Plan 2




~Do Kyungsoo~




Sobrang cold ni Kim Jongin.



Hindi ko alam kung anong problema niya pero SOBRANG cold niya. Pagka-alis nina Baekhyun, hindi manlang niya ako tinulungan sa mga gamit ko. Hinayaan lang niya akong pumasok at umikot-ikot sa loob ng dorm room namin na parang tanga. Bumalik siya sa desk niya at tinuloy ang ginagawa.



Hello? May kasama ka dito! Yoohoo! Walang hiya talaga.



"Um--"



"Take the upper bunk." bigla niyang sabi habang hindi inaalis ang tingin sa librong binabasa niya.



"A-ano?"



Bored siyang tumingin sakin at tinuro yung double-deck na bed. "Doon ka sa taas." mariin niyang sabi. "Sa baba ako."



Wala akong nagawa kundi ang tumango nalang at naglakad papunta doon sa kama. Malaki naman eh. Queen sized both yung beds. His things are neat, infairness. Napatingin ako sa malaking cabinet at binuksan ito. Walang laman yung kabilang side kaya agad ko nang binuksan yung maleta ko and started to unpack.



Habang ginagawa ko yun, napapalibutan kami ng awkward silence.



"Senior ka din?" tanong ko. Ayoko naman kasing maging ganito lang kami forever. Besides, he's my roommate. I don't want us to be this cold towards each other.



Jongin glanced at me fast and nodded.



Yun lang? Aba. Aba. Mukhang sinusubukan niya ang socialization skills ko ah.



Napabuntong hininga ako. "Cold ka talaga?" i asked, not bothering to hide the annoyance in my voice. Eh nakakainis na kasi siya. Ako na nga tong nakikipag-usap sakanya, siya pa ang snob? Akala mo naman kung sinong pogi.



"I don't really talk much with strangers." he snapped and gave me a bored look, saka niya binalik ang tingin sa libro niya.



ANO RAW?! Strangers?! Aba! Gago to ah!



I glared at him. Sobrang YABANG! Sinara ko na yung maleta ko at tinago sa ilalim ng desk na mukhang sa akin. Isang mataas na cabinet ang nasa gitna ng mga desk namin kaya naman hindi ko nakikita yung mukha niya. Buti nalang.



Umupo ako sa upuan at nilabas yung notebook na binigay ni Mommy. Tama siya. Kailangan na kailangan ko talaga ito.




Journal entry #1:

I have an ice for a roommate! Swerte ko no? *insert ultimate sarcasm here*

Kala naman kung sinong gwapo! Duh. Mas cute kaya ako sakanya! Kaasar. Pasalamat siya... ARGH!

Bwisit parin siya. Kim Jongin. Pwe.




Sinara ko yung notebook ng medyo malakas kesa sa inaasahan dahil sa sobrang asar. Inilagay ko ito sa ilalim ng desk ko. Nilabas ko na din yung mga notebooks na binili namin ni Mommy dahil start na din ng classes bukas.



Napatingin ako sa pinto at ganun din si Jongin nang may biglang kumatok. Pero dahil ayokong umasa sakanya, tumayo ako agad para buksan yung pinto.



"Kyungie!"



"S-suho?!" gulat na sabi ko nang makita siya na nakatayo at nakangiti ng malaki sakin.



He's my cousin. Pero ampon lang siya. Which made us not really related by blood.



"Glad to see you here!" masayang sabi niya at hinila ako para yakapin ng mahigpit. I smiled at him and hugged him back.



"Ginulat mo naman ako." masayang sabi ko sakanya.



"Nakuha mo na yung books mo?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay. Umiling ako at ngumiti ng maliit. He then grabbed my hand and started to drag me out the room.



"T-teka!" angal ko. "S-saan tayo pupunta?"



"We'll buy." masaya niyang sabi at nag-thumbs up sakin. "At isa pa, marami kang iku-kwento sakin, Kyungsoo." he said and then winked.



Ay nako. Andito nanaman tayo sa interrogation niya.


















"So why did you come here?" tanong niya. "It's... dangerous."



Alam ni Suho na bisexual ako. He knows me too well and we're close kahit na siya ang kakompitensya ko sa negosyo. Siya kasi ang isa sa pinagpipilian ni Daddy na magmamana ng lahat ng ari-arian niya.



I looked down. "I have to." bulong ko. "For Dad. For the company."



Napatingin sakin si Suho at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. Naglalakad kami ngayon sa parang mini forest sa loob ng campus. Buhat niya yung mga librong binili namin kanina.



"Kyungsoo," simula niya at saka ako napatingin ulit sakanya. "My feelings for you... still didn't change."



I sighed and gave him a small smile.



Suho is inlove with me. Mas lalo lang lumakas ang loob niyang umamin sakin noong nalaman niyang ampon siya. Ayaw niyang manahin ang lahat ng ari-arian ni Daddy dahil ayaw niyang saktan ako. He chose me over all the money.



And yet... i can't love him. I don't love him.



"Suho... i can't." sabi ko habang nakatingin sakanya ng diretso. "I still don't love you the way you want me to."



He smiled sadly and nodded. "Alam ko." sabi niya saka siya bumitaw sa pagkakahawak sakin. "And it's risky. Lalo na't bawal ang ganito dito." he laughed bitterly and shook his head.



"That's one of the many reasons." sagot ko. "And... i have to prove myself to Dad. You know that."



Suho nodded and reached for my hair. Ginulo niya ito at ngumiti ng maliit. "I know, Kyungsoo. But... remember that i love you, okay? Andito lang ako whenever you need help."



I smiled sadly at him. "I can take care of myself, Suho."



"But still... i want to take care of you, too." sabi niya at nag-pout. "Please let me."



I then nodded and looked down. "Fine." i muttered. "Mukhang wala naman akong magagawa para pigilan ka."



He grinned. "You're right."



"Do Kyungsoo."



I looked back and saw Kim Jongin walking fast towards me. Napakunot noo ako at nagulat. Anong ginagawa niya dito saka anong kailangan niya?



"Kim Jongin?" gulat na bulong ko.



"Kai!" masayang bati sakanya ni Suho. "Bakit?"



But Jongin just gave him a nod. He looked at me and glared. "Kanina pa kita hinahanap." inis na sabi nito.



Inis ko din siyang tinignan. "Ano bang kailangan mo?"



"Inspection of dorm rooms." sabi niya habang nakatingin parin sakin ng masama. "We need to be there when the supervisor comes."



I pursed my lips and nodded at him. Kinuha ko naman yung mga libro ko kay Suho at binigyan siya ng ngiti. "We'll go ahead." sabi ko. "Bumalik ka na din sa dorm room mo."



Suho nodded and smiled back. "Yeah. See you around, Kyungie." then he waved and jogged away. Ibang building kasi ang dorm nila. First year college na siya. Nasa Senior high palang kami.



"Boyfriend mo?" Jongin asked which made me gasp.



"A-ano?!" gulat na tanong ko sakanya.



His face is serious. "Boyfriend mo?" tanong niya ulit sabay turo sa malayo nang Suho.



I shook my head. "Of course not!" mariin kong sabi sakanya. "Lalake ako, okay?! Lalakeng-lalake ako!"



"That's good." he said and nodded. "Or else, you might get expelled."



I glared at him. "Sinasabi mo bang bakla ako ha?!" i shouted at him although deep inside, sobrang kinakabahan na ako. Ano ba naman kasing tanong yan Jongi, ha?



"I didn't." seryoso niyang sabi.



I gave him another glare and walked faster, leaving him behind. Kaasar. Mukhang mahihirapan akong umarte sa harapan ng taong to ah. Grr.




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top