Plan 40
The story's rising.
* * * * *
~Do Kyungsoo~
Napangisi ako saka umiling.
Kawawa naman si Krystal. Hindi manlang siya napagbigyan ni Jongin. Pero paano naman niya makukuha si Jongin sakin? Eh alam ko namang ako lang ang mahal niya.
Psh.
Naglakad ako pabalik kina Jongin pero wala na sila sa pila. Mukhang nakasakay na sila sa mini roller coaster na yun. Pumunta nalang ako sa railings sa gilid at hinanap sila.
"Mama!" sigaw ni Asher sabay wave.
Ngumiti naman ako ng malaki saka nag-wave din sakanila. "Asher!" sigaw ko. Nilabas ko yung cellphone ko para kunan sila ng picture. Sabay naman silang nag-peace sign at wink. Grabe. Mag-ama ata talaga yung dalawang yun sa past life nila.
Nagsimula na yung ride at nakangiti lang ako habang pinapanood sila.
Kung hindi ko lang iisipin lahat ng pwedeng mangyari, iisipin kong para sa amin talaga si Asher. Iisipin kong pwedeng maging kami ni Jongin kung saan alam ng lahat, yung hindi namin tinatago. Pwede naming sabihin sa lahat na mahal namin ang isa't isa.
Nawala ang ngiti sa labi ko saka napabuntong hininga.
Andito ako para ipakita kay Daddy na kaya kong maging tagapag-mana niya.
Hindi para mainlove at mahanap yung lalakeng mamahalin ko ng sobra.
"Bakit parang ang lalim ng iniisip natin?"
Napalingon ako at nakita si Mommy na nakangiti, may hawak na cotton candy sa isang kamay. Nakasuot siya ng knee-length na floral skirt at white blouse. Meron pa siyang pink body bag at naka-messy bun. Grabe. Mukha siyang 18 years old.
"Ma." sabi ko saka ngumiti. "You're finally here."
Tumango siya saka sumandal sa railings. "Sabi ni Daddy mo, pupunta siya dito." sabi niya. "Your exam's results somehow made him happy. Congratulations, baby!" dagdag niya sabay subo ng cotton candy at halik sa pisngi ko.
"Thank you Mom." sabi ko saka ngumiti. Napatingin ako kina Jongin nang marinig ko silang mapasigaw ni Asher. Kahit ang daming sumisigaw, rinig na rinig ko parin yung boses nila. Napangiti ako nang hindi ko manlang namamalayan.
Sinundan ni Mommy yung tingin ko. "So... what were you thinking, honey?" tanong niya saka tumingin sakin. Tinaas niya yung isa niyang kilay.
Napakunot noo ako sakanya. "It's nothing serious."
"Kyungsoo, i'm your mother." sabi niya. "I took care of you since you're this small." sabay pakita ng pinky finger niya sakin. "You can tell me anything."
Tinignan ko siya saka ngumiti ng maliit. "It's Kai." bulong ko. "I... i don't think i could ever give him up." amin ko.
Tuwing iisipin kong malalaman ni Daddy yung tungkol sa amin, alam kong paglalayuin niya kami. Alam kong papipiliin niya ako kung siya o si Kim Jongin.
Kada naiisip ko yun, alam ko agad kung ano ang isasagot.
"I was thinking of that, too." amin naman ni Mommy. "Pero hindi ko na muna iniisip. Maaga pa naman para mamroblema. And Kyungsoo, i like Jongin. He's really kind and he respects you."
Tumalikod ako sa ride para sumandal sa railings. Napahinga ako ng malalim at tumingin sa malayo. Hindi ko din alam ang gagawin. Siguro nga masyadong pang maaga para isipin ang mga pwedeng mangyari.
"Mom, do you think Dad could accept this?" bulong ko. "Do you think... he'll accept me?"
Tinignan ako ni Mommy saka inabot yung kamay ko. "Kyungsoo, i am here." sabi niya. "I would always be here for you, sweetheart."
Hindi ako nagsalita. Hinawakan ko lang pabalik yung kamay ni Mommy.
"Mama~" sigaw ni Asher at patakbo siyang pumunta sa akin. Niyakap niya yung bewang ko saka natatawa siyang hinabol ni Jongin. Napahawak si Kai sa ralings habang nakapikit at nakahawak sa ulo niya.
"Anong nangyari sayo?" tanong ko kay Jongin saka hinawakan yung magkabila niyang pisngi. "Okay ka lang?"
Tumango si Jongin ng isang beses. Hinawakan niya yung kamay kong nasa mukha niya saka ngumiti ng maliit. "I'm fine, Kyung." sabi niya. Minulat niya yung mga mata niya saka natawa ng mahina. "Nahilo lang konti."
"Grabe Mama!" sigaw ni Asher sabay hila sa kamay ko. Napatingin naman ako sakanya. "Ganun! Tapos gumaganun-ganun, Mama!" describe niya with matching hand gestures pa.
Tumawa naman ako saka ginulo yung buhok niya. "Talaga?" tanong ko. "Gusto mo bang sumakay ulit diyan?"
"Opo!" masayang sabi niya. Tapos ay bigla siyang napatingin kay Mommy. Nanlaki yung mga mata niya saka dahan-dahang umatras papunta kay Jongin. Natakot ata siya sa nanay ko.
Napatingin ako kay Mommy at agad kong nalaman kung bakit natakot sakanya si Asher. Paano ba naman eh nakabukas yung bunganga niya habang nanlalaki yung mga matang nakatitig sa bata. Agad ko naman siyang tinapik pero nakatingin parin siya kay Asher.
"Ma." tawag ko. "Mama! You're scaring him!"
"Ma, andito ka na pala." sabi ni Jongin habang nakangiti. Kinarga niya si Asher at niyakap naman ni Asher yung leeg ng Papa niya daw.
"Oh my gosh." hindi makapaniwalang bulong ni Mommy. "K-kyungsoo... a-anong... p-pero kakakasal niyo palang..."
Napabuntong hininga ako saka tinignan si Mommy ng maigi. "Ma, Asher's not my child or Jongin's child, okay?" explain ko sakanya. At kahit medyo nalilito pa siya ay inexplain ko lahat ng nangyari at kung paano namin nakuha si Asher. Pati yung tungkol sa mama ni Asher ay kinwento ko na din.
"Asher." tawag ni Jongin sa batang karga niya. "Look at your Mama's mama." nakangiting sabi nito.
Dahan-dahan namang lumingon si Asher kay Mommy. Tinignan niya ito habang nanlalaki yung mga mata, hindi alam kung ano ba dapat ang gawin. Ngumiti naman ako saka pinisil yung pisngi niya.
"Anak, this is Mommy Fiona." pagpapakilala ko kay Mommy. "Siya yung Mama ko. Come on, say Hi." pag-eencourage ko sakanya.
Inangat naman ni Asher yung kamay niya at nag-wave ng maliit. "H-hello po." mahina niyang sabi. Tumingin siya kay Jongin na para bang tinatanong kung okay lang yung ginawa niya. Natawa naman si Kai saka hinalikan siya sa pisngi.
"OMG, you're so cute, Asher!" masayang sabi ni Mommy saka lumapit sakanya. Pinisil niya yung pisngi niya habang nakangiti ng malaki. "And you also look like my son-in-law!"
Dahan-dahang ngumiti si Asher kay Mommy.
"Call me Mamita, okay?" nakangiting sabi ni Mommy. "Not Lola! Huwag, please!"
Tumango si Asher at napatingin sa hawak-hawak ni Mommy na cotton candy. Tinuro niya ito saka tinapik yung pisngi ni Jongin. "Papa..." bulong niya kay Jongin. "Papa..." sabay turo doon sa cotton candy.
Tumawa si Mommy saka inabot kay Asher yung cotton candy. "You want some?" tanong niya. Agad naman na tumango si Asher habang nakangiti ng maliit. Inabot ni Mommy yung cotton candy at masaya itong kinuha ni Asher.
Biglang nag-vibrate yung cellphone ko.
From: Kim Jongdae
I need you and Jongin. ASAP. Classroom. Now.
Napakunot noo ako saka inabot kay Jongin yung cellphone. Tinaas naman niya yung dalawa niyang kilay. Buhat parin niya si Asher at kumakain sila ng cotton candy kasama na din si Mommy.
"Seems urgent." sabi ni Jongin sakin.
Tumango naman ako sakanya. "I guess so, too." mahina kong sabi. Napatingin ako kay Asher at kasalukuyan siyang tinatanong ni Mommy ng random questions tulad ng "ilang beses ka umihi sa gabi?", "anong favorite planet mo?","naniniwala ka ba sa aliens?", "kapag ba killer ako, gusto mo parin ako?".
I know. Weird.
"How about Asher?" tanong ko kay Jongin.
Napatingin naman sakin si Mommy sabay taas ng isang kamay. "Me~" pakantang sabi niya. "I can handle him!"
Tinignan ko naman ng masama si Mommy. "Ma, i know you! You can't--"
"Kyungsoo naman!" daing ni Mommy sabay hila sa braso ko. "Nanay mo ako! Ako nag-alaga sayo for how many years! I swear, i can take care of this cutie patootie furry ball of cuteness."
Napa-buntong hininga ako saka tumingin kay Jongin. Tinaasan ko siya ng kilay.
Ngumiti siya kay Mommy saka sakin. "I trust my mother-in-law." sabi niya.
"Kyaaah! Anak talaga kita, Jongin!" masayang sabi ni Mommy sabay kuha kay Asher mula sakanya. Dahil petite ang nanay ko, mukha siyang nahihirapan na buhatin si Asher. Pero alam kong nagy-gym siya kaya kayang-kaya niya yan!
Nagpaalam na kami kay Asher at mukhang hindi naman siya malulungkot sa kasama niya. Naglakad kami papunta sa building namin at nakasalubong pa namin sina Chanyeol at Baekhyun na pabalik na sa field. Nag-uusap sila habang nagtatawanan.
"Where's Chen?" tanong ni Jongin kay Chanyeol.
"Room natin." sagot naman ni Yeol.
Napatingin ako kay Baek at nahalatang namumugto yung mga mata niya. "Baek?" nag-aalalang tanong ko sakanya. "Are you alright? Umiyak ka no!"
Ngumiti naman siya ng maliit saka napa-shrug.
"What happened?" tanong ni Jongin kay Baekhyun. "Did someone..."
"No." singit ni Chanyeol saka napabuntong hininga. "But Dara somehow guessed that i am inlove with Baekhyun that's why i can't be with her again."
Nanlaki yung mga mata ko. "Umamin ka?" tanong ko kay Yeol.
"I was about to say YES!" sabi niya. "You know, I can't deny Baek!"
Napa-eye roll naman si Baek. "Pero syempre, sumingit ako." sabi niya. "I said, No. Na may girlfriend ako na iba and whatever."
Napabuntong hininga naman ako. Grabe. Akala ko nahuli na sila.
"Saan pala kayo pupunta?" tanong ni Jongin.
"We're going to check Jesper." nakangiting sagot ni Baekhyun. "Nasan pala si Asher? So that he could tell us the way."
"He's with Mom." sagot ko. "Andiyan lang sila."
Inakbayan naman ni Chanyeol si Baek. "Great. We'll go ahead then." sabi niya at naglakad na sila pabalik sa festival. Pinanood naman namin silang tatlo at naglakad na nga kami papunta sa building.
Kapapasok palang namin sa building nang isang lalake ang humila kay Jongin. Hinila niya ito sa kwelyo at sinuntok sa mukha.
"Jongin!" sigaw ko nang mapahiga siya sa sahig. Dumudugo yung ilong niya pero bumangon siya agad para suntukin yung lalake.
Napasinghap ako nang matama yung lalake sa pader dahil sa suntok ni Jongin.
"Suho?!"
Tinulak ni Suho si Jongin saka napahawak sa dumudugo niyang labi. "You know it's forbidden!" sigaw niya kay Jongin. "You really want to put Kyungsoo in danger?!"
"You don't know what you're saying!" sigaw ni Jongin pabalik sakanya, galit na galit.
"You selfish as*hole!" sigaw ni Suho. "Leave Kyungsoo alone!"
* * *
Thank you for reading everyone!
Godbless and love you all~ MUA!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top