Plan 41



Dedicated to @Dyodyoliit ! Thank you so so much for reading NTP! I hope you'll continue supporting. Godbless and mahal kita. MUA! ^^




* * * * * 




Nang makalampas na sila kay Manong Guard, agad na kumapit si Baekhyun sa braso ni Chanyeol. Masaya silang naglalakad kasama sina Asher at Mommy Fiona. Oo. Makiki-Mommy na din tayo sa Mommy nina Jongin at Kyungsoo. 



"Asher, malayo ba bahay niyo?" tanong ni Chanyeol kay Asher. 



Tinignan naman siya ni Asher saka umiling. "Malapit lang po yun!" sabi naman niya sabay turo sa daan. Pero hindi pa nila tanaw yung bahay, syempre. 



Maya-maya pa, narating na nila yung malaking bahay nina Asher. Pero hindi pa sila ganun nakakalapit nang takpan ni Mommy Fiona yung mga mata ni Asher. Hinila niya ito palayo at nagtago silang dalawa sa likod nina Chanyeol at Baek. 



Napa-irap naman si Baekhyun. "Grabe." inis na sabi niya. "Mag-make out ba naman sa harapan ng bahay?!" 



Natawa naman si Chanyeol saka hinila yung kamay ni Baek papunta sa harapan ng bahay. Nanatili naman sina Mommy Fiona at Asher sa gilid ng bakod para hindi sila makita nung totoong Mama ni Asher. 



"I'll see you tonight." sabi nung babae sa lalake. At base sa past chapters, George ang pangalan nung mayamang lalakeng boyfriend ng Mama nina Asher at Jesper. 



Napakagat-labi naman yung babae. "Sure." malanding sabi nito. 



Napa-nganga naman si Baek at nagkunyaring nasusuka. Hindi niya inakala na may mas lalandi pa sakanya. Hindi niya talaga kinaya yung fact na yun. 



Nang maka-alis na yung lalake, mas lumapit pa sina Chanyeol doon sa gate at sumigaw ng, "Tao po! Yoohoo!" sigaw ng Yoda doon sa babae. Naglabas na siya ng cigarette pack mula sa back pocket ng shorts niya at lumingon kina Chanyeol. 



"Anong kailangan niyo?!" inis na sigaw niya kina Baek. 



Nagkatinginan naman sina Yeol at Baek. "Anong sasabihin ko?" kinakabahang sabi ni Chanyeol. "Baek! Nakakatakot siya tumingin! Mas makapal eyeliner niya sayo!" 



Nanlaki naman yung mga mata ni Baekhyun. "Ano?!" hindi makapaniwalang sabi niya. Tumingin siya doon sa babae saka napasinghap. "Oh my gosh. Oo nga! Hindi ako makakapayag." 



"ANO NA?!" sigaw ng Mama ni Asher. "Anong pinagbubulungan niyo diyan?!" 



Napatingin naman si Chanyeol doon sa babae saka ngumiti ng maliit. "Ah, ano po, kayo po ba yung Mama ni Asher?" magalang na tanong niya. 



Tumaas naman yung kilay ng Mama ni Asher saka dahan-dahan na lumapit sa gate. Binuksan niya yun saka tinignan sina Chanyeol at Baek mula ulo hanggang paa. Napahinga siya ng malalim saka inis na humithit sa sigarilyo na hawak niya. 



"Oh, baket?" tanong niya. "Anong problema? Nadisgrasya ba?" 



"Hindi po!" agad na sabi ni Chanyeol. "Andito kami para tanungin kung andiyan ba yung kapatid ni Asher?" 



Napakunot noo yung babae. "Si Jesper?" 



"Malamang. Sino pa bang kapatid?" singit ni Baek sabay irap. Binigyan naman siya ni Chanyeol ng kung-ayaw-mong-mapahamak-manahimik-ka-nalang tingin. Agad naman na tumahimik si Baekhyun saka umiwas nalang ng tingin. 



"Ah, opo." sagot ni Chanyeol. "Si Jesper nga po." 



Sumandal yung babae sa gate saka tinuloy ang paninigarilyo. "Sino ba kayo?" tanong niya. "Kaibigan niyo ba yung mga kumuha kay Asher?" 



Tumango si Chanyeol. 



"Eh nasan si Asher?" tanong nung babae saka napatingin sa paligid. 



"A-ah... ano po..." 



Pero bago pa matapos ni Chanyeol yung sasabihin niya, nasa likod na pala niya si Mommy Fiona habang hawak ang isang kamay ni Asher. Tinapik niya yung likod ni Chanyeol saka tinulak ito ng marahan para siya ang kumausap sa nanay ni Asher. 



"Sino ka naman?" tanong ng Mama ni Asher. 



Inilahad ni Mommy Fiona yung kamay niya. "Fiona Do." pagpapakilala niya. "Ako yung Nanay ng isa sa humiram kay Asher." 



Dahan-dahan naman na kinuha ng babae yung kamay ni Mommy Fiona. "Mindy Lee." takang pagpapakilala niya. Kumunot noo siya kay Mommy Fiona na para bang hindi makapaniwala na siya ang nanay ni Kyungsoo. Hindi kasi siya mukhang nanay. 



"Pwede ba naming makita si Jesper?" tanong ni Mommy Fiona. 



Tumango naman si Mindy saka tinapakan yung sigarilyo niya. Binuksan niya ng mas malaki yung gate. "Sige." sagot niya saka tumabi sa daan. "Pasok." 



Kahit nung pumasok sila, hindi manlang niya tinignan si Asher. 



Sobrang ganda ng loob ng bahay ng boyfriend ni Mindy. Si George Smith pala ay isang half-Korean half-American. Marami siyang negosyo. At syempre, marami ring babae. At isa na doon si Mindy Lee. 



"Jesper!" sigaw ni Mindy nang pumasok na sila sa bahay. "Jesper!" 



Maya-maya pa, isang batang mukhang pagod na pagod ang lumabas mula sa kusina. May hawak siyang bowl ng cereal at sobrang dumi ng damit na suot niya. Takot siyang tumingin sa mga tao sa paligid niya at napatigil din ito sa paglalakad. Para siyang hindi naligo at hindi nakatulog ng maayos. 



"Oh my gosh." singhap ni Baekhyun saka tumingin kay Chanyeol. "C-channie..."



"I know, Baek." bulong ni Chanyeol. Tumingin siya kay Mindy saka kumunot noo. "Ma'am, ilang taon na siya?" 



Lumapit si Mindy kay Jesper saka hinila ito sa braso. Napa-sigaw naman si Jesper sa sakit. "Four." sagot niya habang hawak-hawak parin si Jesper. "Anak ko siya sa isang Korean national. Yang si Asher, may dugong Amerikano." 



"Huwag mo naman siyang saktan!" inis na sabi ni Baek. Nakaramdam siya agad ng awa para doon sa bata. Pinipigilan nito ang pag-iyak habang kinakagat ang ibabang labi. Humigpit din ang hawak nito sa cereal bowl na dala niya. 



Marahas na binitawan ni Mindy yung braso ni Jesper. At nang gawin niya yun, agad na lumapit si Baekhyun sakanya saka hinawakan ang magkabilang pisngi. 



"Shhh... huwag kang umiyak, Jesper." mahinang sabi nito. "Andito ako, tutulungan kita."  Pinunasan niya yung mga luha ni Jesper at pakiramdam ni Chanyeol, maiiyak na din si Baekhyun niya. 



Napabuntong hininga si Mindy saka umirap. "Oh, anong balak niyo?" tanong niya saka tumingin kay Chanyeol. "Kukunin niyo din? Hihiramin? Ano?" 



Tinignan siya ni Chanyeol. "Magkano ba?" tanong niya.



Nilapitan siya ni Mindy saka ngumisi. "1 million won per day." sabi niya habang nakangisi parin. "Pero may iba din akong deal, kung gusto mo?" 



Napakunot noo si Chanyeol. Nilingon siya ni Baek habang nagtataka rin. "Anong deal?" tanong ni Yeol. 



"Ikaw. Gwapo ka, bata pa." sagot ni Mindy saka pinatong ang isang kamay sa dibdib ni Chanyeol. "Wala si George ngayong gabi. Kung gusto mo--"



"AH HINDI!" sigaw agad ni Baek. "Taken siya! Taken! MAGBABAYAD SI CHANYEOL! KAHIT MAGKANO PA YAN!" 



Nilingon siya ni Mindy saka inirapan. "Edi 1 million per day!" sabi niya saka umatras mula kay Chanyeol. Pero binigyan niya muna ito ng ngisi bago naglakad palayo. 



Nilabas na ni Chanyeol yung wallet niya. 



"Wait." nagtitimpi na sabi ni Mommy Fiona. "I can't accept this, Chanyeol." 



Napakunot noo si Chanyeol. "Anong ibig niyong sabihin tita?" takang tanong niya. Binuhat na ni Baekhyun si Jesper habang pinupunasan parin ang paligid ng labi nito. 



Lumapit si Mommy Fiona kay Mindy saka tinignan ng seryoso. "Bakit mo binebenta sarili mong anak?" mahinang sabi niya. "Bakit mo sila pinagkakakitaan?" 



"At anong gagawin ko?" sagot ni Mindy saka tinaas ang isang kilay. "Alagaan sila? Pakainin? Tama na yung siyam na buwan nilang pananatili sa tiyan ko, okay?! Wala na silang kailangan sakin!" 



"Alam mo bang ang daming gustong magka-anak?!" inis na sabi ni Mommy Fiona. "Tapos ikaw? Ganito mo sila tratuhin?!" 



"Wala kang pakialam!" sigaw ni Mindy. "Wala kang pakialam kasi wala kang alam! Hindi mo alam kung paano ang paghihirap ko nang iwan ako ng mga tatay nila! Buti nga binuhay ko pa sila eh! Pwede ko silang ipalaglag kung gusto ko lang!" 



"At bakit hindi mo ginawa?" 



Ngumisi si Mindy. "Pera." 



At isang malutong na sampal ang binigay sakanya ni Mommy Fiona. 



Napasinghap sina Baekhyun at Chanyeol. Agad naman na kinuha ni Baek sina Jesper at Asher saka sila lumabas ng bahay. Hindi dapat nila nakikita yung mga ganitong eksena. Si Chanyeol naman ay nanatili sa loob kung sakaling may gawin si Mindy kay Mommy Fiona. 



"A-anong..." hindi makapaniwalang sabi ni Mindy. Napahawak siya sa pisngi niya saka gulat na tumingin kay Mommy Fiona. 



"Hindi na sila babalik dito." mariin na sabi ni Mommy Fiona saka binuksan yung bag niya. Naglabas siya ng check book saka pumirma sa isang page. Pinunit niya yung page na yun at binigay niya ito kay Mindy. Dahan-dahan naman niya itong kinuha. 



"P-para saan to?" gulat na tanong niya. 



"That's a blank check." sabi ni Tita Fiona saka huminga ng malalim. "Sabihin mo lang kung magkano, Mindy Lee, ibibigay ko. I will take Asher and Jesper with me. Aampunin ko na silang dalawa. I'll call my lawyer para ayusin ang adoption papers." 



"Pero Tita..." simula ni Chanyeol.



"No, Chanyeol." mariin na sabi ni Mommy Fiona saka galit na tumingin kay Mindy. "I would never let those angels grow inside this hell of a home. Mabuti pang sa akin nalang sila." 



Napatingin si Mindy sa hawak niya.



"I'll come back tomorrow with my lawyer." sabi ni Mommy Fiona saka tinignan si Chanyeol. "Let's go Chanyeol."



Agad naman na tumango si Chanyeol at naglakad na sila palabas ng bahay. Hinihintay naman sila ni Baekhyun kasama sina Asher at Jesper. 



Napatingin si Jesper kay Chanyeol saka ngumiti ng maliit. 



"See!" masayang sabi ni Baek. "He likes you, Chanyeol!" 







* * *







"Suho!" sigaw ni Kyungsoo saka pumunta sa gitna nina Suho at Jongin. "Ano bang sinasabi mo?!"



Nilapitan siya ni Suho at napalitan ng pag-aalala yung galit niyang mukha kanina. Hinawakan niya yung magkabilang balikat ni Kyungsoo saka tinignan siya sa mata. "Kyungsoo... please. Don't do this." pagmamaka-awa niya. "You can't be with him!"



"Please Suho, huwag ka nalang makialam." sabi ni Kyungsoo. "Alam ko kung anong ginagawa ko."



Umiling si Suho. "Mapapahamak ka." sabi niya. "You don't know what their family can do, Kyung. Please! Isipin mo naman yung sarili mo!" 



Huminga ng malalim si Kyungsoo saka dahan-dahan na kumawala sa hawak ni Suho. "Suho, we're cousins, right?" sabi niya. "Suportahan mo nalang ako sa--"



"Kyungsoo mahal kita!" sigaw ni Suho. Wala na siyang pakialam kung may makakarinig sakanila. Hindi niya hahayaan na mapunta si Kyungsoo kay Kim Jongin. "Mahal na mahal kita! Ayokong magpinsan lang tayo! We're not that!" 



Naramdaman ni Kyungsoo yung paghila sakanya ni Jongin. 



"Keep your hands off him." galit na sabi ni Jongin kay Suho. "Don't you dare, Kim Junmyeon." 



"And why?" galit na sagot ni Suho. "Dahil sayo na siya ha, Kai? Are you f*cking serious with that? Alam mo ba kung saan mo hinihila si Kyungsoo?"



"Mind your own business, Suho." malamig na sabi ni Jongin. 



"Gusto mo talagang ma-expel si Kyungsoo dito sa EXO-A?" tanong ni Suho. "Gusto mo siyang maghirap at mapahiya sa Daddy niya?!" 



"Suho naman." naiiyak na sabi ni Kyungsoo. "Please, don't do this."



"Kyungsoo, kung ako lang naman ang pipiliin mo, i can take you away from this place." sabi ni Suho saka tumingin kay Kyungsoo. Hinawakan niya ang kamay nito. "I can protect you from anyone. I can protect you even from your own family. Kyungsoo, just choose me--"



"Jongin!" sigaw ni Kyungsoo nang suntukin ulit ni Kai si Suho. 



"I SAID KEEP YOUR HANDS OFF HIM!" sigaw ni Jongin. Hinila siya ni Kyungsoo habang umiiyak na. "DON'T YOU DARE TOUCH KYUNGSOO AGAIN!"



"Jongin ano ba?!" iyak ni Kyungsoo. Niyakap niya ito ng mahigpit at ibinaon ang ulo sa dibdib nito. Pinigilan niya ito sa pagsugod muli kay Suho. "Please... Jongin..." umiiyak na pagmamaka-awa niya. 



Dahan-dahan na tumayo si Suho. Bibigyan niya sana ulit si Jongin ng suntok kung hindi lang nakaharang si Kyungsoo. Hindi niya ito kayang saktan. 



"Stop it." iyak ni Kyungsoo. "P-please, Jongin." 



Napahinga ng malalim si Suho saka humawak sa labi niya. "I'll stop today." sabi niya. "For Kyungsoo. But Kim Jongin, we're not done yet." at naglakad siya palabas ng building. 



Unti-unting nag-relax yung katawan ni Jongin at pagod siyang napatingin kay Kyungsoo. Umiiyak parin ito habang mahigpit na nakayakap sakanya. Niyakap niya ito pabalik at hinalikan ang tuktok ng ulo niya. 



"I'm sorry." bulong niya. "I'm sorry, Kyung." 








* * * * * 





Soooo... what now? :(


Thank you for reading everyone! Godbless and love you all~





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top