Plan 38




Dami kong tawa dahil sa nasa MM. Mga 69. WAHAHAHAha~




* * * * * 





6:00 am...




~Kim Jongin~



Nagising ako dahil sa sunod-sunod na kurot at tapik ni Asher sa pisngi ko. Nang buksan ko yung mga mata ko, nakangiti siya ng malaki saka tinakpan yung bunganga ko para hindi ako makapagsalita. Napakunot noo naman ako pero tinuro niya si Kyungsoo at natawa ng mahina. 




"Mama." bulong niya. Tinignan ko naman si Kyungsoo at mahimbing palang yung tulog niya. Pero grabe. Kyungsoo is really cute when asleep. His lips are pouting a little bit and his cheeks are pinkish.


 


Tinuro ni Asher yung cellphone ko at agad kong na-gets yung ibig niyang sabihin. Kinuha ko ito at lumapit kay Kyungsoo. "Doon ka sa kabila." natatawang sabi ko kay Asher at lumipat siya sa tabi ni Kyungsoo. Nilapit namin yung mukha namin kay Kyung saka nag-picture ng ilang beses. Iba't ibang pose pa. 




Maya-maya, gumalaw-galaw na si Kyungsoo. Tumakbo si Asher sakin saka ko siya kinalong habang nakaharap kaming dalawa kay Kyung. Nang buksan na niya yung mga mata niya ngumiti siya saka napa-hikab. 




"Good morning Mama!" masayang sabi ni Asher kay Kyungsoo. Lumapit siya dito saka hinalikan sa pisngi. Sobrang sweet talaga ng batang to. Hindi ko alam kung paano siya nasasaktan nung masamang babae na nanay daw niya.




Umupo naman si Kyungsoo saka antok na tumingin samin. "Aga niyong nagising ah." nakangiting sabi niya. 




Nagtinginan naman kami ni Asher at sabay kaming natawa.





* * * 





Dahil walang damit na pamalit si Asher, naka-hoodie at shorts pa akong lumabas ng dorm para bumili ng damit niya. Nakasabay ko naman si Chanyeol sa elevator at nang tanungin ko kung saan siya pupunta, sabi niya magjo-jogging. 




"Eh saan ka ba pupunta?" tanong niya sakin. "Hindi ka pa ligo no?" 




"Hindi pa." sagot ko naman. "I'll buy clothes for Asher." 




Napakunot noo naman si Chanyeol sakin. "Asher?" takang tanong niya. "Sino yun?" 




"A kid." sagot ko at ngumiti sakanya. "We met him last night and we took him home. We met his mother and we can't give him back! She's a wreck." 




Nanlaki naman yung mga mata ni Chanyeol. Narating na namin yung ground floor at naglakad na kami palabas ng building. "Grabe." gulat na sabi ni Yeol. "May instant anak na kayo niyan." dagdag pa niya habang umiiling-iling. 




Natawa ako. "I know right?" sagot ko. "He's an amazing kid." 




"Gusto mo samahan na kitang bumili ng damit?" tanong ni Chanyeol saka nagtaas ng kilay. "Kwento mo sakin lahat ng nangyari kagabi." dagdag pa niya saka tumawa. Chismoso talaga to minsan eh.




Napatingin naman ako sakanya. "Fine." sagot ko at naglakad kami palabas ng school. Kinwento ko sakanya yung lahat ng nangyari kagabi magsimula noong nakita namin si Asher na kausap ni Manong guard hanggang kanina kung saan pinabili ako ni Kyungsoo ng damit. 




"Grabe." nakangiting sabi ni Chanyeol. "I can say you're both lucky. Ang daming may gustong magka-anak diyan. Tapos kayo, nakita niyo lang sa isang tabi." 




Tinignan ko naman si Chanyeol. "Well... may kapatid si Asher." sabi ko. "Do you want to see the child?" 




Napatingin naman sakin si Chanyeol saka tinaas yung dalawang kilay. "I'm not sure if Baek will like it." sagot niya saka ngumiti ng maliit. "Baka magselos lang yun. Saka sabi mo nga diba? May humiram doon sa kapatid niya." 




Tumango ako. "I'm not sure if i want to return Asher." sagot ko. "Sabi niya kay Kyungsoo, huwag na namin siyang ibalik." 




"Then don't." mabilis na sagot ni Yeol. "You both deserve him." 




Napasimangot naman ako at umiwas ng tingin. "Not now." mahina kong sabi. "We're still studying, you know?" Napa-isip naman si Chanyeol saka dahan-dahang tumango. 




Kung pwede lang talaga, hindi ko na ibabalik si Asher. Ayokong sa ganung klaseng tao siya lalaki. At saka paano kung masamang tao yung aampon sakanya? Paano kung hindi din siya mamahalin? Baka saktan pa siya o hindi pakainin. Paano naman yung bata? 




Napa-iling ako saka huminga ng malalim. I shouldn't think negatively. I know something nice will happen. I just need to enjoy my days with Asher for now. 




Nang marating namin ni Chanyeol yung isang clothes shop malapit sa school, bumili ako ng dalawang t-shirt, shorts at underwear. Bumili na din ako ng toothbrush ni Asher. Bumalik din ako sa dorm pagkatapos at si Chanyeol, nag-jogging na muna.




"Kyungsoo!" tawag ko nang makapasok na ako sa kwarto namin. "I already got some clothes!" 




"Ilagay mo nalang diyan Jongin!" sigaw naman ni Kyungsoo galing sa banyo. Pinapaliguan na siguro niya si Asher. "Paabot nga ng towel! Kuha ka sa cabinet ko! Thank you!" dagdag pa niya at agad ko namang sinunod yung sinabi niya. 




Binuksan ko yung pinto ng CR at pinapaliguan nga niya si Asher sa bath tub. Sinabit ko yung towel sa rack at pinanood sila. Binabasa ako ni Asher pero umiiwas lang ako habang tumatawa. Pinanood ko si Kyungsoo at napansin na parang alam na alam niya yung ginagawa niya.



"Kyung, do you take care of kids before?" tanong ko. 




Tumingin sakin saglit si Kyungsoo at kinuha yung shower para banlawan na si Asher. "I do." sagot niya. "Mom likes volunteering at certain orphanages. Sumasama ako at nag-aalaga kami ng mga bata ng ilang araw." 




Napangiti ako sa sinabi niya. "If... we'll adopt Asher, do you want it?" tanong ko. 




Tumingin sakin si Kyung saka ngumiti ng malaki. "Why not?" sagot niya. Tumingin siya kay Asher saka pinisil yung pisngi niya. "This little angel makes my day." 




Tumango ako saka kinuha yung towel mula sa rack. Inabot ko ito kay Kyungsoo at kinuha niya ito para punasan si Asher. Habang pinapanood ko sila, napapa-isip talaga ako. Pwede ko ba talagang i-adopt si Asher? Pero saan siya titira? Hindi siya pwede dito at siguradong magagalit sina Ate at Mommy. Paano naman yun diba?




"Jongin!" tawag ni Kyungsoo at nabalot na pala niya si Asher ng towel. "Nakatulala ka diyan." nakangiting sabi niya saka naglakad palabas ng banyo habang buhat-buhat si Asher. 




Ngumiti nalang ako saka umiling. "It's nothing." sagot ko. "Come on. We still have shopping to do." 






* * * 





"Ito nalang!" sabi ni Kyungsoo sabay lagay kay Asher nung cap na may Mickey Mouse ears. Binalik niya sa shelf yung pili kong wolf cap. 




"Masyadong pa-cute, Kyung." sabi ko naman saka tinanggal yung Mickey Mouse cap. "Cute na si Asher eh." 




Napa-pout naman si Kyungsoo saka kinuha yung cap. Binalik niya ito sa shelf saka tumingin-tingin sa paligid. Andito kami ngayon sa isang boutique na nagbebenta ng kung anu-anong gamit pambata. Andito na talaga lahat at sobrang laki din nung shop. 




"Pororo!" sigaw ni Asher at tumakbo sa isang shelf. Sinundan naman namin siya ni Kyungsoo at nagulat nang andun nga yung parang helmet ni Pororo the Little Penguin. Kinuha yun ni Asher at pinakita samin. "Ito nalang Mama, Papa~" 




Ngumiti naman si Kyungsoo saka kinuha yung cap at nag-thumbs up kay Asher. Nilagay niya yun sa basket na buhat ko at tuloy na nga kami sa pamimili. Bumili kami ng maraming shirts, pants, shorts at shoes. Pati caps at bag, bumili na rin kami. 




Para kaming isang one happy family na namamasyal sa mall. =3= 




"Papa! Tignan mo!" sigaw ni Asher at napatingin ako sa tinuturo niya. 




May naka-display na tatlong mannequin, nakasuot sila ng pare-parehong t-shirt at caps. Mickey Mouse ang theme at napangiti ako nang marealize na family outfit nga yun. Hinila ko naman si Kyungsoo na kasalukuyang tumitingin ng sapatos. 




"Kyungie, tignan mo." natatawang sabi ko saka tinuro yung display. 




Natawa si Kyungsoo. "Jongin, don't tell me bibili ka niyan!" sabi niya habang umiiling-iling. "That would be too family-ish."




"We ARE a family, Kyung." seryoso kong sabi saka tumingin kay Asher. "I don't think i can bring him back." dagdag ko saka binalik ang tingin sakanya.




Tinignan ako ni Kyungsoo at naging seryoso yung mukha niya. Napabuntong hininga siya saka hinawakan yung braso ko. "Jongin, you know this is a serious matter." mahina niyang sabi. Napatingin siya kay Asher na kasalukuyang masayang tinitignan yung display. "We're still studying and everything. We're too young." 




Umiwas ako ng tingin. "I know, Kyung." sagot ko. "But look at him. Can you bring him back?" 




Tumingin si Kyungsoo kay Asher at alam ko agad ang sagot. 




Ayaw naming ibalik siya. Matapos makita kung paano siya doon sa bahay na yun, pareho kaming gustong kunin nalang yung bata. Sobrang kawawa siya kung ipapaampon nalang siya kung kani-kanino lang diyan. 




"We still have 6 days." bulong ni Kyungsoo saka malungkot na tumingin sakin. 




Tumango ako saka pilit na ngumiti. "I know." 




Tinignan ni Kyungsoo yung family outfit. "It's cute." sabi niya at ngumiti ng malungkot. "Let's buy them." 




Bago bumalik sa EXO-A, sinuot namin yung family outfit at sobrang saya ni Asher. Buti nalang hindi feminine yung design ng kay Kyungsoo kung hindi baka pagkamalan siyang babae. 




"Picture!" sigaw ni Asher at nilabas ko nga agad yung cellphone ko. Nag-picture kaming tatlong at si Asher sa gitna, syempre. Nang tignan ko yung picture, napangiti ako.




"I'll make it my new wallpaper." nakangiting sabi ko saka ginawang wallpaper yung picture naming tatlo. Nagpicture din kami sa cellphone ni Kyungsoo at iyon din yung ginawa niyang wallpaper. 




Nang bumalik kami sa EXO-A, marami ang nakapansin samin lalo na't may kasama kaming bata. Pero basta may nagtatanong, sinasabi namin na part kami ng isang children's foundation at uniform yung suot namin. Trabaho din namin na mag-alaga ng isang bata mula sa foundation na yun. 




"Grabe." sabi ni Namjoon noong nakasalubong namin siya. "Swerte niyo naman. Ma-try nga din. Saang foundation ba yan?" 




Napatingin sakin si Kyungsoo. "Ah... kay Mommy." sagot niya. "Pero puno na kasi eh. Hindi na kailangan ng additional volunteers." 




Napasimangot naman si Namjoon. "Sayang naman." sabi niya saka tumingin kay Asher. "Enjoy the festival nalang Asher ah! Stay swag! Yeah~" dagdag pa niya saka naglakad palayo. 




Una naming pinuntahan yung Ferris Wheel, syempre. Kagabi pa gusto ni Asher doon eh. At talagang pinili namin yung red na cabin. Sigaw siya ng sigaw basta nasa taas na kami. Nakikita din namin kung gaano siya nag-eenjoy ngayong araw. 




Bumili kami ng ice cream at cotton candy. Medyo kinabahan din ako baka magka-diabetes si Asher pero minsan lang naman kaya hindi naman siguro. =3= 




Sumakay kami sa kung anu-anong rides, kung saan gusto ni Asher. Kahit yung mga napuntahan namin ni Kyungsoo, inulit namin kasi nga gusto nung bata. Makakatanggi ba naman kami? 




"Couple shirt?" tanong ni Baekhyun nung nakita niya kami. Pero nang mapapad ang tingin niya kay Asher, nanlaki ang mga mata niya. "Ay hindi. Family outfit, OMG. Ito pala yung bata!" 




"Siya pala yun, Jongin!" masayang sabi ni Chanyeol saka umupo sa harapan ni Asher. "Hello! I'm Kuya Chanyeol." pagpapakilala niya. 




"Ate-- este, Kuya Baek!" pagpapakilala ni Baekhyun. 




"Hello~" nakangiting sabi ni Asher habang kumakain sa ice cream niya. Tinignan niya si Chanyeol at Baek sa mukha saka nag-wave. Umatras siya pabalik sa gitna namin ni Kyungsoo saka humawak sa damit ko. 




"Grabe! Ang cute~" masayang sabi ni Baek. "Sana may ganyan din tayo, Yeol!" 




Nagkatinginan naman kami ni Chanyeol. Tinaas ko yung isang kilay ko na parang sinasabing, "Told you." at ngumiti naman si Chanyeol ng medyo awkward. 




Tumingin siya kay Baek. "You want one?" tanong niya. 




Tumango ng mabilis si Baekhyun habang nakatingin kay Asher. "Oo naman!" masayang sabi niya. "Asher, may kapatid ka daw sabi ni Kuya Chanyeol sakin kaninang umaga?" 




Tumango ng mabagal si Asher. "Meron po." mahinang sagot niya. 




"Younger brother?" tanong ni Baekhyun saka umupo na din sa harap ni Asher. "Or younger sister?" 




"Brother po." mahinang sagot parin ni Asher. "Pero... hindi kami pareho ng Papa." Tumingin siya kay Kyungsoo na para bang kinakabahan sa 'interrogation' nina Baek.




Nagkatinginan kami ni Kyungsoo. Grabe. Magka-iba pa pala ng Tatay si Asher saka yung kapatid niya. Grabe talaga yung Nanay nila. Sobra talaga. Ngumiti naman si Baek kay Asher saka inayos yung t-shirt niya. 




"Anong name niya?" tanong niya. 




Pilit na ngumiti si Asher ng maliit. "Jesper po."







* * * * *





IKR?! Hahaha.

Thank you for reading everyone! Godbless and much love!

MUA!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top