Plan 5
~Do Kyungsoo~
"We shouldn't be doing this." reklamo ni Jongin habang umiiling-iling. Nagrereklamo eh sunod naman ng sunod sakin. Parang tanga lang.
Saka kasalanan niya dahil kinuwentuhan ba naman ako tungkol sa childhood nila nina Baekhyun at Chanyeol?
Inirapan ko siya. "Akala ko ba kaibigan ka?" inis na sabi ko. "If you really care for both of them, then we need to talk to Baek." mariin kong sabi at saka tumingin-tingin sa paligid.
"Yun na nga eh." biglang sabi ni Jongin kaya napatingin ako ulit sakanya. "Ako ang kaibigan pero bakit ikaw ang makulit diyan?" sabi niya na at parang may halong inis pa yung boses. Aba. Hindi ba dapat magpasalamat siya at tinutulungan ko siya?
"Eh wala ka namang ginagawa eh!" sigaw ko sakanya. "And you call yourself a friend? Sinong niloko mo?" Kaasar tong mokong na to ah.
Tumahimik nalang si Jongin saka ako tinignan ng masama. Tinignan ko din naman siya saka umirap. Akala niya siguro matatakot ako sakanya ah. Feeling niya lang yun.
Naglakad-lakad kami sa mga hallway ng school. Yung ibang rooms, may klase, yung iba naman bakante o puro mga maiingay na students lang ang laman. Puno na naman yung hallway ng mga lalakeng naglalaro ng outdoor games. Really. These people.
"Hang on." biglang sabi ni Jongin.
Nilingon ko naman siya at nagulat nang matama ang mukha ko sa may dibdib niya.
"Ah!"
Napaatras ako bigla at dahil narin siguro sa katangahan, natisod pa ako sa sarili kong paa. Talino talaga, Do Kyungsoo. Pero bago ko pa maramdaman ang pagtama ko sa sahig, naramdaman ko ang braso niya pumulupot sa may bewang ko.
Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sakanya kung saan ilang inches lang ang pagitan ng mga mukha namin. Sa sobrang lapit, nakikita ko kung gaano kaganda nung mga mata niya, yung matangos niyang ilong, makinis na balat... mapupulang labi.
Tinignan niya ako ng masama. "You really can't take care of yourself, can you?" mahina niyang sabi saka umiling at inayos ang tayo ko. Naramdaman ko naman ang pag-init ng mukha ko kaya umiwas ako ng tingin.
"A-ano ba kasi yun?" sigaw ko nalang sakanya para umiwas sa feeling na nararamdaman ko. "Bigla-bigla ka nalang titigil diyan."
Umiling lang naman siya saka tumingin sakin ng diretso. "Maraming tao dito." sabi niya habang tumitingin sa paligid. "Sa tingin mo ba talaga dito na building pupunta si Baek?"
Napaisip ako sa sinabi niya. Oo nga no?
"Eh saan?" tanong ko naman.
At sa pangalawang pagkakataon ngayong araw, kinuha niya ang kamay ko at hinila ako sa kung saan. At hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang bumitaw. Weird.
"Bagong building?" tanong ko saka tumingin kay Jongin. Napatingin ako sa mga kamay naming magkahawak at ganun din ang ginawa niya. Bigla siyang umubo at binitawan yun.
Tumango siya at tumingin sa building. "Yes." sagot niya. "Konti palang ang rooms na ginagamit diyan so i suppose, andiyan siya."
Tumango naman ako saka nagsimulang maglakad papunta sa building. Si manong guard naman ay tinignan lang ang ID namin saka hinayaan na kaming pumasok. Tama si Jongin, konti lang ang students sa bagong building na ito.
Pero maya-maya pa, habang naglalakad kami sa isang tahimik na hallway, nakarinig kami ng nagtatawanan na mga babae.
Teka! Babae?
Tinignan ko si Jongin na may gulat din na expression sa mukha. "Uy. Bakit may--"
Pero bago ko pa matuloy ang sasabihin ko, tinakpan na niya ang bunganga ko at hinila ako papasok sa isang bakanteng room. Sinandal niya ako sa pader sa tabi ng pintuan habang nakatakip ang mabango niyang kamay sa bunganga ko.
"Tinanggap ba niya?"
"I dunno." hiyang sabi ng isang boses. "I guess... itatapon lang niya yun."
"Come on, Krystal! Don't be that down!"
Krystal?
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Jongin. Seryoso siyang nakatingin sa may pintuan, pinapanood ang pagdaan nila. At nang nakalayo na siya, nagulat ako nang mapabuntong hininga siya at saka niya pinatong ang ulo niya sa balikat ko.
"That was close." bulong niya.
Ilang seconds lang siya ganun, hindi gumagalaw. Pero sobrang bigat niya at halos ipatong na niya ang buo niyang katawan sakin. Kaya maya-maya, ako na ang tumulak sakanya ng mahina. "U-uhh..."
"Oh, sorry." sabi niya saka lumayo sakin. Ngumiti siya ng maliit at binuksan yung pinto ng classroom sabay tingin sa labas. "We need to find Baekhyun now."
Susunod palang sana ako sakanya nang isang pigura ang napansin ko sa may gilid ng classroom na napasukan namin, nakaupo sa isang arm chair at... natutulog.
"Baek?" mahina kong tawag at saka lang bumalik sa tabi ko si Jongin. Napakunot noo siya at naglakad kami papunta doon sa taong tulog.
Nilapit namin at sinilip ko yung mukha niya. Si Baekhyun nga.
Inalog ko siya ng mahina. "Baek?" tawag ko. "Gising na huy."
Unti-unti naman siyang gumalaw at antok na tumingin samin. Pero halata parin na umiyak siya dahil namamaga pa ang ilong at mata niya. Pinunasan niya iyon at gulat na tumingin samin.
"A-anong ginagawa niyo dito?" gulat na tanong niya saka tumayo at inayos ang suot niyang uniform. Napatingin ako kay Jongin at ganun din ang ginawa niya.
Ako ba dapat ang kakausap sakanya?
Tapos ay bigla siyang tumango at ngumiti ng maliit. "I'll... wait outside." sabi niya saka naglakad palabas. Mas lalong nagtaka yung mukha ni Baekhyun.
"Bakit?" takang tanong niya sakin.
Ngumiti ako sakanya. "We know." mahina kong sabi. "We know you love Chanyeol."
"Mahal ko naman talaga siya ah." sabi ni Baek habang pilit na ngumingiti. "He's my bestfriend, Kyungsoo."
Natawa ako at umiling. "Come on, Baek." sabi ko saka sinuntok ng mahina ang balikat niya. "Alam kong mahal mo siya higit pa doon. Alam din ni Jongin at sobrang manhid ni Yeol dahil hindi niya makita yun."
Agad naman na nawala ang ngiti sa mukha ni Baekhyun at napalitan ito ng unti-unting pagtulo ng luha niya. Pinunasan niya ito agad at umiwas ng tingin. "Bawal eh." mahina niyang sabi. "So i have to keep this feeling bottled up inside me."
"But why, Baek?" tanong ko. "You suffer inside this school. Bat hindi ka nalang umalis at pumunta sa lugar kung saan hindi ka masasaktan ng ganyan?"
Napatingin sakin si Baekhyun at natawa ng mahina. "Hindi ka pa nainlove no?" tanong niya. "You don't know what you're saying, Kyungsoo."
"I don't know what love is." amin ko. "I've never been inlove, yes. And i don't think i would ever. If it's something like... like this, then no. I wouldn't like it. I wouldn't want it."
Tumawa si Baek at pinunasan yung mga luha niya. "Leaving Chanyeol would be like killing myself." bulong niya. "Aalis ako, pero andito naman siya? Kumusta naman yun diba?" natawa siya ng mahina at naluha ulit. "Kahit pa hindi niya ako mahal tulad ng nararamdaman ko, okay na sakin yung nakikita ko siya parati. Taking care of that giant means the world to me, Kyung. And no matter how many times he hurt me, okay lang. I don't mind. Hindi naman niya sinasadya diba?"
Napabuntong hininga ako. "That's not love." sabi ko. "That's martyrdom."
"Love means sacrificing your happiness for the betterment of others." sagot niya at ngumiti ng maliit. "There is joy in suffering, believe me."
"You're in pain, Baek." sagot ko. "You're crying."
Tumango siya. "That maybe true." sabi niya habang nakangiti parin. "But that doesn't mean i'm not thankful for all the days i've got to spend with him. I love Chanyeol, Kyungsoo. And getting tired of it is something impossible, no matter how many times it would kill me."
Umiling ako ulit. Kung ganito pala ang love, ayaw ko na atang maranasan pa yun. Sobrang complicated at masakit sa puso.
Napatingin ako ulit kay Baekhyun at napansin ang tuloy parin na pagpatak ng luha niya.
Hindi kaya siya tanggap ni Chanyeol? Ayaw niya kayang mainlove sa pareho niyang lalake?
"STOP!" sigaw ni Jongin mula sa labas.
Sabay kaming napatingin ni Baekhyun sa pinto at naglakad papunta sa pinanggalingan ng ingay.
"I told you to---"
Biglang bumukas yung pinto.
"Baek?!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top