Plan 23

Dedicated to @exo_is_one12 !!!

 

Thank you so so much for reading NTP! I really hope you feel the kilig and have fun reading this fic! Loveyou and Godbless! :)

 

 

* * * * *

 

 

~Do Kyungsoo~

 

 

"Basta balik kayo soon ah!" masayang sabi ni Taemin nang hinatid niya kami sa labas ng resto niya. Tumango naman ako at ganun din ang ginawa ni Jongin.

Pinat ni Taemin ang balikat ni Jongin habang natatawa. "Jongin." sabi niya. "Iba ka na talaga. Haay." umiling pa siya sabay ngisi.

Inirapan naman siya ni Jongin saka hinawakan yung kamay ko. "We'll come back soon." sabi niya. "Thanks Taemin. Again."

 

 

Taemin rolled his eyes. "Yeah right." he scoffed. "Basta sa susunod na pagpunta mo dito, isama mo si Kyungsoo ah! Dapat meron siya!"

Natawa naman ako saka tumango. "Sure Taemin." sagot ko habang natatawa. "Your fried chicken here is my new favorite." nag-thumbs pa ako na kinangiti niya ng mas malaki.

"Awww Kyungsoo!" Taemin shrieked and opened his arms for a hug. "You're such a cutie! That's why i like you so much!!!"

Bago pa makalapit sakin si Taemin, tinakpan na ni Jongin ang mukha niya saka siya tinulak palayo. "Oh oh!" inis na sabi niya. "Ano sa tingin mo ginagawa mo ha?"

 

 

Inirapan naman siya ni Taemin saka tumingin sakin. "Super squishy niya kaya, Kim Jongin!" sigaw niya sabay turo sakin. "Yayakapin ko siya buong araw kung pwede lang eh." dagdag pa niya sabay pout.

"Now you sound like a total pervert, Taemin." sabi ni Kai sabay tingin sakanya ng masama. "I think i really need to protect Kyungsoo from guys like you from now on."

 

 

Napasimangot naman si Taemin sabay ayos ng tayo. "Hala sige." inis na sabi niya. "Humayo kayo at magparami.. este.. mag-aral." ngumiti siya ulit sabay wink.

* *

 

 

Naglakad kami ni Jongin papunta sa locker rooms para magpalit ng damit. Inilabas ko na yung uniform ko at maghuhubad na sana nang mapatingin ako kay Jongin. Naka-topless na siya at magsusuot palang ng sando.

So ayun nanaman yung pakiramdam ko noong una ko siyang nakitang nakahubad. Sinikap kong iiwas yung paningin ko pero hindi ko magawa.

Naiinitan na din ako at ginamit ko yung uniform ko para punasan ang pawis na galing sa noo ko. Napahinga ako ng malalim saka dahan-dahan na umiling. Hindi ko talaga akalain na... inlove sakin tong lalakeng to.

Nahulog ni Jongin yung wallet niya at saka lang ako bumalik sa katinuan. Agad akong tumalikod sakanya saka tinanggal na din yung suot kong t-shirt. Pinunas ko ito sa katawan ko saka ko narinig na may mga pumasok na pala sa locker room.

"Oy Kyungsoo!" masayang sabi ng isa namin classmate. "Jongin!" naglakad si Drake papunta sa locker niya at kasama niya yung dalawa pa niyang barkada.

Tumango naman ako saka nag-wave. Inayos ko na yung t-shirt na hawak ko at ilalagay na sana sa locker nang mag kumalabit sa bewang ko. Nanlaki ang mga mata ko nang maalalang wala pa akong suot na pang-itaas.

"Wow." gulat na sabi ni Jonathan, kaibigan ni Drake. "Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kaputi ni kutis, Kyungsoo."

Agad naman akong umatras saka hinila yung sando ko mula sa bench. "U-uh.. ganun ba?" ilang na sabi ko.

Sinusuot ko palang yung sando ko nang hawakan ulit ni Jonathan yung bewang ko. "And to think that you're so slender." nakangising sabi niya. "Nice body you got there, Kyungsoo. So cute."

 

 

Napatingin naman ako kina Drake pero umiiling lang sila habang natatawa. Nagpapalit sila ng damit habang tong kaibigan nila, pinagti-tripan ata ako.

Tinanggan ko naman yung kamay ni Jonathan saka tuluyan na ngang nagdamit. "Doon ka nga." inis na sabi ko saka nagsimulang mag-uniform. "Kung ano-anong napapansin mo."

Natawa si Jonathan saka tinignan ako mula ulo hanggang paa."You know i'm straight, Kyung." sabi niya saka ngumisi ulit. "But i don't mind getting laid if it'll be with you."

Pinilit kong tumawa sa sinabi niya pero nagmukha lang akong kinakabahan. Nanginginig ako habang binubutones yung uniform ko at nagulat ako nang isang lakas na ingay ang narinig ko mula sa locker sa likod ko.

Lumingon ako at nakita si Jonathan, hawak yung mukha niya habang may dugong lumalabas mula sa ilong niya.

"What the f*ck, Jongin?!" sigaw niya. Pero mas mukha siyang takot kesa galit. "W-what was that for?!"

Tinignan lang siya ni Jongin habang seryoso ang mukha. "I was just practicing." tipid na sagot niya. "I think your face is a good punching bag."

Dahan-dahan na tumayo si Jonathan at umiling. "What?!" sigaw niya. "Ano bang problema mo?"

 

 

Lumapit sakanya ni Jongin saka napa-kunot noo. Sobrang sama ng tingin niya habang nakatitig sa mga mata ni Jonathan. Pati ako, natatakot na din sa aura niya ngayon. Kinuha ko na yung bag ko mula sa sahig nang marinig ko siyang magsalita ulit.

"Just leave Do Kyungsoo alone." he said through gritted teeth.

Napasinghap ako nang hilain niya ako palabas ng locker room. Mabilis kaming naglakad paalis mula sa lugar na yun at hindi ko siya makausap kasi pakiramdam ko, galit na galit siya.

Maya-maya, bigla siyang tumigil at binitawan ako. Sumandal siya sa isang wall at hinawakan yung noo niya habang nakapikit. Huminga siya ng malalim saka tumingin sakin. He gave a small smile.

"Don't go in there again." sabi niya. "Not when i'm around."

 

 

Napashrugg ako. "It's... the locker room, Jongin." sagot ko. "Andun lahat ng pamalit na damit ko."

 

 

"Edi dadalhan nalang kita ng bagong damit parati para hindi ka na pupunta doon." sabi niya saka tinignan ako ng seryoso.

I rolled my eyes. "I was not about to get raped." i muttered under my breath.

Tinignan ako ni Jongin ng masama. "You didn't see yourself." he whispered. Napatingin ako sakanya habang nakakunot noo.

"What?" tanong ko.

Umiwas siya ng tingin. "You didn't see yourself a while ago so... you don't know what you're talking about, Kyungsoo." mahina niyang sabi. Napa-iling siya na para bang may kinakalimutan siyang memory.

Mas lalo akong nagtaka sa sinabi niya. "What the hell are you talking about, Jongin?" tanong ko ulit.

"I can't blame Jonathan if he said those things." sabi niya saka nakakunot noo na tumingin ulit sakin. Jongin looked down up to my collar bone and swallowed. Lumapit siya sakin saka hinawakan yung collar ng uniform ko.

Bigla niyang tinanggal yung isang butones ng uniform ko. "Jongin." i gasped and looked around. Ano bang iniisip ng taong to?!

"Don't move." bulong niya at dahan-dahang tinanggal yung mga butones ng uniform ko. Itutulak ko na sana siya palayo ng ibutones niya ulit isa-isa ang mga yun.

"Ano—"

 

 

"You buttoned them wrong." sabi niya saka umiling. "I think you're so nervous a while ago that you didn't notice your uniform."

Matapos niyang ayusin yung uniform ko, ngumiti siya saka ginulo yung buhok ko. "I'll take care of you, don't worry." sabi niya. "Just... stay by my side, okay?"

I smiled and nodded at him.

Pagkarating namin sa room, nakita ko si Baek na naka-upo sa pwesto niya. Nakadungaw siya sa bintana habang problemado ang mukha. Agad naman akong lumapit sakanya.

"Baek!" sigaw ko sa tenga niya. "Welcome back!"

"ANO BA?!" sigaw niya sabay tulak sa mukha ko. Inirapan niya ako at tinuloy ang pagda-drama niya sa bintana.

Tumabi ako sakanya saka tinapik yung balikat niya. "B-baek?" bulong ko. "M-may problema ba?"

Tinignan niya ako saglit pero hindi naman sumagot. Napabuntong hininga siya at tinuloy ang pagtingin sa labas ng bintana. Sinundan ko ang tingin niya pero wala naman akong nakitang importanteng bagay sa labas.

Hinawakan ko yung kamay niya. "B-baek..." mahina kong sabi. "B-buntis ka?"

Sa pagkakataong iyon, lumingon siya sakin saka tinignan ako ng masama. "Gago ka ba, Kyungsoo?!" sigaw niya. "Hindi ako buntis, walang hiya ka."

"Eh anong problema mo?! Para ka namang hindi makabayad ng utang diyan sa itsura mo!" sigaw ko pabalik sakanya.

Umirap siya saka napa-pout. "Si Chanyeol kasi... may sakit." mahina niyang sabi. "Nakakalungkot lang."

Nilingon ko si Jongin at wala nga si Chanyeol na katabi niya.

"Ikaw lang ang may sakit noon ah." sabi ko. "Nahawa siya agad?"

Tumango-tango si Baekhyun bilang sagot. "Tigas kasi ng ulo ng dobby na yun eh." dahilan ni Baek at napatingin sa blackboard. "Ayan tuloy... mag-isa lang ako."

Tinaas ko ang dalawa kong kilay. "OA." bulong ko saka umiling-iling. "Para namang mamamatay na yun. Eh lagnat lang naman ata."

Tinignan ako ni Baek habang nanlilisik ang mga mata. "Hindi mo maiintindihan!" inis na sabi niya. "Wala ka kasing lovelife." umirap pa siya saka dumungaw sa bintana. Kung hindi lang to may topak, sasabihin kong ang cute niya habang naka-pout.

"Ha. Ha. Ha." sagot ko saka umirap. "You never know."

Nilingon ako ni Baekhyun saka umirap. "Bakit... may lovelife ka ba?" tanong niya sabay taas ng isang kilay.

"Secret." sagot ko saka tumingin ng diretso sa blackboard. Hindi ko siya tinignan hanggang sa hilain niya ng malakas yung sleeve ng uniform ko.

"Yung totoo nga!" bulong niya habang nagniningning ang mga mata. "Sino Kyungsoo?!"

Tinignan ko siya ng masama. "Baek... ang kulit mo." inis na sabi ko. Pero natatawa na talaga ako sa mukha niya ngayon.

"Iiiihhhh!!!" reklamo niya. "Sabihin mo na kasi!"

Tumawa ako ng malakas saka tinuro yung mukha niya. "Baek!" tawa ko. "Mukha kang tanga! Hahahahaha!"

Umirap siya saka lumingon sa likod ko. Bumalik ang tingin niya sakin saka sa likod ko ulit. Unti-unti ay napangisi siya. Yung ngisi ni Baekhyun... nakakatakot sa totoo lang.

"Kim Jongin?" bulong niya at nilapit ang mukha niya sakin.

Umatras naman ako saka natawa ulit. "Paano mo nasabi?" tanong ko habang natatawa parin. Pinunasan ko yung mata ko dahil naiiyak na ako sa kakatawa.

"Eh kung makatingin sa atin ngayon, parang kakainin na ako ng buhay." sagot niya saka umiling. "Duh. As if naman type ko mga kagaya mo no?"

 

 

Pinalo ko siya sa braso. "Grabe ka Baek!" inis na sabi ko. "Para namang type din kita!"

"Ayun na nga." sagot niya saka umirap ulit. "Kyungsoo... Jongin... Kyungsoo... Kai..." bulong ni Baek habang nakatingin sa kisame.

"Ano?" takang tanong ko sakanya.

"Kai... Kyung... Jongin... Soo..." bulong niya habang nakakunot noo. "Kyung... Jongin... Kai... Soo..."

"Ha?"

"KaiSoo!" sigaw niya saka tumingin sakin. "KaiSoo!" tumawa siya ng malakas saka tumango-tango sa sarili. Pinalo pa niya ako sa balikat sabay tawa ulit.

Inirapan ko siya. "Baekhyun talaga."

"Cutieeeee." he squealed. "KaiSoo. I ship KaiSoo!"

Pinalo ko siya sa likod saka tinakpan yung bibig niya. "ANO KA BA?!" sigaw ko. Buti nalang maingay sa loob ng room at walang nakikinig sa amin. "Para kang tanga alam mo ba yun?!"

Tinanggal ni Baek yung kamay ko. "Ang cute kaya ng ship name niyo! KaiSoo!" sigaw pa niya. "Pwedeng isali sa contest!"

Napakunot noo ako. "Anong contest?!"

 

 

Ngumisi si Baek. "Sa susunod mo na malalaman yun." sabi niya saka nag-thumbs up. "So... kumusta? Nag capital-Y na ba kayo?"

Mas lalo akong napakunot noo. "Anong... capital Y?" tanong ko. Agad naman na tinakpan ni Baek yung bunganga ko at tumingin-tingin sa paligid.

"Shhh!" angal niya saka ako binitawan. "Ingay mo naman!"

"Eh... ano nga yun?" bulong ko.

Ngumisi siya ulit at saktong pumasok na yung prof namin. "Tanungin mo nalang si Jongin." sabi niya saka nag-wink.

Kahit na takang-taka, napa-shrugg nalang ako. Tatanungin ko nalang si Jongin.

* * * * *

 

 

Good night fellas! Thank you for reading!

 

Goodluck sa mga magfi-first day of classes na bukas! Godbless and enjoy the school year! Yieh~

exo_

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top