Plan 39
Dedicated to @HandsomeDerp !!! :D Thank you so so much for all the support! Sana magustuhan mo itong NTP saka yung iba ko pang stories, kung may balak ka mang basahin yung iba. :))) Godbless and much love~
* * * * *
~Byun Baekhyun~
Tinignan ko lang si Asher habang may malaking ngiti sa labi. Sobrang cute niya talaga para sa isang bata. At ang hindi ko pa pwedeng makaligtaan ay yung fact na kamukhang-kamukha niya si Jongin. Kung hindi ko lang kilala tong si Kai, iisipin kong anak niya ito eh!
"Kasing cute mo ba siya?" tanong ni Chanyeol kay Asher.
Hindi naman sumagot yung bata at nagtago lang sa likod ni Kyungsoo. Bata lang ang cute maging clingy. Kapag matanda ka na at clingy ka parin, ibang usapan na yun. Wahahaha~
"Yeol, tignan natin yung kapatid niya mamaya." sabi ko naman sa super hot kong boyfriend. Tumayo na kaming dalawa mula sa pagkaka-upo sa harapan ni Asher at agad namang sumang-ayon sakin si Chanyeol.
Tumango naman si Jongin habang nakangiti. "That's a good idea." sabi niya sabay thumbs up.
Napakunot noo si Chanyeol saka takang tumingin kina Jongin. "After one week, ibabalik niyo na siya sa nanay niya, diba?" tanong niya. "Paano na yun?"
Umiwas naman ng tingin si Jongin. Si Kyungsoo naman, malungkot na tinignan si Asher. "We don't know yet." mahinang sabi ni Jongin saka pilit na ngumiti. "But for now, we'll enjoy the week."
Ayoko nang i-push yung tanong kasi mukhang malulungkot lang sila.
Kaya iniba ko nalang yung topic. Tatanungin ko nalang sana kung saan nila nabili yung t-shirts na suot nila nang may bigla akong maalala. Ito sana talaga yung tatanungin ko sakanila kung hindi lang naagaw ng cute na si Asher yung atensyon ko.
"Nakita niyo na pala yung pictures sa harapan ng Wedding Booth?" tanong ko habang may malaking ngiti sa labi.
Sabay na napakunot noo sina Jongin at Kyungsoo.
"What pictures?" tanong ni Kyungsoo sakin.
Tumingin naman ako kay Chanyeol. "Ano, pictures ng lahat ng kinasal doon." explain niya para sakin. Ang hirap kasi mag-explain kaya siya nalang. "Ipopost kasi lahat ng pictures tapos paramihan ng votes para sa cutest couple. 10,000 won per vote. Jongin, hindi mo ba natatandaan yun?"
Napatingin naman si Kyungsoo kay Jongin. "Kai... hindi mo ata nabanggit sakin yun?" tanong niya habang nakataas ang dalawang kilay.
Napakunot noo si Jongin ng ilang seconds, halatang nag-iisip. Tapos, bigla niyang hinawakan yung noo niya saka pinalo yun. "Oh shoot, i forgot!" sabi niya saka tumingin kay Kyungsoo. "I'm sorry, i forgot to tell you, Kyung!"
Tinignan lang siya ni Kyungsoo habang nanlalaki yung mga mata.
"Don't worry." singit ko saka pinalo yung balikat ni Kyungsoo. "Hindi naman kami nag-vote at mukhang may ibang couple na nangunguna."
Napatingin naman sakin si Kyungsoo saka kumunot noo. "Sino?"
"VKook!" masayang sabi ko. "Yung anak-anakan kong si V saka si Jungkook!"
"Pero yun ay dahil sakanila yung booth." singit ni Chanyeol saka napa-eye roll nalang. "Pero KaiSoo talaga eko eh. Sayang naman."
Sinundot ko naman siya sa tagiliran saka ko siya tinignan ng masama. Alam na nga niyang ayaw ni Kyungsoo eh! At saka ang totoo niyan, hindi talaga kami pumunta sa Wedding Booth kasi alam naming may ganito. Tanga lang si Jongin kasi nalimutan niya.
Naramdaman ko yung pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa ko at agad ko itong kinuha. May text pala si Chen at first time yun since kinuha niya yung number ko.
From: Cheekbones
Baek, punta ka nga dito sa room. Ipaparinig ko sayo yung song piece para mamayang gabi.
Tinignan ko naman si Chanyeol saka pinakita yung text ni Chen.
"Gusto mo bang samahan na kita?" tanong niya.
Umiling naman ako. "I'm fine." sagot ko saka ngumiti ng maliit. "Text nalang kita mamaya." tumango naman si Chanyeol saka matapos magpaalam, naglakad na ako paalis ng field at papunta sa buildings.
May variety show kasi mamayang gabi at kakanta ako kasama si Chen saka isa pang member. Hindi ko lang alam kung sino yung naisip niyang tawagin. Wala pa kasi akong maisip na isama sa number na yun.
Malapit na ako sa building nang may humawak sa braso ko, dahilan para mapatigil ako.
"Byun Baekhyun." malamig na sabi ni Dara habang nakahawak ng maigi sa braso ko. Hindi naman masakit pero ayaw niyang bumitaw. Nakahawak lang siya sakin saka nakatingin ng maigi. Napalunok ako saka pilit na ngumiti.
"Dara Park." sabi ko. Napansin kong namumugto yung mga mata niya saka namumula din yung pisngi niya. Umiwas siya ng tingin saka dahan-dahang binitawan yung braso ko.
Huminga siya ng malalim. "Si Chanyeol." simula niya at nakaramdam ako agad ng kaba. "Nasan siya?"
Umiwas ako ng tingin.
Ano bang gusto niya? Si Chanyeol parin ba hanggang ngayon? Pero diba, tapos na ang lahat sakanila? Hindi na siya mahal ni Yeol. Ako na yung gusto niya. Bakit naghahabol pa siya?
"Uh... Dara..."
"Ayaw ba niya akong makita?" tanong niya saka malungkot na tumingin sakin. "He doesn't want to talk to me, does he?"
Hindi ako sumagot. Tinignan ko lang siya, pakiramdam ko maiiyak na siya sa harapan ko.
"I've been calling him!" sabi niya at nagsimula na ngang umiyak. "I've been following him and sending him these long text messages! Pero bakit ganun, Baekhyun? Sabi niya, may mahal na daw siyang iba."
Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya. "D-dara... A-ano kasi..."
"Kilala mo ba?" tanong niya saka hinawakan yung braso ko. "Do you know his new girlfriend?"
Hala. Ano nang sasabihin ko?
Hindi ako girlfriend! Boyfriend ako!
Humikbi si Dara sa pinunasan yung mga luha niya. "Siguro sinabi niyang huwag kang magsalita." mahina niyang sabi saka tinignan ako ng maigi. "Pero Baekhyun! Maawa ka sakin! You're his best friend! Please tell me! Tell me who's the new girl!"
Hinila niya ng mas malakas yung braso ko at sinubukan kong hilain ito pabalik pero ayaw niya. Hinigpitan niya yung hawak niya sakin habang nagmamaka-awa na sabihin ko kung sino nga yung bagong babae ni Chanyeol.
Pero hindi pwede. Hindi ko pwedeng sabihin.
Hindi niya pwedeng malaman.
"Baek!"
Napataas yung tingin ko sa likod ni Dara. Nanlaki yung mga mata ko nang makita si Chanyeol, gulat na nakatingin saming dalawa. Napalingon si Dara at unti-unting lumuwag yung hawak niya sakin, na para bang nanghina siya.
"Chanyeol..."
Tumakbo samin palapit si Yeol at bigla niya akong hinila palayo kay Dara. Gulat parin ako at kinakabahan. Kung hindi siya dumating, baka nasabi ko na kay Dara yung mga bagay na hindi niya dapat malaman.
"Dara, what are you trying to do now?"
"I'm sorry, Chanyeol." malungkot na sabi ni Dara kay Yeol. "Did you read my texts? I need to explain why i broke up with you."
Umiling si Chanyeol saka tinulak ako sa likod niya, dahilan para hindi ko makita si Dara.
"Sandara, we're done." kalmadong sabi ni Chanyeol. "Akala ko ba malinaw na sayo yun?"
"The last time you talked to me, i didn't agree, right?" umiiyak na sabi ni Dara. "Chanyeol, pakinggan mo naman yung explanation ko! I need to let you go!"
Napahinga ng malalim si Chanyeol. "Dara, i know you just want what's best for me." sabi niya. "But we're done. I don't hate you, okay? I just... i just don't love you anymore."
"C-chanyeol..."
"I told you, may mahal na akong iba." dagdag pa ni Chanyeol saka tumalikod at hinila yung braso ko papunta sa building.
"Sino?!" sigaw ni Dara saka hinila yung isang braso ni Yeol. "Sino ha, Chanyeol?! Si Seohyun?! Si Hyeri?! SINO?!"
Tinignan lang siya ni Chanyeol. Pinilit kong tanggalin yung hawak ni Chanyeol sa braso ko pero hindi niya ako binitiwan. Hinawakan lang niya ako ng mas mahigpit.
Nagtinginan lang silang dalawa. Hindi sumasagot si Chanyeol. Tinignan lang siya pabalik ni Dara, hinahanap sa mga mata niya yung sagot.
At unti-unti, napatingin sakin si Dara.
Nanlaki yung mga mata niya saka napatakip ng bunganga.
"B-baekhyun... ikaw?"
* * *
~Do Kyungsoo~
Naglalakad palang kami papunta sa mini roller coaster para sa mga bata nang magsalita si Chanyeol sa tabi ko. Napakamot siya ng ulo niya saka umiling-iling.
"This is not right!" inis na sabi niya. "Susundan ko si Baek!"
Napakunot noo naman ako sakanya. "Sabi niya kaya na daw niya." sabi ko saka napa-irap.
Tinignan ako ni Chanyeol saka umiling. "Hindi." seryosong sabi niya. "Something's not right. I can feel it! I'll go ahead." at matapos nun ay patakbo siyang pumunta sa building kung saan pumunta si Baek.
"Uy Chanyeol!" sigaw ko.
Natawa naman si Jongin sa tabi ko. Buhat-buhat niya si Asher habang kumakain silang dalawa ng cotton candy mula sa iisang supot. "Let him be." sabi niya saka siya sinubuan ni Asher. Natawa naman ako saka pinunasan yung paligid ng bunganga ni Asher gamit yung panyo ko.
Nakapila na kami para sa tickets nang mag-vibrate din yung cellphone ko mula sa bulsa ko. Si Mommy pala ang nagtext.
From: Mommy
Kyungie baby, i checked EXO-A's website and the results of your exams are out! Congratulations! You're at number 1! I'm so proud of you! I love you so much!
PS: I'll be there in a while. MUA! xoxo!
Inulit-ulit kong basahin yung text ni Mommy. Nanlaki yung mga mata ko at masayang tumingin kay Jongin.
"Kai!" sabi ko saka hinila yung braso niya. "Look!" sabi ko saka pinakita yung text ni Mommy.
Natawa naman si Jongin saka akmang hahalikan na sana ako nang marealize niyang nasa isang public place kami. Agad naman niya akong niyakap ng mabilis gamit yung isa niyang braso habang natatawa.
"Congratulations!" masayang sabi niya. Sinabi din niya kay Asher yung pinabasa ko sakanya at agad namang napangiti ng malaki si Asher.
"Congratulations Mama~" kanta ni Asher saka hinila yung leeg ko para halikan ako sa pisngi. Niyakap ko naman siya pabalik nang mag-vibrate ulit yung cellphone ko.
From: Dad
Your Mom told me. Congratulations, son.
You made me proud.
Nanlaki yung mga mata ko at hindi ako nakapagsalita ng ilang seconds.
Matapos ay biglang nag-ring yung cellphone ko.
Dad calling...
"Jongin, tumatawag si Daddy!" halos hindi makapaniwala na sabi ko. "I need to take this call, excuse me." at bago pa siya sumagot, umalis na ako sa pila at pumunta sa likod ng isang booth kung saan wala masyadong dumadaan na tao.
"Dad?" medyo kinakabahan na sabi ko nang sagutin ko yung tawag.
"Kyungsoo." simula ni Daddy. "What will happen tonight? There?"
Napatingin ako sa paligid. "A variety show, Dad."
"Hm." sabi niya sa kabilang linya na para bang nag-iisip. "Okay."
"What do you mean by 'okay' Dad?" takang tanong ko.
"Expect me there." sabi niya. "See you, Kyungsoo." saka siya nag-hung up.
Halos hindi ako makapaniwala sa naging usapan namin ni Dad.
Ito yung first time na aattend siya sa kahit anong event sa school na pinapasukan ko. Ito din yung first time na tumawag siya sakin para sabihin na pupunta siya. At ito rin yung first time na sinabi niyang proud siya sakin.
Entering EXO-A somehow made a difference.
Binulsa ko na ulit yung cellphone ko at babalik na sana kina Kai nang may tumulak sa balikat ko. Lumingon ako at isang galit na galit na Krystal ang nakatingin sakin. Nanlilisik yung mga mata niya at para siyang kakain ng buhay ngayon palang.
"Krystal." inis na sabi ko saka umayos ng tayo.
"Do you really think i won't find out?!" galit na sabi niya. Lumapit siya sakin saka hinila yung braso ko. "You whore!"
Napatingin ako sa paligid at napabuntong hininga nang wala masyadong tao ang dumadaan sa paligid namin. Kung meron man, may napapatingin lang pero hindi nanonood.
"Do you really think you could hide, Do Kyungsoo?!" sabi niya saka tinignan ako sa mata. "Anong pinakain mo kay Jongin ha? Ano? Binigay mo yung sarili mo kaya ka niya nagustuhan?! Malandi ka!"
Tinulak ko siya saka hinila pabalik yung braso ko. "You know nothing." galit na sabi ko sakanya. "Stop accusing me!"
"Sigurado ka?" sabi niya saka tinignan ako ng mas masama. "I can see it! There's something between you and Jongin! I also saw your pictures at that f*cking Wedding Booth!"
"Stop it Krystal!" inis na sabi ko saka maglalakad na sana paalis pero pumunta siya sa harapan ko saka tinulak ako ng mas malakas.
"He doesn't look at anyone the way he looks at you!" sigaw niya sa mukha ko. "Bakit?! Bakit ikaw pa?!"
Hindi ko siya sinagot saka binigyan lang ng masamang tingin. Inayos ko yung suot kong t-shirt saka naglakad paalis. Pero hindi talaga siya tumitigil. Hinila niya yung braso ko palapit sakanya.
"Kayo ba?" tanong niya bigla. At hindi galit yung boses niya.
Malungkot. Sobrang lungkot.
"Krystal..."
"Kayo ba, Kyungsoo?" mahina niyang tanong. "Gusto mo din ba si Kai?"
Hindi ko siya tinignan saka dahan-dahang tinanggal yung pagkakahawak niya sakin. Binalik ko yung kamay niya sa tabi niya saka umiwas ng tingin.
"Krystal, please." mahina kong sabi.
"Do you like him back, Do Kyungsoo?" tanong niya ulit. At sa pagkakataon na yun, umiiyak na siya. Tumingin siya sakin, hindi galit yung mga mata niya. Pero nasasaktan siya, nakikita ko yun.
Umiwas ako ng tingin. "Don't ask me."
"If you like him," simula niya saka pinunasan yung mga luha niya. "I won't let you." tinignan ko siya at binigyan niya ako ng masamang tingin. "Hindi pa kayo diba? Diba?!"
"Krystal..."
"I won't let Jongin fall for you entirely." galit na sabi niya. "He's mine!"
Matapos nun ay naglakad siya palayo.
Napabuntong hininga nalang ako habang pinapanood siya paalis.
Paano naman yun?
Eh akin lang si Kim Jongin.
* * * * *
Ohaaaa. Hahaha. :D
Thank you for reading guys! Godbless and love you all~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top