Plan 37
Dedicated to @MsTEAhunnie :) Thank you so so much for reading my stories! Godbless and i love you so dearly. MUA! xoxo~
* * * * *
~Do Kyungsoo~
"Asher, taga-saan ka?" tanong ni Jongin habang nakayakap parin sa leeg ko si Asher nga daw. Grabe ang cute-cute niya. Kung magkaka-anak ako, gusto ko ganito ka-pogi eh.
Napatingin naman sakanya yung bata. "Diyan lang po." sagot niya.
"Bata, uwi ka na." singit ni Manong guard habang pinapanood kaming tatlong. Tumingin siya kay Jongin saka tinaas yung receiver ng telepono sa may guard house. "Gusto niyo ba Sir, ipa-page ko kung sinong nakakawala ng anak doon sa may feild?"
Tumayo naman si Jongin saka binalik ang tingin kay Asher. Nag-isip muna siya ng ilang seconds bago tumango. "Sige Manong." sagot niya. "Pero for the mean time, kunin muna namin siya. Mukhang hindi mo rin naman siya mababantayan dito eh."
Tumango naman si Kuya Guard. Matapos nun, tumingin ako kay Asher saka ngumiti ng malaki. "Asher, gusto mo bang kumain?" tanong ko sakanya. "Kakain kami ni Kuya Kai mo."
Lumaki naman yung mga mata niya saka tumango-tango. "Opo Mama!" masayang sigaw niya. "Gusto ko! Gusto ko!"
Napalunok naman ako sa sinabi niya. "A-ano... h-hindi kasi talaga ako ang Mama mo, Asher." sabi ko habang dahan-dahang inaayos yung buhok niya. "Mukha ba akong babae?"
"Opo." sagot niya saka ngumiti. "Mama kita~ Sige na po~"
Napatingin naman ako kay Jongin. Nakangiti siya habang pilit na pinipigilan yung tawa. Inirapan ko naman siya saka binalik ang tingin ko kay Asher.
"Wala ka bang Mama?" tanong ko.
Napa-shrug lang si Asher bilang sagot.
Napakamot nalang ako ng ulo saka dahan-dahang tumango. "Osige." sagot ko naman. "Pero ngayon---"
"Yehey~" tawa niya saka pumunta kay Jongin para kunin yung kamay nito. "May parents na ako! Yehey! Woooooo~"
Tumayo naman ako saka kinuha nga ni Asher yung isa kong kamay. "Asher, anong gusto mong kainin?" tanong ni Jongin habang naglalakad na kami palabas ng school. Marami pang tao ang papasok-labas ng school at yung iba, napapatingin samin.
Jusko. Nasan kaya ang parents nitong batang to?
"Chicken!" sigaw niya habang may malaking ngiti sa labi.
Natawa naman si Jongin. "We're the same!" masayang sabi nito at nakipag-high five kay Asher. "Favorite mo ba yun? Ako kasi oo!"
"Opo, Papa!" sagot ni Asher. "Lalo na yung fried chicken! Sa umaga, tanghali at gabi!"
"AKO DIN!" tumatawang sabi ni Jongin. "Kahit walang gravy ah."
Tumango-tango naman si Asher. "Kahit walang gravy nga, Papa!"
Malapit na kami sa Chicken Mania ni Taemin nang magsalita ulit si Asher. "Papa, alam mo yung Pororo?" tanong niya. Jusko. Pororo talaga? Hindi pwedeng Prince of Tennis nalang?
Nanlaki yung mga mata ni Jongin. "Syempre!" sagot niya. "Favorite cartoon ko yun!"
"AKO DIN!" sigaw ni Asher tapos taas ng dalawang kamay kasabay ng kamay ko at ni Jongin. "Hinihintay ko yun tuwing sabado, Papa!"
Tumawa si Jongin. "Me, too." sagot niya.
Pumasok na kami sa restaurant ni Taemin at mukhang bentang-benta ang chicken niya ngayong araw. Panay ang lakad ng mga tauhan niya habang siya naman ay nasa counter, nagbibilang ng pera. Nang makita niya kami, agad siyang nag-wave at naglakad papunta sa amin.
"Jongin! Kyungsoo!" masayang sabi niya. "Buti nakabalik kayo!"
Tumango naman kami ni Jongin. "Gusto kasi namin ng chicken." sabi ko. "Meron pa ba? O baka naubusan na kayo?"
Napangiti naman si Taemin ng malaki. "Sus! Hindi mauubusan pag kayo no?" at saka siya napatingin kay Asher na pinapanood lang siya. "JUSKO JUGIGO! Sino tong batang to?! Wala pang isang taon, may anak na kayo agad?!"
Natawa naman ako. "This child wants to enter the festival." explain ko. "Pero wala siyang kasamang guardian so..."
Umupo naman si Taemin sa harapan ni Asher. "Hello! What's your name?"
"Asher po." mahinang sagot ni Asher. Tumingin siya sakin saka tinaas ang dalawang kamay. Ginalaw-galaw niya yung mga daliri niya na para bang nagpapabuhat. Dahil doon, agad ko naman siyang binuhat at yumakap siya sa leeg ko.
"He doesn't like you!" sabi ni Jongin at tinignan ng masama si Taemin. "He doesn't trust your face, Taemin."
Umirap naman si Taemin saka napa-pout. "Ang sama-sama mo Jongin ah!" sabi nito. "Umupo na nga kayo at babalik na ako sa trabaho ko!" at pagkasabi niya nun, naglakad na siya pabalik sa counter.
"We'll get the usual! Sa bucket ah!" sigaw naman ni Jongin sa papa-alis nang si Taemin at nag-thumbs up nalang yung isa.
Agad naman kaming nakahanap ng pwesto. Yung sa may corner at katabi ng bintana. Umupo si Asher sa tabi ko at sa harapan naman namin si Jongin. Kinuha ni Asher yung chicken figurine na nasa taas ng table at sinimulang laruin ito.
"Anak, ilang taon ka na?" tanong ko habang inaayos yung towel sa nakasukbit sa likod ng t-shirt niya. Agad naman siyang napatingin sakin saka ngumiti.
"Five!" proud na sabi nito saka tinaas yung isang kamay. Matapos ay kumamot siya sa noo niya. "Mama~ Ang kati!" reklamo niya sabay kamot sa noo. Inangat ko naman yung bangs niya kasi yun nga yung makati.
"Teka." sabi ni Jongin saka lumapit sa isang babae sa malapit na table. Humingi siya ng clip at pagbalik niya, inayos namin yung bangs ni Asher para hindi na napupunta sa noo niya.
Ngumiti si Jongin saka pinisil yung pisngi ni Asher. "So cute~" natutuwang sabi nito.
"Eh, nag-aaral ka ba?" tanong ko. Pinagpatuloy ni Asher yung paglalaro niya doon sa chicken figurine.
Dahan-dahan siyang umiling. "No, Mama." sagot niya. "Ayaw niya eh."
Napakunot noo ako. Sinong "niya"?
"Eh baby, taga saan ka ba kasi?" tanong ni Jongin.
"Diyan lang, Papa." sagot naman ni Asher saka ngumiti.
Nagkatinginan kami ni Jongin. Kumunot noo ako sakanya pero napa-shrug lang siya. Hindi namin alam kung taga saan ba tong batang to at mukhang ayaw din niyang sabihin. Saka sino ba mga magulang niya? Bakit parang ayaw niyang umuwi?
"Fried chicken~ Fried chicken~ Fried chicken~!" kanta ni Asher habang nilalaro yung chicken. "Yum yum yum~ La la la~"
Pinatong ko yung pisngi ko sa kamay ko habang pinapanood si Asher na kumanta-kanta mag-isa. Hinawakan ko yung buhok niya at hinaplos ito. "Gusto mong pumasok sa festival?" tanong ko sakanya.
Tumingin naman siya sakin saka tumango. "Opo, Mama. Pero ayaw nung matanda eh." sabi niya habang naka-pout. "May nakita ako. Color red. Gusto ko doon, Mama."
Napakunot noo ako. "Color red?"
"Yung umiikot!" describe ni Asher sabay ikot ng kamay niya.
"Ferris wheel!" natatawang sabi ni Jongin. "Gusto mo doon?"
Tumawa si Asher. "Opo, Papa! Gusto ko doon~"
"Magsasara na mamaya yung festival." sabi ko naman. "Bukas nalang, gusto mo ba yun?" tanong ko saka ngumiti ng malaki.
Agad naman na tumango si Asher. "Bukas Mama ah~" sabi niya sabay hila sa sleeve ng jacket ko. "Promise?"
"Promise." nakangiting sagot ko.
Maya-maya pa, dumating na yung order naming chicken at agad na kumuha sina Jongin at Asher. Halos sabay pa yung mga galaw nila. Pareho silang kumuha ng limang legs mula sa bucket. Sabay silang sumubo at ngumiti sa isa't isa.
Nanlalaki ang mga mata ko habang pinapanood ko sila. Ano to? Batang version ni Kim Jongin? Past na katauhan niya? Bat ang dami nilang similarities?! Saka bakit... BAKIT SILA MAGKAMUKHA?!
"Jongin, anak mo ba talaga to?" tanong ko habang kumakain si Asher.
Napatingin naman sakin si Jongin. "What?" tanong niya. "Of course not, Kyung! I don't have any ex and i don't do one-night-stands."
Tinignan ko ulit si Asher. "Well... he's like a younger version of you." sabi ko.
Tumawa naman si Jongin. "I know!" masayang sabi niya. "Isn't he cute?!"
"Very much." nakangiting sabi ko.
Pinatong naman ni Jongin yung ulo niya sa kamay niya saka tumingin sakin. "How about... me?" sabi niya at nag-smirk, yung parang nang-aasar na ewan.
Kinuha ko naman yung chicken leg sa bucket at dinikit sa bibig niya. "Kumain ka nalang." sabi ko habang natatawa. "Gutom lang yan."
"Come on~" sabi niya habang tumatawa. "Am i cute, too? Hm?"
Tinignan ko siya saka inirapan. "Hindi ka cute, huwag kang feeling." sabi ko. Kinuha ko naman yung tissue para punasan yung bibig ni Asher na walang tigil sa pagkain.
"Then what?" tanong ni Jongin.
Napa-shrug lang ako.
Kinuha ni Jongin yung cellphone niya. "Am i as cute as this?" tanong niya sabay harap sakin nung wallpaper niya. Nanlaki naman yung mga mata ko nang marecognize yung picture.
Yun yung picture ko habang natutulog noong nag-hiking kami. Sabi niya "It's cute watching you sleep" tapos kumuha nga talaga ng picture ang walang hiyang taong to!
Tinignan ko siya ng masama. "Grabe ka, Jongin." bulong ko habang kumakain. "Hindi ka cute kasi pogi ka! Kaya tumahimik ka na diyan at kumain nalang, okay?"
Tumawa naman si Jongin saka tumango-tango. "Gee, thanks." mapang-asar na sabi niya.
Mabilis na naubos nina Jongin at Asher yung pagkain nila. Grabe no? Parang isang buwan na hindi kumain. Grabe talaga. Ang takaw ng mag-amang yun.
Nang umalis na kami sa restaurant, nag-uuwian na din yung ibang guests mula sa festival.
"Asher, we need to take you home now." sabi ni Jongin kay Asher.
Napa-pout naman si Asher saka dahan-dahang tumango. Nalungkot naman ako kaya umupo ako sa harapan niya saka ngumiti. "Susunduin ka namin bukas." sabi ko saka pinisil yung pisngi niya. "Promise yun."
Tinignan ako ni Asher saka ngumiti.
Dinala kami ni Asher sa isang bahay malapit sa EXO Academy. Malaki yung bahay at maraming ilaw. Maganda din yung gate at may dalawang kotse ang nakaparada sa garahe. Mukhang mayaman yung mga nakatira doon.
Magdo-doorbell palang sana si Jongin nang isang galit na lalake ang lumabas mula sa main door papunta sa isang kotse. "I told you i don't need your sh*ts!" sigaw niya saka tumingin ulit sa bahay. "Get rid of them or i'll get rid of you!" saka siya sumakay sa kotse at nag-drive paalis.
Nagkatinginan kami ni Jongin.
"Gago!" sigaw ng isang babae mula sa loob. "At saan yun pupunta?! Sa ibang babae niya?! Tangina mo!"
Tinignan ko si Asher at mahigpit yung hawak niya sa kamay ko. "Mama..." bulong niya saka tumingin sakin. "A-ayoko--"
"Asher! Asher!"
Napagitla ako nang isang babae ang lumabas mula sa bahay. Galit na nakatingin siya samin. Nakasuot siya ng isang hanging na blouse at sobrang iksing shorts. Meron din siyang piercings sa pusod at tenga. May hawak siyang sigarilyo sa isang kamay at naka-stilettos pa habang papalapit samin.
"Saan ka galing bata ka?!" sigaw niya sabay duro kay Asher. "Alam mo bang umalis na yung mga aampon sayo kasi hindi ka namin mahanap?!"
Agad ko namang hinila palayo si Asher. "T-teka lang po." sabi ko. "Bat niyo ganyan kausapin yung bata?"
"Eh sino ka ba?!" sigaw ng babae sa akin. Amoy na amoy ko yung sigarilyo at alak sa hininga niya. "Para sa kaalaman mo, ako ang nanay ng batang yan kaya wala kang pakialam kung paano ko siya kausapin!" bigla niyang hinila yung braso ni Asher at umiiyak na lumayo siya sakin.
"Hey!" inis na sabi ni Jongin. "Nasasaktan siya, ano ba?"
"Hoy!" galit na sabi ng babae saka dinuro si Jongin. "Huwag kayong makialam dito ah. Malaki ang ibabayad sakin ng mga mag-aapon dito kay Asher! Kung wala kayong balak ampunin to, umalis na kayo!" Binigyan pa niya kami ng masamang tingin bago hinila si Asher pabalik sa bahay.
"Papa!" sigaw niya habang umiiyak. "Mama!" pilit siyang lumilingon samin pero panay ang hila sakanya nung babae. Noong lumingon siya ulit, sinampal siya nito ng malakas.
"Asher!" sigaw ko. Hindi tama yun! Hindi tamang saktan mo ng ganun yung sarili mong anak! Kahit pa sobrang kulit kunwari ni Asher, mali pa rin yun!
"Wait!" sigaw ni Jongin. "Ma'am wait!"
Lumingon samin yung babae saka tinignan kami ng masama. "Ano?" tanong niya sabay taas ng isang kilay.
"Can we... can we get Asher?" tanong niya at gulat akong napatingin sakanya. "One week! He'll stay with us for one week!"
"1 million won per day!" sabi nung babae saka gumiti siya ng maliit. "Kung wala kayong pera, sorry nalang kayo."
"Binebenta mo sarili mong anak?!" galit na sabi ko. "Tama ba naman yan?!"
"Nakita niyo yung lalake kanina?" tanong nung babae sabay turo sa daan kung saan umalis yung lalake. "Hindi niya ako pakakasalan kung hindi mawawala tong mga batang to! Kaya kailangan ko silang ibenta!"
"What the actual... f*ck?" hindi makapaniwalang bulong ni Jongin sa tabi ko.
"Pero... anak mo siya." sabi ko at napatingin kay Asher. Umiiyak siya habang hawak yung pisngi niya. Naramdaman kong maiiyak na din ako kaya tumingin ako kay Jongin, nagmamaka-awa na kunin nalang namin si Asher.
"Oo anak ko siya." sabi nung babae saka umirap. "Pero sa ibang lalake! Tignan niyo tong bahay! Hindi to magiging akin kung hindi ko pakakasalan si George! Kailangan mawala nina Asher at yung kapatid niya bago mangyari yun! Ano? Gets niyo na, ha?"
"Kapatid?" gulat na sabi ko. "Meron pang isa?"
"Oo, pero wala siya ngayon. May humiram." bored na sabi nung babae. "Ano, hihiramin niyo ba tong si Asher o hindi? ANO?!"
"We will!" sigaw ni Jongin saka nilabas yung wallet niya. Mabilis siyang kumuha ng check saka sinulat yung amount doon. Pinirmahan niya agad ito at inabot doon sa babae.
Habang hila-hila ay kinuha iyon ng nanay ni Asher saka ngumisi. "Nice." natatawang sabi niya. "Eto, kunin niyo na." sabi niya saka inabot sakin yung braso ni Asher. Agad ko siyang binuhat at niyakap, umiiyak niyang niyakap yung leeg ko ng sobrang higpit. Nanginginig pa siya dahil sa takot.
"One week." sabi nung babae. "Ibabalik niyo yan!"
Umirap si Jongin. "Or not." bulong niya at naglakad na kami pabalik sa school.
Mga ilang minutes din naming pinatahan si Asher nang makarating na kami sa dorm room namin ni Jongin. Buti na nga lang at kaibigan ni Jongin yung nasa counter kaya pinapasok si Asher.
"Remember the Ferris wheel?" tanong ni Jongin habang kalong-kalong niya si Asher. "We'll ride that, i promise you!"
Humihikbi parin si Asher. "P-promise?" iyak niya.
"Of course!" sabi ni Jongin habang pinupunasan yung mga luha niya.
Ngumiti naman si Asher habang pilit na pinipigilan yung pag-iyak niya. Noong matutulog na kami, gusto niyang katabi namin siyang dalawa kaya ang ginawa namin ni Jongin, nilagay namin sa sahig yung foam niya at foam ko para magkakatabi kaming tatlo.
"We'll shop for clothes tomorrow." sabi ko kay Asher nang nakahiga na kaming tatlo.
Ngumiti naman siya saka tumango. Niyakap niya yung bewang ko. "Mama, huwag niyo na akong ibalik." bulong niya saka tinaas ang tingin sakin. "Please?"
Tumingin sakin si Jongin at ganun din yung ginawa ko.
Hindi ko din alam ang isasagot.
* * * * *
Thank you for reading everyone! Godbless!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top