loves you."



Naramdaman ni Kyungsoo ang pagtulo ng luha mula sa mata niya. "I... I-i know." mahina niyang sagot. "But love won't save us now, Mom."



Umiling si Fiona. "Kyungsoo... you sound like you're giving up already." sabi niya. "Please don't do this."



Tinignan siya ni Kyungsoo. "I tried, right? I fought for him." umiiyak na sabi niya. "Pero kahit pa sabihin kong sobra ko siyang mahal, people keep on pulling us apart. What do you think i should feel, Mom?"



Napatingin si Fiona sa bintana. "You need sweets." sabi niya bigla.



Nagtataka naman siyang tinignan ni Kyungsoo. "What?" tanong niya.



Biglang pinatigil ni Fiona yung kotse. Lumabas siya at hinila niya agad si Kyungsoo palabas din ng kotse. Humawak siya sa bulsa ni Kyungsoo saka siya hinila papunta sa isang cotton candy stand. Sobrang daming tao at halos mapatakip si Kyungsoo sa tenga sa sobrang ingay.



"Run."



Gulat na napatingin si Kyungsoo sa Mommy niya.



"Get away from here, Kyungsoo." bulong ni Fiona.



Puno ng pag-aalala yung mga mata niya. Hindi din alam ni Kyungsoo kung susundin niya ito. 



"Please. Go to him."



At bago pa tuluyang maiyak si Fiona, niyakap siya ni Kyungsoo ng mabilis bago tumakbo papasok sa maraming tao. Kahit pa sobrang sikip ng lugar, tumakbo siya papasok kung saan walang nakakakilala sakanya. Kung saan pwede siyang magtago.



Tumakbo si Kyungsoo, hindi pinapansin lahat ng taong napapatingin sakanya. Noong malayo na siya sa pinanggalingan niya, napatigil siya at hingal na napa-upo sa damuhan.



Humiga siya dito at hinabol ang hininga.



Biglang may nag-ring na cellphone at gulat siyang napatingin sa bulsa niya. Kelan pa siya nagkaroon ng cellphone? Sinilid kaya yun ng mommy niya kanina? Saka teka! Hindi kanya yung cellphone na yun.



Hinila niya ito at isang unknown number ang tumatawag. 




Tinignan lang niya yun. Hindi niya sinagot. 




Nag-ring ulit yung cellphone pero hindi sinagot ni Kyungsoo. Namatay din ito ulit tapos ay nag-ring nanaman. Paulit-ulit lang na ganun, pero hindi parin sinasagot ni Kyungsoo. 




Medyo matagal na tumigil yung tumatawag. 





Pero nang mag-ring ito ulit, kinakabahan na sinagot ito ni Kyungsoo.



Nanginginig niyang dinampi sa tenga niya yung cellphone.




"Hello?" bulong niya. 




Maingay sa kabilang linya, parang yung paligid niya.



"K-kyungsoo?"



Halos hindi makahinga si Kyungsoo nang makilala yung boses.




"J-jongin?" gulat na bulong niya. "Jongin! Nasan ka?!" 




Umiiyak na siya pero wala paring sagot si Kai. Walang nagsasalita sa kabilang linya. 




"Kim Jongin!" sigaw niya sa cellphone habang umiiyak. "Please! Asan ka?!" pinagtitinginan na siya ng mga tao dahil sa ingay na ginagawa niya. 




"Jongin naman!" hikbi niya. "Please... sumagot ka..." 




Narinig niya yung parang malalim na paghinga ni Jongin.



"I'm here, Kyungsoo. Right behind you." 







* * * * *





Happy birthday ulit sakin. hehe. 



Oks ba gift ko? hehehehe~



Thank you for reading! Love you all~



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top