Plan 47

Hay. So i am back. hehehe. :)



Dedicated to @ByuntaeHunHan520 !!! Thank you sa pagbabasa ng stories ko. Keep shipping! I know KaiSoo and the other otps love you too. :) Godbless and xoxo! Love you!





* * * * *




Hinawi ni Kim Jongin yung kurtinang nakatakip sa bintana ng kwarto niya. Sobrang kapal ng kurtina na nilagay at walang ilaw yung nakakapasok mula sa labas. Sinubukan niyang itulak ulit yung bintana niya para buksan. Pero wala parin. Talagang ni-lock ito.



Sumilip si Jongin sa labas at nakita ang tatlong guards na nakatayo sa ibaba ng bintana niya. Nasa second floor ang kwarto niya at sinigurado ni Madam Kim na hindi siya makakatakas. Sa labas ng pintuan ni Jongin, may dalawang gwardiya din ang nakabantay. 



Napadaing nalang si Jongin saka bumalik sa kama niya. Wala siyang magawa ngayon. Kinuha lahat ng gadgets na meron siya. Cellphone, laptop, iPad, etc. Walang kahit anong form of communication ang binigay sakanya. 



Maya-maya pa, pumasok ang isang maid para bigyan siya ng lunch. 



"I'm not eating." mariin na sabi ni Jongin sa maid na yun. Matapos nun ay humiga siya sa kama at tumalikod sa pintuan. 



Iisang tao lang ang gusto niyang makita ngayon. 



At hindi niya alam kung nasan siya. 



Hindi alam ng maid ang gagawin. "P-pero sir Kai. S-sabi po ni M-madam--"



"I told you!" galit na sigaw ni Jongin habang hindi nililingon yung maid. "Just leave, okay?! I don't want to eat that sh*t! Just go away! LEAVE!" 



Nanginginig na naglakad paalis yung maid. Pero bago pa niya marating yung pintuan, pumasok si Taeyeon at gulat na napatingin sa maid. Kinuha niya yung dala nitong pagkain saka sinabihan yung katulong na umalis na muna. 



Dahan-dahan na nilapag ni Taeyeon yung tray ng pagkain sa bedside table ni Jongin. Umupo ito sa kama saka napabuntong hininga. 



"Jongin. You need to eat." sabi niya sa kapatid. "Starving yourself to death wouldn't solve anything." 



Napa-iling si Jongin. Hindi niya kayang tignan si Taeyeon. Mas lalo lang siyang magagalit dito. Hindi niya akalain na kayang gawin ng Ate niya ito sakanya. 



"And what will?" galit na tanong ni Jongin. "Keeping me inside this goddamned room?" 



Malungkot na tinitigan ni Taeyeon ang kapatid. "Kai..." mahinang sabi nito. "Stop doing this. You're young. You--"



"Where's he?" mahinang tanong ni Jongin. 



Hindi agad nakasagot ni Taeyeon. Tinignan lang niya yung likod ni Jongin, hinihintay na tignan siya nito. Hindi niya ginusto na malaman ni Madam Kim ang tungkol kina Kai at Kyungsoo sa ganung paraan. Hindi din niya inakala na kayang gawin ni Krystal yun. The act was just too desperate. 



"I... i don't know." bulong ni Taeyeon saka napatingin sa bedsheet ng kama. "Walang sinabi sakin si Mommy after niyang tawagan si President Do." 



Nanlaki ang mga mata ni Jongin saka agad na napabangon sa kama. Takot siyang tumingin sa kapatid niya at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. 



"W-what do you mean?" tanong nito. "She called Kyungsoo's Dad?" 



Dahan-dahan na tumango si Taeyeon. "Kai, i'm so sorry." agad na sabi nito. "I didn't expect everything that had happened. It was all--"



"Why did she call him?!" sigaw ni Jongin saka galit na tumayo. "Kyungsoo will get hurt, Ate! Sasaktan siya ng Daddy niya! How could you let this happen?!" mabilis na naglakad si Jongin papunta sa pinto pero pinigilan siya agad ni Taeyeon. Hinila niya ito sa braso gamit ang dalawang kamay. 



"Jongin, stop!"



Hinila ni Jongin pabalik yung braso niya saka galit na tumingin kay Taeyeon. "Kyungsoo will get hurt." mariin na sabi nito. "I can't let that happen." 



"At anong gagawin mo?" tanong ni Taeyeon sakanya pabalik. "Lalabas ka sa kwarto na to at pupunta sakanya? Do you really think it'll be that easy!? Sa tingin mo ba hindi ka masasaktan?!" 



"And what do you expect me to do?!" sigaw ni Jongin at bigla itong naluha. "Do you want me to just sit here and do nothing?! ATE! I AM NOT LIKE ALL THOSE OTHER GUYS! I AM NOT GIVING UP ON HIM NO MATTER WHAT!" 



Hinawakan ni Taeyeon yung braso ni Jongin. "Kai, please." pagmamaka-awa nito. "You're still my brother. I can't see you like this. Nasasaktan din ako." 



Tinignan lang siya ni Jongin at dahan-dahan na umiwas ng tingin. Napahawak ito sa noo niya at tuluyan na ngang naiyak. Umiiyak na napa-upo si Jongin sa sahig, pilit na kinukumbinsi yung sarili na ayos lang si Kyungsoo. Na walang masamang nangyari sakanya. 



Pero ano bang magagawa niya? 



Nakakulong siya sa sarili nilang bahay... malayo sa taong mahal niya. 



"I-i can't let him g-get hurt... I love him..." umiiyak na sabi ni Jongin. "K-kyungsoo needs me... p-please..." 



Tinignan lang siya ni Taeyeon at ngayon lang siya nakaramdam ng ganung klase ng kalungkutan. Noong nasaktan siya tungkol kay Baekhyun, aaminin niya, matagal din siyang nagtanim ng galit sa puso niya. 



Pero yung makitang nasasaktan ng ganito yung sarili niyang kapatid... at wala siyang magawa... mas masakit pala. 



Naramdaman ni Taeyeon ang pagtulo ng luha mula sa mata niya. Agad niya itong pinunasan saka umayos ng tayo. Iniwas niya ang tingin sa kapatid at huminga ng malalim. 



"I-i'm sorry, Jongin." mahinang sabi nito saka naglakad palabas ng kwarto. 







* * *






Pinulupot ni Kyungsoo yung kumot sa katawan niya. Tinago niya ang sarili sa ilalim ng kumot na yun at niyakap ang sarili sa isang sulok ng kwarto niya. Napasinghap siya nang masagi ng kumot ang labi niya at pinilit ang sarili na huwag maiyak. Naririnig pa niya yung usapan ng mga guards sa labas ng kwarto niya. 



Gusto niyang tumakas. 



Sinubukan niya. Ilang beses. 



Pero wala ring nangyari. 



Pumikit si Kyungsoo at naramdaman ang pagtulo ng luha niya. Wala pang isang minuto nang magsimula siyang humikbi. Umiiyak siya dahil sa maraming dahilan. At si Jongin ang may pinakamalaking parte sa mga dahilan na yun. 



Bumukas yung pinto at takot na niyakap ni Kyungsoo yung sarili. 



Pumikit siya at tumuloy sa pag-iyak. 



Pilit niyang siniksik ang sarili sa sulok na yun. Nanginginig sa takot. 



"K-kyungsoo?" halos hindi marinig na bulong ng Mommy niya. 



Nanlaki ang mga mata ni Kyungsoo pero hindi niya inalis yung kumot na nakatakip sakanya. Niyakap lang niya ng mas mahigpit yung sarili. Naramdaman niya yung unti-unting paglapit ng Mommy niya. Gusto niya itong yakapin, pero natatakot siya. 



Takot na takot. 



"A-anak?" umiiyak na bulong ni Fiona. Dahan-dahan niyang inabot si Kyungsoo, hinawakan yung kumot na nakatalukbong sa anak. Naramdaman niya yung pag-urong ni Kyungsoo, na para bang pati sakanya, takot na din siya. 



Humihikbi parin si Kyungsoo at basang-basa yung mukha niya ng luha. Pinikit niya yung mga mata niya at mas lumayo kay Fiona. Ayaw niyang makita siya ng Mommy niya sa ganitong lagay. 



Hinila ni Fiona nang bahagya yung kumot, pero nang magsimulang manginig si Kyungsoo sa takot, tumigil siya. Hinawakan niya yung ibabang bahagi nito saka iniangat. 



Pero napa-iyak ito sa nakita. 



"K-kyungsoo?" hindi makapaniwalang sabi ni Fiona nang mapansing duguan yung kumot na nakatakip sa anak. Hinila niya ito agad paalis at para siyang pinatay ng paulit-ulit sa itsura ni Kyungsoo. Sugat ang ibabang labi ni Kyungsoo at may pasa ito sa pisngi. 



Puno din ng pasa ang braso nito at pakiramdam niya, pati ang katawan nito ay sugatan at puro pasa din. Umiiyak na tinakpan ni Kyungsoo ang sarili mula sa ina pero mas lumapit lang si Fiona sakanya. Niyakap niya ito ng sobrang higpit habang umiiyak. 



"My b-baby..." hikbi ni Fiona habang yakap-yakap si Kyungsoo. "H-how could he do this to you?" 



Niyakap ni Kyungsoo pabalik ang Mommy niya habang umiiyak sa braso nito. Kung pwede lang, ayaw na niyang kumawala pa. Niyakap niya ang ina ng sobrang higpit. Ramdam pa niya yung takot. Pero sa puntong niyakap siya ng Mommy niya, para bang nabawasan lahat ng yun. 



"M-mom..." iyak ni Kyungsoo. "P-please. H-help me." 



Dahan-dahan na tinignan siya ni Fiona. Pinunasan niya ang mga luha ng anak saka tumango. "I will help you, okay?" umiiyak na sabi niya. "B-but we'll fix you first. We'll talk about it later." Pinunasan niya yung mga tuyong dugo sa mukha ni Kyungsoo saka hinalikan ang anak sa pisngi habang tumatango ang isa. Ginamit niya yung sarili niyang shawl para punasan yung pawis at luha ni Kyungsoo. 



Ang makita ang sariling anak na ganito, isang bagay yun na hindi niya kayang payagan.



Dinala ni Fiona si Kyungsoo sa kama at mabilisang kumuha ng mga gamot at panlinis sa sugat. Galit na galit siya sa asawa niya ngayon at hindi niya alam kung mapapatawad pa niya ito. Walang dahilan para gawin niya yung ganito kasamang bagay. 



"M-mom.." bulong ni Kyungsoo nang punasan ni Fiona ang braso niya ng basang towel. "I-i'm sorry. S-sorry if--"



"Anak, there's nothing to be sorry for." sabi niya saka ngumiti ng maliit. "It's not your fault." 



Naramdaman ni Kyungsoo yung mga luha niya. "B-but i..."



"Falling in love is never a wrong thing, Kyungsoo." mahinang sabi ni Fiona habang nakatingin sa anak. "You love him that much, right? And it only means that there's so much love in that heart of yours. So much love you're willing to give away. And i am very... very proud because i have a son who knows how to love the right way." 



Tuluyan na ngang naiyak si Kyungsoo at agad niyang pinunasan ang mga luha niya. Inabot ni Fiona ang mukha ng anak at pinunasan ang mga luha nito.



"I love you so much, Kyungsoo." bulong ni Fiona sa anak. "And i believe in that love you have for Jongin." 






* * * * * 




Sorry po sa typos. :( 



Ahhh. I hope i somehow made you happy with this new update. hehe. :) 

Thank you for reading everyone! Godbless! MUA~ 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top