Plan 35




~Do Kyungsoo~




Syempre, sobrang dilim sa two-storey na horror house na pinasok namin. Magulat ka kapag maliwanag diba? Duh? Napatingin ako sa paligid habang hawak-hawak yung kamay ni Jongin. May naka-play na sound effects tulad ng sumisigaw na babae, mga kalabog, ungol ng mga lobo, umiiyak na bata at kung anu-ano pa. 



"Ang baho naman dito!" reklamo ni Baek habang magkahawak-kamay din sila ni Chanyeol. "Sobrang kinareer naman nila tong horror house!" 



Nasa parte kami ng sala ngayon habang may naglalakad na white lady. Hindi naman sila lumalapit, tumititig lang at pilit kang aabutin. Bawal kasi yung humawak. 



Nilabas ni Jongin yung panyo niya saka inabot sakin. "Takpan mo ilong mo." sabi niya. "Masyadong maalikabok." kinuha ko naman yung panyo saka tinakpan nga yung ilong ko. Maalikabok talaga. Ang dami pang sapot ng gagamba saka kung anu-ano. 



May nakita kaming kabaong na walang salamin at lumapit kami dito. Naaagnas na yung mukha nung multong nakahiga doon at nakadilat siya habang nakatingin samin. Napakunot noo ako. Parang kilala ko to ah. 



"Chen?" bulong ko. 



Agad naman na bumangon si Chen mula sa kabaong at natatawang tumingin saming apat. "Ayos ba make-up ko, ha?" tanong niya. "Ilang oras ko din tong pinagawa eh." 



Hinawakan naman ni Baekhyun yung mukha ni Chen. "In fairness." sagot niya. "Parang totoo nga. Pero hindi mo naman na kailangan eh. Mukha ka nang bangkay." 



Tinignan naman siya ng masama ni Chen. "Sobrang mean neto!" inis na sabi niya. "Bakit ba kayo lang andito? Bakit kaya wala pang pumapasok na iba?" 



Napa-shrugg naman si Chanyeol. "Aba. Ano namang inexpect mo sa mga SMA students? This would be the last place they will go." sabi niya at agad naman kaming nag-agree. 



"Sila palang ba ang meron?" inis na tanong ni Chen habang umiiling-iling. "Ang tagal naman ng ibang bisita! Open naman na yung EXO-A gates ah!" 



Napangiti si Jongin. "Patience is a virtue." pag-uulit niya sa sinabi ko kanina. Natawa naman ako ng mahina saka siya nag-wink sakin. Alam kong medyo inis pa siya kay Chen dahil sa ginawa niyang pagpapabihis pambabae sakin. Pero dahil "kasal" naman na kami ngayon, siguro nabawasan na yung inis niya. hehehe. =3= 



Tumayo si Chen sa kabaong at tumalon mula dito. "Break na muna kami." sabi niya saka nag-stretching. "Sakit na din likod ko kakahiga diyan sa kabaong na yan eh. Oy! Break muna!" sigaw niya sa lahat ng "multo" at naglabasan naman silang lahat mula sa mga lungga nila. Pati yung white lady sa sala ay nagtanggal na din ng wig. At omg, lalake din pala siya. 



"Let's go upstairs." tawag ni Jongin saka hinila yung kamay ko. Dahil mukhang walang balak umalis ni Krystal sa harapan ng horror house, doon na mula kami sa taas para magpalipas oras. 



Puro mga kwarto naman sa second floor nung horror house. Pumasok kami sa isang kwarto at nakita ang isang lalakeng nakahiga doon, duguan at may kutsilyo sa dibdib. Bumangon siya nang pumasok kami. Pero syempre, sinong matatakot diba? Eh halos kakilala namin mga nag-costume na multo dito. 



"Oy Hoseok, break daw muna sabi ni Chen." sabi ni Chanyeol saka tinulak siya mula sa kama. "Mamaya ka na dito. Alis!" 



Bumangon naman si Hoseok mula sa kama saka umirap samin. "Che!" inis na sabi niya. "Kaasar tong mga to! Hindi manlang natakot!" sabi pa niya saka naglakad na nga palabas nung kawarto. Natawa naman ako at pumunta para umupo sa isang stool. 



Humiga naman si Chanyeol doon sa kama at agad naman na tumabi sakanya si Baekhyun. May mga pulang pintura pa yung puting kumot pero buti nalang at tuyo na. Nagyakapan lang sila doon at naglandian na para bang wala kami ni Jongin sa harapan nila. 



"Kyungsoo." tawag ni Jongin at agad akong napatingin sakanya. Nakaupo siya sa isang malawak na sofa sa gilid ng kawarto. Medyo madumi ito at maraming punit pero mukhang ayos naman. Tumayo naman ako saka naglakad papunta sakanya. 



Tumabi ako sakanya saka siya niyakap. "I'm so tired." mahina kong sabi saka pumikit. Naramdaman ko naman yung halik niya sa ulo ko saka pagyakap niya sa bewang ko. 



"Do you want to sleep?" mahina niyang tanong. "You could sleep in my arms." 



Ngumiti naman ako saka niyakap siya ng mas mahigpit. "I would love to." bulong ko. "But i guess we'll have to leave soon. This horror house is still functioning, you know?" natatawa kong sabi. Iniangat ko naman yung ulo ko para tignan siya sa mukha. 



Naramdaman ko yung halik niya sa ilong ko. "Thank you for running away with me." sabi ni Jongin habang may nakakalokong ngiti sa labi. Ngumisi siya habang nakatingin sakin. 



"Anywhere." sagot ko naman na mas lalong nagpangiti sakanya. 



Dahan-dahan naman niyang binaba yung mukha niya para mahalikan ako sa labi. Hinawakan ko yung pisngi niya saka hinalikan siya pabalik. Hindi ko alam kung paano ako nahulog sakanya ng ganito. Hindi ko din alam kung bakit ayaw ko na siyang mawala. Mahirap i-explain. Pero sabi nga nila diba? Hindi mo kailangan ng dahilan para mahalin yung isang tao. 



Mararamdaman mo nalang. 



Mga dalawang oras din kaming nag-stay sa horror house na yun. Sumilip si Baekhyun sa maalikabok na bintana at nang makitang wala na si Krystal sa harapan ng horror house, napagdesisyunan naming umalis na din. 



Naglalakad lang kaming apat, tumitingin-tingin sa paligid nang may humila sa braso ni Jongin, dahilan para mapatigil din ako. Si Baekhyun at Chanyeol naman, tuloy lang sa paglalakad, hindi ata kami namalayan sa dami ng tao. 



"Do you really think you could outrun me?" tanong ni Krystal habang nakangisi. May kasama siyang dalawang babae at mukhang kaibigan niya. 



Napatingin sakin si Jongin at ganun din yung ginawa ko. Napa-shrug nalang ako kasi hindi din naman ako makaka-angal. Sino ba ako sa tingin ni Krystal? Roommate at kaibigan lang naman ako ni Jongin sa tingin ng ibang tao. 



"Krystal." simula ni Jongin at dahan-dahang hinila pabalik yung braso niya. "Why do you keep on grabbing me every time?" 



"And why do you keep on pushing me away?!" inis din naman na tanong ni Krystal saka hinila pa ng mas malapit si Jongin. Gusto ko siyang itulak palayo pero hindi tama yun kaya pinanood ko lang sila habang walang reaksyon sa mukha. 



Napabuntong hininga si Jongin saka tuluyan na ngang kumalas sa hawak ni Krystal. "You should enjoy the festival." sabi nito saka ngumiti ng maliit. "It's a week-long one and you should look around. Not run after me." 



Napa-pout naman siya saka napatingin sa paligid. "I want to enjoy this festival with you, Jongin!" sigaw niya. Naiinis siyang tumingin sakin pati na rin kay Jongin, walang pakialam kung mag eskandalo siya. 



Hinawakan ni Jongin yung magkabila niyang balikat. "Krystal, listen to me... You should--"



"You can't tell me what to do, okay?" inis na sabi ni Krystal saka bumitaw sa hawak ni Jongin sakanya. Kukunin sana ulit niya yung braso ni Jongin pero pinigilan siya nito. 



Hindi naman siguro lingid sa kaalaman nating lahat na may pagka-suplado tong Kim Jongin na ito, diba? Naalala niyong noong first days ko kasama siya?! Sobrang sungit niya ang sarap sungalngalin. Pero nagbago naman siya kahit papano kaya eto. hehehe. 



"Ano bang kailangan kong gawin para tigilan mo na ako?" inis na tanong ni Jongin habang nakatingin ng masama kay Krysta. "Ilang taon na, Krystal! When will you ever stop?" 



Sumama yung tingin ni Krystal kasi Jongin. "I'll stop the moment you'll love me back!" sigaw nito at may mga tao nang nakatingin samin. Napatingin ako sa paligid at dahan-dahang pumunta sa likod ni Jongin. Pati kasi ako parang papatayin na ni Krystal sa mga tingin niya. 



Napahawak si Jongin sa buhok niya. "Krystal... i can't love you, okay?" mahinang sabi nito. "I already told you that so many times before." tinignan niya ng maigi si Krystal sa mata bago napabuntong hininga. 



Hindi na sumagot si Krystal at sa tingin ko, maiiyak na siya. Namumuo na yung luha sa mga mata niya at pinilit niyang pigilan yun. Gusto ko siyang lapitan, pero anong sasabihin ko? Ang isa pa, alam kong susungitan lang din niya ako. Bakit kasi hindi nalang siya mag-move on kay Jongin. Sinasaktan lang niya sarili niya. 



Hinila ni Jongin yung kamay ko saka kami naglakad palayo. Lumingon ako kay Krystal at binigyan niya ako ng masamang tingin. Agad kong binalik ang tingin ko kay Jongin. 




* * * 




Kung saan-saan pa kami napadpad ni Jongin dahil hinanap pa namin sina Baekhyun at Chanyeol. Nakita naman namin silang pumipila para sa carousel. Nag-start nang dumating ang ibang bisita tulad ng mga family members ng mga taga-EXO Academy at University. Tinawag ko din si Mommy pero ewan ko kung makakapunta siya. 



"Wait here." biglang sabi ni Jongin habang kausap ko si Baek. Umalis siya saglit at nawala sa paningin ko kasi ang dami nang tao. Binalik ko naman yung tingin ko kay Baek at nag-usap lang kami tungkol sa nangyari kanina. 



Napa eye roll si Baek. "Duh? Si Krystal pa ba?" inis na sabi nito. "Ganun talaga yun. Masasanay ka nalang." 



Napa-tango ako. "Ang kinakatakot ko lang... baka malaman niya yung tungkol samin ni Jongin." mahina kong sabi. "Ayokong mawala dito sa EXO-A." 



Inakbayan naman ako ni Baek saka nilapit sakanya. "Ano ka ba?" nakangiting sabi niya. "Relax okay? Kaya mo yan! Saka si Jongin yan, ano ka ba? Alam niya kung ano ang ginagawa niya!" 



Maya-maya pa ay bumalik na si Jongin, at may hawak siyang isang malaking balloon. Inabot niya ito sakin kaya natawa ako ng mahina. "You know, it's really cute holding a balloon while riding the carousel." sabi niya sakin. "Brings back childhood." Tinali niya yung balloon sa wrist ko para hindi lumipad palayo. 



Natawa ko saka tinignan yung balloon. 



Simple things. And yet, it makes me smile. A lot. 



Sumakay ako sa isang puting kabayo na may red hair. Si Jongin naman, nasa tabi ko lang at nakasakay sa isang kabayo na gold ang buhok. Tawa lang kami nang tawa habang umiikot yung carousel kasi para kaming mga bata. Nasa harapan naman namin ang ChanBaek. 



"Race tayo!" sigaw ni Chanyeol sabay palo sa pwet ng kabayo niya. "Hi-ya!" sigaw niya na nagpatawa saming lahat. 



"Picture tayo, dali!" sabi naman ni Baek saka nilabas yung cellphone niya. Tinaas niya ito para makuha kaming lahat. "Okay. 1, 2, 3!" 



Naging sobrang saya yung pagsakay namin sa carousel at sa kung anu-ano pang rides. Balak sana naming sumakay din sa roller coaster pero huwag nalang kasi sa last day nalang ng festival yun. I-reserve nalang namin, kumbaga. 




* * * 




Kinagabihan, pumunta na kaming lahat sa hall para sa auction kasama yung mga outside guests and visitors. Sina Chanyeol at Baekhyun naman ang mga emcee ngayong gabi. Umupo kami ni Jongin sa bleachers sa pinaka taas para kita namin yung buong hall. Medyo malayo nga lang sa stage. 



"Bid for my jacket." bulong ni Jongin sa tabi ko. 



Tinignan ko naman siya saka nagtaas ng isang kilay. "Bakit?" tanong ko. "Hiningi ko nga para dito tapos kukunin ko din." 



Napa-pout naman si Jongin. "Come on." sabi niya saka hinawakan yung kamay ko ng mahigpit. "I want you to own it more than anyone else. I swear." 



Tinignan ko naman siya ng mga ilang seconds saka tumango. "Okay." sabi ko. "But i guess, alam ko na kung sino makaka-laban ko." At saka ako tumingin kay Krysta na naka-upo sa first row ng bleachers, kasama yung mga kaibigan niya. 





Maya-maya pa, nag-start na yung auction. Hindi na ako nagulat nang unang i-present yung leather jacket ni Jongin. Naka-suot ito sa isang puting male mannequin kung saan yung pang-itaas lang ang meron at nakapatong sa isang table. 



"Baek, alam mo ba kung kaninong jacket ito?" tanong ni Chanyeol kay Baekhyun. 



Kumunot noo si Baek. "Bakit, Chanyeol, kanino bang leather jacket ito?" 



Tumingin si Chanyeol sa audience saka sinimulang i-explain kung ano at kanino yung leather jacket na yun. "This leather jacket was made in Italy. It was personally ordered by the very famous Kim Jongin. Ginagamit niya ito during trips and when he do modeling and other stuffs. He used this for only five times and is really special. And guess what, Baek. Amoy Kim Jongin din itong jacket na ito!" 



Sa sinabi ni Chanyeol, sobrang lakas ng sigawan. Lalong-lalo na mula sa mga SMA students. 



Natawa si Baek. "So for Kim Jongin's leather jacket, the bidding starts now!" 



"500, 000!" sigaw ni Krystal habang nakataas ang isang kamay. 



Tinaas ko yung kamay ko. "1 mil--"



"1, 500, 000!" sigaw ng isang boses sa gilid ng hall. 



Sinundan ko ng tingin yung sumigaw at nanlaki yung mga mata ko sa gulat. Tumingin sakin yung babae at nag-wink sabay thumbs up. 



"Mom?!" 





* * * * * 



Ahahaha. Okay. :D 


Thank you for reading guys! Love you all~ 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top