Plan 49
Next UD would be on Sept. 1 ! Pa-birthday ko na din sa inyo. haha. :DD
* * * * *
Niyakap ni Kyungsoo ng mahigpit yung unan niya.
Kanina pa niya pinipigilan ang pag-iyak pero hindi niya magawa. Ayaw nilang ipakita sakanya si Asher maski si Jesper kahit nasa iisang bahay lang silang lahat. Tanging ang Mommy lang niya ang nakakabisita sakanya at kung minsan, may dala itong letter or card galing sa dalawang bata.
Pinunasan ni Kyungsoo ang mga luha niya habang nakatingin sa card na gawa ni Asher. May nakasulat doon na "I miss you mama" gamit ang magulo niyang hand writing. Napahikbi si Kyungsoo at tuluyan na ngang naiyak.
Tinupi ni Kyungsoo ang card at hihiga na sana ulit nang may kumatok sa kwarto niya. Napatingin siya sa pinto at dahan-dahan itong bumukas. Sumilip si Suho mula sa pinto at malungkot na tumingin kay Kyungsoo.
"S-suho?" halos hindi marinig na sabi ni Kyung.
Pumasok si Suho sa loob ng kwarto at saka sinara ang pinto. Tinignan niya ulit si Kyungsoo at walang salita ang makaka-describe kung gaano siya nasasaktan para sa taong mahal niya. Aaminin niya, ayaw niyang mag-sama sina Jongin at Kyungsoo... pero hindi sa ganitong paraan. Hindi sa paraang nasasaktan si Kyungsoo.
"K-kyungsoo..." bulong ni Suho at lumapit kay Kyung.
Gulat lang siyang tinignan si Kyungsoo. "A-anong ginagawa mo dito?" takot na tanong niya. "A-alam ba n-ni Dad?" napatayo siya mula sa kama at lumapit kay Suho.
Tumango si Suho at hinawakan ang magkabilang balikat ni Kyungsoo. Dahan-dahan niya itong tinignan mula ulo hanggang paa, tinitignan lahat ng sugat at pasa nito sa katawan. Pero hindi din niya kinaya at umiwas ito ng tingin.
"I talked to Tito." sagot ni Suho sakanya. "He gave me the permission to talk to you."
Tumango si Kyungsoo at niyakap ang sarili gamit ang isang braso. "W-what else did he tell you?" mahina niyang tanong. Pero may parte sa sarili niya na ayaw ding malaman ang sagot. Ano nga bang magandang masasabi ng Daddy niya tungkol sakanya diba?
Umiling si Suho at nagbigay nalang ng maliit na ngiti. "It... it doesn't matter, Kyung." mahinang sabi niya. Hinawakan niya ang mukha ni Kyungsoo at hinaplos ito. "How are you now? Kumakain ka pa ba? Do you want me to bring in some food?"
Umiling ng mabilis si Kyungsoo. Inabot niya ang sleeve ng jacket ni Suho at mahigpit itong hinawakan. Naramdaman niya ulit ang mga luha sa mata niya at ginawa niya ang lahat para pigilan yun.
Tinignan niya si Suho sa mata at tinanong ang nag-iisang bagay na gusto niyang malaman ngayon. Yung nag-iisang bagay na gusto niyang malaman kung ano ang sagot.
"Si Jongin..." hikbi ni Kyungsoo. "Where is he? Is he alright?"
Inasahan na si Suho ang tanong na yun, syempre. Pero nang tanungin nga ni Kyungsoo, masakit din pala. Masakit para sakanya na si Jongin parin ang hinahanap niya hanggang ngayon. Na sa kabila ng lahat ng ginawa sakanya, si Kim Jongin parin ang gusto niya.
Huminga ng malalim si Suho. "Kyungsoo... it's why i'm here." sagot niya. "I don't know where Kim Jongin is. Just like you, bigla nalang siyang nawala sa school. Hindi na siya pumapasok."
"Then where is he?" pag-uulit ni Kyungsoo. Tuloy na ang pag-iyak niya at inabot ni Suho ang mukha niya para punasan ang mga ito.
"I don't know, Kyung." amin niya.
Dahan-dahan na bumitaw si Kyungsoo sa pagkakahawak sa jacket ni Suho. Umiiyak siyang napa-upo sa kama niya, nag-aalala, nasasaktan, naguguluhan, umaasa.
"Suho... i'm so worried." iyak niya habang pinupunasan ang mga luha. "Paano kung ilalayo siya sakin? Paano kung hindi ko na siya makikita?"
Umupo si Suho sa harapan ni Kyungsoo at hinawakan ang isa nitong kamay. "Kyungsoo... you need to be strong." malumanay na sabi niya. "Kim Jongin wouldn't want seeing you like this."
"But he's not here!" hikbi ni Kyungsoo. "He's not here and i don't know if i'll ever see him again. Suho... hindi ko kayang mawala si Kai sakin. I just... i can't..."
"EXO-A is in chaos right now." sabi ni Suho, pilit na pinapatigil si Kyungsoo sa pag-iyak at pag-iisip kay Jongin. "Classes were suspended. Students were expelled."
Nanlaki ang mga mata ni Kyungsoo at gulat na tumingin kay Suho. "W-what?" bulong niya. "What happened?"
"It's Chanyeol and Baek." explain ni Suho. "They did this stunt in front of the student body. And they just... they just started everything, Kyung. All the rallies, petitions. Madam Kim got really mad and expelled them. All of them."
Napasinghap si Kyungsoo. "P-pero..."
"With all these problems, i don't think may oras pa si Madam Kim para paalisin si Jongin." dagdag ni Suho. "I can feel that he's still here."
Kinailangan ni Kyungsoo ng oras para i-absorb lahat ng nalaman niya. Sina Baekhyun at Chanyeol... yung EXO Academy... yung mga ibang students... mga kaibigan niya...
"I need to see him, Suho." mangiyak-ngiyak na sabi ni Kyungsoo. "I need to see Kim Jongin."
"Kyung--"
Biglang bumukas ang pinto at isang guard ang pumasok. Matalim siyang tumingin kina Kyungsoo at Suho, bago nagsalita.
"Gusto daw po kayong makita ni President Do."
* * *
Gustuhin man si Kyungsoo na kasama si Suho na kausapin ang Daddy niya, ayaw siyang payagan ni President Do. Pinaalis niya si Suho bago kumuha ng alak sa isang shelf at bumalik sa upuan niya.
Nanginginig na nakatayo si Kyungsoo sa gitna ng study room ni President Do. Nakatingin lang siya sa mga paa niya at pinipigilan ang pag-iyak. Ngayon lang ulit siya nakaramdam ng ganitong klase ng takot.
"Kelan pa?" tanong ni President Do.
Tinignan siya ni Kyungsoo saglit bago binalik ang tingin sa mga paa niya. "K-kelan pa?" bulong niya.
"Kelan pa kayo ni Kim Jongin?" tanong muli nito. "Since when did you start becoming a disgrace to this family?"
Hindi nakasagot agad si Kyungsoo. Nakatingin lang siya sa mga paa niya, ayaw sumagot. Hindi siya isang "disgrace". Bakit siya sasagot diba?
Huminga ng malalim si President Do at tumingin sa hawak niyang brandy.
"I didn't expect you'll be that easy, Kyungsoo." may halong pandidiri na sabi niya. "Just a few weeks and you're with that Jongin, already? When did you become such a slut?!"
Kyungsoo flinched.
Ito ang unang beses na pinagsalitaan siya ng ganito ng Daddy niya.
"D-dad--"
"Don't you even dare reason out with me!" sigaw ni President Do saka marahas na binato ang baso ng brandy sa may paanan ni Kyungsoo. Tumalsik ang ilang bubog at nasugat ang paa ni Kyungsoo. Pero hindi niya ito ininda at kinagat ang ibabang labi para hindi maiyak.
"I KNOW WHAT YOU WERE DOING! FLIRTING WITH GUYS ALL YOU WANT, RIGHT?!" sigaw niya. "Nakakadiri ka! Pinagsisisihan kong nagka-anak ako ng kagaya mo! You're a big damn disgrace, Kyungsoo!"
Hindi nagsalita si Kyungsoo at tuluyan na ngang umagos ang mga luha niya.
"You're wondering, right?" galit na sabi ni President Do. "You're wondering where is your damned boyfriend."
Napatingin sakanya si Kyungsoo, puno ng pag-aalala ang mga mata.
"Well he's getting married." sagot niya. "He's getting married with some girl and you can do nothing about it."
Parang sinaksak ng paulit-ulit si Kyungsoo sa narinig niya.
"As for you, Kyungsoo." sabi ng Daddy niya. "You're moving away. For good."
* * * * *
Good night loves! MUA~ :)))
Have a lovely sleep. ^^
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top