Plan 48
Dedicated to @ElyenXiOHtor ! Thank you for all the support! Godbless and i hope you'll keep supporting NTP until the end. Much love from me babe! mua~
* * * * *
Napatingin si Baekhyun sa bakanteng upuan sa tabi niya.
Mag-iisang buwan na, wala parin sina Jongin at Kyungsoo. Hindi na sila pumapasok sa EXO-A. Wala na ring tao sa dorm room nila noong binisita sila ni Baekhyun kasama si Chanyeol. Hindi alam ni Baek yung totoong dahilan, gumagawa lang siya ng assumptions.
Napabuntong hininga si Baekhyun at sinubukan ulit itext si Kyungsoo. Hindi pa niya namalayan yung pagtabi sakanya ni Chanyeol dahil sa sobrang pag-iisip at pag-aalala.
"Hey." mahinang sabi ni Chanyeol habang nag-aalalang nakatingin kay Baekhyun. "Okay ka lang, Baek? You look stressed."
Tinignan naman siya ni Baekhyun saglit bago ngumiti ng maliit at umiwas ng tingin. Hinigpitan niya ang hawak sa cellphone niya at nag-scroll sa mga messages na sinend niya kay Kyungsoo. Ni isa sa mga ito, wala siyang natanggap na reply.
"Nag-aalala na ako, Yeol." mahinang sabi ni Baekhyun habang nakakunot noo. "Paano kapag tama yung hula natin? What would happen to them?"
Kinuha ni Chanyeol yung kamay ni Baek at hinawakan ito ng mahigpit. Ano ba ang dapat sabihin? Hindi naman niya masabing magiging okay din ang lahat, dahil pati siya, hindi niya alam kung ano bang nangyari. Hindi din niya masasabing huwag mag-alala si Baekhyun, dahil pati siya, nag-aalala na din.
"Baek--"
Pero napatigil siya nang hilain pabalik ni Baekhyun yung kamay niya. "Don't hold my hand in public." pabulong na sabi ni Baek. "We don't know who's watching us."
Napabuntong hininga si Chanyeol saka binulsa nalang sa bulsa ng hoodie niya yung dalawa niyang kamay. Tinitigan niya si Baekhyun at napa-isip kung kaya ba niyang patuloy na itago yung taong mahal niya?
Fair ba yun?
"I don't know Baek." simula ni Chanyeol. "But i think Madam Kim already know everything."
Tinignan siya ni Baekhyun. "Pero Chanyeol..."
"Look." sabi ni Yeol. "I don't wanna sound negative here. But Baek, they're both gone. Wala na din tayong naririnig mula sa kanila. Don't you think... nahuli na talaga sila?"
Napa-iling si Baekhyun. "I... i don't even want to think about it, Yeol."
Hindi sumagot si Chanyeol. Mas lalong nag-alala yung mukha ni Baek at pinigilan ni Chanyeol ang sarili na yakapin ang kasintahan.
May mga pagkakataon na ganito. Gusto mong gawin yung isang bagay pero natatakot ka sa pwedeng mangyari.
Natatakot ka sa sasabihin ng iba.
Ayaw mong i-take yung risk.
Napatingin si Chanyeol sa bintana ng classroom nila at nakita ang isang magandang babae na dumaan. May hawak itong clipboard at mukhang papunta na sa office niya. Sumusunod doon sa babae ay yung teacher nila. Sandali nalang, magsisimula na yung klase.
Hinawakan ni Chanyeol yung kamay ni Baek at saka siya hinila patayo.
"Chanyeol--"
"Let's go." tawag niya dito. At bago pa umangal si Baekhyun, hinila niya ito palabas ng isa pang pintuan sa classroom nila. Sakto namang pumasok yung teacher nila sa unang pintuan.
Gulat na napatingin si Baekhyun kay Chanyeol. "Yeol! Ano bang--"
"Ssshhh." sabi ng isa saka nagmamadaling sinundan yung babaeng dumaan kanina. Nang napansin ni Baek yung sinusundan nila, agad siyang napatigil at malakas na hinatak yung kamay ni Chanyeol.
"Chanyeol, she won't answer us!" angal niya dito. Napatingin siya sa paligid at mabuti nalang wala nang tao sa hallways dahil oras na para sa unang klase ngayong araw.
Tinignan naman siya ni Chanyeol. "Baek, i'm tired of seeing your worried face everyday for nearly a month." sagot nito. "Nag-aalala ako kina Kai. Pero Baekhyun, mas nag-aalala ako para sayo. If you want answers, then let's talk to Miss Taeyeon!"
Dahan-dahan na umiling si Baek. "C-chanyeol... you know... i..."
"Baek... matagal na yun." mahinang sabi ni Chanyeol. "And besides... i also want to tell her something."
Napakunot noo si Baek. "And what's that?" tanong nito.
Napa-shrug lang si Chanyeol bilang sagot. Hinila niya ulit yung kamay ni Baekhyun saka nagmamadali nilang sinundan si Taeyeon hanggang sa office nito. Nang marating nila yung pinto, kinakabahang kumatok si Baekhyun at agad naman silang nakarinig ng "Come in." mula sa loob.
Gulat na napatingin si Taeyeon kina Chanyeol at Baekhyun. Hindi siya nakapagsalita ng ilang segundo bago siya umiwas ng tingin at napabuntong hininga.
"What are you doing here?" tanong niya habang tumitingin sa mga folder sa harapan niya. "You're supposed to be in class."
Nagkatinginan sina Chanyeol at Baek.
"M-miss..." simula ni Baekhyun at pakiramdam niya, ibang tao na yung kausap niya. "We're sorry for the intrusion but--"
"Where's Jongin and Kyungsoo?" agad na sabat ni Chanyeol. Para sakanya, wala sila doon para kausapin si Taeyeon bilang president ng school. Andun sila bilang kaibigan nina Kai at Kyungsoo.
Tinignan sila ni Taeyeon. "What?" halos hindi marinig na sabi nito.
Huminga ng malalim si Baekhyun bago tinignan si Taeyeon ng maigi sa mata. "Almost a month." sabi niya. "And yet, wala parin sila. We know something happened. Where are they now?"
"I don't know what you're talking about." bulong ni Taeyeon pero halata sa boses niya yung kaba. O di naman, yung lungkot.
Lumapit si Baek sa table ni Taeyeon. "Why won't you tell us?" tanong niya habang nakakunot noo. "Kinulong na din ba ni Madam Kim si Jongin? Hiniwalay kay Kyungsoo?"
"Please, Baekhyun..." bulong ni Taeyeon habang hindi parin nakatingin kay Baek. "I-i don't want to--"
"Where are they?" pag-uulit ni Baek. "Do you support this? All these rules?"
Tumayo si Taeyeon at malungkot na tumingin kay Baekhyun. "You don't know how much it pains me to see my brother like that, Baek!" giit niya. "He's a mess! He's crying and insists on not eating! Hindi madali para sakin yun!"
"Then why won't you help him?!" tanong sakanya ni Baekhyun pabalik. "Hanggang ngayon ba Taeyeon, galit ka parin sakin? Are you doing this because of what happened--"
"Oo!" sigaw ni Taeyeon. "I was hurt and i hated you for that! I hated you, Chanyeol and everything your own kind! But you can't blame me! Dad left us for a guy... naging mahirap yung para sa aming lahat, Baek."
Napabuntong hininga si Baekhyun at malungkot na tumingin kay Taeyeon. "I'm... i'm sorry." mahina niyang sabi. "But you knew, right? That..."
"Yes." bulong ni Taeyeon saka ngumiti ng maliit. "I was wrong for assuming. And right now, seeing Jongin like that... i don't know if i could still handle everything."
"Taeyeon... please..." simula ni Baek. "We can't let all of these go on. "
Tinignan siya ni Taeyeon.
May mga bagay talaga na kaya niyang ipagpalit para sa taong mas mahal niya. Para sa taong alam niyang mas deserve pa yung pagmamahal at sakripisyong kaya niyang ibigay.
Ano na nga ba yung kasabihan?
Blood is thicker than water.
Blood is richer than any other personal cravings.
Kasi kapatid niya yun eh. Simpleng dahilan. Simpleng rason para ibigay mo lahat ng meron ka. Para gawin mo lahat ng kaya mo para sakanya.
Si Kim Jongin, mas mahal niya kesa sa kahit na sino pang lalake sa mundo.
Dahan-dahan na tumango si Taeyeon.
"I'll see what i can do."
Napatingin si Chanyeol sa isang fire alarm sa gilid ng office ni Taeyeon. Agad siyang pumunta dito at malakas itong pinindot. Umalingawngaw sa buong building yung malakas na alarm. Narinig yung takbuhan sa labas ng hallways, mga panicked na sigaw.
Gulat na pinanood siya nina Baek at Taeyeon. Pero bago pa sila makapagsalita, hinila ni Chanyeol si Baek at patakbo silang lumabas ng office.
Patakbo silang lumabas ng building kung saan, nagtatakbuhan na din palabas yung mga estudyante.
Patakbo silang pumunta sa field kasama ang lahat ng nasa building na yun.
Sabi nila, if you want to make a change.
Then make a statement.
Gumawa ng isang pahayag.
Isang pahayag ng pagbabago.
Hinila ni Chanyeol si Baek papunta sa gitna ng field. Nagkumpulan na doon yung mga estudyante, takot na nakatingin sa building na "nasusunog" daw. Nagtataka na nakatingin si Baekhyun kay Chanyeol, iniisip kung ano nanamang kahibangan ang gagawin niya.
Tumigil si Chanyeol sa harapan ng building nila. Napatingin sakanila yung mga estudyante at taka sila pinanood.
"Chanyeol... ano bang ginagawa mo?" tanong sakanya ni Baek.
Hinawakan ni Chanyeol ang magkabilang balikat ni Baekhyun saka hinarap sakanya. "Byun Baekhyun!" malakas na sabi niya at tumigil ang usapan. Lahat, napatingin sakanila.
Nanlaki ang mga mata ni Baek nang ma-sense ang gagawin ni Chanyeol. "Y-yeol--"
"I don't care about the rules anymore." seryosong sabi ni Chanyeol. "And i don't give a sh*t about what these guys would tell me after this. I don't mind if i'll get expelled, or if i get you expelled. I'll take care of you."
"C-chanyeol..." bulong ni Baekhyun. "S-seryoso ka ba diyan?"
Huminga ng malalim si Chanyeol saka lumuhod sa harapan ni Baek. Hinawakan niya ang kamay nito saka hinalikan. Dahil doon, napasinghap ang halos lahat ng estudyanteng nanonood sakanila.
"Mahal kita, Baekhyun." sabi ni Chanyeol habang nakatingin sa mga mata ni Baek. "Mahal kita at ayoko nang itago pa yun. It's not fair right? You don't deserve to be hidden. You're my one true love and i will forever be proud of that."
Pwede nating tawagin na rebellion yung ginawa ni Chanyeol.
Going against the rules.
Battling with the school heads.
Pwede ring, opposing his parents' words.
Pero nang hawakan ni Sehun yung kamay ni Luhan sa gitna ng maraming tao na yun...
Yung pag-decide ni Jungkook na ligawan si Taehyung...
Yung pag-akbay ni Lay kay Suho...
Yung pag-ngiti ni Tao sabay tingin kay Kris...
Yung pag-palakpak ni Chen na agad sinundan ni Xiumin at ng marami pang iba...
Yung pagyakap ni Namjoon kay Jin...
O yung sigawan at pagsuporta ng lahat ng taong nanood sakanila.
Hindi ko masasabing rebellion nga talaga yun.
Isa itong pahayag ng tunay na nararamdaman.
Pahayag na hindi maling mahalin ang katulad mong lalake. Pahayag na naging dahilan para magpakatotoo ang lahat. Pahayag na mali at hindi maka-tao ang rules sa EXO Academy. Pahayag na makasarili ang mga taong nasa likod ng mga batas na yun.
Pahayag na kahit kelan... hindi masamang magmahal.
* * * * *
Thank you for reading everyone! Love lots! mua~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top