Plan 33
~Do Kyungsoo~
Iniabot sakin ni Jongin yung ice cream na binili niya. Napatingin ako dito saka kinuha. "Thanks." nakangiting sabi ko at dinilaan yung tuktok. Strawberry at chocolate ang binili niyang flavor para sa aming dalawa.
"Where do you want to go?" tanong niya nang paalis na si Manong sorbetero.
Napa-shrug nalang ako. "Kahit saan." sagot ko saka kumagat sa ice cream na hawak ko. Sobrang laki naman kasi nung field. Kahit saan naman, may mapupuntahan ka diba? Napatingin si Jongin sa paligid at ituturo na sana yung carousel nang may tumawag samin.
"Kyungsoo!!! Jongin!!! MGA HYUNG~!!!"
Sabay kaming napatingin ni Kai sa isang Jungkook na kumakaway samin. Nasa likod niya si Taehyung na naka-headband ng parang antena ng alien. Ano nanaman bang trip ng dalawang sira ulong to?
Kinagulat ko nang mag-wave sakanila si Jongin at tinawag niya ako para puntahan sila. Nakatayo si Kookie at V sa loob ng isang booth. Mukhang ito yung binabantayan nila o... sila yung nagtayo nung booth. Puno ng puting kurtina yung tent nila. Merong maliit na table sa gitna at may isang upuan. Naka-upo doon si V habang may hawak na maraming bundles ng papel.
May makapal na kurtina sa likod na V na para bang may kwarto pa sa likod niya.
"Gusto niyo bang maging first customer ng aming booth?" masayang tanong ni V habang nagpapa-cute. Ano ba naman to? Pasalamat siya cute siya ah.
Napakunot noo naman ako. "Eh ano ba tong booth niyo?" tanong ko saka napatingin sa taas ng tent nila. Wala namang label, paano namin malalaman? Kaya siguro walang pumupuntang customers dito!
Lumabas naman si Jungkook saka sinilip yung taas ng tent. Napa-iling siya at napakamot ng ulo. "V! Akala ko ba nilagay mo na yung placard sa itaas?!" inis na sabi niya saka tumingin ng masama kay V.
"Hindi pa ba nalagay?!" gulat na sabi ni V saka napatingin sa paligid. "Sabi nung kaibigan ko, nilagay na niya eh." tumayo siya mula sa kinauupuan niya at kinuha yung isang mahabang placard mula sa sahig. Binuhat niya ito palabas at saka sinabit.
Lumabas kami ni Jongin para tignan yung pangalan ng booth nila.
Wedding Booth
Natawa si Jongin sa tabi ko. "Wedding booth?" natatawang sabi niya. "Seriously, guys?"
Tumango-tango naman si V saka ngumiti ng malaki samin. "Special ang wedding booth namin!" mayabang na sabi niya saka tinaas ang isang daliri. "Meron kaming free make over, free announcement, marriage certificate, white gold na wedding rings, at syempre free KISS!" mapang-asar na sabi niya saka tinaas-baba yung kilay.
Kahit medyo namula ay tinignan ko siya ng masama. "Wala pang mga babae, paano aarangkada tong wedding booth niyo?" tanong ko sakanya.
Napa-eye roll naman si V. "Duh?" inis na sabi niya. "Mamayang hapon pa yung mga guests. Kaya for now, boy x boy and marriages!" masayang sabi niya bigla saka pumalakpak.
Napasinghap naman ako sa sinabi niya. Unti-unti akong napatingin kay Jongin at meron lang siyang blangko na expression sa mukha. Nakatingin siya kina V at Kookie na para bang naghihintay na joke lang ang lahat ng sinabi nila. Seryoso ba sila sa sinasabi nila? Ha?
"What if... ayaw namin?" biglang tanong ni Jongin saka nagtaas ng isang kilay.
Napa-ngisi bigla si Jungkook at hinawakan yung braso ko. "Hindi na kayo makakawala." nakakatakot na sabi niya. "Sa oras na pumasok kayo sa tent, hindi kayo makakalabas ng hindi kasal." saka tumawa ng malakas habang nakatingin samin ng nakaka-loko.
Hinila ko pabalik yung braso ko. "Sira ulo ka ba?" tanong ko saka tinaasan siya ng isang kilay. "Kung anu-anong naiimbento niyong booth eh."
"Fund raising din ito no?" sabi ni V saka umirap sakin. "After niyong ikasal, syempre may donation kayong ibibigay. Pero syempre, hindi na donation yun kasi pipilitin talaga namin kayong mag-bigay!" mataray na sabi niya saka tinuro ang isang piggy bank sa ibabaw ng maliit na table.
Jusko jugigo. Ilang fund raising ba pa ang mapupuntahan ko?
Napataas naman yung isang kilay ni Jongin. "Saan naman mapupunta yung pera?" tanong niya. "I know you guys. Tell me where would the money go."
"Grabe ka Jongin!" sabi ni Jungkook. "Mabait kaya kami? Hello? Syempre sa chosen charity namin ni V. Sa isang mental hospital." sabi niya at nag-wink.
Tama. Tamang charity ang napili nila.
Biglang napabuntong hininga si Jongin at tumingin sakin. Ngumiti siya ng nakakaloko. Agad naman na bumilis yung tibok ng puso ko at ilang akong umiwas ng tingin. Pakiramdam ko, pulang-pula na yung mukha ko dahil sa mga titig niya. Walang hiya talaga, Jongin!
"So Kyungsoo..." simula niya kaya napatingin ako ulit sakanya.
"Hm?"
"Do you want to marry me?"
* * *
Kinamot ko yung likod ko at galit na tumingin kay Taehyung. "Bakit ako naka-gown?!" sigaw ko. Hinila ako ni V kanina doon sa may makapal na kurtina at tama ako, isang kwarto nga yun. Andito yung mga costumes na pang-kasal at nakangiti siyang nakatingin sakin ngayon, inaayos yung gown ko.
Punyemas.
"Eh ang pretty mo kaya, Kyungsoo!" masayang sabi niya. "Saka hindi ka naman nag-iisa. Bilang bride's maid ay mag go-gown din ako." sabay hila sa isang gown mula sa rack sa tabi ko.
Takot akong napatingin sakanya. BAKIT BA PARATI NALANG AKONG BINIBIHISAN NG PANG-BABAE?!
Maya-maya ay sumilip si Jungkook mula sa kurtina. Nakadamit siya ng pang-pari. "Ready na ba kayo?" nakangiting tanong niya. "Ako kasi, ready na ready na!"
Umirap ako. "Bakit ba ako naka-gown?" inis na tanong ko sakanya.
"Eh syempre, naka-tux si Jongin." sabi ni Kookie saka bumalik na sa labas. Inis na hinila ko yung wig sa ulo ko pero pinigilan ako ni Taehyung. Pinalo niya yung pwet ko saka binalik yung wig. Walang hiya naman. May pagka-manyak pa yata tong si V!
Maya-maya ay lumabas na si V, naka-gown ng color pink. Halos mahimatay ako sa lakas ng loob ng taong yun! Feel na feel pa talaga niya! Narinig ko ang mga tawanan sa labas, na para bang aliw na aliw sila sa itsura ni Taehyung. Parang umurong naman yung tiyan ko.
Lalabas na din sana ako nang mag-play sila ng music sa labas, at love song pa talaga.
"Let's all welcome... the bride."
Dahil doon, pakiramdam ko, masusuka ako. Hindi dahil tinawag nila akong bride (i don't give a damn, you know?) kundi dahil sa kaba. Pakiramdam ko, ang daming tao sa labas. Sigurado ako pagtatawanan ako ng mga ka-school namin. Baka malaman nila kung ano talaga ako.
"The bride~" pag-uulit ni Kookie.
Napa-eye roll naman ako at dahan-dahang hinawi yung kurtina. Tulad nga ng hinala ko, ang daming tao sa labas ng tent. Puro lalake at puro taga EXO-A. Akala ko, tatawanan nila ako.
Pero lahat sila, gulat lang na nakatingin sakin.
Para bang iba ako. Napahawak ako sa mukha ko at wig na nakasuot sakin. Meron pa akong puting flower crown sa ibabaw ng ulo. Mukha ba akong baliw dito?
"Wow." may narinig akong nagsabi.
Agad na hinanap ng mga mata ko si Jongin. Nakatayo siya sa tabi ng maliit na table ni Kookie, naka-damit ng isang puting tuxedo at coat. Ngumisi siya nang makita ako. Naka-ayos din yung buhok niya at nahihiya akong ngumiti sakanya.
Ay grabe. Ang gwapo.
Dahan-dahan siyang lumapit sakin. Nang nasa harap ko na siya, inabot niya yung kamay ko saka ngumiti. "You look... gorgeous." bulong niya. "As always."
Natawa ako. Isang kinakabahang tawa. Pinulupot ni Jongin yung kamay ko sa braso niya at naglakad kami papunta sa harapan ni Jungkook. Nakangiti si Kookie ng sobrang laki, mukhang proud na proud sa naging kalabasan ng booth nila.
Itinaas niya ang dalawang braso. "Narito tayo ngayon upang saksihan ang pag-iisang dibdib nina Kim Jongin at Do Kyungsoo." malakas na sabi niya. Nakatayo sa tabi niya si V habang nilalaro ang palda ng gown niya.
"Bago ako magsimula, meron bang tumututol sa kasalang ito?" tanong ni Kookie at nanlilisik ang mga matang tumingin sa paligid. Nang walang nagsalit, tumango siya at binalik ang tingin sa amin ni Jongin.
"Ikaw, Kim Jongin, tinatanggap mo ba ang sobrang cute at sobrang squishy na babae-- este, lalakeng ito upang iyong maging kabiyak, isa hirap at ginhawa hanggang sa pagtanda at pag-pangit ninyo? At syempre hanggang forever? Dahil #MayForever."
Natawa si Jongin. "Opo." sagot niya saka tumingin sakin at nag-wink. Agad naman na namula ang mukha ko at kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilin ang sarili ko sa pag-tawa dahil sa kilig.
"Ikaw naman, Do Kyungsoo, tinatanggap mo ba ang super duper hot na lalakeng ito upang iyong maging kabiyak, sa hirap at ginhawa, hanggang pumuti ang uwak at hanggang tigilan ni Baekhyun ang paglalagay ng eyeliner? In short, naniniwala ka ba sa forever?"
Humigpit ang hawak ko sa braso ni Jongin habang natatawa. "Opo." sagot ko. Tumingin ako kay Jongin at nakatingin din siya sakin habang may malaking ngiti sa labi.
"Heto." sabi ni Kookie at inabot samin ang dalawang singsing. "Alam kong kasya mga yan kasi ako talaga namili. Isuot niyo yan habang inuulit ang sasabihin ko, okay?"
Humarap naman kami ni Jongin sa isa't isa habang mahinang natatawa. Masaya din pala itong wedding booth nina Kookie at V eh. Ikakasal pa kami ni Jongin. May mas gaganda pa ba doon?
"Ikaw muna Jongin." sabi ni Kookie at ngumisi. "Ulitin mo tong mga sasabihin ko, ha? Game. Kyungsoo, my loves. Noong una palang, alam kong ikaw na talaga ang para sakin. Kahit pa nakakatakot yang mga mata mo, kahit na feeling ko minsan, hindi ka Korean kasi hindi ka naman singit, wala akong pakialam. Ang alam ko lang, loves na loves kita. Isuot mo tong singsing, bilang tanda ng pagmamahal ko sayo. At #MayForeverTalaga, Kyungsoo. Maniwala ka."
Natatawang sumunod naman si Jongin sa lahat ng sinabi ni Kookie habang nilalagay niya yung singsing. Tumatawa nalang ako habang umiiling-iling at ganun din yung mga tao sa paligid namin.
"Ikaw, Kyungsoo!" sabi ni Kookie. "Your turn, okay?"
Tumango ako saka inabot yung kamay ni Kai.
"Kim Jongin," simula ni Kookie at inulit ko naman. "Alam kong isa ka sa pinaka-cold blooded amphibian sa balat ng lupa. Alam ko din na iniisip ng iba na nasunog ka sa loob ng tiyan ng Mommy mo. Pero walang makakapigil sakin sa pagpapakita at pagpaparamdam kung gaano kita kamahal. Isuot mo itong singsing, bilang tanda ng habang-buhay kong pagmamahal. Dahil #OoMayForeverTayongDalawa."
Ngumiti ako ng sobrang laki kay Jongin at ganun din yung ginawa niya. Natatawa niyang hinawi yung bangs ng wig mula sa noo ko at saka siya napabuntong hininga, tumitig lang siya sa mukha ko hanggang sa pakiramdam ko, nag-iinit nanaman yung balat ko dahil sakanya.
"And now i pronounce you husband and wife-- este, husband!" masayang sabi ni Jungkook at kasunod nun ang palakpakan mula sa paligid namin. "You may now kiss each other!" dagdag pa niya na lalong nagpa-ingay sa paligid.
Inabot ni Jongin yung mukha ko at ngumisi. "You want this?" mahina niyang sabi saka unti-unting nilapit yung mukha niya. Umatras naman ako at nanlalaki ang mga matang tumingin sakanya.
Hahalikan ba talaga niya ako?!
Natawa pa si Jongin pero nang akala kong hahalikan niya ako sa labi, bigla siyang umiwas ng tingin at hinalikan ako sa pisngi. Mabilis lang yung halik niya pero pakiramdam ko, nanghina yung mga tuhod ko. Pinulupot naman niya ang braso niya sa bewang ko saka hinila ako ng mas malapit.
Naghiyawan naman ang mga tao sa paligid namin at saka lang ako nakahinga ng maluwag.
Maya-maya pa, marami nang gustong magrequest ng wedding. Maraming estudyante ang lumapit kina Taehyung at Jungkook para mag-request. Naglakad kami ni Jongin papunta sa kwarto sa likod para magpalit ng damit. Pero nang maalis ko na yung wig na suot ko ay naramdaman ko ang paghila ni Jongin sa bewang ko para humarap sakanya.
Hinalikan niya ako sa labi at agad akong tumugon.
Unti-unti niya akong tinulak sa isang sulok, kung saan natatakpan kami ng mga racks ng damit. Umupo siya sa isang upuan at pinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya habang patuloy lang sa paghalik. Umupo ako sa hita niya at naramdaman ko ang pagtaas niya sa gown na suot ko para haplusin yung hita ko.
Maya-maya pa, narinig namin ang pagtawag samin nina Taehyung at Kookie.
Hingal kaming lumayo sa isa't isa at nagsimulang magbihis. Nakangisi lang si Jongin habang pinapanood akong maghubad at magsuot ng damit sa harapan niya.
Siguro nga, wala na akong kailangang itago mula sa kanya.
* * * * *
WAAAAAHHH~ okay. hahaha.
Thank you for reading!!! haha. :D Godbless!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top